The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Chapter 40

748 29 41
By SheIsLexa

PINARADA ni Lence ang kanyang motorbike sa parking lot ng Woodsen, nginitian lang niya ang security guard, bilang isa na siyang Canley ngayon ay malaya na siyang nakakalabas pasok sa paaralan.

Agad niyang tinungo ang silid-aralan ng dalagang si Jennica. Nakasalubong pa niya si Oasis na hindi man lang siya pinansin and speaking of Oasis, paano ito nakilala ni Hannah? Dahil lang nasa iisang paaralan sila? Siguro nga . . . , sa isip niya

"Ouch!"

Dahil sa lalim ng iniisip ay hindi napansin ng binata na may nabangga na pala siya, "Miss patawad—Andrea?" tanong ni Lence sa nakabanggang babae. Marami itong dalang libro at tila ba nagmamadali.

"Erm . . . " tanging sambit ni Andrea habang pilit pa rin sinusundan ng tingin si Oasis saka niya binalingan ng tingin ang lalaking nakabangga sa kanya, " . . . do I know you? Hala—" tila nagningning ang mga mata ni Andrea habang nakatitig sa binata, "—ang gwapo mo."

"Sigurado ka bang hindi mo ako kilala? Ganyan din ang sinabi mo sa akin noong unang pagkikita natin." naa-amaze na saad ni Lence. Pinulot niya lahat ng libro mula sa sahig at ibinigay sa dalaga, "Ako si Lence Canley." he offered his hand na tinanggap naman ng dalaga

"Canley? As in Adrian Canley?"

"Kapatid ko siya."

"Wow. Kaya pala ang gwapo mo. Ah sino bang hinahanap mo rito?" 

"Si Jennica Mae Perez."

"Ah sige, sasamahan na lang kita kay Jennica." saad ni Andrea habang nakatingin sa papalayong si Oasis.

***

TININGNAN ni Hannah mula ulo hanggang paa ang babaeng katabi ni Lence pero pasimple niya lamang itong ginawa. Lalo na at nandito sa kanyang harapan ang lalaking pinakamamahal. Kanina pa nito hinihintay na dumating si Jennica at kanina pa siya naiinis dahil kanina pa nagkukwentuhan ang dalawa. Binasa niya ang pangalan ng babae na nasa ID nito, Andrea Borres-Patriar., napataas ang kanyang kilay. Dinagdagan kasi nito ng PATRIAR ang pangalan sa pamamagitang ng sticky letters na iba't iba ang kulay. Hindi naman siguro siya threat.

"Kuya Lence!"

"Jen . . . " abot tenga ang ngiti ng binata nang masilayan ang dalaga.

Agad na pumagitna si Reymond nang magtangka si Jennica na yakapin si Lence.

"Epal talaga." bulong ni Lence.

"May sinasabi ka?" maangas na tanong ni Reymond.

"Wala. Chill ka nga lang. Mag-nestea ka roon. Tabi nga, si Jen ang gusto kong kausapin."

"Ano ba iyon kuya Lence?"

"Hindi ba may salo-salo kayo mamaya? Nalaman kong wala ka pang kapares dahil may ibang kapares ang nobyo mo. Kaya gusto sana kitang yayain."

Agad na napatingin si Jennica kay Reymond na napaiwas lamang ng tingin. Ibinalik niya ang kanyang tingin  kay Lence at sinabing, "Sure."

Naiinis na napakuyom ng kamao si Reymond nang marinig ang sagot ng dalaga.

***

INAYOS ni Reymond ang pagkakakabit ng kanyang bow tie at napatingin sa salamin. Kinuha niya ang kanyang maskara at isinuot ito. Muli, tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin. He slightly smiled pero agad rin itong nabura nang maalala ang nobya. Mula kaninang umaga kasi ay hindi sila nag-iimikan. Napabuga siya ng hangin at kinuha ang rose na nasa mesa at inilagay ito sa kanyang tuxedo.

