Bleeding Royalty (Finished)

Von Eurekaa

850K 22.4K 1.8K

His Crazy Mistake Book 2. (Finished) A twist of turned events, when everybody thought he died... but he did... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 30

19K 532 57
Von Eurekaa


Typo errors are a lot.

Chapter 30
Scarred pasts

"Kamusta na ba kayo, hija?" Tanong ni Nanay Agnes kay Julia nang tinabihan siya nitong umupo sa labas. Hinihintay kasi nilang dalawa sina Jordan at Tatay Lucio sa pangingisda nito. Maaga pa naman sa mga oras na iyon at natutuwa siya dahil nasa isla silang dalawa ng asawa niya. It was like they were back at living as an ordinary couple again.

Julia smiled, "Masyadong kumplikado po talaga ang buhay sa labas." She answered simply. It was true. Living outside, the real world is complicated. A lot of issues, media, lack of privacy. At least dito, malaya silang dalawa ni Jordan. Walang problemang iniisip, silang dalawa lang.

Ngumiti rin naman pabalik si Agnes sa kanya, "Alam ko balang araw, malalampasan din ninyo ang lahat ng ito, anak."

Nagkaayos na rin kasi silang dalawa ng asawa niya magmula 'nung dumating ito sa isla. She didn't even expect na susundan siya nito sa Pilipinas - knowing the issues they were facing in the United Kingdom. Jordan was supposed to be busy as the King of the most powerful country but then, he's here - with her. Her husband told her lovingly that he's always going to choose his family over the complicated British monarchy.

Kung pwede lang talaga maging ganito ang buhay nila - simple at malaya.

"Naku, kailan na ba lalabas iyang anak niyo, hija?"

She giggled at Agnes' curiosity, "Maglilimang buwan pa po."

"Dito ka na manganak! May paanakan naman kami dito." Natawa na lang ulit si Julia sa suhestiyon ng matanda. Well, she has plans too that her children will go and see how beautiful is the island when they grow older.

Sa may 'di kalayuan ay nakikita naman nila ang bangka nina Jordan at Tatay Lucio na papunta na ngayon sa baybayin. Napatayo at naglakad naman agad si Julia para salabungin ang asawa.

Bumaba na sina Jordan at Lucio mula sa bangka, dala-dala ang tigdadalawang balde ng mga isdang nahuli nila.

"Ang dami niyong nahuli," Ani ni Julia sa asawa ng makalapit siya rito. Jordan smiled at her as he kissed her forehead.

"Amoy lansa ka na," He commented as she just giggled. Wala naman talaga siyang pakialam kahit mag-aamoy isda siya. Magkasama naman silang dalawa ni Jordan kaya okay lang, "Ibebenta kasi natin ang iba tapos 'yung isa't kalahating kilo, para sa pagkain natin araw-araw." He answered softly.

Pumasok na rin silang lahat sa bahay at inayos na ang mga nahuli. Nilagyan naman nila Jordan at Lucio ng mga yelo ang isda dahil dadalhin nila iyon mamaya sa bario. Naghanda na rin kasi sila Julia at Nanay Agnes para sa almusal nila.

"Pa, ang basa ng likod mo. Tanggalin mo 'yang damit mo, pupunasan kita." Sinunod naman agad ni Jordan ang sinabi ng asawa at kaagad hinubad ang suot niyang tshirt. Pinunasan kaagad ni Julia ang katawan niya. Talagang basa kasi ang damit nito dahil sa tubig dagat, idagdag ng pawis na pawis din ito.

"Mas bagay ka pang maging mangingisda kesa maging Hari." She joked as she was wiping his back with her towel. Natawa naman si Jordan sa sinabi niya.

"The sexiest fisherman, you'd say," He looked back at her and naughtily winked. Napailing na lang si Julia rito at mahinang hinampas ang hawak na towel niya rito. 

"Tumigil ka na, Pa. Kumain na tayo." She just said at nauna ng maglakad papunta sa hapagkainan. She then felt him slapping her butt kaya naman napalingon siya rito.

"Zachariah!" Pinandilatan niya ito.

Tumawa lang ito ng malakas at lumapit na rin sa kanila. Nagsimula na silang apat na kumain. Si Julia naman ang naglagay ng kanin sa pinggan ni Jordan. Tinolang isda at ginisang ampalaya kasi ang ulam nila sa umagang iyon.

"Hijo, magtatagal ba kayo rito?" Tanong ni Tatay Lucio sa kanila nang magsimula na silang kumain.

Nagkatinginan naman sina Julia at Jordan sa isa't-isa. Even she didn't know if they were going to stay longer in the island. Hindi pa rin naman kasi natatapos ang mga problema nila - especially with the British Monarchy. Staying in the Sto. Rosario island was just like a break for them from the issues.

Hinawakan naman ni Jordan ang kamay ng asawa at pinisil iyon, "Opo. Magtatagal po kami rito. Mas presko kasi ang isla at mas magiging makakabuti po kasi rito ang pagbubuntis ng asawa ko." Sagot naman ni Jordan dito.

"Naku, oo nga! Mas presko ang simoy ng hangin dito kesa 'dun sa syudad tapos 'yung pagkain dito. Natural. Excited na talaga ako sa magiging apo namin sa inyo, Julia, hija. Naku! Alam kong lalaking mestiza!" Humagikgik pa si Nanay Agnes nang sabihin iyon. Halata talaga kasi sa itsura ng mag-asawa na excited ito sa pagbubuntis niya.

"Zach, Julia." Napahinto naman silang apat nang may nagsalita. Parehas naman silang napalingon ni Jordan sa likod at nakita si Mr. Tiongzon na may kasamang babae. The woman looked like already in her late fifties.

"Zach, siya na iyong hinahanap mo." Seryosong sabi sa kanila ni Tiongzon.

●●●

"The King, your highness, has been gone for a week already. He's nowhere to be found. The Queen as well," Ani ng assistant kay Agatha. Napahinto naman silang dalawa sa tapat ng apartment ni Ashton. Kasa-kasama rin nila ang tatlong royal guards na bumabantay sa kanya.

"Then it's good," She replied, straight face, "It means he's abdicating his throne." Binuksan naman niya agad ang pinto. The absence of the King will only mean he's giving up the throne and her son, Ashton, the only real sole heir apparent of the throne will become the new King.

Mas mabuti na ngang sumuko na lang ang Hari sa imbestigasyon at magpakalayo-layo na lang. Jordan is an illegitimate child and should not be the King. Si Ashton ang legitimate kaya dapat sa anak niya mapunta ang trono.

With all of her failed attempts, at least - with the absence of the King, the throne will be abdicated soon enough.

Pumasok na si Agatha sa apartment ng anak. Napakunot-noo naman siya nang mapansing walang katao-tao sa apartment nito. She walked around and scanned the surroundings. Ganun din ang ginawa ng assistant at ng mga guards. But there was no even a shadow of Ashton. Even his poor commoner lover, Katherine Andrada was also nowhere to be found.

Where the hell is he?

"Your highness," Napalingon naman siya sa likod niya at nakita ang assistant niya na may inaabot na brown envelope.

Kinuha naman niya iyon at binuksan kaagad ang laman. Mas lalo namang kumunot ang noo niya. It was some legal papers, with the consent of British Parliament, signed by the Prime Minister Thornhill and the British Government council.

Ashton Luthor Philip Ashenbert abdicates the title, Prince of Wales. Signed by Ashton Luthor Philip Ashenbert.

Ashton Luthor Philip Ashenbert is no longer the Prince of Wales.

●●●

"Pa..." Nilapitan naman ni Julia ang asawa nang mapansing nakaupo lang ito sa kama. Parang malalim kasi ang iniisip nito habang pinagmamasdan ang box na ibinigay kanina ng babae.

Hinaplos naman niya ang braso nito at tinabihan ito sa pag-upo. Jordan looked at her and smiled. Muli ay ibinalik nito ang tingin sa box at binuksan iyon.

There were a lot of pictures and papers inside. It was her biological mother's things.

Naalala naman niya ang sinabi sa kanya ng babae kanina.

"Matagal na kaming magkaibigan ni Penelope," the old woman started when they were already alone in the room. Inabot naman nito sa kanya ang isang kahon.

