Tanging Mahal (Chapter 58 : All This Time)

5.5K 108 10
                                    

‘Please, wag mo na siyang idamay, kung gusto mong gumanti sa akin, nila sa akin ako na lang tol...’

‘T@ngna ka! Wag mo ko matawag-tawag na ‘tol. Wala akong kaibigang traydor! Tandaan mo wala ka sa posisyon ngayon para diktahan ako, sumunod ka na lang TAPOS!’

-----------------------------------------------

 

Chapter 58 : All This Time



3rd Person POV

Lunes.

3:24PM.

Le, mmya s Lib, 4 ah.
-Mac

 

Ge... nu b kc un?
-Le

 

Bsta, wag k pp-late
-Mac

 

Oo na
-Le

----- ----- ----- -----


Si Mac

 

In less than three months.

Less than three months na lang. Ang bilis ng panahon as if hindi nagdaan ang pasko at new year dahil eto ngaragan na kami para sa final requirements ng mga subject.

Sabi ko yan sa sarili ko habang nakikinig ako sa brainstorming ng grupo namin dito sa classroom ng section Copper, section 4 ako. English time namin and my groupmates here are working for our play, yan kasi final requirement ng teacher namin sa subject niya. Kakatapos lang ng Third Quarter Exam last week – Thursday and Friday.

Lunes ngayon, January 17 at ngayong araw din ang simula ng Fourth Quarter kaya simula na rin ng pagseseryoso. And speaking of pagseseryoso, itong mga ka-tropa ko ay talagang ayaw pa awat lalo na sina Sean Gabriel Nepomuceno at Kenneth Espinas; at si ‘Le, well OK naman siya – maloko kasi kaya ayan naghahabol din sa grades si g@gu – mahal ko siya kaya di pwede pabayaan.

Yup, you heard me right! I’m Mackenzie Louis Soler. And I’m in love with Alejandro Hernaez Jr., na aking tropa at teammate; honestly matagal ko na siyang patago na minamahal I think simula pa nung freshmen pa kaming apat. Nagkakilala kaming dalawa ni ‘Le dahil classmates kami noon pero dahil medyo matalino ako compared sa kanya ay nagkahiwalay kami ng section noong second hanggang ngayong juniors na kami. But despite, hindi ako nawala sa tabi niya lalo pa’t magkasama kami sa varsity.

Sa aming apat, inaamin ko na si Le ang blacksheep. He smokes ‘pag kami-kami lang naman; nagagalit nga sina Ken at Gab everytime he does pero madaling uminit ang ulo nitong mahal ko kaya pinapalampas na lang ng dalawa. He’s hot-tempered and easy-go-lucky. At ako, ayun I try not to get into his way. Ayoko siyang kontrahin; ayoko siyang inisin dahil ayoko na mag-isip siya ng labis kung ipapakita ko na masyado akong concern sa kanya – baka isipin niyang bakla ako at mandiri siya sa akin, worst malaman niya ang nararamdaman ko for him at baka saktan niya ako just like what he did to Ren doon sa hospital months ago noong maabutan namin sila sa labas ng room ni Ken. Tawagin mo na akong closet gay, duwag, or whatever, I don’t give a damn.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon