Tanging Mahal (Chapter 33 : Ano, Masaya Ka Na?

6.2K 138 8
                                    

Naalala ko ang huling tanong niya at galing sa kung saan ay nasabi ko na lang sa hangin ang ganito.

‘Yes Ken and it was a memorable kiss, my first kiss, but how I wish it was Mike.’

--------------------------------------------------------

Chapter 33 : Ano, Masaya Ka Na?

Finally natapos dinnnn!’, pagsigaw ni Icko habang nag-iinat ng braso.

Naging matagumpay ang ginanap na Mr. and Ms. United Nations Contest ng school. Kani-kaniya ng pasabog at pakulo ang mga kalahok mula sa Tradional Dress batay sa bansang kinatawan nila ay hindi rin papatalo ang mga cheering crowd ng bawat pares sa inihandang banners at confetti. Mistulang concert hall ang buong auditorium. Nagsimula sa pag-rampa ang mga kalahok sa stage na sinabayan ng dumadagundong na sigaw ng manonood. Sa ika-2 bahagi ng programa ay tagisan naman ang mga kalahok sa pagsagot sa tanong ng mga hurado. Sa huling bahagi ay inilabas ang resulta.  

Ang hinirang na Ms. United Nations ay walang iba kundi ang classmate nila na si Melissa. Subalit hindi naman pinalad si Ken na makuha ang titulo na Mr. United Nations, bagaman siya ay ginawaran ng special award na Best in Talent.

Halos wala ng tao sa parking lot dahil pasado alas-sais na at nag-uwian na ang mga estudyante. Hinihintay ng barkada ngayon ang pagdating ni Ren dahil nagpunta pa ito sandali ng CR at gayundin ni Ken mula sa dressing room ng auditorium upang mabati ito bago sila maghiwalay pauwi.

‘Grabe! That was so intense!’, bulalas  ni Ruby upang maalis ang tensyon sa katawan.

‘Sinabe mo pa! Akala ko talaga mananalo din si Ken eh... pero OK lang, siya naman ang 2nd Runner-up at Best in Talent!’, pagbawi ni Icko sa panghihinayang.

‘Sabi ko sa inyo may ilalaban din yung si Ken.’, dugtong ni Tim.

‘Correct! At si Melissa naman ang Miss. UN, oh di ba winner?! Well, mabuti na lang at sila ang pinili ko to represent our section.’, pagmamalaki ni Ruby.

‘I agree, iba ka talaga President. Nga pala guys kanina kausap ko si Ken sa gilid ng stage sabi niya wag daw muna tayo umuwi kasi i-treat daw niya tayo ng dinner ngayon.’, mahabang saad ni Rose.

‘Talaga? wow! Iba din pala itong si Kenneth.’ galak na sabi ni Icko.

‘Yan ang gusto ko sa mga manok ko – talentado na galante pa!’, pagbibida ni Ruby.

‘Oh eto na pala si Ken...’, sambit ni Rose sabay kaway sa paparating na kaibigan.

Paglapit ni Ken ay nagpalakpakan ang mga bagong kaibigan sa kanya at isa-isang bumati sa kanyang ipinakitang husay sa contest.

‘Guys salamat! Nga pala sabi ni Melissa may celebration daw sa kanila this Saturday at birthday-treat na din daw niya sa klase natin, para double celebration.’, masayang wika ni Ken ngunit may kung anong hinahanap ang mga mata nito at napansin din agad ni Ruby.

‘Wow naman! Nice!’, si Icko.

‘O tara? Kumpleto na ba tayo?’, usisa ni Ken.

‘Di pa! Nag-CR pa si Ren pero pabalik na din.’, sagot ni Rose.

‘Guys may paparating...’, pagtawag ni Ruby sa atensyon ng mga kasama.

----- ----- ----- -----

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon