Tanging Mahal (Chapter 23 : Break Away From You)

6.5K 147 9
                                    

Madilim na ang silid. Nasa divan sa kabilang bahagi ng silid natutulog si Mart habang si Ren ay nasa kanyang kama pa din, tahimik lang sa marahang pagpindot sa screen ng cellphone. Matapos ang ginawang iyon at umayos na siya ng higa upang matulog ngunit naantala siya sa naramdaman vibration mula sa cellphone. Tinignan niya ang screen at pumindot ng ilang beses upang mabasa ang inaasahang mensahe. Subalit ang ngiting gumuhit sa labi ni Ren ay unti-unting nawala habang binabasa ang mensahe.

10:57PM.

Thank God, I’m happy you’re awake now. I know what you’re trying to do; forget it. Forget him.

------------------------------------------------------

 

Chapter 23 : Break Away From You

 

 

==== DON'T FORGET TO SMILE :-) ====

 

‘Pasensya ka na kay Mommy ah, nag-aalala lang yun kaya niya nasabi yun sa iyo.’

==== GET WELL SOON, LORENZO ====

 

‘I am glad you’re fine now, Ren.’

==== GET WELL SOON, I MISS YOU ====

So, we’re OK then.’

==== I AM SO HAPPY YOU’RE FINE NOW ====

 

‘I think...we should follow what your mom said, isa pa ayokong may mapahamak na kaibigan dahil sa akin.’

 

==== WHATEVER IT IS, I KNOW YOU CAN MAKE IT THROUGH ====

Hapon ng Biyernes.

Nakaupo sa bench sa labas ng main building ay paulit-ulit na tumatakbo iyon sa isip ni Ren kasabay ang pag-alala sa pakikipag-usap niya kay Mike kaninang umaga sa gym. At kasabay nito ay binabasa din niya ang limang sulat mula sa mystery letter sender sa nagdaang limang araw – ang una ay ang sulat na nakuha niya noong Lunes ng hapon bago siya magkipagkita kay Mike at maglaro sa gym samantala ang apat na natira ay para sa mga sumunod pang araw habang siya ay nagpapagaling.

Pinagmasdan niyang muli ang ikalimang sulat at naisip ni Ren na maaaring ramdam din ng nagsulat na iyon ang bigat sa damdamin niya sa mga sandaling iyon.

Matapos kasi ang pag-uusap nila ni Mike noong umaga ay nawalan na ito ng gana sa klase. Hindi siya makapaniwala na seseryosohin talaga ni Mike ang sinabi ni Irma, ang ina ni Ren. Hindi naman naghinala ang mga barkada ni Ren sa pagiging matamlay niya sa buong araw marahil inisip ng mga iyon na dala lang ito ng kondisyon niya at nasa stage pa ng recovery.

...we should follow...your mom, ...ayoko na may mapahamak na kaibigan...

 

Tanging Mahal [BxB/Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon