Ate(Completed)

MissJ_35 द्वारा

344K 12.4K 1.5K

Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bag... अधिक

Prologue
Chapter1: Farewell
Chapter2: A fight
Chapter3: Ella
Chapter4: Her presence
Chapter5: Transferee
Chapter6: Love letter
Chapter7: Sweet revenge
Chapter8: Welcome Home
Chapter9: Tears
Chapter10: Questions
Chapter11: Serina
Chapter12: Ribbon clip
Chapter13: Nightmare
Chapter14: Birthday Gift
Chapter15: The twins
Chapter16: Note
Chapter17: Imprisoned
Chapter18: Save her
Chapter19: Secrets
Chapter20: Justice?
Chapter21: Investigation
Chapter22: Suspect
Chapter23: Monic
Chapter24:Pain
Chapter25: Ate Serina
Chapter27: The Culprit
Chapter28: School Camp
Chapter29: The Promise
Chapter30: His answer
Chapter31: The Answer
Chapter32: Katapusan?
Chapter33: Lights on
Chapter34: Kaba
Chapter35: Hinala
Chapter36: Trap
Chapter37: Dugo
Chapter38: Case
Chapter39: Truth
Chapter 40: Suzy's Help
Chapter41: Scribbles
Chapter42: Se-re-ni-ty.
Chapter43: Wrath
Chapter44: Dirty Truth.
Chapter45: Madness.
Final Chapter: Pangako.
Epilogue

Chapter26: Trigger

5.5K 181 18
MissJ_35 द्वारा









DEDICATED TO :

@DeezThing

Salamat sa pagiging updated!











3rd person's POV


Napamulat ang mga mata ni Gabbie dahil sa lamig ng tubig na kanyang naramdaman. Madilim sa paligid, tanging ang sinag lamang ng buwan ang nag sisilbing ilaw sa kanya.

"Gising na rin sa wakas ang prinsesa! "

Agad na alarma si Gabbie ng marinig ang tinig na iyon.  Alam niya na maaring may masamang mangyari dahil naroon ang nilalang na kinatatakutan niya.

Tatayo sana sya upang makatakbo mula rito ngunit napigilan siya ng taling nakapalupot sa kanya. Sa mga oras pa lamang na iyon nya namalayan na siya ay nakatali sa isang upuan. Iginala nya ang kanyang paningin, pilit na inaaninag ang kadaliman upang malaman kung nasaan siya naroon.

Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan, ay nakita niyang nasa isa siyang rooftop na pamilyar sa kanya. Nakita niya rin na nakasuot siya ng uniporme ng kanilang paaralan.

"Ate Gabbie..."

Tawag ng tinig na agad niyang nabosesan. Napatingin siya sa kanyang harapan at doon niya nakita ang kanyang kapatid na si Grace, nag aalalang nakatingin ito sa kanya habang nakahawak sa kamay ng isang tao. Tinignan niya ang taong kinahahawakan nito, doon ay nakita niya ang nilalang na pilit niyang tinatakasan.

Maputla ang mga balat.

Puro itim ang mga mata.

Umiiyak ng itim na likido.

Nakaukit sa mga labi nito ang isang nakakakilabot na ngisi. Napatingin siya sa ulo nito at doon nakita ang suot nitong Ribbon clip.  Hindi rin alintana sa kanya ang walang tigil na pag agos ng dugo sa kaliwang pulso nito.









"Serina...."

Bigkas niya sa pangalan nito na naging dahilan ng mas lalong pag lawak ng ngisi nito.

"Grace, gising na ang Ate mo! Pwede! na tayong mag laro! "

Wika nito sa kanyang kapatid. Mas lalo siyang ginapangan ng takot dahil sa boses nito na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa.

Umagos ang mga luha niya dahil sa pag aalala, pag aalala para sa kapatid na hawak nito.

"P-Please, D-Dont hurt my s-sister...She's innocent..."

Pagsusumamo niya rito. Nag salubong ang dalawang kilay ni Serina, ang kaninang ngisi ay napalitan ng galit, bumitaw ito kay Grace at agad na lumapit sa kanya upang bigyan siya na isang malakas na sampal. Para bang natanggal ang panga ni Gabbie dahil sa lakas ng sampal na kanyang natanggap.

"Eh bakit ako?! Inosente rin naman ako ah! Eh bakit ninyo ako pinahirapan at pinatay?! At yung kapatid ko! Si Serenity! Dinamay ninyo! Balak ninyo siyang igaya sa akin! Kaya bago nyo magawa iyon, uunahan ko na kayo! "

Nanggagalaiting sumbat ni Serina kay Gabbie.

"Sa inyo ito nag simula, kaya sa inyo rin ito matatapos..."

Dugtong nito. Sumenyas sa hangin si Serina, tila ba may pinag uutos. Sa isang iglap ay nakita niyang nakatali na rin ang kanyang kapatid sa isang upuan sa kanyang harapan, gulat itong nakatitig sa kanya, pilit na kumakawala.

"Ate help me! I can't move! "

Umiiyak nitong sabi sa kanya.

"PLEASE! SERINA! DONT TOUCH HER! "

Sigaw niya na tila ba isang musika kay Serina. Lumapit ito sa kanyang kapatid, hinahawakan nito ang hibla ng buhok ng kapatid niya.

"Let's  start this show already! Grace sweetie! I want you to watch your sister and me playing a game! Behave okay? If you dont want to die like what will happen to her."

Sabi nito sa kanyang kapatid sabay turo sa direksyon niya. Walang humpay ang kanyang pag iyak, natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya at sa kapatid niya na hawak hawak ni Serina. Alam niyang sa isang iglap lang ay maaaring mamatay siya at ang kapatid niya na walang kinilaman sa mga nangyari.

"Do you remember Sharpy? The knife who will kill your fucking sister. "

Nakangiting saad nito sa kanyang kapatid. Iwinawagayway nito ang hawak nitong kutsilyo sa hangin, tuwang tuwa dahil sa talas noon. Sinabayan siya ng kanyang kapatid sa pag iyak dahil sa takot, paulit ulit siya nitong tinatawag na mas lalong nag papabigat sa nararamdaman niya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya ito mailigtas, naiinis siya dahil nadamay ito sa gulong pinasok niya.

"Naalala ko yung kambal mong kaibigan Gabbie! Parang ganito rin yung sitwasyon! Namiss mo na sila? Huwag kang mag alala! Mag kikita na ulit kayo! Sa impyerno nga lang! Hahahaha! "

Nababaliw nitong baling sa kanya. Lumapit si Serina sa kanya. Dahan dahan, sinasadya siya nito na sindakin. Nang makalapit na ito sa kanya ay pumwesto ito sa likod ng kanyang kinauupuan, hinawakan nito ang mag kabila niyang balikat habang hawak pa rin ang kutsilyo sa kanang kamay nito. Kitang kita niya kung gaano ito katalim, kung gaano kalalim ang sugat na maari niyang matamo mula roon. Hindi na siya makahinga dahil sa sobrang kaba, laman ng kanyang isipan ang maaari niyang kahinatnan.

"Before i kill your sister. I want you to know, Grace. That she's a monster. She killed me, and she and her company were planning to kill my precious sister. Understand? So, dont waste your tears, she's a demon, a monster. "

Paliwanag nito sa kanyang kapatid, napayuko na lamang siya dahil tama ang mga sinasabi nito.

"N-No! It isnt true! "

Sigaw ng kanyang kapatid.

"Look at her ... She admitted it sweetie."

Muli nitong sabi sa kanyang kapatid, narinig niya ang pag iyak nito na mas lalong dumurog sa kanya.

"How old are you Grace? "

Tanong nito na hindi sinagot ng kanyang kapatid.

"ANSWER ME! "

Galit na tanong nito na agad na nag patakot sa kanya at kay Grace.

"E-E-Eight. "

Kinakabahang sagot nito kay Serina. Ngumisi ito sa narinig.  Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ni Gabbie na mas lalong nag patakot dito.

"You heard it, I will grant you an eight stab. Dont worry, i'll make sure that those stabs will not come so deep."

Bulong nito sa kanya bago ibaon ang kutsilyong hawak nito, wala pang kalahati ng talim nito ang bumaon sa kanya.

