Ate(Completed)

By MissJ_35

344K 12.4K 1.5K

Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bag... More

Prologue
Chapter1: Farewell
Chapter2: A fight
Chapter3: Ella
Chapter4: Her presence
Chapter5: Transferee
Chapter6: Love letter
Chapter7: Sweet revenge
Chapter8: Welcome Home
Chapter9: Tears
Chapter10: Questions
Chapter11: Serina
Chapter12: Ribbon clip
Chapter13: Nightmare
Chapter14: Birthday Gift
Chapter15: The twins
Chapter16: Note
Chapter17: Imprisoned
Chapter18: Save her
Chapter19: Secrets
Chapter20: Justice?
Chapter21: Investigation
Chapter22: Suspect
Chapter23: Monic
Chapter24:Pain
Chapter25: Ate Serina
Chapter26: Trigger
Chapter27: The Culprit
Chapter29: The Promise
Chapter30: His answer
Chapter31: The Answer
Chapter32: Katapusan?
Chapter33: Lights on
Chapter34: Kaba
Chapter35: Hinala
Chapter36: Trap
Chapter37: Dugo
Chapter38: Case
Chapter39: Truth
Chapter 40: Suzy's Help
Chapter41: Scribbles
Chapter42: Se-re-ni-ty.
Chapter43: Wrath
Chapter44: Dirty Truth.
Chapter45: Madness.
Final Chapter: Pangako.
Epilogue

Chapter28: School Camp

5.7K 170 17
By MissJ_35






Dedicated to :

LuiAlvarez9

:)











Serenity's POV

"So guys, tuloy pa rin ang school camp dahil nga isa ito sa mga activity ng school. Ito rin ang lumabas sa survey na binigay namin sa inyo yesterday. Mauurong lang ito. Siguro mga next next week pa."

Narinig kong balita ng adviser namin. Nagtatakang napatingin ako sa harap kung nasaan naroon si Maam espiritu.

Survey? Wala akong balita tungkol doon.

Teka..... Hindi ba nila naisip na nasa panganib ang buhay nila kung sasama sila doon? Nakalimutan na ba nila na may pumapatay sa school? Mga nahihibang na nga siguro sila. Imbis na kaligtasan ang isipin nila, luho nila ang pinairal, tsk.



Nag kaingay sa buong room dahil sa tuwa sa binalita ng Adviser namin. Lahat sila ay sang ayon. Ako lang ang hindi.

Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari patungkol doon? Napaparanoid lang ba ako? Simula ng ibalita sa amin ni maam ang tungkol sa school camp, may iba na akong naramdaman.


Sana mali iyon......


"Uuuy, masyado ka atang seryoso, Serenity? "

Napatingin ako sa likuran ng upuan ko kung nasaan nadoon si Suzy. Hindi naman dito ang pwesto nya.

"Napunta ka sa likuran ko? "

Bati ko sa kanya.

"Trip ko lang lumipat hehehe. Isa pa, ayaw ko sa pwesto ko, wala akong maka usap. "

Sagot nito sa akin. Matagal na siya dito pero wala pa siyang kaibigan?

"Alam mo na ba yung balita? "

Pag iiba nito sa usapan. Hindi na malabong malaman ko agad ang balitang iyon dahil sa mga estudyante dito na mabilis makakalap ng mga balita. Hindi ko naman sila pinapakinggan pero sadyang paulit ulit lang halos ang pinag uusapan nila kaya tumatatak na rin sa isip ko.

"Na patay na si Gabbie? Na
binaril siya ng kapatid niya? Na sinet up sila? Mabilis kumalat ang balita Suzy."

Pangunguna ko sa kanya. Kaya kaninang pag pasok ko ay mainit na naman ang mga mata nila sa akin. Tingin ng pangbabatikos, takot, at galit. Sa madaling salita. Mga tinging nakakamatay. Wala naman akong magagawa kung di sanayin ko na lang ang sarili ko sa mga ganoong bagay. Pero mahirap pa rin na hinuhusgahan ka.

"Kawawa naman si Gabbie at Grace."
Komento ni Suzy, makikita mo talaga sa mga mata niya ang awa.

