Tanging Mahal (Chapter 25 : The Sleepover)

6.7K 141 8
                                    

Isang tango at pagkamot sa ulo na lang ang naging sagot ni Jerry habang pinagmamasdan si Martin sa pagpa-park ng kotse. Sa mga sandaling iyon ay nakita niya ang pagliwanag ng isang bintana at napabuntong-hininga muli siya.

Haaaaayyyy ano bang ginagawa mo?, bulong ni Jerry sa sarili sabay lakad papasok ng gate.

------------------------------------------------------

 

 

Chapter 25 : The Sleepover

 

Si Ren

Eto ako ngayon sa kwarto ko nakahiga sa kama at nagbabasa sa text ng usisera kong friend na si Ruby.

Nag-text siya kasi kanina matapos yung tawag ni Mike, tungkol daw sa UN contest, ang gulo nga eh ewan. Haha! Di bale kakausapin ko na lang siya sa Monday about that – nga pala kasi merun kaming dalawang classmates na entries for the contest. We had that kind of celebration also in my old school but Iwas not able to witness it because I got hospitalized, hindi na ako umabot sa date of contest. Kaya ngayon excited ako kasi yung kaklase namin na sina Melissa at Theodore ang pares to represent our class. The actual contest will be held a day after ng Quartely Examinations, which is only a week from now. Sana manalo yung classmates namin. Todo effort pa nga yung section naming sa paggawa ng banners and props para sa dalawa eh.

Kakatapos lang din ng dinner kanina kasama si Jerry. Isang oras mahigit na lumipas pero ayoko pa muna matulog kailangan lang magpababa ng kinain, masama daw kasi matulog ng busog. Speaking of him, teka nga? bakit ba siya sinama dito ni kuya Mart? Ano bang gusto niyang mangyari?

At itong si Jerry ay hindi ko talaga mawari ang gusto! Nakakainis. Kanina sa kotse parang gusto ng makipagbati tapos bigla naman magwo-walk out nung sinagot ko ang tawag ni Mike. Tss. Haaayst! Aaminin ko kinilig talaga ako nung tinulungan ako ni Mike after ko makabangga si Jerry sa entrance door ng main building. Pero nung ipinagtanggol niya ako at dinepensahan sa pagsusungit nun ay feeling ko ‘dead-on-arrival’ ako sa sobrang kelegs!

Sa kabilang banda ay natakot din ako na makita yung nanlilisik sa galit niyang mata. Ewan ko ba, sa pagkakaalam ko kasi ay mag-besfriends silang dalawa pero itong si Jerry din kase tila may topak. Ano ba yung alalayan niya akong tumayo kanina - sa halip ay ininis pa niya lalo si Mike! Teka lang ah – pero nagseselos ba siya kay Mike? E paano naman mangyayari yun e straight siya? Duh! Feeling ko naman... Merun na siyang Aila haller??? Kilala ko si Jerry, alam kong hindi mainitin ang ulo nun, kaya talagang nagtataka ako sa kilos niya. Hmmmm hindi kaya merun pang pinag-awayan tong dalawa na hindi ko pa alam.

Pero mabalik ako kay Mike. Duh???? Kanina lang, emegeeeeeesh! He asked me kung wala ba daw siyang goodbye kiss. Gosh! Hindi ko alam ang isasagot o magiging kilos bilang reaksyon. Sana hindi niya napansin ang pamumula ko. Nakakahiya. Pero nung sinabi niya na biro lang yun parang gusto ko sana seryoso na lang siya nun. Kaya lang natakot talaga ako dahil alam ko sa sarili ko ay bibigay na ako kaya mas mabuti na yung binawi niya agad ang sinabe niya. Pero aaminin ko talaga kinilig ako super sa tagpo naming iyon.

Sa mga nagdaan na linggo ay talagang naging super close kami ni Mike. Hindi ko alam sa kanya pero talagang napalapit na siya sa akin. Matapos ko ma-ospital ay hindi naman na ako inaya niya na maglaro muli ng basketball. Pero, mabuti na lang din bumisita ang parents niya at nagkalinawan sila ni Mommy kaya ayun OK na sa kanya na kaibiganin uli si Mike. Subalit gusto ko talagang matutunan ang basketball para sa kanya dahil alam kong malapit sa puso niya ang sports na yun pero wala talaga eh –sorry, it’s not for me, gurl kaya ako. Char!

Tanging Mahal [BxB/Complete]Where stories live. Discover now