The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Chapter 39

701 37 33
By SheIsLexa

INIS na umupo sa sopa si Hannah. She crossed her arms at itinapon sa kung saan ang kanyang bag na Prada. She exhaled heavily at lumapit sa isang mesa kung saan nakapatong ang dalawang kulay puting banga. Naka-hang ang larawan ng kanyang mga magulang sa tapat ng mga banga. Kinuha niya ang banga ng kanyang ama at marahan itong hinaplos, "Dad bukas, I'll officially run your business, your legacy. Proud ka ba sa akin? Kayo ni mom?"

Five years ago nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa plane crash at simula noon ay siya na lamang ang namuhay mag-isa. Napagdesisyunan niyang umalis ng kanilang mansyon at bumili ng condo unit dahil nalulungkot lamang siya kapag naaalala ang mga magagandang ala-ala niya kasama ang mga namayapang magulang.

Her dad's name is Ivan Hartwell while her mom's Laura Hartwell. Sila ang mga Hartwell, ang nagmamay-ari ng ahensya ng Philosopher Stones.

Ang sabi ng kanyang ama sa kanya ay malilipat sa kanyang pangalan ang ahensya ng PS sa oras na tumuntong ng dise-otso ang Priestess Stone. Ito rin umano ang panahon na kikilalanin siyang may-ari at superior authority ng buong PS. Sa ngayon kasi ay na kay Elizabeth Patriar and superior authority ng ahensya, bilang wala pa sa legal na edad ang Priestess Stone ng ikapitong henerasyon para hawakan ang ahensya.

Napabuntung-hininga siya. She must not fail her parents. She loves them so much kaya gagawin niya ang lahat para ipagpatuloy ang naitatag nitong legacy.

Ibinalik niya sa mesa ang banga na naglalaman ng abo ng kanyang ama at sumalampak ulit sa sopa. "Jennica I really hate you." natawa na lamang siya bigla sa sinabi. Alam niyang wala siyang karapatang maging immature dahil isa siyang Hartwell at marami pang mas may makabuluhang bagay ang dapat niyang isalang-alang kaya lang hindi niya talaga mapigiling mainis sa dalaga.

Oo at alam niyang may plano ang Code Ideal na si Reymond na gawing Code Technique IV si Jennica ngunit alam din niyang may plano ang buong ika-anim na henerasyon na gawing Destructive Angel ang dalaga.

"Saan ka kaya mas mahihirapan?"

Since they were kids, kakompetensya na niya si Jennica Mae Perez sa lahat ng bagay. From school stuffs to popularity. The good thing is palagi niya itong natatalo. Pero bakit nga ba ayaw niyang tigilan ang dalaga gayong nagwawagi naman pala siya palagi? Dahil may iisang bagay na hindi niya kayang pagwagian mula rito. And what made it worst ay ang nag-iisang bagay na ito ay ang pinakamahalaga para sa kanya.

Napapitlag siyang nang biglang mag-ring ang kanyang telepono. Maybe it's him., saad niya sa isip saka sinagot ito, "Oasis?"

"Oasis? Paano mo naman siya nakilala?"

Nanlaki ang mga mata ng dalagang si Hannah nang marinig ang boses ng lalaki, "L-lence?" may kung anong saya ang dulot ng pagtawag ng binata. Naisip niya kung bakit siya nito tinawagan. Dahil ba nangungumusta ito? Dahil namiss na siya nito? O dahil gusto siyang makita nito? Alin man sa tatlo ay paniguradong makakapagpatili sa kanya, "Bakit ka napatawag?"

"Ano na naman ba ang ginawa mo kay Jennica?"

Napangiti siya ng mapakla, Kung ganoon nakapagsumbong na pala ang loser na iyon., "Stop defending her Lence. You're not her boyfriend."

Hindi umimik ang nasa kabilang linya dahilan para marealize ng dalaga na hindi niya dapat sinabi ang bagay na iyon.

"H-hey I'm sorry. I didn't mean to—"

"Utang na loob Hannah tigilan mo na si Jen. Bata pa lang tayo palagi mo na siyang pinapahirapan, ano bang naging kasalanan niya sa iyo?"

"Hindi mo ako maiintindihan."

"Hayan ka na naman eh. Tsk. Bahala ka nga, dating gawi na naman tayo. Nakakasawa." at tuluyan na ngang ibinaba ni Lence ang telepono.

"Lence . . . " sambit niya kahit alam niyang putol na ang kabilang linya, " . . . I love you." 

Dating gawi. Dating gawi na naman sila, aawayin niya si Jen tapos ipagtatanggol ito ni Lence, dating gawi. Napayuko siya at sinabing, "Why can't you notice me Lence? Bakit si Jen na lang palagi? Sabi mo nga, nakakasawa." hinilot na lamang niya ang kanyang sentido. That's why she hates that girl so much, dahil ito ang nagmamay-ari ng puso ng taong mahal na mahal niya.