"AHHHH! "
Daing ni Gabbie.

"One, two"

"AAAHHH! "
Muling sigaw nito.

"Lower your voice! Bitch! "

Bulyaw sa kanya ni Serina, kinuha nito sa kanyang bulsa ang isang tela na pinambabalot niya sa kanyang kutsilyo.  Ibinusal niya ito kay Gabbie.

"Isunod sunod ko na kaya? Kawawa ka naman eh, hahahaha! "

Sabi nito sa kanya. Wala siyang ibang nagawa kung di tiisin ang sakit, nasulyapan pa ni Gabbie ang kapatid niya, nakatulala lamang ito dahil sa sobrang takot.

"three."






"Four."


"Five."



"Six."



"Seven."



"Eight."




Umaagos na ang dugo ni Gabbie dahil sa dami ng sugat na kanyang natamo, mabababaw lamang iyon ngunit dahil sa dami ay ganoon na lamang ang pag kalat ng dugo niya.

Nanghihina dahil sa pagod at pag impit na sigaw niya.  Kahit ng hihina ay tinignan nya pa rin ang kanyang kapatid, sinisigurong ayos lamang ito. Nakita niya ang mukha nito na nababasa ng mga luha nito.

Naramdaman ni Gabbie ang pag luwag ng taling nakapalupot sa kanya. Nang tuluyan iyong makalag ay paluhod siyang napabagsak, pilit niyang itinatayo ang kanyang sarili.

Kahit nanlalabo na ang paningin ay nakita niyang kinakalagan ni Serina ang kapatid niya. Maya maya pa ay may binulong ito, sabay abot ng isang bagay.

Kusang luminaw ang mga mata niya ng makitang baril ang inabot nito sa kapatid niya. Nakatutok ang kutsilyo ni Serina sa kapatid niya na nagbigay lakas sa kanya upang tumayo, tila ba nawala sa kanyang isipan ang natamong saksak.

"If she didnt trigger it, she will die."

Nakangising sabi nito sa kanya. Napaluha na lamang siya dahil malapit na ang oras niya.

"Grace, click it..."

Nakangiti niyang sabi dito, pilit pinapagaan ang dala nitong takot.

"W-Why? W-What wil--"

"JUST TRIGGER IT! KIDDO! "

Sigaw niya dito. Dala ng gulat ay nakalabit ni Grace ang gatilyo. Tumama ang bala nito sa tiyan ni Gabbie. Bumaksak siya sa semento, kahit nanghihina ay pilit niya pa ring inaabot ang kapatid. Binitawan ni Grace ang hawak at umiiyak na tumakbo sa kanyang Ate na nag aagaw buhay.

"I-I-I L-Love Y-Y-YOU, G-G-Grace."

Naghihingalo nitong sabi sa batang si Grace bago maputulan ng hininga, dilat ang mga matang nakatitig sa kanya.

"NO!!! WAKE UP! "

Sigaw nito na sinabayan ng halakhak ni Serina, tuwang tuwa sa nasaksihan.

"YOU! You are a monster! You killed my Ate! "

Sigaw nito sa kanya, iyak ito ng iyak, puno ng poot ang mata ni Grace.

"You are the one who killed her, remember? "

Sabi niya rito bago mawala na parang bula. Naiwan niya itong nakatulala.



Umiiyak dahil sa nagawa.














Itutuloy......




पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

7.1K 323 27
[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangal...
66.7K 2.2K 13
Biktima siya ng pang-gagahasa. Iniwang patay sa isang bakanteng lote. Nabuhay nang hindi nalalaman. Maghihiganti sa ginawang kahayupan. At pagpapasla...
148K 4.8K 36
Hindi lang mga aswang kundi pati mga engkanto ang kanilang makakasagupa. .. #1 in ASWANG #1 in Engkanto (08/16/18) #1dilim (08/16/18) #1dreamersaward...
45.6K 1.5K 31
🔥Highest Ranked Achieved #31 in Paranormal 🔥THE MEGA WATT AWARDS 2017 Best in PARANORMAL WINNER. ( 50% MYSTERY&THRILLER, 25% PARANORMAL, 15%HORROR...