Protecting the Campus Royalti...

Galing kay Baepreshyy

7.5M 202K 41.5K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... Higit pa

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 11

90.8K 2.9K 169
Galing kay Baepreshyy

★ ★ ★

Zell's POV

---

"Girls Come in..Welcome to Special Class..." Sambit ng Adviser nila.

Pumasok kaming apat doon pero bago pa man ako makapasok ay tinignan ko yung pintuan nila.

Napalitan na ng bago yung pintuan nila dahil nasira yung isa. Napangisi ako habang nakatingin doon sa doorknob na ngayon ay bago na.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad na tumama ang paningin ko kay Wayne. Nag-iwas agad ako ng tingin nang tumingin rin siya sa'kin. Bumaling ako sa Adviser nila.

"Top 4?" Tawag ng kanilang Adviser.

Agad silang tumayo at lumapit sa'min. Taka naman ako nang lumapit sila. Syempre, hindi ko alam kung bakit kailangan pa nilang tumayo at harapin kami! They're standing professionally in front of us.

At sa wakas...

Nagkaharap na kaming walo. The Campus Royalties and their secret protectors.

Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan namin silang protektahan nang hindi nila nalalalaman. Ito ang kauna-unahang uri ng misyon na gagawin namin. Malayo 'to sa mga misyon na nagawa namin noon sa ibang bansa.

"Welcome to our Section..." Si Zae ang nagsalita. "I'm Zae Clinton Maximo," he said with full authority.

"I'm Marx Limmson, welcome..."

"And Klenth Sejin Aspinne.." Salubong ang kilay ni Klenth nang nagpakilala siya. Like irritated or something.

Isa-isa silang nagkipagkamay sa'min. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa pagitan ng mga mata namin nang pormal na namin silang nakaharap at nakilala ng harapan. Unlike our first meeting, it was messy. 

"My name is Wayne Ford Laurent..." Nakangiting dagdag ni Wayne.

Tanging siya lang ang may pinakamatinong pagpapakilala. Mukhang tama si Axiesse sa observation niya. Mukha naman kasing mabait 'tong si Wayne eh. He looked very polite and glad welcoming us.

"Nice to formally meet you," si Axiesse.

Ngumiti naman si Wayne. Tipid na ngiti naman ang kay Marx. Si Klenth naman ay nanatiling salubong ang kilay. Si Zae ay parang wala lang paki alam.

"Girls, they're our Campus Royalties," Si Adviser. "Sila ang first four na nakapasa sa examination and guess what? They're just new students here," manghang sabi ng Adviser. "First four please meet our Top four slash Campus Royalties..."

The heck? First 4 and Top 4? Bakit ba ang daming baduy ngayon?

Sa hindi inaasahan, nagtama ang mga mata namin ni Wayne. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at kinagat ang pang ibang labi. He looked at my friends and smiled politely.

"I guess.. si Klenth Sejin Aspinne ay ang Campus Bully po diba, Ma'am?" Biglang nagtunog sarkastiko si Yumie dahilan para mas lalong sumalubong ang kilay ni Klenth! Oh my gosh. I can sense another war.

"Ah? Really? But...he's a Campus Prince..." Naguguluhang sabi ng Adviser.

"Kaya nga po siguro naging Campus Prince po siya dahil siya siguro ang prinsipe ng pambubully..." Sarkastikong dagdag ni Yumie. May narinig pa akong mga nagpipigil ng tawa! "Siguro diba, Ma'am?" Pa-inosente niyang sabi.

Hindi naman nakasagot ang mga Campus Royalties lalong-lalo na si Ma'am Adviser. Ang mga magiging kaklase naman namin ay palihim na bumungisngis but some of them are already glaring at us.

"Ah... hehe—by the way, your class will start in any minute. Maiiwan ko na muna kayo dyan dahil paparating na ang susunod na lecturer," Wika niya at lumabas na ng room.

Nang makalabas na si Ma'am ay tsaka kami bumaling sa apat na lalaking kaharap namin. Apat sa apat. Parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa mga titig namin sa isa't-isa.

"Nice to finally meet you again, Campus Royalties," Axiesse said with a slight smirk on her face.

