Tanging Mahal (Chapter 6 : Round Two)

7.7K 156 5
                                    

Sakto ang pagpasok ni Ren sa classroom nang tumunog ang bell sa umagang iyon. Ngunit nagulat siya dahil ang mga tao sa silid na kanina ay walang-awat sa kakiligan ay tahimik na nakatingin lamang sa kanya. Pagkaupo niya ay agad na lumapit si Ruby.

‘Pinsan mo noh? Kuya mo? Don’t tell me pinili mo ang basketball?’, nagmamadaling usisa ni Ruby.

Napabuntong hininga na lang si Ren.

 

--------------------------------------

Chapter 6 : Round Two

Kaya kanina ko lang siya ulit nakita after almost one year.’, wika ni Ren.

Habang nasa DC’s ay ipinaliwanag niya sa barkada kung bakit siya kilala ni Jerry.

Na sila ay magkababata, na magkakilala ang kanilang mga magulang, na dati rin silang classmates sa dating pinapasukang paaralan sa Manila, higit sa lahat ay dati silang bestfriends. Pero nawalan ng komunikasyon, nagkailangan. Hindi na rin itinago ni Ren sa kanyang mga kaibigan ang kanyang maselang kondisyon.

‘Ah...ganun pala...e ‘di paano yan... kayo na uli?’, biglang tanong ni Ruby.

‘Huh?!’, pagtatakang sabat ni Ren, magkasalubong ang mga kilay.

‘I mean, hindi ka na sasama sa amin, balik-barkada ka na sa kanya?’, paglinaw ni Ruby.

‘Oo nga...sayang naman...’, malungkot ang tinig ni Icko.

Nakikinig lang si Tim sa palitan ng sagot ng grupo.

‘What are you saying guys? C’mon. You’re my friends now.’, masayang wika ni Ren.

‘Nice...wooh!’, masiglang nabulalas ni Icko.

Ay alam ko na... bakit ‘di mo siya isama sa grupo natin...?’, mungkahi ni Ruby.

Napailing lamang si Tim dahil alam na nito ang ibig ipahiwatig, halatang nagseselos ata.

‘Nye! Baka naman ma-O.P. siya sa atin....’, sabay tingin ni Ren bawat kasama.

‘Ren has a point, if that Jeremiah wants to make friends with Ren again, then there’s nothing we can do about it – they have a history, right?’, seryosong tono ni Tim.

Nasamid ng kaunti si Ren sa huling binitawang mga salita ng kaibigan. Hindi naman niya iyon ipinahalata sa barkada at tuloy lamang ito sa pag-inom ng kanyang soda. Baka kung ano pa ang isipin ng mga iyon. Saglit na natahimik ang lahat subalit pinutol ito ni Ren.

‘Guys, ano ba kayo. Hindi ako aalis sa grupo, ok? We are friends now. Walang aalis. And for sure merun na din yung set of friends kaya malayong sumama pa sa atin yun’, paliwanag ni Ren.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon