Dangerous Love (Ashworth Seri...

By LjKizakiri

128K 2.7K 14

Almost four years after the death of Rebecca's friend, she's hiding away from her ex-lover - Riel. After that... More

Dangerous Love (Ashworth Series #2).
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.
Chapter 43.
Chapter 44.
Chapter 45.
Chapter 46.
Chapter 47.
Chapter 48.
Chapter 49.
Epilogue.
Note.

Chapter 35.

1.6K 36 0
By LjKizakiri

Date Published: July 3, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 35.

REBECCA'S POV

Lumabas na muna kaming lahat mula sa kwarto para makapag-trabaho sila Aldrick ng maayos. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako kay Valerie.

Ang ibang miyembro namin dito sa grupo ay nagsipuntahan na sa iba't ibang parte ng bahay para magbantay at makasigurong walang kalaban.

"Valerie is missing for almost 4 years. Anong ginagawa niya dito ngayon?" Tanong ni kuya Reb.

"Hindi kaya may nangyari din sa kaniya nang hindi natin alam? Kasi sobrang lala ng sugat niya sa likod eh." Komento ko.

"Pero ano ang nangyari? Alam kong wala tayong nakukuhang sagot dahil sa may amnesia siya." Sabi naman ni kuya Court.

"Valerie Aldous Reonal. Kaano-ano mo siya, hon?" Tanong ni tito Beryl kay tita Scarlett. Napatingin si tita Scarlett sa kaniya.

"Asawa siya si Asher." Sagot naman ni tita. Nagulat kaming lahat dahil sa sinagot niya. Ngayon lang namin narinig 'yon ah.

"Siya 'yung tinutukoy ko sa'yo, Beryl. Hindi mo naman ako sine-seryoso dahil hindi ka naniniwala at alam din nila papa 'yon." Sabi pa ni tita kay tito Beryl.

Napatingin kaming lahat kay tito Beryl dahil doon. Napakamot na lang siya sa buhok niya dahil doon. Napatingin kami sa pintuan nang bumukas 'yon nakita namin si Aldrick na natataranta.

"Please call Erica. Valerie's pregnant." Agad namang kinuha ni tito Beryl ang phone niya at tinawagan ang pinapatawag ni Aldrick.

~~~~

Pagkatapos tawagan ni tito Beryl ang pinapatawag ni Aldrick ay napatingin ulit kami kay tita Scarlett.

"Paano po nakilala no'ng Asher si Valerie?" Tanong ko. "Hindi ko masyadong natanong si Asher no'n pero ang alam ko prino-protektahan niya ito mula sa isang tao." Sagot niya.

"Nakilala niya lang si Valerie dahil sa I.D nito at kinausap agad si tito Bladerim kung kilala niya ba siya at sinabi naman niya 'oo'."

"Tinanong ni Asher ang tungkol kay Valerie at noong una ay ayaw ni tito Bladerim na malaman ng lahat ang tungkol kay Valerie dahil sa may tuma-target dito."

"Pero dahil nagiging makulit na si Valerie at unti-unti na siyang nahuhulog kay Asher ay ayun, bunyag." Pagkwento niya at napatango kami.

"I wonder if they know about this, though?" Tanong ni kuya Blazen at napatahimik ang lahat dahil. Kapag hindi nila alam ang tungkol dito ay magkakaroon ng gulo.

~~~~

Habang hinihintay 'yung pinapatawag ni Aldrick ay lumapit si Gino sa'min na may kasama pang isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

"Asher?" Napatingin kami kay tita Scarlett dahil sa kilala niya 'yong lalaki. Agad naman niyang niyakap ang lalaki ng mahigpit.

"Nandito ka ba para kay Valerie??" Tanong pa ni tita. "Where's Valerie? Okay lang ba ang asawa ko?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ikaw pala 'yung Asher? Pwede mo bang ikwento sa'min tungkol sa nangyari sa kaniya?" Tumango 'yung lalaki at pinaupo namin siya sa sofa. Umupo din kami at hinintay siyang magsalita para malaman ang nangyari kay Valerie.

"Nakilala ko siya 4 years ago sa isang creek. Wala siyang malay at sugatan. Akala ko pa nga ay kriminal siya dahil doon eh." Paninimula niya.

"Pero bago ang lahat, kaano-ano mo siya, hon?" Kunot noong tanong ni tito Beryl. Mukha siyang nagseselos kapag ganiyan siya.

"Tita ko po siya. 'Wag po kaying mag-alala, hindi niya po ako kabit, tito." Napasapo kami ng noo dahil sa sinagot niya.

"Nagtatanong lang eh. Hindi ko naman sinabing kabit ka niya." Sagot naman ni tito. "So, he's our cousin, huh? Nice to meet you." Sabi naman ni Riel at nakipagkamay kay Asher.

"Ayon nga po, iniligtas ko po siya, ginamot at inalagaan. Nang nagising siya ay doon ko lang po nalaman na may amnesia siya." Pagpapatuloy niya.

"Nalaman ko lang po ang pangalan niya dahil sa ID na dala niya. Inalagaan ko po siya hanggang sa nahulog po ako sa kaniya."

"Gano'n din po siya sa'kin at nagka-anak. Pero this past few days po ay may naalala po siyang babae at pangalan po niya ay Rebecca."