Tumaas naman ang kilay ni Zae. Si Marx ay wala lang. Si Klenth na nanatiling salubong ang mga kilay at si Wayne naman ay nakangiti.

"N-Nice to meet you again, too," ani Wayne.

"I'm Axiesse Mendzelle," Tipid na ngiti lang kay Axiesse. "And here's Sasha Yoon," tinapik niya ang balikat ni Sasha. "Naeyumie Del Vosta and Stawnzell Stewart..." Pagpapakilala niya sa'min.

Wayne smiled more, like very innocent. Si Marx naman ay tumango lang habang si Zae ay nagtaas ng isang kilay. Gano'n pa rin ang mukha ni Klenth, nakasalubong ang kilay. Hindi ko nga alam kung anong problema nyan eh.

Nagsipagtanguan naman kami at luminga naman ako sa loob ng classroom para maghanap ng mauupuan.

Mabilis akong nakahanap ng  mga upuan. Inaya ko naman ang mga kaibigan ko na maupo. Palagi nalang kasi ako yung nagyayaya sa kanila.

Nauna na akong naglakad sa likod at sumusunod naman sa'kin si Sasha at Axiesse. Dire-diretso akong naglakad sa likod at hindi na tiningnan ang iba nang may biglang kumalabog sa sahig.

"Ahh!"

Napalingon agad ako sa likuran. What the hell? Umugong ang matinding tawanan sa buong Special Class. Like they find it really funny! 

Nadapa si Yumie sa sahig. Mabilis siyang tumayo at hinarap si Klenth. Away na naman ba 'to?! Hay naku!

"Ano bang problema mo, ha?!" Galit na sigaw niya at tinuro-turo pa si Klenth.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit ka ba kasi nandito sa section namin? Sinusundan mo ba talaga ako ha-"

"Klenth, tama na 'yan," pagpigil sa kaniya ni Wayne. Buti pa itong Wayne na 'to.

Tinapunan lang ng tingin ni Klenth si Wayne saka bumaling naman kay Yumie na pulang-pula ang mukha dahil sa galit.

"Ang Assuming mo rin, pare, eh noh? Ikaw sinusundan ko? Kadiri. Bakit ko gagawin 'yon-"

"Eh bakit ka nga nandito? If you're not following me—bakit ka pa nagtake ng exam?!"

"Eh syempre gusto kong mag aral. Gusto kong maranasan ang Special Class! May reklamo ka ha? Ang kapal talaga ng mukha mo-" Galit na sambit ni Yumie.

"You're a stalker, ikaw ang makapal. It's irritating!"

Pinigilan namin sila. Pinigilan din ng mga Campus Royalties ang kanilang kaibigan. Klenth and Yumie are glaring at each other. Grabe. Hindi ko gets kung bakit naging Campus Royalties si Klenth at ganyang ang ugali. Napahilot ako sa sentido ko.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang klase at habang nagkaklase ay isa lang ang masasabi ko.

Grabe.

Parang mabubuka na ang utak ko!

Ang hirap ng mga leksyong itinuturo nila rito kumpara sa dati naming section. Talagang advance ang eskuwelahang 'to kung magturo pero mas advance pala 'tong section na 'to!

Hindi pa man ako nakaka get over kahapon sa sobrang pagiging abala namin dahil sa pag-aral para exam ay may panibago na namang isasaksak sa utak. Sumasakit ang ulo ko. Jusko naman.

Totoong pinaghirapan talaga namin ang makapasok sa section na 'to. Halos hindi na ako makakain noong mga oras na nag aaral ako. Si Axiesse nga eh, medyo nahirapan daw siya habang nag-aaral pero dahil sa pagkaing bitbit-bitbit niya tuwing mag-aaral ay nagiging madali lang sa kaniya ang lahat.

Sa ngayon ay parang puputok ang ulo ko maka-catch up lang sa mga topics nila. Mas lalo na kung sa subject na math!

Ugh. I hate math. Talagang-talaga. Ewan ko ba. Kapag nagegets ko naman yung mga topic sa math ay nagugustuhan ko ang subject pero mas lamang sa'kin ang hate. Hindi katulad ni Yumie at Sasha na parang isang pitik lang nila ang math. Si Axiesse ay siguro nahihirapan din pero nagegets niya naman.

Pero paborito ko talaga ang Science. Kahit hindi ako palaging nagsasalita ay marami akong sinasabi sa isip ko. Lalong-lalo na noong mga oras na magtatanong si Ms. Aragon at sinasagot ko lang 'yon gamit ang isip ang aking isip. Hinahayaan ko na lang ang iba.

Mabilis na lumipas ang oras at lunch time na namin. Syempre, pagkalabas namin sa room ay maraming nagtitinginan sa'min. Ang mga tingin nila ay parang nagtatanong, nagtataka, naiinggit, basta masama ang tingin nila sa'min. Hay naku.

Pagkarating na pagkarating namin ng canteen ay agad kaming nanibago. Ang canteen ay mas lalong naging malawak.

Sa gilid ng canteen ay may mahabang mesa at duon nakapatong ang mga pagkain. Parang nagpapa-cater lang. May pa buffet talaga.

Napatingin ako kay Axiesse na nakatingin din doon. Nagkikislapan ang mga mata niya dahil nakakita na naman ng pagkain. Marami nang estudyante rito. May mga maiingay, tahimik at kumakain na lang. Naghanap kami ng upuan. Sakto namang dumating sina Arjie at Cherwin.

"Oy! Namiss ko kayo!" Bungad ni Cherwin sa'min. "Kawawa si Ms. Aragon kanina! Parang tuta na nawalan ng amo! Hinahanap kayo kanina. Haha!"

"Truelalu. Kawawa nga na parang tuta pero parang dragon naman dahil napaka bad mood!" Nanlalaking mata na sambit ni Arjie. "Harujusko! Taray niyo ah! Kayo raw ang First 4 na nakapasa! Ang talino niyo naman! Pengeng brain cells mga, teh! Usap-usapan kayo sa buong Campus."

"Hehehehe! Buti nga nakapasa kami eh! Isang araw lang kaya ang nagamit namin para makapag aral!" Pagmamayabang ni Sasha.

"Eh diba sabi niyo, hindi kayo magte-take ng exam? Baket parang biglaan ata? Nabagok ba kayo at narealize niyo na gusto niyong makita ang T4?" Natatawang wika ni Cherwin, nang-aasar.

"Psh!"
"Tsh"
"Tsk."
"Tssh."

"Sabay-sabay talaga!?" Tumawa si Arjie. Nagkatinginan kaming apat at sabay-sabay na natawa ng mahina.

"Gutom na ako, tara," yaya ni Axiesse at tumayo.

Tumayo kaming lahat taka pumunta doon sa mahabang lamesa. Kumuha kami ng plato. Ang bigat ng plato. Syempre, babasagin kasi eh. Bawat putahe ay may mga taong naka-puti na magseserve sa'yo. May birthday ba dito? Bakit nabago? Nawala ata yung mga tindera rito.

"Magkano 'to?" Tanong ni Axiesse sa nagseserve.

"Libre po lahat, Ma'am. Eat all you can," masiglang sagot nito. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Seryoso? Weeh? Di nga? Libre lahat ng 'to?!" Di makapaniwalang tanong ni Sasha habang nanlalaki ang mga mata. "Libre ba lahat?" Dagdag niya pa.

Mabilis niyang naagaw ang atensyon ng lahat ng nandito sa canteen. Ang iba ay nagtatawanan. Ang iba naman ay para bang nadidiring tumingin sa'min. May ilan din na nagbubulungan sabay tawa. Ang lakas kasi ng boses niya.

"Yes, Ma'am," sagot nung nagseserve.

"Oh? Hindi ka makapaniwala noh?! Hahaha! Ang poor niyo naman kase!" Bigla nalang sumulpot ang sinasabi nilang si Tracey. "Diba sabi ko sa inyo ay dapat wala na kayo dito ngayong lunes?!" Galit na sambit niya.

Nagtinginan namang ang ibang students sa'min. Napalingon ako sa likod ni Tracey at doon ko nakita si Fhia at may kasama pa siyang isang babae na nakataas ang kilay. Wala sa'min ang kumibo at nanatiling nakatingin kay Tracey na umuusok na ang taenga at ilong sa galit. Hindi ko alam kung ano bang ikinagalit niya. This bitch is so problematic.

"Walang sasagot?!"

"Tssh."

