Liz [Completed]

By Lyfavie

431K 5.7K 1K

My first story. Unedited. Dami mali. Dami spaces between paragraphs. -_- More

PHASE 1 Teaser
Chapter 1 Ms. S meets Mr. C
Chapter 2 Room M201
Chapter 2.5 Room M201
Chapter 3 Totally Unexpected!
Chapter 4 How I Wish
Chapter 5 First Kiss?
Chapter 6 The G-5
Chapter 7 She's really stupid!
Chapter 8 Discovery!
Chapter 9 The Bet
Chapter 10 The Feast
Chapter 11 Target Shooting! XXX
Chapter 12 Valentine's Day
Chapter 13 The Note
Chapter 14 The Date - Part 1
Chapter 15 The Date - Part 2
Chapter 16 I'm Famous! >_<
Chapter 17 Thief of My Heart
Chapter 18 Liz The Great!
Chapter 19 She's back!
Chapter 20 Meeting Princess
Chapter 21 Goodbye My Almost Lover
Chapter 22 He Believed Her
Chapter 23 A Devil in an Angel's Face
Chapter 24 The Joou
PHASE 2 Teaser
Chapter 25 The Queen's Past - Part 1
Chapter 26 The Queen's Past - Part 2
Chapter 27 The Queen's Past - Part 3
Chapter 28 The Queen's Past - Part 4
Chapter 29 Ang Gwapong Multo!
Chapter 30 PABO at BAKA!
Chapter 31 It Begins.....
Chapter 32 Fate
Chapter 33 Dragon
Chapter 34 The Queen's Past - Part 5
Chapter 35 Bingo--Dragon!?
Chapter 36 - Let's Get Ready!
Chapter 37 The Battle Between The Two
Chapter 38 Big Surprise
Chapter 39 The Boss and the Personal Assistant
Chapter 40 In your arms
Chapter 41 Falling
Chapter 43 Phone Call
Chapter 44 Word Game <3
Chapter 45 Quicksand Love
Chapter 46 Regret
Chapter 47 Revelation
PHASE III Teaser
Chapter 48 Linger
Chapter 49 Unfair
Chapter 50 Boyfriend
Chapter 51 Super Liz
Chapter 52 Face to Face
Chapter 53 Just One Shot
Chapter 54 Mine
Chapter 55 Hana
Chapter 56 Shadow
Chapter 57 Fly Away
Chapter 58 Surprise! Surprise!
Chapter 59 Above The Skies
Announcement kuno ^_^
Chapter 60 Drive
Chapter 61 Promise
Chapter 62 Betrayal
Chapter 63 Finale
Epilogue
Author's Last Note

Chapter 42 Joyride

5.6K 81 16
By Lyfavie

A/N: This chapter is I don't know... Gusto ko lang ng may beach scene kaya ayan resulta... hehe XD...Maganda naman kinalabasan kahit paano... ^^

----------------------------------------------------------

“Gusto mong sumama Pabs?” tanong sa akin ni JiHoo.

Nakatambay na naman ako sa sala at binabasa yung “The Wedding” pa rin na libro ni Nicholas Sparks. Yes, this time eh binabasa ko na dahil nasa Chapter 3 na ako.

“Saan ka pupunta?” balik kong tanong dito habang patuloy pa rin sa pagbabasa.

“Mag-jojoy ride.” Nakasmile nitong sagot.

Joyride? Whaaaa! I like that!

Agad kong binaba ang libro. “Sama ako! Wait lang. Palit lang ako.” pagkatapos ay mabilis akong umakyat sa aking kuwarto at nagpalit.

I decided na magshorts na lang dahil summer na summer eh. Ang init talaga ngayon. Sinuot ko naman ang isang loose Mickey Mouse shirt saka ko binun ang aking buhok. Nag-simpleng tsinelas na lang ako dahil tinatamad na ako magrubber shoes. Hindi ko rin sinuot yung props kong salamin. Oo, props lang po yun… Di talaga malabo mga mata ko… Before going to SKY bigla ko na lang naisip na kailangan ko ng glasses if I want to have a low profile life. But in the end, it doesn’t even help. >_<

“Tara na!” aya ko kay JiHoo na prenteng nakaupo sa sofa. Hawak nito yung librong binabasa ko kanina.

“Nagpalit ka ba talaga Pabs? Bakit parang nakapambahay ka pa rin?” tanong nito sa akin. Saka nito inilapag yung libro sa table. “At di mo yata suot glasses mo ngayon.” Puna nito.

Nagpalit ako. Di lang halata…. Props lang naman yun eh….”

“Props lang yun? Sabagay, you’re prettier without your glasses.”

Ayiiieeeeeeeeee! ^^ Kilig to the max aketch!

“But  you should only remove those glasses when you are with me.”

“At baket?” takang tanong ko.

Hindi ito sumagot at tumayo na lang at nauna ng naglakad palabas.

Aissshhh! >_<

Sumunod ako dito. Pero medyo nahuli ako dahil siniguro ko munang naisara ko yung pintuan. Mahirap na at baka manakawan kami. Kahit na may guards sa subdivision na yun, malay natin kung may makapasok pa rin di ba?

*VROOOOOOOOOOOOOOOOOM*

“Sakay na!” tawag sa akin ni JiHoo.

Napatingin ako dito. Pagkatapos ay sa sasakyan namin.

“Motorcycle?” gulat kong tanong. Akala ko ay magkokotse kami. Di ko naisip na magmomotor pala. Buti na lang at nagshorts ako at di nagskirt.

“Meet my baby Annie.”

“Baby Annie? Binigyan mo ng pangalan motor mo?”

“Hahaha… Of course…Don’t worry Pabs, wag kang magselos kay Annie. Number one ka pa rin sa akin…”

“Tse!”

As if naman….Pero  ang ganda nga ng motor ni JiHoo. Asteeeeeeg! Kulay black yun at may design ng dragon pa talaga.

Inabot nito sa akin yung isang helmet. Bale tig-isa kami.

First time kong sumakay ng motor…. Excited ako!

“Kumapit ka lang sa akin Pabs ha. Baka mahulog ka.”

“Paano?” tanong ko dito. “Ganito ba?” saka ako humawak sa may shoulders nito.

“Di diyan.” Sagot nito. Pagkatapos ay hinawakan nito ang mga kamay ko at iginiya sa may parteng bewang –tiyan nito. “Here.” Wika nito habang hawak mga kamay ko around his waist. “Humawak ka ng mahigpit dahil mabilis ‘tong si Annie.”

Hinigpitan ko nga ang pagkakahawak sa kay JiHoo. Dikit na dikit mga katawan namin sa isa’t isa. Langhap ko rin ang amoy ng pabango nito. Hmmmmmmmmm….. Ang bango! Very masculine perfurme/cologne nito.

“Let’s get started.” Malakas na sabi ni JiHoo.

*VROOOOOOOOOOOMMMMMMMMM*

Pagkatapos ay pinaandar nito ng mabilis si Annie.

Waaaaaaaaaaaaa! Sobrang bilis magpatakbo si JiHoo. Or baka sobrang bilis lang talaga ni Annie. Kala mo hinahabol kami ng mga pulis sa tulin nun.

Hinigpitan ko ang pagkakayakap dito. Nasasanay na akong malapit kay JiHoo. Nasasanay na akong yakap-yakap ito. Is this a good sign? Or the other way around?

Kung saan-saan kami napadpad ni JiHoo habang sakay ni Annie. Hindi ko nga alam kung nasaang parte na kami ng Pilipinas eh.

Basta enjoy pa lang magjoy ride!

*WOOOOOOOOSSSSSSSSSSHHHHHHHHHH*

Ahhhhhhhh! Ang sarap ng hangin!

Bigla akong bumitiw sa pagkakayakap kay JiHoo.

“Hahahaha! I’M THE QUEEN OF THE WORLDDDDD!” malakas kong sigaw habang nakataas na paspread na parang letter-T ang aking mga kamay. Ginaya ko si Rose ng Titanic but motorcycle version nga lang. Ahehehe…. XD

“ARE YOU CARZY?! KUMAPIT KA PABS! BAKA MAHULOG KA!” worried na sigaw sa akin ni JiHoo.

Agad din naman akong yumakap kay JiHoo. “Nyahaha! Ito naman!”

“Don’t ever do that again. You scared the hell out of me.”

“May kinatatakutan ka rin pala.” And then gave a small laugh.