When he became the King, when he had all the privilege, kaagad niyang ipinahanap sa Pilipinas ang ina niyang iniwan siya sa bahay ampunan 'nung five years old pa lang siya.

Mahigit isang taon niya itong ipinahanap pero hindi niya inaasahan ang nangyari rito.

His mother was already dead years ago.

"Mga gamit iyan ng Nanay mo, iniwan niya sa 'kin bago siya namatay. Mahal na mahal ka niya, Zachariah. Hindi niya ginusto ang iwan ka sa bahay-ampunan pero wala siyang magawa kasi... hindi ka niya kayang buhayin, Zach. Iniwan ka niya kay Sister Lorna at nangakong babalikan ka niya kapag nakapag-ipon siya at nagkaroon ng maayos na trabaho." May halong sinseridad na sabi nito sa kanya. Tahimik pa rin si Jordan habang nakikinig dito. Nakatitig lang siya sa ibinigay nitong kahon sa kanya.

"Nakilala ko siya nang naghahanap siya ng trabaho. Tinulungan ko siyang mamasukan bilang katulong. Ginawa niya ang lahat para makapag-ipon ng marami para sayo, hijo. Masayang-masaya nga siya kasi ika-sampung kaarawan mo noon, marami na siyang naipon at pwede ka na niyang makuha ulit. Pero sa kasawiang palad, nang papunta na sana siya sa bahay-ampunan, hinoldap siya at pinatay, Zachariah."

Napabuntong-hininga naman ito, "Mahal na mahal ka ng ina mo, hijo. Ikaw lang ang tanging nagbibigay ng pag-asa sa kanya noon."

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga oras na iyon. 'Nung bata pa lang siya ay wala siyang ibang ginawa at inisip kundi ang hanapin ang inang iniwan siya. Palagi siyang umaasa noon na babalikan siya nito balang araw at magkakasama muli. Buong buhay niya ay lagi niyang hinihiling na sana, balang araw ay magkikita silang muli ng ina niya.

But it was already too late.

His mother, Penelope Adler died several years ago.

He never really got a chance to feel what it feels like to have parents around you.

"Pa..." Hinawakan naman ni Julia ang kamay niya. Nilingon naman niya ito, "Nandito lang ako palagi para sayo. Mahal na mahal kita, Zachariah." She said softly.

Niyakap naman kaagad ni Jordan ang asawa. Napaiyak na lang siya. He cried so hard in his wife's embrace. He couldn't contain the emotions he felt anymore. For all those years...

"Sshh. Mahal kita, Pa. Mahal na mahal," Julia assured him as she was soothing his back, "Mahal na mahal ka namin ni baby."

Ilang minuto naman ay tumigil na rin siya. Kumalas naman siya mula sa pagkakayakap ng asawa. He looked at her wife with so much love. Kahit siguro hindi naging maganda ang mga nangyari sa kanya 'nung bata siya, kahit hindi niya naranasan kung paano magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. He was still happy. He was still lucky. Because of this woman in front of him. His wife.

Ang nag-iisang babaeng bumuo sa buong pagkatao niya.

"I love you," He said sincerely as he cupped her right cheek with his hand, "Mahal na mahal kita, Julia Marie."

Ngumiti naman si Julia sa sinabi nito, "Mahal din kita, Zach."

He smiled back at her. Magkahawak-kamay na sila ngayon at muling tinignan ni Jordan ang laman ng kahon. Kinuha naman niya ang isang picture kung saan sanggol pa lang siya at karga-karga siya ng Mommy niya. He smiled again. It was really an adorable photo. May picture din siya kung saan nakasakay siya sa isang maliit na bike kasama ang dalawa niyang mga magulang, ang Daddy at Mommy niya. It looked like the three of them were so happy in the picture.

May napansin naman siyang isang papel sa likod ng picture. Kinuha niya iyon at binasa.

It was a marriage contract.

Napakunot-noo naman siya.

Penelope Adler and Edmund Charles Ashenbert Knight got married at the fourth of September 1989. Officiated by Judge Howard Tully...

His parents got married...


//

Few more chapters to go!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

627K 9.3K 52
FYI for those who are asking why Foreword is with hundred of thousand reads while others are with thousands only: This story is one part story before...
301K 9.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
132K 594 3
Si Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang...
2.9M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...