'Joy, call for an ambulance, now!!!'
'Right away Sir.'
'No, Baby, anak please don't... no, lumaban ka...'
'Ren....'
-------------------------------------------------
Chapter 60 : Hinding-Hindi
Ang Lihim na Nagmamahal
'Wag mo na siyang alalahanin, sa tingin mo 'pag ganyan ka matutuwa siya?'
Sabi yan sa akin ng kaibigan ko bago umalis palayo, pabalik sa pwesto kung saan kalaro niya ang teammates niyang babae na may hawak na raketa. Tama siya, hindi dapat ako nagkakaganito. Pero paano pa niya malalaman ang nararamdaman ko... kung sino ako...
Hawak ko ngayon ang isang advance birthday gift mula sa taong pinakamamahal ko, ilang araw na lang mula ngayon... kung alam lang niya, kung nandito lang siya... Kung sana pinagtapat ko na sa kanya, kung sana noon pa ay nagpakilala na ako sa kanya, aabot kaya kami sa ganito? Pero huli na ang lahat...
Pang ilan ulit ko na bang binabasa ang laman ng papel na ito? lima, sampu, dalawampu - di ko na mabilang lalo na sa gabi bago ako matulog.
Sulat niya nga ito, hindi ako pwedeng magkamali dahil nakikita ko kung paano siya magsulat sa notebook niya tuwing may lectures pati na sa exam, pero hindi ako nangongopya ah, sadyang masarap lang siyang katabi at pagmasdan kahit nagsusulat lang. Tahimik kasi siya pag nagsusulat tapos ang nakakaaliw pa ay kapag ginagawa niya yun ay seryoso siya at mannerism niya ang kagatin yung lower lip niya, ang cute niya lalong tignan. Haaaayyy I really miss him.
~~~
Jan 30
Kung Sino Ka Man,
Hi.
Una sa lahat, gusto kong malaman mo na nagpapasalamat ako sa mga sulat mo sa akin.
Sino ka ba? Ano bang pangalan mo? Estudyante ka din ba dito? Ilan taon ka na ba? Anong year mo na? Babae ka ba or lalaki? Pasensya ka na kung marami akong tanong. Sorry if these are coming out of order kasi naman kagabi ko lang sinulat 'to. Di ko nga alam kung bakit di ko naisip ito noon pa - ang sulatan ka din. Nga pala paano mo nabubuksan yung locker ko? Kung hindi naman, paano mo nailalagay yung mga papel sa loob ng locker ko na hindi ko man lang nakita 'ni minsan, galing mo naman?
Feeling ko ang galing-galing mo siguro na magnanakaw, but don't get me wrong though. I don't see you as a bad person. It's just that hindi mo man lang pinakilala ang sarili mo sa pagkatagal-tagal. Kung gusto mo akong makausap, pwede mo naman akong lapitan - hindi ako nangangagat. Nga pala sasabihin ko na sa iyo, bakla po ako, kung girl po kayo I'm sure turn off ka na, pero kung boy ka, ewan, bakit mo ba ako kasi sinusulatan? Alam mo ba noong una natakot ako kasi baka masamang tao ka, stalker ba... pero dun sa mga sulat ko napansin ko na mukhang OK ka naman. Salamat nga pala sa pag-welcome sa akin dito sa school natin.
Yung sa mga sulat mo, nais ko sana na pasalamatan ka dahil nakaka-inspire ang message nun sa mga pagkakataon na kailangan ko ng moral support; yung iba naman parang ewan, di ko kasi maintindihan yung gusto mong iparating. Salamat din sa sulat noong na-ospital ako. At dun pala sa sinabi mo na mahal mo ako, pasensya ka na pero hindi ko alam kung paano sasagutin ang sinabi mo, hindi pa kasi kita nakikita at feeling ko hindi pagmamahal yang nararamdaman mo para sa akin baka nagbibiro lang po kayo. Dun naman po sa mensahe nyo na nakausap nyo ako, hindi ko pa po kasi kilala kung sino ka kaya wala po akong ideya kung sino ba talaga kayo. Actually, pakiramdam ko andaya mo kasi kilala mo ako tapos, ako hindi. Matagal ko na ngang pinag-iisipan kung sino ka nga pero wala akong maisip, nahihirapan nga ako, kaya sumasakit ulo ko everytime kaya tinigil ko na. Isa pa I realized na mabait ka naman kaya hinayaan ko na lang.
Gayundin dun sa huling mga sulat mo, nakakatuwa yung mga jokes at banat mo! Ikaw ah,saan mo nakuha yun mga yun? Actually I'm kinda having a big problem lately pero hindi ko na sasabihin sa iyo dahil masyadong personal. Basta ang masasabi ko lang, your letters somehow helped me. Minsan kapag malungkot ako ay binabasa ko yun mga binigay mo. Nga pala itong sobre na pinaglagyan ng sulat na ito, ang pinagpatungan nito ay isang black journal binder; ibinibigay ko na sa iyo yan, wag kang magugulat pero sa loob nun ay yung mga piraso ng papel na binigay mo. I compiled all of it - dinikit ko lahat dyan sa pages ng journal. Yang journal binder na yan, ingatan mo, napaka-memorable nyan para sa akin dahil kung hindi dahil sa isang tao ay hindi ko siya mabibili. Anyways, I'm writing to you now because I want to say something very important too.
