Tanging Mahal (Chapter 54 : Dito Ka Sa Tabi Ko)

5.4K 113 7
                                    

Pero kung tutuusin mas maswerte pa pala ako kay Aila. Sapagkat mayroong isang Jeremiah Calderon sa  buhay ko na aking bestfriend.

At sa gabing ito, wala na akong masasabi pa kundi napakasaya ko dahil sa surprise ng aking first love.

-------------------------------------------------

Chapter 54 : Dito Ka Sa Tabi Ko 

 

Sge, ingat k dn

Ang basa ni Ren sa kakadating na text message mula kay Mike. Bagaman wala pa din linaw kay Ren,  nagpasya siyang maging matapang at huwag bumitaw sa kanyang pagtitiwala para sa minamahal. Patuloy pa din siyang nagpapadala ng mensahe, paminsan-minsan ay sumasagot ito at ramdam niya ang unti-unting pagbabago nito, maging sa tawagan ay di na nito ginagamit nito sa kanya.

Hindi na siya nag-reply pa dahil baka magalit ito kung panay ang text niya. Isa-isang inaayos ni Ren ang mga gamit pasilid ng bag niya nang magsalita-pabulong ang taong katabi.

‘I’ll go ahead, bukas uli.’, sabay marahang lakad nito palayo, palabas ng silid.

Di man siya tumingin dito ay bakas sa mukha ni Ren ang tuwa dahil sa wakas ay natuldukan na ang mahabang panahon ng panlalamig nila sa bawat isa noong lunes ng umaga. Kung mayroon mang magandang bagay ang hatid ng panlalamig ni Mike ay yun na siguro ang panunumbalik ng magandang relasyon niya sa nakaalitang kaibigan – kahit paano ay nabawasan na ang bigat sa kanyang puso at isipan.


.  .  .  f l a s h b a c k


‘Tara na! Jerry!’, sigaw ni Ren.

‘Teka, tss... sige na nga mauna ka na, dadaan pa ako HQ ng club!’, pagpapa-una naman ng binata.

‘Hayst, sige, bye, mamaya na lang ulet.’, paalam ni Ren palayo.

Tanghali na ng magising si Ren dahil sa sobrang pagod sa ginawang biglaang-lakad ng bestfriend niyang si Jerry kasama siya sa MOA, gayundin dahil sa di maiwasang mag-isip tungkol sa dagliang pagbabago sa isipan ni Mike sa kanilang relasyon. At nagkataong Lunes din kaya napatagal ang byahe nila papuntang school kaya hindi na rin nila naabutan ang flag raising ceremony.

Habang patakbong tinatahak ang parking lot tungo sa main building ay nilabas ni Ren ang cellphone sa bulsa at sumulyap sa digital clock sa screen nito bago ito ibalik.

8:14AM

Shizzz!

Mas lalong binilisan niya ang kilos. Hangos siyang pumasok sa main building at palapit sa hagdan nang mapansin niya ang pamilyar na taong papalapit sa pwesto niya – ito lang ang nag-iisang estudyanteng ganun sa buong school dahil sa gamit nitong isang metal crutch na lang at ang kanang paa na naka-benda pa, wala na itong cast.

Minasdan niya itong bahagyang hirap pa din sa paglakad. Wala ng tao sa pasilyo maliban sa kanilang dalawa sapagkat kanina pa nagsimula ang unang subject sa umaga. Humakbang na si Ren sa hagdan upang umakyat, ngunit nasa ikaanim na baiting pa lang siya na mabilis na sinulyapan niya ang taong nasa baba ng hagdan - di nito alam kung paano ang gagawing pag-akyat.

Muli siyang humakbang paakyat subalit sa pagliko ay nakita niya ulit ang taong nasa ikatlong baiting pa lang at tila hirap, kita ni Ren sa mukha nito ang frustration. Pinagmamasdan niya ito sa kanyang kinatatayuan sa hagdan nang bigla itong nag-angat ng tingin diretso sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Isa, dalawa, tatlo, apat, limang segundo bago kumalas ng tingin si Ren sa pagkakatitig na iyon.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Where stories live. Discover now