Masama na kung masama, pero inaamin kong may parte sa akin na natuwa dahil nawala si Gabbie. Oo, ubod ng sama ng ganoong klase ng bagay. Dahil iyon sa poot ko sa kanya at sa grupo niya. Sila ang nag simula ng lahat, sila ang may pakana nito. Ginalit nila ang Ate ko kaya ito ang naging kayabaran sa mga ginawa nila.

Sa kabilang bahagi naman ay mayroon pa ring porsyento sa akin ang awa sa sinapit niya at ng kapatid niya.

"May i excuse Miss Serenity Dizon for some business."

Napatingin kami ni Suzy sa may pintuan dahil sa biglang pag salita ng isang bisita.

Kunot noo ko siyang tinignan.











Ano na naman ba ang kailangan sa akin ni Detective Santos?

































--------------------------------------

Nandito kami ngayon sa Detention room. Tanging katahimikan lamang ang bumabalot sa amin.

Apat kaming nasa loob.

Si Detective Santos, Ako, Batang babae na tantsa ko ay si Grace na kapatid ni Gabbie at ang inang kasama nito.

Nakakapagtaka lang dahil naka pantulog lang si Grace na nandito?

Pansin ko rin ang tingin niya sa akin kahit nakasiksik siya sa mama niya. Takot, Galit, Pangamba. Ano bang meron?

"Alam kong alam mo na kung sino ang nasa harapan mo ngayon Serenity. Kaya mag simula na tayo."

Bigkas ni Detective Santos, malamig ko lamang siyang tinitigan dahil ayaw ko rin ang mga titig niya sa akin. Titig ng puno ng panghihinala.... Panghihinalang ayaw ko sa lahat.




"Si Grace ang nakasaksi sa lahat ng nangyari sa Ate niya, at matutukoy niya kung sino ang may pakana noon."

Muling sabi nito. Nakita kong tinitigan ako ni Grace ng mabuti. Para bang sinisiwalat niya ang buong pagkatao ko.

"Prime suspect ako kaya malamang na ako ang una niyong ipapakita sa kanya."

Walang gana kong sabi sa kanya. Wala din namang patutunguhan ang bagay na ito. Ilang beses ko ba dapat ipag siksikan sa isipan ng Detective na ito na hindi ako ang may pakana? Mahirap man paniwalaan ang mga sinasabi ko ay alam kong totoo ang mga iyon.

Ako na lang ata ang makakalutas sa mga kaguluhang ito.

"No..... Hindi siya si Serina."

Biglang putol ni Grace sa amin. Hindi na siya nakasiksik sa mama niya. Nawala na ang mga makahulugang tingin niya sa akin.

"What? "

Ulit ni Detective Santos na sinagot lamang ng pag iling ni Grace. Pati ngayon ako ay naintriga. Pwedeng mayroong maibigay sa aking impormasyon si Grace na makakatulong sa akin!

"Her voice..... Her hair... were a little bit different. "

Dagdag ni Grace habang nakatingin sa akin.

"N-Nakita mo ang Ate ko? "
Tanong ko sa kanya. Bigla akong nainggit sa kanya dahil nakita niya ang Ate ko. Gusto ko na ulit siyang makita.

Bigla na lamang nag landas ang mga luha ko na di maubos ubos. Pinunasan ko naman agad ang mga iyon gamit ang mga kamay ko. Hindi ngayon ang oras para umiyak.

"S-Siya si Serenity, H-Hindi s-siya s-si A-Ate Serina."

Muling sabi ni Grace. Dahil sa bigat ng nararamdaman ay hindi na nito napigilan pang umiyak.  Ano bang mayroon? Ano na naman ba ang ginawa ng Ate ko? Bakit pati si Grace na wala namang kinalaman ay dinamay niya? Siya ba talaga ang tinutukoy ni Grace?

"Grace, May sinabi ba siya sa iyo? "

Ngayon ay nakatutok na ang Atensyon ni Detective Santos sa kanya. Napaka seryoso niya. Malamang na naguguluhan din siya.

"A-Ang sabi n-niya p-po sa akin na p-pinatay daw p-po siya ni Ate Gabbie at ng m-mga kaibigan n-ni Ate, At papatayin d-din daw p-po nila a-ang kapatid n-niya n-na s-s Serenity. "

Putol putol nitong sabi. Napatingin sa akin si Detective Santos, kaswal ko lamang siyang tinignan. Alam ko na ang bagay na iyon, alam ko ang mga bagay patungkol sa grupo nila Maxine, ang tanging di ko alam ay ang sikreto nya sa likod ng mga ito.

