When a Gay Falls for a Girl

By MissUnpredictable_

61.1K 1.3K 123

From rivals to acquaintance. From acquaintance to friends. From friends to best friends. And from best friend... More

When a Gay Falls for a Girl
Chapter 1: HQ.D.double H.Z.
Chapter 2: Flashback and 7/11
Chapter 3: My knight in Shining Black Porsche❤️
Chapter 4: New Job
Chapter 5: The Bra.
Chapter 6: Sir Vince
Chapter 7: Jealousy? (Zane's POV)
Chapter 8: Worst Project
Chapter 9: Meet Sophia
Chapter 10: GF?
Chapter 11: No to Makeover
Chapter 12: The Aftermath of Make-Up
Chapter 13: The Pros and Cons
Chapter 14: My Hero + Friendly Date
Chapter 15: Pilyo Kiddo
Chapter 16: Oh Sheet!
Chapter 17: Bonakid
Chapter 18: Text from Him
Chapter 19:Unexpected & Unexplainable
Chapter 20: The Mission
Chapter 21: The Hangout
Chapter 22: WTF
Chapter 23: Sorry
Chapter 25: Acad Day 1
Chapter 26: Acad Day 2
Chapter 27: Acad Day 3
Chapter 28: The Best Day of My Life
Chapter 29: On My Own
Chapter 30: Crushed by My Crush
Chapter 31: Moving On
Chapter 32: Christmas and New Year

Chapter 24: Groceries and Cakes

1.4K 38 2
By MissUnpredictable_

December 2. I self-proclaimed na maging best friends kami ni Zane (for my mission)

Ngayon, it has been three days since naging mag-best friends kami ni Baby Munchkin. For the past fe school days, sabay kaming maglunch together with Blaine, Almira, Stef at yung mga kabanda ni Blaine-- na kabanda ko na rin ngayon.

May tawagan pa nga kami eh. Baby Munchkin at Lechugas na Baboy. In short: BM at LB. Mix them together= LBM! ^___^

Walang basagan ng tawagan, ok?! Corny na kung corny pero maganda pa rin ako.

KONSENSYA: Connect?

Ahh! Shoo! umalis ka nga!

Continuing, nung una nga pakipot pa siya, mag-aagree rin naman pala sa huli. Hindi niya talaga kayang iresist ang hotness ko!

KONSENSYA: Haixxxt. Syempre, ikaw ba naman kasi asarin at kulitin nang walang sawa for three days, hindi ka ba mapipilitan?

Che! Panira ka talaga sa istoryang ito Konsensya! Lumayas ka na nga! Shoo!

( Miss awtor, kelangan pa ba talaga dito yung epal na si Konsensya?)

In these three days, so far, he has been good. Actually better than how I prejudged him in the past few years. Pero hindi pa rin mababago ang desisiyon ko. Itutuloy ko ang mission ko.

Nga pala nandito ako ngayon sa kwarto ni Vince, for work.

After ilang minutes, pumasok si Bunchkin. I admit it. Ang sexy niyang bakla. Naka-pang alis siya. White v-neck shirt plus black skinny jeans= sexy.

"Hi Bunchkin!! San lakad brad?" tanong ko sa kanya.

"Sa Hypermart. Isasama kita Lechboy since ka-group naman kita dun sa cupcakes diba?" Ay! Oo nga pala, magka-group kami doon. Yung para sa booth namin, which is unfortunately.............Maid Cafe. Bukas na nga pala yun. Kaiyak nemen. Huhu! T3T

"Are you deaf? Or are thou blind?! May trabaho pa ako noh"

"Pero magro-groceries at bake pa tayo. Kulang na sa time. Please?" he pleaded with matching puppy eyes and pout.

"Yehey! Baking! Can I join?" singit ni Vince na tumatalon-talon pa dahil sa sobrang excitement.

Hindi pa man din ako pumapayag na sasama ako, hinila na nila ko papunta sa labas ng kwarto.

"Excited?! Hindi pa nga kami nag-aaral eh."

♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛

Magkasabay naming tinutulak ni Bunchkin (Zane) yung cart. Ako sa left, siya sa right. Si Vince naman nakasakay pa sa cart parang bata, well, bata naman talaga siya.

May nakabuntot pa ngang mga aliens (babae) eh. Mapa dalagita, dalaga, nanay at Lola, nakabuntot. Paano ba naman kasi, itong si Bunchkin, naka-shades pa. Wala namang araw.

Eh alam niyo naman yung appeal ng baklang toh =,= Model siya diba? Sa totoo lang, daig pa nga nito si Piolo Pascual eh.

*sigh*

Naghahanap kami ngayon ng baking powder. Nakatingin pa nga sa amin yung mga tao eh. Mukha daw kaming isang happy family.

Utot nila! Bakit? YUNG TOTOO. Mukha na ba kaming gurang ni Bunchkin ha?!

Tapos ang sweet daw namin 'mag-asawa'. Naka-matching outfit pa daw.

Bakit porket parehas kaming naka white v-neck, black skinny jeans at red shoes, matching outfit agad? HINDI BA PWEDENG NAGKATAON LANG?!

Haixxxxt.

Buti na lang nakita na namin yung baking powder. Iyon na lang din naman ang kulang eh. Aabutin ko na sana kaya lang hindi reach ng height ko Si Zane tuloy yung umabot. Tapos nginitian pako ng nangloloko. Hmmph! If I know, inaasar na niya ko deep inside. Pasalamat talaga siya at pinagkalooban siya ng height. Binelatan ko tuloy.

"KYAAAAHHH!" Nasira yung moment nang may tumiling mga babae sa gilid namin. Actually mga lima ata sila.

"Ahh. Pwede po bang magpapicture?" tanong ni girl #1

"Ayoko nga!" "Sige ba!" Magkasabay na reply namin ni Bunchkin. Hulaan niyo kung alin yung sinabi ko.

Haha! Oo. Yung 'sige ba'. XD

"Sabi ni ate *turo sa akin*, pwede daw. Sige na pogi, selfie na tayo kasama nung batang pogi." Wow. (Note the sarcasm) Pano ako?

"Sige na nga. Pero lahat kayo kasama na namin. Ayoko ng tigi-tigisa pa ok?" tapos inayos ni Zane yung bangs niya.

Nagsitilian naman yung mga pakshet na mga nilalang.

Nasa gitna sila ni Vince. Yung mga aliens, nasa gilid nila.

"AY! Ate! Pakuha naman oh!" inabot niya sakin yung camera niya.

"Ay! Ako din!" Tapos inabot yung celphone niya. Ganun din yung tatlo pang iba. Nginudngod pa nga nung isa yung camera niya sa mukha ko eh. Pasalamat siya at mabait ako!

Iyan tuloy. Tambak tuloy ako ng cps at cams. Ano nila ko? PERSONAL ASSISTANT?! PERSONAL PHOTOGRAPHER?! PERSONAL TAGABITBIT?! Grabe naman!

Keswerte nemen pele. =_____=

Sarap lang itapon ang mga aliens na ito sa planet XYZ nang mahimasmasan naman kahit papaano.

Bad trep.

"Ok. 1....2....3! Say Z!"

♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛~~~~~♛

"Yehey! We're baking! We're baking!" Kinuha pa ni Vince yung spatula at ginamit bilang mic niya. Sumasayaw-sayaw pa nga siya eh. Hindi naman obvious na love niya ang baking noh?

As for a beginner like me, mixed up ang excitement and nervousness.

We will make cupcakes for tonight.

Nung kinuha na yung flour, kumuha kaagad ako at pinahid sa ilong ni Vince. Haha! Gumanti tuloy at nilagyan ako sa magkabilang cheeks.

Nagtawanan tuloy kaming dalawa.

"HOY! SINASAYANG NIYO! ANOBAYAN!" Saway ni Zane sa aming dalawa.

Nag-start kami sa 'batter'. Ako yung pinaghalo ni Bunchkin. Eh kaya lang, ano naman ang alam ko sa baking? Ang lata ko pa maghalo. Hayy. Pinagtawanan tuloy ako ni Zane. Nakakahiya.

