Ate(Completed)

By MissJ_35

344K 12.4K 1.5K

Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bag... More

Prologue
Chapter1: Farewell
Chapter2: A fight
Chapter3: Ella
Chapter4: Her presence
Chapter5: Transferee
Chapter6: Love letter
Chapter7: Sweet revenge
Chapter8: Welcome Home
Chapter9: Tears
Chapter10: Questions
Chapter11: Serina
Chapter12: Ribbon clip
Chapter13: Nightmare
Chapter14: Birthday Gift
Chapter15: The twins
Chapter16: Note
Chapter17: Imprisoned
Chapter18: Save her
Chapter19: Secrets
Chapter20: Justice?
Chapter21: Investigation
Chapter22: Suspect
Chapter23: Monic
Chapter24:Pain
Chapter25: Ate Serina
Chapter26: Trigger
Chapter27: The Culprit
Chapter28: School Camp
Chapter29: The Promise
Chapter30: His answer
Chapter31: The Answer
Chapter33: Lights on
Chapter34: Kaba
Chapter35: Hinala
Chapter36: Trap
Chapter37: Dugo
Chapter38: Case
Chapter39: Truth
Chapter 40: Suzy's Help
Chapter41: Scribbles
Chapter42: Se-re-ni-ty.
Chapter43: Wrath
Chapter44: Dirty Truth.
Chapter45: Madness.
Final Chapter: Pangako.
Epilogue

Chapter32: Katapusan?

6K 221 58
By MissJ_35









Serenity's POV







Padabog kong inilagay ang bag ko sa upuan at pasalpak ako umupo doon.






Nakakainis!



Nakakabwisit!



Bakit ba ganito?! Kahit ilang beses ko ng naririnig yung mga pananalita nilang maaanghang, hindi pa rin ako masanay! Palagi na lang nila ipanagduduktukan sa akin na mamamatay tao ako! Pati locker ko pinatulan nila! Puro sulat!




"Serenity! Okay ka lang? Nakita ko yung ginawa nila sa locker mo! "




Nag aalalang lumapit sa akin si Suzy, buti na lang may malapit sa akin na pwede kong sandalan sa mga ganitong klase ng problema. Naalala ko tuloy sila mama. Wala na naman pala ulit sila.



Bigla na namang bumalik sa ala ala ko yung mga nangyari kahapon. Dahil din siguro doon kung bakit mainit ang ulo ko.














Flashback

Buong byahe ay tahimik lang kami, hindi man lang umiimik sila mama at papa. Ganoon na lang ba talaga ang pag uusapan namin? Ilang minuto pa ang lumipas ay naka uwi na rin kami. Agad silang bumaba kaya sumunod na rin ako. Dirediretso silang pumasok.

Kinakabahan ako. Parang napaka importante talaga ng bagay na yun kaya ganoon na lang kaseryoso sila Mama. Hindi ako sanay ng ganito. Para bang nagkaroon ng tensyon sa amin.



Kahit na kinakabahan, pinilit ko pa ring pagaanin ang loob ko at pumasok sa loob. Nabutan ko silang nakatayo sa sala at inaabangan ako.


Nakatingin sila ng seryoso sa akin, tinuro ni Papa yung sofa. Agad ko naman naintindihan ang sinasabi niya at umupo roon. Linalamig na ang mga palad ko dahil sa kaba. Madalang lang sila magkaganito kung sobrang mabigat ang pag uusapan. Madalang na madalang.








Nagpakawala ng buntong hininga si Papa para pagaanin ang kalooban niya.


"First of all, hindi namin nagustuhan ng Mama ang ikinilos mo kaninang umaga. Basta mo na lang kami tinalikuran Serenity. "


Saad ni Papa, nanatili lang akong tahimik. Alam ko na mali yun pero, nadala lang ako ng tampo ko sa kanila. Wala ng ibang dahilan.


"Sana di mo na ulit gawin ang bagay na iyon. "


Sabi ulit ni Papa, napatango na lang ako habang nakayuko bilang pag sagot.



"Ang pag uusapan natin dapat kanina ay tungkol sa paglipat mo ng school at titirahan habang wala kami."



Agad akong napatingala at tumingin sa kanila na may pag kagulat dahil sa sinabing iyon ni Papa. H-Hindi p-pwede. H-Hindi....