"Anong kadramahan na naman ba iyan Ms. Hartwell?"

Napalingon siya sa nagsalita, ni hindi man lang niya napansin na nakapasok si Oasis sa kanyang condo unit, "Love problems." naiiling niyang sabi.

"My bad."

"Let's get down to business." sinenyasan niya ang binatang umupo sa single couch at siya naman ay umupo sa katapat nitong couch, "Alam na ba ni tito Diego kung paano mo nalaman ang tungkol sa Project Dahlia?"

"Yeah at papagalitan ka raw niya."

"Haha! Sorry about that. I was drunk that time. Haha!" natatawa niyang sabi. Sa lahat ng PS 7th Generation ay si Oasis lamang ang nakakakilala kung sino siya. Maliban na lang kay Reymond kung saan nagpakilala siya bilang isang Hartwell. Of course, ang dami-daming Hartwell sa buong mundo kaya siguro ni hindi inisip ni Code Ideal na siya ang tagapagmana ng PS, "So maayos na ba ang lahat?"

"Oo." tanging tugon ni Oasis kay Hannah Hartwell. Then he eyed for the pendant na nakaframe, nakasabit ito sa dingding na nasa likuran ng dalaga. It's gold with a shape of a diamond at may naka-engrave na PS. Ito ang legacy symbol na susuotin ng babaeng si Hannah bukas bilang opisyal na tagapagmana ng PS. "Advance congratulations." due to his curiosity ay pilit niya talagang inalam kung sino ang tagapagmana ng mga Hartwell then he ended up with this girl, "At good luck na rin."

"Ah, yeah . . . " napalingon na rin siya sa tinititigan ng binata, " . . . good luck to me." I'd have to deal with a bunch of stubbornly genuine people yet I'm still thinking on how to make Jennica's life miserable? Am I that beautiful? Hmmnn . . . the hell you are Hannah. The hell you are., lumingon siya ulit sa lalaki at kinindatan ito, "I'm off." saka siya pumasok sa kanyang kwarto at tuluyan ng nagpahinga.

***

"BWISIT ka!" sinuntok ni Jennica ang punching bag, imagining that it was that bitch's face. "Ugh!" paulit-ulit niya itong sinuntok. Tagaktak ang kanyang pawis pero hindi pa rin siya napapagod. Gustong-gusto niya talagang gulpihin ang babaeng iyon kanina pero pinigilan niya ang sarili baka kasi mapatay pa niya ito, eh kargo konsensya niya pa kapag nagkaganoon.

Agad namang nagtungo sa Training Unit si Reymond, alam niya kasing dito niya unang mahahagilap ang babae. Nang buksan niya ang pinto ay agad siya napatigil sa paglalakad. Laglag ang kanyang mga panga nang masilayan ang babae.

Jennica breathe heavily at huminto nang maramdaman niyang may pumasok. At alam niya kung sino iyon, iisang tao lang naman ang nakakapagpabilis ng tibok ng kanyang puso kapag nasa malapit ito. Nilingon niya ang binatang si Reymond at nasa kote niya itong pinapasadahan ng tingin ang kanyang katawan. She instantly blushed nang marealize na isang itim na sports bra at itim na cycling lang ang kanyang suot.

Panay ang lunok ni Reymond, he tried to take his eyes away from her whole being but to no avail, mas lalo niya itong pinagmasdan. Mas lalo siyang nainis sa kanyang sarili nang biglang humakbang palapit sa dalaga ang kanyang mga paa, Damn it. Think straight Reymond!, when they're only inches apart ay tinitigan na niya ito sa mga mata, "Why are you wearing like that?" iyan lamang ang kanyang naisambit. He mentally cursed thinking, Reymond you're a full pledged idiot.

Hindi inaasahan ng dalaga ang pahayag ng binata, akala niya kasi pupurihin siya nito, "Am I not pleasing to the eyes? Masyado bang malaswa?" malungkot niyang tanong sa nobyo.

"N-no! That's not what I mean." hinawakan niya ang baba nito na sana pala ay hindi na lang niya ginawa. He's now hypnotized by her almond eyes. Nakita niyang bumaba ang mga mata ng dalaga papunta sa kanyang mga labi, Somebody . . . please . . . help!, sa isip niya saka unti-unting umiksi ang pagitan ng kanilang mga labi.

"Reymo—"

Agad na napabitaw ang dalawa at sabay ding nag-iwas ng tingin.

Si Reymond ay lihim na nagpasalamat na hindi ito natuloy at si Jennica naman ay palihim na nagpapadyak at halos gusto na niyang gilitan sa leeg ang binatang dumating.

"Edward, anong sadya mo?"

"Ano . . . uhm . . . firstly, I want to apologize for such power interruption, I didn't mean to interrupt the spark and electricity that's running through your body systems. Secondly, the Priestess wants to see you. Thirdly—" hindi na natapos ni Edward ang sasabihin dahil hinila na siya ni Reymond paalis.

"Edward I love you!" sigaw ni Reymond nang tuluyan na silang makalabas ng Training Unit.

Hindi makapaniwalang umatras si Edward at tinakpan ang kanyang dibdib, "Bro. Mahal din kita pero—"

Binatukan ni Reymond ang kaibigan at sinabing, "Ulol."

"Haha! Bro, may joke ako."

"Ano iyon?"

Nagpatuloy na sila sa paglalakad papunta sa opisina ng Priestess Stone, "Mahal mo si Jennica."

Naghintay ng punchline si Reymond pero hindi na umimik pa ang kaibigan, "Nasaan ang joke roon?"

"Iyon na iyon." 

"Anong—" saka lang niya narealize kung anong ibig sabihin ng binata, "Aba loko ka ah?" babatukan na naman sana niya ito pero nakatakbo na pala ito palayo sa kanya.

"Hahaha! Bro tandaan mo lang na 'Some jokes are half meant'!" tuluyan ng tumakbo paalis ang binatang si Edward.

"Kuya? Are you ok?" tanong ni Lil Saint sa kanyang nakatulalang kuya.

Medyo nagulat pa si Reymond nang biglang sumulpot ang kanyang kapatid, "Lil Saint, paano mo nagawang palitan si Christian sa puso mo?" out of the blue niyang tanong dito.

Ngumiti si Lil Saint and clinged her arms to her brother, "Kuya hindi ko siya pinalitan. Sabihin na lang nating uhm . . . puno na ang closet mo tapos may nakita kang magagandang damit sa mall kaya ayun, binili mo. Pero dahil puno na ang closet mo eh hindi mo alam kung saan ito ilalagay."

"Anong kinalaman ng closet sa tanong ko?"

"Makinig ka nga muna!" hinampas niya ng mahina ang ma-epal niyang kuya saka nagpatuloy, "Kaya ayun, maiisipan mong magbawas ng mga damit, para lang magkaroon ng puwang ang mga pinamili mong damit. Pero mayroon at mayroon kang hindi itatapon, mayroon at mayroon kang papanatilihin. Maybe because may sentimental value ang damit na iyan o baka naman ispesyal ang nagbigay."

This time, naiintindihan na niya ang analogy ng kapatid kaya dahan-dahan siyang napangiti at napakagat ng kanyang mga labi.

"So you see kuya, iyong closet, iyon ang magsisilbing puso natin. Kapag mayroon ka ng ayaw maramdaman, mawawala rin iyon pagdating ng panahon. At kahit anong gawin natin, mayroon at mayroon pa ring mananatili, iyong mga magagandang bagay. At iyong mga bagong damit ay sumisimbolo sa mga bagong ala-ala which are worth to keep." 

"Ang dami mo ng alam Lil Saint."

"Maganda ako eh."

"Ang aga pa para mag-joke Lil Saint."

"Tse! Pero seryoso kuya, hindi mo kailangang palitan si Ate Daisy. Ang kailangan mo lang gawin ay bigyan si Ate Jennica ng mas malaking puwang sa dyan sa puso mo at hayaan mo siyang unti-unti itong sakupin hanggang mapasakanya na ito ng tuluyan. Sige kuya, aalis na ako. May lakad pa kami ni babe." aalis na nga sana si Lil Saint pero biglang dumating si Christian na may kaakbay na empleyado na nasa pangangalaga ni White Stone. 

"Sup bro!" bati Christian kay Reymond while biting the earlobe of his girl.

"Nakikiliti ako baby." malanding saad ng empleyado.

"Mas makikiliti ka pa mamaya baby." malanding tugon ni Christian.

Nakataas ang kilay na umalis ng tuluyan si Lil Saint.

Naka-crossed arms na tiningnan ni Reymond sina Lil Saint at Christian na naglalakad palayo in an opposite side. Maya-maya ay napakamot siya ng ulo at sinabing, "Pakialam ko ba sa kanilang dalawa? Libro ko ito. Doon nga kayo maglandian sa Book 2. Nyemas." nagwalk-out si Reymond at naiwang nakatulala sina Lil Saint at Christian.

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

Continue Reading

You'll Also Like

602K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1K 1.3K 55
Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to get there. Because, her parents doesn't h...
204K 3.8K 21
Dice and Madisson
794K 23.9K 21
(Painful Series #1) Do you know what is the worst feeling in this world? It is being unwanted by everyone. No one is caring.. No one is loving... You...