Tinulungan pa niya tuloy ako. Maghahalo na nga lang, di ko pa magawa. Pumwesto siya sa likod ko at hinawakan yung parehas na kamay ko. Isa, nakahawak sa mixing bowl at yung isa, sa wire whisk.

"Anobayan! Ate doesn't even know how to mix a batter! Weaaaaak!" singit ni Vince na ngayon ay nakaupo sa island, kung saan kami gumagawa.

"Ayieeee! *click*" singit ni Sophia na sumulpot like a mushroom. May dala-dala nanamang camera, napicturan tuloy kami ni Zane in this position.

Bigla tuloy lumayo si Zane at nag-cough.

"Wag ka nga maglagay ng malisya. Sabi niya, we're best friends. Atsaka tinutulungan ko lang naman siya ha!" Pag-eexplain ni Bunchkin.

"Uyyyy! Defensive!" pang-aaasar pa niya.

"Maiba nga! Saan ka galing ha?"

Biglang namula si Sophia at nag-stiffen.

"Ahh.....uhmmm....Nag-SM kami ni Paolo."

Hmmmm. I smell something fishy.

Nga pala. Di ba nag-promise ako sa kapatid ko na tutulungan ko siya. Ayan, nagkakamabutihan na tuloy. Bagay naman pala sila kahit papaano.

Umakyat na si Sophia at sumunod na rin si Vince. Kami na lang dito ni Bunchkin at sila Ate Mary.

After miutes ng paghihintay, naluto na yung cupcakes. Time for the icing.

Ako. Nagdrawing ako ng smiley facebinside a heart.

"Bunchkin! Tingnan mo! Effort ko yan ha! Ikaw yan! Lamyu!" tapos inabot ko sa kanya yung cupcake at nginitian siya.

Nakita kong namula yung tenga niya. Napangiti siya, yung kita yung dimples.

"Uyyyy! Kinikilig siya sa gawa ko!" pang-aasar ko. Pinindot-pindot ko pa yung tagiliran niya.

"Hahaha! Kinikilig ka diyan! Sira hindi ah!" tapos binatukan niya ko.

"Wag ka na mag-deny, best friends na tayo noh. Kaya ayos lang kiligin. Mwahaha!" reply ko. Tapos umiling-iling siya.

Kinuha niya yung gawa ko tapos siya naman yung nagdesign. Parang professional. Gandaaaa!

Yung design niya, green na baboy na may polka dots. Tapos nakaupo siya sa damo. Yung baboy, made out of marshmallows yung damo, icing.

"Oh! Ikaw yan." Inabot niya sa akin yung cupcake. "Lechugas na baboy na punong-puno ng tagyawat!" sabi niya habang naka todo ngiti.

Bwisit. Kaya pala baboy, green at may polka dots. Ako pala yun. Sa dobrang inis, uminit yung mukha ko. Sa tingin ko namula ako. Tumawa tuloy si Zane.

"Hahaha! Uyyy! Kinikilig!" Pang-aasar niya.

"Asa! Ikaw kasi eh! Paubos na kaya yung tagyawat ko. Eh bakit yung ginawa mong baboy parang tagywat na tinubuan ng baboy?!" tapos pinalapit ko yung ulo niya sa akin. Babatukan ko sana nang....

Nang halikan niya ang noo ko. Namula tuloy ako lalo.

Bumilis lalo yung tibok ng puso ko. Basta yan nanaman yung unexplainable feeling.

"Bakit natameme ka diyan Lechboy? Kinikilig siya talaga! Haha! "

Narinig ko yung sinabi niya pero mas pinili ko na lang na wag magsalita nor tumawa. Tapos naging serious yung mukha niya.

Narinig ko siyang nag-clear ng throat. "Ui! Wag mong bigyan ng malisya yun! Akala ko ba best friends? Ok lang naman yun diba?"

"H-Ha? O-oo! Syempre!"

"Good." sabay niya habang ginugulo yung buhok ko.

Oo. Syempre nga naman. 'Best' friends nga pala kami.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...