"Anong sabi niya?" Tanong ko. "Ang sabi niya kailangan niyang makita si Rebecca pero hindi niya maalala kung bakit." Sagot niya.

"Why she has a lot of wounds?" Tanong naman ni kuya Blaize. "May sumugod sa'min kanina at nanlaban siya. Kaya ayon, nasugatan siya." Paliwanag niya.

"Prinotektahan kami ng mga tauhan niya kaya napatay 'yung dalawang lalaking sumugod sa bahay at 'yung iba pang nasa labas. Nandoon ang mga tauhan ni Valerie kaya may nagbabantay sa bahay ngayon."

"Pero bakit ako? Anong kailangan niya sa'kin?" Takang tanong ko naman at napa-isip. "Do you remember her saying something to you or something?" Tanong naman ni kuya Blazen.

"Baka naman may kasalanan ka sa kaniya?" Sinamaan ko ng tingin si Alezer at napatahimik siya. "Baka naman may binigay siya sa'yo? Like evidence or hints?" Tanong naman ni kuya Kuja.

"Baka you have a piece of information about what happened to her?" Tanong naman ni ate Bladerina.

Inisip ko lahat ng mga nangyari dati no'ng hindi pa nawawala si Valerie ng halos apat na taon. Bigla kong pinatunog ang dalawa kong daliri nang may naalala na ako.

Agad akong tumayo papunta sa kwarto at may kinuhang folder doon. Bumalik na ko sa pwesto nila at umupo sa sifa ulit.

"Ito. Binigay ni Valerie sa'kin 'to four years ago. Sabi niya ay itago ko 'to at 'wag ibibigay sa iba." Sabi ko.

Napatingin kami sa pinanggalingan ng ingay at nakita namin si Valerie na natakbo ng paika-ika pababa ng hagdan. Hinahabol siya nila Aldrick dahil sa hindi pa siya magaling.

Agad namang lumapit si Asher sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. Sinubukan niya ring pakalmahin ang asawa niya.

"Wife. Stop. Kailangan mong ma check-up. Masyadong malala ang sugat mo." Sabi niya kay Valerie. "Hubby? Hubby, buti naman at ligtas ka. Kamusta 'yong mga bata?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ayos lang sila. Nandoon ang mga tauhan mo at binabantayan ang buong bahay pati na rin 'yong mga bata." Sagot ni Asher.

"Please convince her na bumalik sa kwarto. Hindi pa tapos ang mga tests namin sa kaniya." Sabi ni Aldrich. "Wife, let's go back sa guest room para matapos na nila ang mga tests sa'yo." Pag kumbinsi niya.

"Sama ka. Please, ayokong mag-isa." Napatingin si Asher kanila Aldrich at tumango siyang dalawa sa kaniya.

Sumunod na silang dalawa kanila Aldrick at bago pa sila makalayo ay pumunta sa pwesto ko si Asher at inabot ko sa kaniya 'yon folder.

Mukha naman siyang napagkakatiwalaan kaya binigay ko sa kaniya 'yong folder. Sana naman ay nakatulog 'yon sa problema nila.

"Rebecca?" Napatingin ako kay ate Bladerina nang tinawag niya ko. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"I'm sorry about what happened no'ng unang pagkikita natin. I don't know why at ginawa ko 'yon sa'yo." Paninimula niya.

"I hope you forgive me. Medyo frustrated lang talaga ako no'n dahil sa mga nangyayari kaya sa'yo ko nailabas lahat. I'm so sorry." Seryoso at sinserong saad niya.

"Ate, wala naman 'yon eh. 'Wag kang mag-alala. Kinalimutan ko na 'yon pero sana ay hindi na maulit." Sagot ko at tumango siya.

"Thank you. Tutulong ako sa problema niyo sa Lady Dragon dahil kailangan niya lang pagbayaran ang ginawa niya dati." Sabi niya.

"An auntie." Napatingin ako sa bata nang lumapit siya sa'kin at yumakap. Hinimas ko ang buhok niya at mas lalo siyang ngumiti.

"I'm Kuralade Jester Ashworth Azacura." Pagpapakilala niya. "Hello. Nice to meet you." Nakangiting saad ko.

"She's beautiful. I have a beautiful auntie." Napahawak siya sa pisnge niya at nagpa-cute. Natawa kaming lahat dahil doon.

Nilapitan siya ng mga batang nandito ngayon at niyaya siyang maglaro kaya naman tumakbo na siya kasama nilang lahat at nakipaglaro.

"Punta tayo sa isang private room at may pag-uusapan tayo." Tumango kaming lahat kay tito Beryl at pumunta sa isang private room para mag-usap.

•••• END OF CHAPTER 35. ••••

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 141K 46
SIS (Social Issue Series) #1: Objectifying Women Over protectiveness of boyfriends are often romanticized as cute and caring nowadays. To the point t...
5.7M 95.9K 57
READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED *** FIRST RULE. Don't ask why. SECOND RULE. Don't expect anything. THIRD RULE. You are just m...
22.1M 713K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
3.2M 121K 39
Alas Ferrer is blind. After witnessing the death of his sister and father before his eyes, he refused to continue living and see again. Alas was sent...