Tanging Mahal (Chapter 30 : For Your Eyes Only)

6.1K 118 7
                                    

Dahil sa hindi inasahang pangyayari kaninang hapon ay di niya nabasa ang texts ng barkada na naghahanap sa kanya at pilit siyang kinukumbinsi na manood sa talent competition to the last minute – nakailang missed call pa nga ang mga ito; may mga text din galing kay Rose at Ruby na nagsabing sana ay nanood siya para narinig daw niya kung gaano kahusay si Ken kaya mas lalong naintriga si Ren. Humabol din ng good night message si Mike kaya di maiwasan ni Ren ang mapangiti. Matapos mag-reply sa mga kaibigan at kay Mike ay saglit na pinag-isipan niya ang nangyari sa buong maghapon. Bago niya ipikit ang mga mata ay naalala niya ang sinabi ni Jerry at isang tanong ang sumagi sa isip niya.

... sana andun ka para narinig mo yung sinabi niya before he started to sing...

Ano bang yung sinabi mo Ken?

--------------------------------------------------------

 

Chapter 30 : For Your Eyes Only

 

April, 4th week

Hindi ito isang amateur video ng isang documentary project. Malikot ang anggulo ng video camera, sa una ay medyo madilim ang paligid, nakatutok sa sahig ang kuha habang animo’y gumagalaw ito papunta kung saan, paminsan ay nakukunan ang pares ng mga paa.

Huminto ang humahawak ng video cam, higit na maliwanag na ang lugar na ito kumpara kanina. Iniangat ang anggulo ng cam  na nakukunan ngayon ang isang lalaking nakasandal sa isang unan. Ang binata na iyon ay halos walang suot maliban sa kulay asul na boxer short. Nakangisi pa ito kung titignan.

‘Ang tagal mo tol...’, halos pabulong sa sabi ng isang tinig.

‘Pa-low bat na ‘yung akin, nanghiram muna ako.’

 ‘Von...kanino yan?’

‘Ke Mike to, nasa labas din yung iba.’

 ‘Tara, tuloy....’

Natigilan saglit ang dalawang lalaki nang lumapit ang isang babae na nakatapis lamang ng kumot sa katawan. Ngumiti ito at nagsalita na parang nang-aakit.

‘Are we all set?’

----- ----- ----- -----

Nagdaos ng isang team building – summer camp ang paaralan ng Abril na iyon para sa lahat ng club at org bilang paghahanda na rin sa pagbubukas ng bagong school year halos isang buwan na lang mula sa araw na iyon. Ang nasabing summer camp ay tatagal ng tatlong araw sa ilalim ng pangunguna ng student council. Kakatapos lang ng group sessions at nagbigay ng council ng 1 hour rest bago magsimula ang buffet dinner sa AVR.

Tanging mga classroom sa buong second floor ng main building ang ginamit bilang quarters/cottages sa nasabing 3-day camp.  Sa labas ng isa sa mga cottage na naroon ay masayang nag-uusap habang nagpapahinga sina Mike, Jerry, Paul, Phillip at Chester – incoming seniors ng varsity team.

Nasa ganoong tagpo sila ng mapansin nila ang dalawang papalapit na babae: ang isa ay naka-jeans at white shirt – isa ito sa mga coordinator ng camp dahil sa ID na suot; samantala ang isa ay higit na pansin ang ganda sa suot nitong grey jogging pants at red body-fit shirt. Mas kilala ng limang binata ang ikalawang babae kumpara sa nauna. 

‘Excuse me, Hi I’m Rose. Have you seen Kenneth?’, bati ng unang babae sa limang lalaki.

Ngumiti lamang ang mga ito na nakikinig sa bagong dating.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon