Protecting the Campus Royalti...

By Baepreshyy

7.5M 202K 41.5K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... More

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 20

86.4K 2.8K 523
By Baepreshyy

♢◆♢

Sasha's POV

---

Ilang oras na akong paikot-ikot dito sa mall. Nahihiya man ako pero inuuna ko ang paghahanap kay Marx! Paano ba naman kasi! Nawala yung lalaking yun bigla-bigla. Baka naging invisible tapos malalaman niyang nakasunod ako sa kaniya. Psh. O puwede namamg baka nag teleport!

Para akong baliw na paikot-ikot sa loob ng mall mahanap lang yung taong gusto ko. Haha! Oo na nga, gusto ko na siya.

Kanina pa ako hanap nang hanap at kanina pa rin ako nahihiya dahil sa suot ko. Hindi ko alam kung bakit heto pa ang sinuot ko eh.

Napabuntong-hininga ako at pumasok sa isang sikat na store para bumili ng pantalon. Binihis ko na yung pantalon na binili ko at nilagay ang aking shorts sa paper bag na nilagyan din ng pantalon.

May biglang pumasok sa isip ko. Tumakbo ako palabas ng mall at papunta sa parking lot. Alam ko yung plate number ng kotse ni Marx. Syempre ako pa!

Tinignan ko ang bawat isang sasakyan na naroroon. Nabunutan naman ako ng tinik nang agad kong makita ang sasakyan niya na hindi pa nakaalis. Naiiba kasi ang sasakyan niya sa mga sasakyan doon. Masyadong out of place.

Asan na ba 'yong lalaking 'yon?!

Inis akong bumalik sa loob ng mall at binalikan yung mga stores na napuntahan niya. Kung may nakakita lang sa'kin ay paniguradong iisipin nila na baliw ako dahil sa kakaikot sa loob ng mall tapos wala namang bibilhin! Pero bumili naman ako pantalon ah. Bahala sila dyan.

Pumunta ako sa isang sikat na bookstore at naghanap sa kaniya. Ang laki ba naman ng bookstore na 'to. Nandito na yata lahat ng libro eh.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong pamilyar na nakatalikod na lalaki. Napahinga ako ng malalim saka lumapit sa kaniya.
Sa likod niya.

"Andito ka lang pala." Wala sa sariling sambit ko!

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na sinabi ko yun! Taka naman siyang napalingon sa'kin habang hawak-hawak ang isang librong pang medisina.

Sasha?! ANG TANGA MO LANG!

Bakit ko ba kasi sinabi yun?! Hindi ba ako nag-iisip? Siguro nagtataka na itong lalaki na 'to kung bakit ko sinabi na andito lang pala siya. Baka isipin niyang sinusundan ko siya!

What the heck, Sasha?

"What?" Nainis agad siya.

"H-Ha? Ah ahehehe! A-Akala ko kasi i-ikaw yung... yung boyfriend ko." Goodness! Sana nga maging boyfriend kita. Hehehe.

Tumaas ang isang kilay niya. "Walang akala dahil nag-iisa lang ako."

Whuuut?

"H-Ha?"

"Tsk." Parang naiinis naman siya.

Seryoso niya masyado kaya ayun, iniwan akong nakatunganga rito at pumunta sa ibang bookshelf. May biglang sumigaw na babae pero agad ding napalitan ng mga bulungan.

"Ang gwapo niya.." Sabi nung isa na halatang kinikilig. 

"Oo nga eh!"

"Balita ko siya yung Second Prince ng Sky Hexton?" Sabi naman nung isa.

Napabuntong-hininga ako. Umalis do'n at pumunta kung nasaan si Marx. Isang bookshelf ang pagitan namin at nasa likod niya ako, pasimpleng nakasilip sa kaniya. Pasimpleng tinitignan ang likod ny---kyaaaaaaaaaa! Parang ang creepy ko na.

Bakit ba kasi Crush na crush ko siya?

"Seeshh." Napabuntong-hiningang sabi ko at inaalala ang guwapong pagmumukha ng nilalang na si Marx.

Nang makita kong pumunta siya sa counter para magbayad ay lumabas na ako ng bookstore at nagkunyaring nakatingin sa paligid pero ang totoo'y hinihintay ko siyang lumabas.

Maya-maya ay lumabas na rin siya dala ang pinamili niya. Gosh! As in Gosh! Pinagbubulungan siya ng mga babae. Etong si Marx naman wala man lang appreciation! Wala man lang pake alam sa paligid. Seryosong naglalakad lang. Hindi niya pinansin yung mga babaeng halos maluwa ang mata sa kakatingin sa kaniya. Bakit hindi niya man lang kawayan o ngitian? Ang seryoso masyado eh. May mga pumapansin at bumati sa kaniya pero wala talaga siyang pake alam!

Pasimple ko siyang sinundan. Alam ko na kung saan siya pupunta. Sa parking lot. So ibig sabihin uuwi na siya? Nalungkot ako sa sariling naisip. Nag eenjoy pa ako sa pagiging stalker ko. Haha! Nakakahiya man sabihin na isa na ako ngayong stalker. Psh! Part of the mission. Hays.

Kumunot ang noo ko nang mawala siya sa pangingin ko bigla dahil siguro lumiko siya pero... nandoon naman ang sasakyan niya sa kabila so bakit pa siya lumiko?

Sinundan ko na lang siya. Lumiko rin ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humablot sa braso ko at dali-daling pinahinarap sa kaniya!

Oh my goodness!

"Stalking me, huh?!" Parang inis na sabi niya.

Kinabahan agad ako. Sht! Bakit ganito? Ang lapit-lapit namin sa isa't isa. Nakikita ko yung mukha niyang napakaguwapo! Pero parang galit ang guwapong ito sa akin!

"H-Hindi ah!" Pagsisinungaling ko at binawi ang aking braso.

Nagsalubong naman ang kilay niya. "Why are you following me huh?!" Inis pa rin na sabi niya.

"Hindi nga kita sinusundan!"

"Really, huh?"

Bakit ba puro nalang sya Huh ng Huh?

"Tsk. Kung hindi mo ako sinusundan bakit-"

"Hindi nga! At p-puwede ba, Marx?! Wag kang mag assume!" Best actress na talaga ako. Pinairal ko ang aking kapal ng mukha para hindi ako mauutal kapag nabuking niya ako.

NABUKING NIYA AKO?

Oh my goodness. Nakakahiya!

Nakakahiya talaga. Nabuking akong sumusunod sa kanyia! I'm a certified stalker! Iisipin niyang katulad din ako noong mga fan girls niya.

"One last time I'm gonna ask you, why are you following me!" Iritado niyang asik.

"Kasi nga.." Nahihiya talaga ako. Buking na nga ako, magsisinungaling pa ba ako? Stalker na nga, sinungaling pa!

"Kasi, what?" Inis na inis na aniya habang hinihintay ang sususnod kong sasabihin.

"Kasi nga crush kita!" Gusto kong tumili pero napapikit ako sa kahihiyan. Ramdam ko ang puso kong kumakalabog. Seriously, Sasha? Ikaw pa talaga ang nag confess?

Alangan namang siya ang mag confess eh wala naman siyang feelings sa'kin... so ako na lang dahil crush ko naman talaga siya!

Ang kapal talaga ng pagmumukha ko, no? Pero maganda naman.

Hindi siya nagsalita kaya dinilat ko ang aking mga mata. Nakatitig siya sa'kin. Napalunok ako.

"Whatever," aniya at tinalikuran ako.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng kotse at mabilis na umalis. Napabuntong- hininga ako at naglakad papunta sa aking motor. Grabe. Hindi man lang siya na apektuhan sa confession ko pero sino ba naman ako diba? Duh. Malamang sanay na 'yon. Whatever daw kasi eh.

Bago ko patakbuhin ang motor ko ay sinuot ko muna ang aking bluetooth headset saka tinawagan si Axiesse habang nagmamaneho.

"He got home safe," unang sinabi niya pagkasagot ng tawag ko. "Good job."

"Ax, paano mo nga pala nalaman?" Tanong ko sa kaniya. Alam kong nilocate niya 'yong mga 'yon. Naalala ko rin pa lang ang dami paraan para gawin 'yon. At hindi na pala bago 'yon sa amin.

Napabuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Kinuha ko number nilang apat-"

"Talaga!?"

"Oo-"

"Pahingi naman oh!! Omygosh! Pero teka, paano mo naman hiningi?!"

"Alam mo, ang dami mong tanong! Babye na nga. Mukhang nagmamaneho ka pa!" Aniya sabay baba ng linya. Ay.

Mas pinabilisan ko pa ang pagmamaneho papunta sa apartment ni Axiesse. Buti na lang at nakalusot ako sa mga sasakyan. Grabe talaga ang babaeng 'yon. Parang ayaw niya ibigay! Hihingi lang eh.

Gustong gusto kong hingin ang number ni Marx sa kaniya. Hihingin ko kay Axiesse ng personalan pero kung ayaw niyang ibigay edi... pipilitin.

At itetext ko siya haha! Humanda ka, Marx.

Crush na crush ko talaga ang lalaking 'yon. Ang lakas niya naman kasi makahatak.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 693 52
Empyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the R...
7.3K 242 57
Nyder Christopher Veromonda is known for being a campus heartthrob since its high school days. He's a desirable man and an Ideal. He has a drooling l...
41.3K 5K 33
Started: November 10, 2017 Ended: June 2, 2020
1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peรฑablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...