"Ano po?! "

Nasambit ko. Hindi at ayaw ko! Hindi pwede dahil hindi ko pa nakakaharap sila Maxine! Hindi ko pa alam ang buong detalye ng nangyari kay Ate! Hindi ko na mapipigilan pa ang balak ni Ate kung ganoon! At ganoon din si Maxine! Hindi porke't wala na ako ay titigilan na niya ako! Demonyo sya! Ayaw ko dahil hindi ko matatapos ang mga bagay na iyon kung wala ako sa lugar kung saan nagsimula ang lahat!


"Aware kami sa mga nangyayari sa iyo at sa school mo, anak. Ginagawa lang namin ito para sa iyo. Isa pa, puro masasamang memorya lang ang naroon sa lugar na iyon..."


Singit ni Mama.


"Hindi Mama.... Madami ring masasayang alaala ang naroon... Doon sa lugar na iyon kami nagkatuwaan ng Ate ko..... Doon sa lugar na iyo huli ko syang nakita na masaya..."



Dahil sa mga ala alang bumalik. Agad na pumatak ang mga luha ko. Kaya siguro marami ang mga luhang ito ay dahil hindi ko naman ito nagagamit noong kasama ko pa si Ate.... Dahil masaya pa noon...

"Its final "


"No! "

Nasagot ko na lang na ikinagulat nila Papa. Hindi..... Hindi ako payag.

"Serenity....."

Tawag sa akin ni mama. Tumingin ako sa kanila ng seryoso sa kabila ng pagtulo ng mga luha ko.


"Kulang po kayo sa impormasyon Mama..... Papa..... H-Hindi nyo alam a-ang m-mga t-tunay na nangyayari... N-Nandoon pa ang Ate ko.. H-Hindi pa sya n-natatahimik d-dahil sa m-mga g-ginawa sa k-kanya ni M-Maxine! "

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko para maipaliwanag sa kanila ng maayos. Kaso tuwing naiisip ko ang pangalan ng Demonyang iyon. Umiinit na lang bigla ang dugo ko! Kasalanan niya ito! Kasalanan niyang lahat!

"Anak, ginawa namin ang lahat.... Nagpakamatay ang Ate mo... Iyon ang katotohanan."

Pagkasabi noon ni Papa ay bigla na lang naglandas ang luha niya, ganoon din si Mama.


G-Ginawa?


"P-Pa, h-hindi n-nyo pa nagagawa ang l-lahat.... K-Kaunting impormasyon l-lang ang m-mayroon kayo.... Dahil siguro m-masyado kayong busy kaya k-kaunti lang iyon..... P-Puro na lang business."

Nasabi ko na lang. Tahimik lang sila dahil sa patuloy ng paglandas ng mga luha nila. Magulang sila kaya ganoon na lang kasakit tuwing naaalala nila ang anak nila na wala na. Pero alam kong sa sarili ko na may pagkukulang sila dahil lagi silang wala sa tabi namin.


"Lagi kayong wala..... N-Ni h-hindi na ninyo, K-Kami n-na subaybayan.... N-Ngayon, aalis ulit k-kayo.... Mag isa na lang ako... O-Opo, A-alam ko pong nandyan s-sila m-manang.... P-Pero iba pa r-rin pag nandyan kayo...."


Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. Yung kinikimkim ko ay naisawalat ko na..... Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.


"S-Sorry po....excuse me..."

Sabi ko bago pumunta sa kwarto ko.



End of flashback









Kanina wala na ulit sila kaya sa text na lang ulit ako humingi ng pasensya sa kanila. At sana hindi matuloy yung sinabi nila patungkol sa pag lipat.









"Uyy... Natulala ka diyan? "

Tanong ni Suzy. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti sa kanya. Kumunot ang noo niya ng makita iyo. Bigla na lang kasi nagbago ang reaksyon ko. Sumaya ako dahil oo nga pala at nandyan sila Suzy para sa akin.


Gumaan ang mga pangyayari dahil sa kanila.

























---------------------------

Lunch break. Kagaya ng nakagawian ko ay nagpaikot ikot ako sa hallway. Wala akong halos makita sa estudyante dahil lahat halos nasa canteen o kung nasaan man. Puro classroom lang halos ang nasa palapag na ito kung nasaan ang room ko.




Palakad lakad lang ako, laman ng isip ko ang mga nangyayari at mga nangyari. Pilit kong pinag kokonekta ang lahat... Pero masyadong magulo.





Napatigil ako dahil may naririnig akong mga yabag. Napatingin ako kung kanino man iyon.




May di ako inaasahang panauhin.