"Kuya? Let's go." kinatok ni Lil Saint ang kanyang kuya mula sa Unit nito.

Lumabas na nga si Reymond at nakita niya ang ever elegante niyang kapatid kasama ang nobyo nitong si Adrian. Nakasuot ito ng mahabang Fawn colored gown na may maraming fine pleaches sa baba. Nagmumukha itong dyosa na bumaba galing sa Mt. Olympus. Hindi siya sanay na pumuri dito kaya pinuna na lamang niya ang flaw ng kasuotan ng kapatid, "Are you even aware na halos magkakulay lang ang balat mo at ang damit mo?"

"Yes kuya. Thank you for the compliment." nakangiting saad ni Lil Saint, "Am I not beautiful babe?" nilingon niya ang kanyang nobyo.

"You're a goddess babe." then he kissed her forehead and offered his arms.

Si Jennica ko kaya? Anong itsura niya ngayon?, napangiti si Reymond nang maisip ang nobya kaya naisipan niyang silipin ito saglit sa Unit nito, "Lovebirds mauna na kayo. May pupuntahan lang ako saglit."

***

NAKABUKAS ang pintuan ng Unit ng dalagang si Jennica kaya pumasok na ng tuluyan si Lence. Ngayon ay nakatalikod sa kanya ang babaeng nakasuot ng Beige colored gown, kitang-kita ang kabuuan ng makinis nitong likuran na pinapalibutan ng maladyamenteng beads na nakakabit sa damit, "Jen?" 

Humarap si Jennica sa binatang bumanggit ng kanyang pangalan, "Kuya Lence . . . "

Lence was stunned. Hindi siya makapaniwala na may isang anghel na nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Mula sa maitim nitong buhok na kinulot ang dulo papunta sa damit nitong bumagay sa kanyang kutis hanggang sa sapatos nitong makinang ay napamaang lamang si Lence.

"Do I look awful?"

Saka lang bumalik sa riyalidad si Lence at napatingin sa mga mata ng dalaga, "Hindi. Ang ganda-ganda mo." inabot niya ang kanang kamay sa dalaga at sinabing, "Halika na?"

"Ah teka lang." kinuha ni Jen ang maskara na gaya kay Reymond. They have to wear a mask and it depends on which Code they are serving. In her case, si Reymond ang kanyang pinagsisilbihan. Isinuot niya ito at nakangiting tiningnan ang sarili sa salamin.

"Hindi mo na sana sinuot ang maskarang iyan." saad ni Lence. Bilang guest ay hindi naman siya required na magsuot ng maskara.

"Kuya Lence . . . "

"Oo na po." nakataas ang kamay na sambit ni Lence Canley. Lumapit siya sa dalaga at buong pagsamba itong pinagmasdan. Pareho silang nakatingin sa salamin at nakatingin sa mga mata ng isa't isa.

***

NAKITANG bukas ni Reymond ang Unit ni Jennica kaya naiintindihan niyang may tao pa sa loob. Dahan-dahan siyang lumapit dito at unti-unting sumilip sa loob.

Halos gumuho ang kanyang mundo nang makita niyang hinalikan ni Lence si Jennica sa labi at ang mas lalong nagpasakit sa kanyang damdamin ay hindi man lang tumutol ang dalaga. No, they're not making out but their lips are sealed with one another. Ilang segundo rin iyong nagtagal at nakatitig lamang talaga siya magkalapat nitong mga labi.

Nakita pa niyang ngumiti ang dalawa ay nagyakapan, hindi na niya kinaya ang sakit kaya't agad siyang napatakbo at pilit na pinipigalan ang luhang gustong bumagsak mula sa maiinit niyang mga mata.

Then suddenly he found himself standing in front of Daisy's Unit. Walang pagdadalawang isip na pumasok siya rito.

"Reymond? Ayos ka lang ba?" tanong ni Daisy sa binata nang bigla itong pumasok. Sinenyasan niya ang kanyang mga tagapag-ayos na umalis na muna.

Nahahapong lumapit si Reymond sa dalaga habang nakatingin lamang sa sahig. Ayaw niyang kumurap baka tumulo ang nagbabadya niyang mga luha. Nang makarating siya sa tapat ng babae ay napaluhod na lamang siya at sinabing, "I'm trying Daisy, can't she see that I'm trying? Bakit siya ganoon? Hindi ba siya makapaghintay na tuluyan kitang mapakawalan dito sa puso ko?!" he punched the floor at unti-unting dumaloy ang dugo mula sa kanyang mga kamay, "Pakiramdam ko, sa bawat oras na ginugugol ko sa paglimot sa iyo ay katumbas naman ng unti-unting pagkawala ni Jennica sa akin. Shit."

Lumuhod na rin si Daisy para matapatan ang umiiyak na mukha ng binatang si Reymond. She cupped his face at hinila ito palapit sa kanyang mukha. Hinalikan niya ang lalaki sa labi ng buong puso thinking, Enough Reymond. You've been hurt too much. I'm so sorry. Please, open your eyes. Open your heart., kung hindi dahil sa ama niyang si Diego Montes ay hindi sana pumayag ang binata na maging escort niya ngayong kaarawan niya. Reymond had sacrificed hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa ikabubuti ng kaibigan nitong si Martin.

Reymond ended the kiss then said, "I may offend you but . . . Jennica's kiss is a lot better."

Daisy smiled knowing that he already found his true happiness, "Kaya huwag ka ng mag-drama dyan. O siya alis. Nakabathrobe pa ako oh. Chupi!"

"Alam mo nakakawala ka ng momentum." nagrereklamong sambit ni Reymond sabay pagpag sa kanyang damit, "Can I say something crazy?" 

"Haha! Ano iyon?"

"Thank you for not loving me. Grabe! Nakayanan mo iyon?" nakatawang pang-aasar niya sa dalaga.

"That's an easy task. Duh . . . " ang dalaga naman ang tumawa at sinabing, "Pero Reymond salamat ha at pumayag kang maging escort ko? Kung hindi baka may nangyari ng masama kay Martin ngayon."

"What are friends are for?" saka siya tuluyang tumalikod at lumabas na ng Unit. Sumandal siya sa dingding  at kagat-labing napangiti, iniisip niya ang paghalik sa kanya ni Daisy. Ang weird kasi ni wala man lang siyang naramdamang kakaiba. Hindi katulad kapag hinahalikan niya si Jen, sumasabog ang puso niya sa saya at sa bilis ng tibok nito. Napailing siya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga  kamay at sinabing, "You're such a fool Reymond."

***

HALOS lahat ng ng mga tao sa loob ng Convention Unit ay magaganda at magagara ang suot and of course, hinding-hindi mawawala ang kani-kanilang mga maskara. Nasa kaliwang parte ang banquet na stand out ang chocolate fountain pati na ang cake na kulay itim na may pitong layers. Ang mga dingding ay punong-puno ng murals, karamihan dito ay mga mural ng iba't ibang maskara. May entablado sa harapan at may nakalagay na sampung eleganteng upuan na may iba't ibang kulay. Sa ibabaw ng sampung upuan ay isang upuan na kulay puti na kasing gara rin ng iba pang upuan.

Natutuwang inilibot ni Jennica ang paningin sa buong lugar. Bakas ang pagkamangha sa kanyang buong mukha.

Napatingin si Lence bigla sa pianista at biyolinista nang bigla itong tumugtog.

"That's the Beethoven Kreutzer Sonata. Ang gandang pakinggan ano?" saad ni Jen habang naka-angkla sa mga braso ng binata ang kanyang mga kamay. Masaya siya ngayon dahil nagkaroon na sila ng closure kanina, na tanggap na ng kanyang kababata na hanggang magkaibigan na lang talaga sila. They kissed, yes, but that's for confirmation. Curious din kasi siya kung ano nga ba ang nararamdaman niya para sa binata. After the kiss, she concluded that he's nothing more than her big brother na maaari niyang masandalan kapag kailangan niya.

