The Billionaire's Adopted

By leexhian

323K 10.1K 1.1K

(Rating 16-18+) Malambing at masayahin si Alana. Ang kanyang ina ang tanging pinakaimportanteng tao sa buhay... More

AUTHOR'S NOTE
1 Knight In The Night
2 Scandalous
3 No Goodbyes
4 Acceptance
5 Etiquette
6 Abandoned
7 Noise and The Girl
8 The Letter
9 A Tactic?
10 Stray
11 Guilt
12 Guilty as Hell!
13 Alone But Still Lucky
14 Glance and there...
16 Her New Home
17 Problem? Solve!
18 Training
19 Call Me Your...
20 Enroll
21 She's Ready
22 Daddy's Identity
23 Struggle at School
24 Daddy's Friend
25 Two Daddies?!
26 "Karma"
27 Gossip
28-29 Training
30 Etiquette For A Reason
31 Reasoning
32 The Calm Before The Storm
33 The First Impression
34 Lies and Explanation
35 The Touch
36 The Mama
37 The Clueless Son
38 The Papa
39 Bewildered
40 Be Worried
41 Out of Focus
42 Sneaking Out
43 The Secret Party
44 Regret
45 Discipline
46 Dodging
47 Conscience
48 Boyfriend?!
49 Unexpected Encounter
50 Twinkle Night
51 Boring

15 The Condition

12.5K 416 32
By leexhian

[ALANA]

"Alana, paki-dala nga itong mga drinks sa table ten."

"Opo!" maingat niyang dinala ang iilang mga inumin.

Dalawang linggo na siyang nagtatrabaho dito sa club. Unang sabak pa lang medyo hindi pa niya masyadong natatandaan lahat ng mga tinuturo ni Alice at iba pang mga kasamahan niya dito pero sa katagalan, natutunan niya rin at hindi naman pala mahirap ang ginagawa niya.

Ginawa niya ng mabuti araw-araw ang kanyang trabaho para hind imaging sakit sa ulo ng mga kasamahan niya lalo na ang kanilang boss na si Papa Bear. Mabuti na lang, pinuri siya nito at sabi madali lang daw siyang turuan at magiliw siyng nakikipagusap sa mga customer.

Sa totoo lang, nagaganahan siya sa kanyang estado ngayon. Hindi kagaya noon na palagi na lang siyang nasa kwarto at hindi man lang niya nakakausap ang mga katulong. Diyan lang siya papansin kapag pinaghandaan siya ng pagkain at kung ano pa. Mas magaan ang loob niya dito. Hindi lang siya nage-enjoy sa kanyang trabaho, meron din siyang nakakausap na ibang tao. Dahil sa uri ng kanyang suot na maiksing palda, at putting t-shirt na halos kita na ang kanyang bra, hindi maiiwasan na mapatingin lalo na ang mga lalaking customer sa kanyang dibdib. Hindi naman siya binabastos at sinasabihan ng kung ano-ano kaya hindi na lang niya pinapansin ang mga tingin nito. Pero minsan, nakakaramdam din siya na may hinihipo sa kanyang beywang at pwetan. Hindi siya sigurado pero ang sabi ni Papa Bear, kung may mangyayaring ganyan, huwag na lang daw niyang papansinin dahil lahat naman ng mga tao dito ay nakainom. At kahit magreklamo siya, wala naman siyang magagawa dahil customer ang mga ito at siya naman ay waitress lang.

Nakapagsimula na rin siyang magipon. Dahil pumayag sila Alice at Cheska na doon muna siya titira, malaki ang natitipid niya. Kailangan din niyang magbigay ng pera para sa pagkain at iba pang kakailanganin. Wala siyang reklamo basta't nagiging maganda na ang kanyang kinatatayuan.

Hindi na talaga siya makapaghintay na makauwi. Konting ipon pa at kapag nakakalap na siya ng impormasyon saan ang kanyang address, uuwi agad siya. Miss na miss na niya sila Aling Martha at Ate Julia. Siguradong magugulat ang mga 'yun kapag nagkita sila ulit.

"Alana, bagong orders. Pakidala naman sa table twenty one, please."

"Opo! Ako na po ang bahala!"

Pagkatapos niyang dalhin ang mga orders sa mga customers, naghihintay siya sa bar counter para sa susunod niyang tray ng may dalawang lalaking lumapit sa kanya.

"Bago ka lang ba dito?" tanong ng isa sa kanya.

"Ngayon ka lang kasi namin nakita dito."

"Opo. Dalawang linggo pa lang ako nagtatrabaho dito." Magiliw niyang sagot sa dalawa.

Pansin niyang tinitignan nito ang kanyang kabuuan mula ulo hanggang paa. "Kaya nga napansin naming dalawa na parang ngayon ka lang namin nakita. Too bad kasi masyado kaming busy sa trabaho."

"He's right. Kung hindi pala kami pumunta dito, hindi ka namin makikita. You're pretty by the way. Anong pangalan mo?"

"Um, Alana po."

"Alana? Nice name. Pagkatapos ba ng trabaho mo, may gagawin ka pa ba?" tanong sa kanya.

"Wala. Uuwi ako agad para matulog. Bakit?"

"Wala na naman." Ilang segundo itong hindi nagsalita. "If you don't mind, meron kasi kaming problema."

"Problema? Saan?"

"Ano kasi... may problema kasi kami baka gusto mo kaming tulungan. Promise, sandali lang ito."

"Saan ba?"

"Sa labas. Sandali lang talaga ito. Kailangan lang talaga namin ng tulong mo. Okay lang ba?"

"Um... sige. Kung sandali lang naman."

"Great! Halika at ipapakita namin sa'yo."

Sumunod siya rito. Sandali lang naman kaya pumayag siya. Customer niya ito kaya hindi siya pwedeng umayaw.

Dinala siya nito sa likuran ng club sa may parking lot. Tumigil sila sa isang sasakyan at binuksan ng isang lalaki ang pinto ng kotse.

"Saan ba 'yung ipapagawa ninyo sa akin?" tanong niya.

"Nasa loob. Hinahanap kasi namin ang susi ng kasama ko pero hindi namin mahanap. Since maliit ka naman, baka pwede ikaw na lang ang titingin baka mahanap mo."

Nagdadalawang isip man siya pero... "Si-sige."

Papasok siya sa loob ng biglang may humawak ng mahigpit sa kanyang braso. Natigil siya at sa kanyang paglingon, isang lalaki na galit na galit na nakatingin sa kanya.

"Hey!" sigaw ng isa sa mga lalaking kasama niya. "Anong ginagawa mo?!

"Can't you see may ginagawa kaming importante dito?!"

"Important? You mean to kidnap this girl?"

Nagulat ang dalawa at hindi makapagsalita. Nagpatuloy ang lalaki. "You're trying to lure an innocent woman para sa mga ka*ga*guhan ninyo? Ganyan ba ka-atat 'yang mga ari ninyo para gumawa kayo ng krimen?!"

"Huh? It's not like we do that shi---"

"Sure you would. Cause if you do something like this again, I will make sure your precious dic*ks will be cut off!"

Bigla siyang hinila ng lalaki papalayo hanggang makarating sila sa kabilang bahagi ng club. Hingal na hingal siya dahil sa bilis ng paglalakad nito. Hindi rin niya kayang mapakawalan ang sarili dahil sa mahigpit nito pagkakahawak sa kanyang braso.

"Ganyan ka ba?!" sigaw nito sa kanya. "Ganyan ka ba na basta-basta na lang sumasama sa ibang tao? Na hindi mo man lang inalam anong kailangan nila sa'yo? Gosh! Are you... are you that naïve?!"

"A-ano kasi..." Ano daw?

"Papaano kung sumakay ka sa sasakyan nila? Alam mo ba saan ka nila dadalhin? If I didn't get here in time, edi dinala ka na kung saan-saan! What? Wala ka bang sasabihin?"

"Um..."

"Ba't ka ba sumama sa kanila?"

"Ano kasi, humingi sila ng tulong sa akin kaya pumayag at sumama ako. Ang sabi sa akin, kapag nasa harapan ko ang customer dapat maging magalang at aliwin ko sila."

Parang hindi yata ito masaya sa sinabi niya. Napahinga ito ng malalim.

"Teka, sino ho ba kayo?"

Nagulat ito. "You don't remember--- hindi mo ako natatandaan?"

Umiling siya.

"Fine. Ako lang naman ang may-ari ng bahay na pinasukan mo."

Natatandaan na niya ngayon. Ito pala ang may-ari ng bahay na iniwan siya ng kanyang ama.

"So, natatandaan mo na?"

"Ah, oo. Pero, hindi naman ako pumasok para gumawa ng masama. Ang sabi kasi ni Papa na doon muna---"

"Yeah, yeah, alam ko na 'yan. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka umuwi sa inyo?"

"Umuwi nga ako. Salamat pala sa binigay mong address at konting pera. Nakauwi naman ako sa bahay pero pagdating ko doon, wala ng tao. Mukhang inabandona na ang bahay ni Papa pagkaalis nito papunta sa malayong lugar kaya nakapagpasya ako na maghanap ng lugar na matutulugan at mabuti na lang nakahanap din ako ng trabaho." Kwento niya.

"Kaya napagpasyahan mo na maging waitress sa isang club?"

"Oo. Hindi ko naman ito desisyon. Napadpad lang kasi ako dito at may nakilala ako at tinulungan ako. Nang malaman niya ang nangyari sa akin, kinupkop niya ako at tumulong na makapasok ako sa pinagtatrabauhan niya."

"Pwede ka naman umuwi sa inyo? Sa totoong tirahan mo."

"Sinabi ko na nga 'di ba na hindi ko alam o natatandaan saang isla ako nakatira. Kaya nga nagiipon ako ngayon para makatulong hanapin ang address at kapag nahanap ko ang totoong address ko, uuwi ako agad."

"Okay, kuha ko na. Gusto ko, umalis ka na sa pinagtatrabauhan mo. Kailangan mo ng mag-resign."

"Umalis?! Hi-hindi pwede! Kailangan ko ng trabaho para makapag-ipon ako ng pera." Pinaalis na nga siya nito sa bahay pagkatapos sasabihan pa siya na umalis sa trabaho niya? Nahihibang na ba ang lalaking 'to?

"Baka mapano ka pa dito. Hindi mo ba nahalata ang gagawin nila kapag sumakay sa sasakyan ng taran*ta*dong 'yun?"

"Wala naman nangyari sa akin dito, ah!"

"Wala? Na kidnapin ka ng dalawang 'yon? Iyon ba ang gusto mo?"

"Wala ngang nangyari sa akin. Meron lang pinapatulong ang dalawa pero inistorbo mo."

"Abat---!" Huminga ulit nito ng malalim. "I need to calm down. What's wrong with this woman?"

"Hindi kita maintindihan. Babalik na ako sa loob baka hinahanap na ako doon." Tatalikod na siya ng bigla ulit siyang hinawakan sa braso para pigilan siya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong niya.

"Hindi pa tayo tapos magusap. Okay. Sorry sa inasal ko kanina. Ang gusto ko lang na kailangan mo ng mag-resign dahil... dahil..."

Hinintay niya ang susunod nitong sasabihin pero mukhang nagiisip pa ito. "Sir, kung aalis ako saan naman ako pupunta? At saan naman ako kukuha ng perang gagastusin ko? Eh, ano naman ang sasabihin nila Alice at Papa Bear kapag sasabihin ko sa kanila na aalis na ako sa trabaho?"

"Papa Bear? Whatever it is, kailangan na kailangan mo ng umalis dito. Nandito ako dahil tumawag sa akin ang Papa mo."

"Si-si Papa? Tumawag?!" Totoo ba ang sinasabi nito. "Nasaan na siya? Kumusta na siya sa trabaho niya? Anong ginagawa na niya ngayon?"

"He said na sorry dahil hindi nito pinaalam sa akin agad na darating ka at tungkol naman sa pakiusap niya na doon ka muna sa bahay, nakiusap siya at... walang problema. Doon ka muna sa bahay titira."

"Ta-talaga?"

"Habang hindi pa nakakauwi ang Papa mo, doon ka muna sa bahay. Gusto mo ikaw ang tagalinis ng bahay, sige ikaw ang bahala. May sarili kang kwarto, Kahit ano pwede mong gawin."

"Ga-ganoon ba?" Masaya siya na tumawag ang kanyang ama pero bakit nalulungkot siya?

"Payag ka ba? Or meron kang gustong request or kahilingan, ibibgay ko para pumayag ka lang."

Nagisip siya kung ano ang gusto niya. Meron, meron nga siyang gusto.

"Gusto ko sana..."


To be continued.

"I'm so, so sorry sa recently revision at maraming dagdag sa chapter na ito. Medyo naghalo-halo na ang mga iniisip kong mga susunod na mga scenarios sa kwento. Recently din, napapansin ko na marami na ang nagaganahan na basahin itong THE BILLIONAIRE'S ADOPTED. Kaya naman sa abot ng aking makakaya, magaUpdate ako para mas mage-exciting at mas gaganahan kayo tangkilikin ang kwentong ito. Sobrang malaki ang tulong ng inyung suporta para pursigido pa akong magsulat ng kwento. Salamat po!" -L.X.

If you like the story so far, kindly leave a VOTE and also COMMENT what your thoughts about the story. See you in the next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

955K 18.6K 27
I have a perfect life. A sweet and caring boyfriend. It was like a fairytale. Until one day, a worst thing happened in my life I was raped... ©June2...
492K 11K 38
Elysian Corrins (1) In an ocean crowd where everyone waiting for the King to choose them as his Queen, there this woman who stand out and for the ver...
930K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
110K 2.7K 44
Ano nga ba ang higit na mahalaga? Ang tawag ng bokasyon... o Ang tawag ng pag-ibig? (Pinalitan ko lang ang title at ang description. Ito pa rin yun...