“Yes. And that is – “

“JiHoo! Beach oh! Gusto kong pumunta diyan…” excited kong sabi ng makita ang beach. Miss ko na talaga ang beach. Lumaki ka ba naman sa isang island na napapalibutan ng dagat, sino ang hindi di ba?

He gave a sighed. “Okay.” Then suddenly he laughed. “AHAHAHAHAHA! AHAHAHAHA!”

Parang baliw itong si JiHoo. Bigla na lang tumatawa. Wala namang nakakatawa. >_<

“Anong nakakatawa?”

“Nothing….”

Nothing daw pero ramdam ko pa rin ang pag-galaw ng katawan nito dahil sa pinipigil nitong tawa.

Aissssshhh! Bahala na nga ito!

Beach! Here I come!

Agad kong tinanggal ang helmet ko pagkapatay ni JiHoo kay Annie. Hinubad ko ang slippers ko at tumakbo patungo doon.

Namiss ko talaga ultimo pagtapak man lang sa buhangin.  Iba kasi pakiramdam ng barefoot na nakaapak sa buhangin. Then, tumakbo naman ako patungo sa dagat. Sa gilid lang dahil hindi ako puwedeng maligo at wala kaming dalang mga damit. Baka masira pa si Annie kapag sumakay akong basang-basa.

Nakita ko si JiHoo na nakatayo sa buhanginan.

“JiHoo!!!” kaway ko dito.

Nakangiting gumanti ito ng kaway.

Lumapit pa ito sa akin. Pero nanatili itong nasa pampang lang.

“Takot ka sa tubig?” buska ko dito.

“Sinong takot sa tubig?” agad nitong hinubad ang sapatos at basta na lang nilagay malayo sa maabot ng tubig-dagat. Pagkatapos ay nagtungo ito sa akin at binasa ako ng tubig sa pamamagitan ng pag-splash nun sa akin.

“Ahhhh…..Ano ba!”

“HAHAHAHA!” tawa lang nito.

Gumanti rin ako at sinubukan itong basahin din.

Pero parang ako lang naman nababasa sa aming dalawa. -__- So unfair! >_<

“Waaaaaaaa! Ayoko na!” at mabilis akong tumakbo patungo sa pampang.

Hinabol ako ni JiHoo. “Habulan na lang tayo Pabs!” malakas na sigaw ni JiHoo.

“GAMEEEE!” ganti ko namang sigaw.

Kaya hayun! Para kaming mga batang naghahabulan sa beach…. Buti na lang at walang katao-tao dun maliban sa aming dalawa. Pero dinig na dinig siguro ng mga dumadaan na mga sasakyan ang aming mga tawa at halakhakan. ^^

Nang mapagod kami ay naupo na lang kami sa tabi.

Ang dumi-dumi na namin dahil naghalo na ang pawis sa aming mga balat at yung mga buhangin naman ay kumapit na sa mga basang shorts at pants namin.

Magkatabi kaming nakaupo. Pagod na pagod na ako at inaantok. Buti na lang at hindi na masyadong mainit kahit mga quarter to 4 na siguro.

Pilit kong nilalabanan ang antok na nararamdaman.

“Inaantok ka Pabs?”

“Hmmmm…” kahit sumagot ay wala na akong energy.

Kinabig ako ni JiHoo palapit dito. Pagkatapos ay isinandal nito ang ulo ko sa balikat nito. Nagulat man ako sa ginawa nito, hindi ko na nagawang magprotesta dahil inaantok na talaga ako.

“Sleep….” Gentle nitong utos sa akin.

“U-uhmmm” ipinikit ko na mga mata ko at natulog nga.

***********

*VROOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMM*

Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog.

“Asan si JiHoo?” nagtatakang tanong ko ng mapansing mag-isa na lang ako. Nakasandal ako sa isang palm tree. Hindi na yun yung inupuhan namin ni JiHoo before ako makatulog.

Binuhat niya ako dito?

Aisssssshhhh! Pero nasaan ito? Iniwan akong mag-isa!? >_<

Bigla kong napansin ang jacket nitong nakakumot sa likod ko. Napawi lahat ng galit ko ng mahawakan iyon.

At least, may konsensiya ito….^^

“PABS! GISING KA NA BA?!” malakas na sigaw nit JiHoo sa di kalayuan. Pinapaandar nito si Annie.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at sumagot dito. “AALIS NA BA TAYO?”

“OO! KAYA HALIKA NA!”