Ngumiti ang binata nang makita niyang ngumiti rin ang dalaga. Kahit nasasaktan pa siya ngayon ay wala na siyang pakialam, ang mahalaga sa kanya ay masaya si Jennica, "Halika na. Let's find a spot."

"Wow. Napapa-english ka yata kuya?" natatawang pahayag ni Jennica habang naglalakad sila papunta sa isang table.

Napakamot na lamang ng ulo si Lence at sinabing, "Sinong hindi eh ang gara ng dinaluhan nating pagsasalo."

"Pagsasalo? Gosh. Nosebleed ulit kuya Lence!" 

Nagkulitan pa silang dalawa hanggang sa makarating sila isang table.

The music suddenly stopped at kasabay noon ay ang pagpasok ng buong ika-anim na henerasyon ng PS na pinangunahan ni Elizabeth Patriar. Para silang mga hari at reyna na wala ni isa ang gustong bumangga. They can be the most intimidating person ever. It's as if once you attempted to stand in their way, one deathly stare is enough to shoo you away.

Pasimpleng tiningnan ni Elizabeth si Dahlia Montes, kasama nito ang anak ni Rupert Canley na si Lence, Gorgeous., papuri niya rito at patuloy na naglakad papunta sa harapan. May naka-set na presidential seat para sa kanila sa ibaba, ang mga upuan na nasa entablado ay nakalaan para sa kasalukuyang henerasyon at sa bagong tagapagmana ng PS.

Sumunod na pumasok ang ikapitong henerasyon ng PS. They may not be as intimidating as the previous faction but they have an aura which says, 'Respect us or you'll be dead.' 

Nakatitig lamang si Jennica kay Reymond na napakagwapo sa suot nitong maskara at tuxedo. Katabi nito si Daisy bilang ito nga ang escort ng babae. She silently prayed na sana, masulyapan man lang siya ng binata. Na sana mapansin man lang ang kanyang ginawang paghahanda para sa okasyong ito. Pero hanggang nakarating na lamang sila sa entablado ay hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin ng binata.

Nang akala ng lahat na tapos na ang grand entrance ng mga Codes ay biglang bumukas ulit ang main door at iniluwa nito ang magandang binibini na nakasuot ng asul na damit, naka-braid ang buhok sa gilid na kinulayan pa ng dilaw. Galante din siyang rumampa kahit kating-kati na siyang kumembot, Sana pala catwalk na lang ang theme para marampa ko ng maayos itong aking Queen Elsa Attire., nevertheless, she held her chin up at ngumiti ng bonggang-bongga. Wala siyang suot-suot na maskara bilang siya naman ang may-ari ng PS at iyong pendant lamang ang kakailanganin niya bilang pagkakakilanlan niya.

"A-anong ginagawa ni Hannah dito?"

"Ewan ko." sagot ni Jennica sa kanyang kuya Lence. Maging siya man ay hindi makapaniwala sa nakikita, "Party crasher?"

"Ladies and gents, good evening!" paunang bati ni Elizabeth sa mga bisita, "To formally start our program, I'd like to present to you, the new Superior Authority of the PS Agency, the only heir of the Hartwells, Ms. Hannah Hartwell!" 

Sabay na nagkatinginan si Lence at Jennica habang sumabog ang masigabong palakpakan sa buong Convention Unit.

"Let the dancing begin." nababagot na pahayag ni Oasis bilang siya ang naatasan na mag-announce ng bagay na iyon.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

Continue Reading

You'll Also Like

606K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
774K 37.8K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.3M 59.9K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...
86.6K 2K 68
❝ Damn, finding a man who loves you more than himself is hard nowadays. ❞ Isa? Dalawa? Maraming beses na naging sawi ang puso ng isang Athena Minerva...