Kung hindi mo mamasamain nais ko sanang hilingin sa iyo na itigil mo na ang paglalagay ng mensahe sa locker cabinet ko. Hindi kita kilala and honestly somehow your invading my privacy pero never kong inisip na masamang tao ka, gusto ko lang sabihin na itigil mo na at wag mo na pahirapan ang sarili mo sa pag-aabalang maglagay ng sulat na patago sa locker ko. If you want to say something to me, you can approach me, di naman kita kakagatin promise. Sa tingin ko pa nga, baka maging magkaibigan pa tayo dahil feeling ko mabuti kang tao. Kung natatakot kang magpakita dahil iniisip mo pipintasan kita ay wag kang mag-alala, walang kaso sa akin ang panlabas na anyo. Mayroon din akong sariling kapintasan kaya pareho lang tayo... siguro...
At tungkol po sa huling sulat mo, tungkol kay Michael - hindi ko po alam kung sinong Michael ang tinutukoy mo. May kilala po akong ganyan ang pangalan pero hindi ko alam kung siya po ang tinutukoy niyo. At dun naman sa mensahe, nais ko sana hilingin din sa iyo na huwag mong husgahan ang isang tao ng basta-basta lalo na kung hindi mo ito kilala. Pero kung ang tinutukoy mo nga ay ang Michael na kilala ko, pakiusap huwag mo siyang husgahan at huwag kang mag-isip ng hindi maganda sa kanya. Mahalaga siya para sa akin; binago niya ako; at marami siyang ginawang bagay na maganda para sa isang tulad ko kaya nakikiusap ako itigil mo na. Isa pa hindi mo naman siya kilala.
Hindi ako nagagalit pero sana ay maunawaan mo ang nais kong iparating. Nasa room 302 ako sa section silver 3rd floor. Pwede mo akong lapitan at kausapin kung may gusto kang sabihin pero itong mga sulat sana ito na ang huli. At tulad ng sabi ko kanina, andyan na sa loob ng journal binder ang lahat ng sulat mo, at binabalik ko na sa iyo. Sana bukas o sa susunod na araw ay makilala na kita. Gusto na din kitang makilala at makausap, at may isang bagay pa pala akong gustong itanong sa iyo. Pero sasabihin ko na lang pag nagkita na tayo. Kung ayaw mo talaga na magpakilala ay ayos lang sa akin, hindi kita pipilitin pero sana pagbigyan mo ako at ito na din ang huli.
Hanggang dito na lang, sana magpakilala ka na, nasasabik na akong makita kung sino ka man.
Salamat,
Lorenzo
~~~
Sa tuwing nababasa ko ito, pakiramdam ko naiinggit ako kay Michael subalit kasabay din nun ay ang matinding galit sa buong pagkatao ko. Hindi ko mapigilang manggigil sa galit - sa mga ginawa niya sa taong pinahahalagahan ko, pinaglaruan lang niya si Lorenzo. At ang matindi pa...
----- ----- ----- -----
3rd Person POV
4:17PM
Sa loob ng gym.
Abala ang mga estudyante sa paglalaro; may mga nagte-training para sa badminton; may iba naman na nakaupo sa bleachers upang manood ng tune-up basketball game at ang iba ay abala sa cheer leading practice - buhay na buhay at masigla ang lahat maliban sa isang binata na nakaupo sa gilid hawak ang isang itim na notebook at nakayuko.
Sa di kalayuan ay ang malaking pinto ng gym na bukas kung saan may papasok na mga estudyanteng lalaki batay sa suot nitong puting polo, nauuna sa kanila ang isang lalaki, tahimik lang ito, nakasuot ng pulang jersey number 4 ngunit suot pa din ang pantalong uniporme at blackshoes.
Tila abala ang mga bagong dating sa pinag-uusapan nang walang anu-ano ay biglang sinugod at inundayan ng suntok ng binatang nakaupo kanina ang estudyanteng naka-jersey. Nagulat ang lahat kaya di nito nagawang awatin agad ang pagsuntok ng galit na galit na binata sa nakatumbang player.
'Walang-hiya ka! Tar@ntado ka! Di ka na nakuntento sa kababuyan mo!!!', walang patumanggang sumbat ng binata sa nakahandusay na player.
Bagaman nabigla, bumangon ang player ngunit sumugod uli ang galit na binata at nagpakawala pa ito ng limang magkasunod na gulpi sa mukha ng basketball player kaya napaluhod ito sa hilo.
Nang makita ng mga kasama na hindi lumalaban ang kasamang player ay doon na nila ito inawat. Ngunit nagpupumiglas sa pagkakahawak sa braso ang galit na binata at dinuro ang nakasuntukan.
'Ano, lumaban ka!! hindi mo kaya!!? Wag mong sabihing dahil ikaw ang captain kaya pinagbibigyan mo ako!!!? Tumayo ka!!!', buong gigil na sigaw nito.