“SIGEEEEE! SANDALI LANGGGGG!”

Sinuot ko ang tsinelas ko at binitbit ang jacket. Palubog na yung araw kaya kailangan na naming makauwi.

Binabaybay ko ang daan patungo sa kinaroroonan ni JiHoo at Annie ng madaanan ko yung parteng inupuan namin ni JiHoo nung makatulog ako.

“Ano ‘tong nakasulat dito?” curious kong usisa.

Umupo ako at pinagmasdan iyon. Napangiti ako ng malaman kung ano nakasulat sa buhangin.

“PABBBBBSSSSSSSS! DALIAN MOOOO!”

“ANDIYAN NAAAAA!”

Inerase ko yung last two words na nakasulat at using my index fingers, I wrote down 7 letters bilang kapalit.

Satisfied, I got up and continued walking towards JiHoo with a big smile in my face.

“Maganda yata gising mo?” bungad sa akin ni JiHoo. Umaalis ito mula sa pagkakasakay kay Annie at parang may kinukuha sa loob nung parang component ni Annie.

Hindi ako sumagot at ngumiti lang. At sa halip ay nagtanong, “uuwi na ba tayo?”

“Yes… But let’s take a picture as a souvenir…”

“Picture? May dala kang camera?”

He nods. At inilabas nito ang DSLR camera nito.

Hanep ah! Bakit ngayon lang nito nilabas iyon? Dapat kanina pa.

“Sinong kukuha ng picture?”

“Siya.” Sagot ni JiHoo sa isang teenager na lalaki na naglalakad.

Great timing!

“Puwedeng papicture kami?” tanong ko dito.

“Sige…” sagot nito.

Tumayo ako sa tabi ni JiHoo. Kasama pa namin si Annie sa background at maging yung beach and the sunset. Perfect na perfect!

With a smile on my face, nagready na ako na makuhanan. Pero hindi ko inaasahan ng bigla akong inakbayan ni JiHoo. Gulat tuloy akong napatingin sa kanya. But he looks comfortable with it, kaya binalik ko ang tingin sa camera at binigay ang aking best winning smile. ^^

*FLASSHHHHHHH*

“Thanks!” sabi ni JiHoo dun sa nagpicture saka nito kinuha yung camera.

“Patingin!” sabi ko kay JiHoo at pilit inaabot yung camera.

“Sa bahay na lang Pabs. Bibigyan na lang kita ng kopya.” Sagot nito sa akin. Pagkatapos ay tinago na nito yun.

Ahhhhhh! Baka ang pangit ng kuha ko dun! >_<

“Hop on!” tawag sa akin ni JiHoo na ready na dahil nakaupo na ito kay Annie at may suot ng helmet.

“Marumi at medyo basa pa shorts ko? Ok lang ba kay Annie yun?” tanong ko dito habang sinusuot ko naman yung helmet ko.

“Ayos lang yan kay Annie.” wika nito.

Sumakay na nga ako kay Annie at yumakap kay JiHoo.

Habang pinapatakbo ni JiHoo si Annie, bigla akong napangiti ng maalala yung nakasulat sa buhangin.

Written in the sands were:

PABO AND BAKA WERE HERE

And I changed the last two words with the seven letters word.

So it became:

PABO AND BAKA FOREVER

 Yes, I have totally lost my mind. And I have totally lost my heart.

There is no turning back anymore….

This is it! Bring it on!

But I just have one wish deep inside my heart.

That is – just like what’s written in the sand, there will be BAKA AND PABO FOREVER….

I gave a soft smile then tighten my arms around JiHoo.

I’m ready no matter what happens.

I’m ready….

Continue Reading

You'll Also Like

362K 1.7K 46
i promise i wont fall in love again but why does my heart beats for you?? the one i like is the guitarist but why do i have the urge to be only with...
734K 6.9K 100
Love comes when you least expect it. Love comes when you're not looking for it. Love comes even when you're avoiding it. What happens when a beautifu...
226K 5.1K 45
This story is just a fiction. Gawa gawa lang ng author. So please, respect my opinion. No *description* about sa story para may twist. Choss lang. In...
3.8K 36 15
Isang comedy-romance story na naka-sentro sa mga pinaggagagawa ko, si Main Character, upang makuha at mailigtas ang aking munting prinsesa sa kamay n...
Wattpad App - Unlock exclusive features