"Oh? Ikaw pala! Ikaw diba yung sumipa ng pinto ng Special Class just to save your friend? Haha! Sayang! Balita ko ipadidila ni Klenth yung sapatos niya sa babaeng 'yan eh!" Turo niya kay Yumie na ngayon ay salubong ang mga kilay pero hindi pa rin kumikibo. "Hindi talaga kayo magsasalita ah?!" Panghahamon niya.

Ang sakit sa taenga ng boses niya.

Kinuha niya yung plato ni Axiesse saka itinapon mismo sa mukha ng kaibigan namin!

Nagreact agad ang mga nakakita. Natawa naman ng grabe ng iilan na parang bang comedy ang pinapanood nila. Maswerte sila at hindi basta basta nananakit si Axiesse pero kapag nagkataon na magagalit 'yan, magugulat nalang sila. Gano'n din si Yumie.

Nanlaki ang mga mata ko. Lumapit agad kami kay Axiesse na wala pa ring kibo. Malakas na napabuntong-hininga si Axiesse habang isa isang tinatanggal ang mga pagkain sa damit niya. Ang dumi-dumi na ng uniform niya.

Sinenyasan kami ni Axiesse na lumayo sa kaniya at h'wag nang lumapit. Natawa naman si Tracey.

Nanatiling kalmado si Axiesse habang ako ay parang gusto ko na siyang sapakin! Ang sama talaga ng ugali nito. Wala naman kaming ginawang masama sa kaniya pero bakit niya 'to ginagawa? Medyo okay naman ang ibang estudyante, malala lang ang iilan.

Pinakalma ko ang sarili ko at tumingin muna sa paligid. Nagpipigil lang talaga ako. Kalma lang, Zell. Just think about the mission. Do not engage to a fight to avoid conflicts. You know it's not worth it.

"Hero ka talaga sa kaibigan mo noh?! Una, sinira mo ang pinto ng Special Class para ma save 'yang kaibigan mo sa pangbubully! Pangalawa, ayaw mo silang lapitan ka! Para ano? Para... uhm, dahil ayaw mo silang madamay? Dahil ba ayaw mo silang tapunan ko rin ng pagkain? Don't worry! Libre naman 'tong pagkain na 'to eh! So kahit ibuhos ko sa inyong lahat ang pagkaing nakahain dyan ay libre naman!" Dada niya pa at namewang.

Ang lala niya.

Wala pa rin sa'min ang kumikibo. Nanatili kaming nakatingin kina Tracey at Fhia kasama yung isa nilang kasama na mukha ring mataray. What a famous school with full of spoiled frogs.

"At diba sinabihan ko na kayo na wag na kakayong papasok sa school na 'to?! Hindi naman kayo nakinig! Hindi pa ba sapat yung pagsabunot ko kanina sa kay Naeyumie?! And worst, nag take pa kayo ng exam sa Special Class! Ang kapal lang. Hinahamon niyo ba talaga ako ha?" Malakas na sigaw niya.

Nakuha na naman ang atensyon ng lahat. Dumampot siya ng isang plato ng ketchup sa may table tsaka walang alinlangang tinapon 'yon sa'kin! Napapikit ako! What the?!

Pero ilang segundo ang lumipas. Bakit walang tumama sa'kin?

"Omygosh! Bakit niya tinapunan si..."

"Hala! Lagot!"

"Seesh! Lagot 'yan si Tracey!"

"He's so guwapo pa rin talaga. Look his lips is full of ketchup na pati ang kanyang uniform huhu."

"Haha! Mygosh."

"I can't believe this is happening right now."

Narinig ko ang mga bulungan at usap-usapan ng mga estudyante sa paligid na mas lalong lumala. Minulat ko ang mga mata at bahagyang nalaglag ang panga nang mabigla sa nakita.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

6.8K 116 28
A compilation of Banat Lines for You
145K 1.2K 5
She rebelled against oppression. She fought hand in hand with her friends and family. She fell inlove but betrayed... She was the reason for the fall...
7.3K 242 57
Nyder Christopher Veromonda is known for being a campus heartthrob since its high school days. He's a desirable man and an Ideal. He has a drooling l...
41.4K 5K 33
Started: November 10, 2017 Ended: June 2, 2020