'Tol, awat na, nasa gym tayo...', awat ng isa.
'Teammates tayong lahat dito, ano bang problema nyo sa isa't isa?', ani pa ng mas matangkad, ang vice-captain.
Muling sumugod ng buong lakas ang binata sa lulugo-lugong player ngunit nagawa siyang pigilan ng tatlong barkada nito. Dahil sa init ng eksena ay natawag nito ang pansin ng lahat ng nasa gym, nagsimula ng mag-usosyo ang lahat.
'Ano!!!?? Ngayon mo ilabas ang tapang mo t@ngenamo!!! Walang hiya ka!!! Ano masaya ka na??!! Wala kang konsensya!!!! Mga baboy!!!!'
Walang pa ding imik ang napuruhang player.
'Pare, ilabas nyo muna... masyado ng mainit ang ulo nyan...'
'Tara 'tol, 'lika na...'
'Bitawan nyo nga ako! Yang hayop na yan ang dapat ilabas nyo!!!'
Nagtaka naman ang lahat sa sinasabi ng nagpupuyos na binata.
Pagkasabi noon ng binata ay kinalma nito ang sarili, marahas naman niyang tinabig ang mga humahawak sa kanya sabay titig muli ng masama sa nakaalitan. Nangi-ngingig ang kanyang panga sa galit habang nakakakuyom ang mga kamao. Lumapit siya ng marahan dito subalit pumagitna ang vice-captain sa dalawa.
Di alintana ang tao sa harap niya at sa paligid ay binitawan niya ang isang pagbabanta na pabulong habang nakatitig pa din ng madiin sa player.
'KAPAG MAY NANGYARING MASAMA SA KANYA, HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD... BAKA MAPATAY KITA!'
Isang pito ang narinig nila mula sa isang P.E. teacher. Lumapit ito sa kanila at pinayapa ang sitwasyon.
Sa ginawang iyon ay tila awtomatikong kumilos na ang iba para ilabas ang galit na galit na binata sa gym habang ang napuruhang player ay inakay paupo sa malapit ng side bench. Samantala ang ibang lower year na basketball player ay pinulot isa-isa ang nagkalat na sobre, notebook, bag at iba pang gamit sa sahig.
Lumapit ito sa kinauupuan ng bugbog na player at vice-captain.
'Captain ito na po yung mga gamit nyo...', saad ng lumapit sabay lapag ng mga hawak.
'Paul, Chestre! kayo na muna bahala, warm up muna kayo, tignan ko lang 'to!', pasigaw na sabi ng vice-captain sa isa sa mga kasamahan.
'Ge, tara team Hawk!', senyas naman ng nag-ngangalang Paul saka sinundan ng iba pa.
'Kayong dalawa, anong kaguluhan yun kanina?', anas ng guro palapit.
'Ma'am...'
----- ----- ----- -----
'Ok ka na ba? Ano sasali ka pa ba?', tanong ni Phillip.
'Ok lang ako 'tol...', tugon ni Mike.
'Ano bang nangyari, bakit ka naman sinugod nun?'
'Tss.'
'Wag mong isipin yun, wag mo na sila isipin, wala ka naman kasalanan 'tol. Aksidente lahat yun.'
'Wag mo na ipaalala...'
'Mag-focus ka 'tol... Isa pa, three weeks na lang ga-graduate na tayo.'
Tahimik lang si Mike habang hinahaplos ang masakit niyang pisngi at panga.
'Ano, dito ka na lang?'
'Sige, sunod ako, ayusin ko lang gamit ko...'
'Ge, buti na lang wala pa si Coach, kundi...'
'Sige na.'
Pagkaalis ng teammate na si Phillip ay isa-isang tinignan ni Mike ang mga gamit sa tabi niya at hindi niya maiwasang mapakunot ang noo sa nakikita.
Nilibot niya ang paningin sa buong gym, sa teammates niyang nasa court kalaro ang guest school para sa tune-up game; matapos ay sa ilang estudyante na nakupo sa bleachers. Ibinalik niya ang tingin sa mga gamit na nasa kanyang tabi at inabot ang isang maliit na sobre na nakalabas sa pagkakaipit sa itim na notebook.
Hawak ang sobre, pinaling niya ito para makita ang likuran nito. Binasa niya ito ng tahimik.
~~~ Para Sa Iyo, Kung Sino Ka Man ~~~
----- ----- ----- -----
Ang Lihim na Nagmamahal
Sana huwag naman pahintulutan ng Diyos...
Hindi ko siya mapapatawad 'pag may nangyari ding masama kay Lorenzo.
Hinding - hindi kita mapapatawad Michael Tordesillas.
Hinding-hindi mo na siya masasaktan.
Itutuloy...
Author's Note:
Last five chapters after this.
I hope by now you already
knew who the mystery guy is.
But if you don't, well.... (^_^)V
P.S.
Maraming Salamat sa feedbacks.
Sana hindi kayo inaatake sa puso
(di tulad ni Ren) kakabasa po nito.