Tanging Mahal (Chapter 42 : Riot)

5.7K 125 4
                                    

‘Wala naman akong balak guluhin kayo e...’

‘Sige na, I’m going to bed.’

‘Good night Maha--, good night.’

‘Congrats again, Mike.’

----------------------------------------------------------

Chapter 42 : Riot

 

Woow Woow!

Woow Woow!

This ain't a song for the broken-hearted...

What the---!?

Linggo ng umaga. Nagising bigla si Ren sa malalakas na musika, kalabog at hiyawan mula sa kung saan kaya naman napabalikwas siya sa hinihigaan. Napaupo siya sa kama at pupungas-pungas ng mga mata. Hinanap niya ang cellphone sa side table para alamin ang oras ngunit di niya nakita at naalala niyang nakatulugan niya ang pagta-type ng text message kaya hinagilap niya ito sa ilalim ng kumot at unan at agad naman niya itong nakita.

No silent prayer for the faith-departed
I ain't gonna be just a face in the crowd

Patuloy ang naririnig niyang sigawan at palitan ng di magagandang salita na animoy nag-aamok na mga kalalakihan. Sigurado siyang sa loob ng bahay iyon nagmumula kaya kinabahan si Ren. Minasdan saglit niya ang digital clock sa cellphone.

11:14AM

You're gonna hear my voice when I shout it out loud

At saka nagmadaling lumabas ng silid suot ang boxer shorts at manipis na sando pantulog. Habang pababa sa mga baitang ng hagdan ay tumitindi ang sigawan at palitan ng nakakarinding salita ng mga lalaki. Pag-abot sa sala ay tumambad sa kanya ang di inaasahang eksena.

It's my life, it's now or never

What the--?

I ain't gonna live forever

Ang di makapaniwalang sambit ni Ren sa nakikita.

Delubyo.

Dinaanan ng bagyo.

Kuta ng sindikato.

I just want to live while I'm alive
It's my life
My heart is like the open highway

Ganyang ang paglalarawan sa nakikita ni Ren sa eksena sa sala at kusina ng bahay nila Jerry. Nagkalat ang mga supot ng chichirya, basyo at lata ng softdrinks, mga hugasing plato at baso sa lababo, mga backpack, at mga kable ng laptop na ginagamit ng limang kasapi ng varsity team na kasalukuyang naglalaro ng DOTA habang malakas ang musika mula sa stereo set.

Like Frankie said I did it my way
I just wanna live while I'm alive
It's my life

At sa pagitan ng paglalaro ay ang sigawan at palitan ng mga salitang di maatim ni Ren na sabihin, tila pugad ng gang ang unang palapag ng bahay nila Jerry sa di maintindihang kaguluhan. Kaya napasabunot na lang sa buhok niya si Ren. Hinanap niya kung nasaan ang bestfriend na si Jerry.

‘O, gising ka na pala!’, sigaw sa may bandang kusina.

Napalingon si Ren sa pinagmulan ng boses at nakita si Jerry na tila kakalabas lang sa banyo, umiindak pa at nakangisi sumasabay ng pagkanta sa musika. Irap lang ang tanging tugon ni Ren saka lumakad tungo sa kusina na di naman pinasin ng mga abalang naglalaro. Kumuha siya sa baso.

‘Si Manang!?’, taas-kilay na sigaw ni Ren habang binubuksan ang ref. Hindi kasi sila magkarinigan sa lakas ng tugtugin.

This is for the ones who stood their ground
It's for Tommy and Gina who never backed down

Tanging Mahal [BxB/Complete]Where stories live. Discover now