Iyon ang dapat kong malaman. Makakatulong sa akin iyon para matigil ang mga balak pa ni Ate.

"Detective. Dapat siguro ay wag na lamang po kayo makielam. Hindi po ordinaryo ang kasong ito. Baka pati po kayo ay idamay ng Ate ko. Si Grace nga po na walang muwang nadamay, kayo pa kaya? Para sa ikabubuti ninyo. Itigil nyo na ang pakikielam. "

Seryoso kong sabi sa kanya. Ngunit nag pakawala lamang siya ng isang malutong na tawa. Naiinis na ako sa asal niya.

"Na ano? Multo ang may pak--"

"Sige! Kung gusto nyo ng mamatay makielam pa kayo! Hindi nyo kilala ang Ate ko Detective! Wala kayong alam sa mga dinanas niya! Kaya wag na wag nyo akong pinangungunahan! Bastos na kung bastos! Ang mahalaga ay nag sabi na ako sa inyo ng totoo na pinagtawanan nyo lang! "

Putol ko sa kanya. Napahampas na lamamg ako sa mesa dahil sa sobrang inis. Siya na nga ang inaalala siya pa itong pilit ng pilit! Kung ayaw niyang maniwala edi huwag! Siguro saka pa nya mapagtatanto ang mga sinabi ko kapag napahamak na siya!

Kung ganoon wala na akong kasalanan doon!

Naiinis kong sinipa ang upuan ko na agad namang natumba. Bwisit na bwisit na ako!

Nakita ko ang tingin niya sa akin, seryoso na siya. Buti naman! Dahil hindi na ako nakikipag biro pa sa kanya!

"Were not done yet."

Pigil niya sa akin dahil palabas na ako. Inis ko siyang tinitigan. Una ko pa lang siyang nakita, alam ko ng hindi siya ang makakatulong sa akin. Na magiging sagabal pa siya sa pag iimbestiga ko.

"Tapos na ang mga bagay na ito Detective. Napahayag na ni Grace na hindi ako ang may pakana nito. Sa madaling salita, labas na ako sa kasong ito. At isa pa nga pala..... KAHIT KAILAN HINDI NINYO MALULUTAS ANG KASONG ITO DAHIL SA HINDI NINYO PANINIWALA."

Nakita ko sa reaksyon nya ang inis dahil sa sinabi ko. Wala siyang dapat ikainis dahil totoo ang mga sinabi ko.

Nabuksan ko na ang pintuan ng may maalala akong isang bagay.

"Oo nga pala, Grace."

Tawag ko sa kanya kahit nakatalikod ko. Dapat niyang malaman ang lahay para makawala siya sa bangungot na ito.

"Totoo ang sinabi ng Ate ko. Mamamatay tao ang Ate mo at ang mga kaibigan niya..... At balak nilang pataying din ako. Isa lang ang alam kong gawin..."

Humarap ako sa kanya, doon ko nakita ang pagluha niya, ganoon din ang Mama niya. Umiiling iling ito. Hindi malamang makapaniwala.

"Uunahan ko sila."

Sabi ko bago lumabas ng tuluyan. Hindi ko na lang pinansin pa ang pag tawag sa akin ng lintik na Detective na iyon. Wala na kaming dapat pang pag usapan.

Sisimulan ko na ulit ang pag konekta sa mga pangyayari.

Nararamdaman kong malapit ng matapos ang lahat. Nararamdaman ko rin na may malaking bagay na magaganap.

Alam kong parehas na mayroong binabalak ang Ate ko at si Maxine sa magaganap na school camp.


Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay paghandaan ang dalawang malaking dagok na iyon.


















Itutuloy......





Continue Reading

You'll Also Like

701K 48.4K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
63.2K 2.7K 57
Book 2 Tahimik na sana ang pamilya ni Jane sa tatlong taon na lumipas. Hanggang sa may dumapong karamdaman sa kanyang ina. At napag-alaman nilang isa...
583K 10.7K 38
Damhin ang kanyang ganti. Sa kanyang muling pagbabalik takot at pagtangis ang mamayani. Humanda ka na sapagkat siya ang magdadala ng impiyerno sa b...