Mag isa lang siya. Namumula ang mga mata niya at maitim ang ibang bahagi sinyales na hindi siya nakakatulog ng maayos. Palapit siya ng palapit habang ang dalawang kamay niya ay nasa likuran niya.







Ano kaya ang kailangan ni Lyka? Bakit ganoon ang itsura niya? Pinadala ba sya ng lider nilang demonyo? Ni Maxine?




Malapit na siya sa akin ng huminto siya. Mga isang dipa na lang. Ngayon mas kita ko ang pagbabago ng itsura niya. Pero hindi ko pa rin alam yung tinatago niya mula sa likod. Bakit ba ang mga tao, ang hilig mag tago?



"Anong problema mo? Pinadala ka ng demonyong Maxine na iyon? "


Malamig kong sabi sa kanya. Ngumisi siya. Bakit ganoon, pakiramdam ko, may mali sa kanya?



"No, nandito lang naman ako para unahan ka sa pag patay sa akin! "


Sabi niya bago ako itulak ng malakas. Natumba ako sa sahig dahil sa lakas ng pwersa.



Namilog ang mga mata ko.


Alam ko na kung ano ang nakatago sa likod niya...



Isang kitchen knife!



Mabilis nya akong sinunggaban kaya di ako nakalaban.



Shit! Ganito na lang ba matatapos ang lahat?! Mapapatay lang ako ng ganito?!





Dumagan siya sa akin at dahil sa pang lalaban ko ay nahiwa niya ng bahagya ang kanang pisngi ko. Maliit lang iyon pero mahapdi.







Tinaas niya ang kutsilyo nanginginig ang kamay niya habang nakataas iyo.




"MAMATAY KA NA!!!!"



Katapusan ko na.... Huli na...



Ito na ba ang sinasabi nilang bingit ng kamatayan? Sa ganitong paraan lang pala matatapos ang buhay ko.




"AAAAAHHHHHH!!!"




Sigaw ko dahil sa hapdi.. FVCK! Tinamaan niya ang kaliwang balikat ko! Masakit! Parang kalahati ng kutsilyo ang pumasok sa laman ko!



"AAAHHHH!!! "

Muli kong sigaw ng bunutin niya ang kutsilyo. ANG HAPDI! Nararamdaman ko ng kumakalat ang dugo ko sa marahas niyang pag bunot ng kutsilyo!



Muli niyang tinaas ang kutsilyo. Nakahawak lang ako sa balikat ko na sinaksak niya. Hindi pa ba ito matatapos?



"IKAW ANG DEMONYO! KAYA MAMATAY KA NA SERENITY! MAG SAMA NA KAYO NG ATE MO SA IMPYERNO! "


Sigaw niya na maririnig mo sa buong hallway. Nakakabingi! Nasisiraan na siya!



Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Inuntog niya ng inuntog ang ulo ko sa sahig. Agad iyong nag dugo dahil hindi pa masyadong magaling ang sugat kong nandoon dahil sa pag pukpok nila sa ulo ko noon para ikulong ako sa bodega. Sa lugar kung saan muntik nila akong mapatay.



Nanlalabo na ang paningin ko...





Wala na akong marinig sa mga sinasabi niya.....









Wala na bang pag asa para makaligtas ako?





Wala talaga sigurong magliligtas sa akin dahil tingin nila ay mamamatay tao ako....








Nakakaawa.... Ang sarili ko....









Kahit malabo ay naaninag kong inawat ng gwardya si Lyka at inilayo sa akin.







Huli kong nakita ay ang nag aalalang mukha ni Jake at Suzy...






Bago nagdilim ang lahat....






Ito na ba....







Ang katapusan?





Itutuloy.....


A/N

Sana basahin nyo ang note ko!

Gusto ko sanang hingin rin ulit ang suporta nyo sa bago kong story!

The Poem.

Yan yung title, pakitignan na lang sa profile ko. Horror siya na mystery, na may love story.

Kung may time ka lang naman hehehe. Comment naman kayo kung anong masasabi nyo sa part na toh at tungkol sa bago kong story.

Sige iyon lang!

Thanks!

:)

Vote and comment

Kung deserve man! Hahaha!





Continue Reading

You'll Also Like

92.4K 3K 21
SYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may...
902 282 46
Pag kakaibigang nabuo Pag mamahalang nabuo Paano kung magising ka sa mundong lahat ng nakasanayan mo ay wala? Paano kung panaginip lang pala ang laha...
42.9K 2.4K 46
Mga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeral...
689K 48.2K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...