PAMILYA DE KANIBAL

Por ALEX_ASC

18.6K 379 12

Isang kamatayan! dalawang kamatayan! tatlong kamatayan! hinding-hindi kayo titigilan Paano mo matatakasan? P... Más

CHAPTER 1 - Katay
CHAPTER 2 - Kulitan
CHAPTER 3 - Guwapong si Hector
CHAPTER 4 - Kilig moment sa falls
CHAPTER 5 - Pagpatay kay Shane
CHAPTER 6 - Ang Putahi
CHAPTER 7 - Suntukan
CHAPTER 8 - Pagtalon ni Ian sa Ilog
CHAPTER 9 - Ang Naka-itim
CHAPTER 10 - Si Mark sa loob ng Freezer
CHAPTER 12 - Ang Salarin
CHAPTER 13 - Pagkasawi ni Hector
CHAPTER 14 - Pana sa leeg ni Mark
CHAPTER 15 - Trisha Vs. Reeza
CHAPTER 16 - Ang Pagtatapos
CHAPTER 17 - EPILOGUE

CHAPTER 11 - Pagkatay kay Reggie

928 19 0
Por ALEX_ASC

NOTE:

Ang Chapter pong ito ay sadyang napakabrutal, kaya't pinapayuan ko po ang sino man sa inyo na sadyang matatakutin, na maaari niyong lagpasan ang eksenang ito, dahil baka 'di niyo kayanin,
Sinusubukan ko lang ang sarili ko, kung hanggang saan ang kaya ko sa paggawa ng brutal na eksena!.

Nagising si Trisha, at kaagad nag-taka, kung bakit sadyang napakadilim ng Paligid, wala siyang maaninag, at pakiramdam niya'y napakainit sa lugar na ito.

Pinag-papawisan na siya,
iginalaw niya ang mga kamay, wari may Kinakapa.

Hanggang sa mapaisip siya,
Nasa Loob sila ng maliit na kuwarto,
Ang pakiwari niya'y, ito 'yung bakal na Rehas na kanyang nakita kanina.

Hanggang sa may marinig siyang taong nagsalita.

"Nasaan ako?! Huhuhuhu," habang humihikbi ito.

Animo'y kakagising lang din, ngunit punong-puno ng takot ang boses nito.

Trisha: "Le-leslie?" gulat niyang tanong, at napakislot siya sa pagkakaupo.

Leslie: "Ate, huhuhu, anong gagawin nila sa atin," magkahalong takot at iyak ang madidinig sa kanyang tinig.

Trisha: "Leslie," at kaagad humakbang at nilapitan ang pinanggagalingan ng boses,
ilang galaw lang niya'y nagtama ang kanilang mga kamay, at kaagad niyakap ni Trisha, habang nanginginig sa takot ang kanyang kapated.

Leslie: "Huhuhu, Ate si Reggie pinagsasaksak sa Binti at Braso ng taong nakaitim."

Trisha: "Wag kang matakot Leslie, Nandito lang si Ate ahh, hindi ka niya pababayaan," habang lumuluha na rin siya.

Saglit pa'y nadinig nila ang Palahaw ng kaibigan nilang si Reggie,
Umiiyak ito, masyadong garagal ang kanyang boses, na animoy pagod na sa kakasigaw.

Reggie: "Huhuhuh! Mga Demonyo kayo!," iginalaw ni Reggie ang magkabilang paa at Kamay, at tumunog ang mga kadenang nakatali sa kanyang magkakabilang kamay at paa.

"Nasa loob nga kame ng kuwarto, kung saan nila kinakatay ang tao," anang isip ni Trisha.

Ngunit sadyang madilim at 'di niya makita ang nangyayari sa kaibigan.

Trisha: "Beeeesst! Huhuhu! Anong ginawa nila sa'yo!," matapang niyang wika, habang nagtutuloy-tuloy pa din ang kanyang pagluha.

Labis siyang naaawa sa sinapit nila sa kamay ng mga taong ito.

Humakbang siya patungo sa pinanggagalingan ng ingay ni Reggie hanggang bumangga ang kanyang mga kamay sa bakal na rehas,
At nahinto siya.

"Pakawalaan niyo kameeee! Mga Demonyo kayyyyooo!" galit niyang sigaw sa mga taong naroroon.

Habang patuloy na humahagulgul si Reggie, 'di na nya kayang magsalita ng madami, dahil sa hirap na dinanas sa mga taong ito.

Kasunod nito ang biglang pagbukas ng ilaw,
liwanag na kulay pula, dahil sa bombilya ang ilaw na binuksan ng babaeng nakaitim.

At tumambad kay Trisha ang kalagayan ng kanyang mahal na kaibigan
Nasa mahabang Lamesa ito nakahiga,
Habang Nakakadena ang magkabilang kamay at paa sa magkakabilang dulo ng Lamesa.

Duguan at tumutulo pa din ang dugo na mula sa malalalim na sugat sa kanyang magkabilang binti at braso.

Hindi na niya maigalaw ang katawan niya, at nakasaplot lang ito sa kanyang maselang na parte ng katawan.

Habang nasa taas at harap ng lamesa ang bombilya.

Habang nakatayo sa harap ni Reggie ang taong nakaitim, at sa mga sandaling ito'y ang pinakabrutal na kagametan niya sa pagpatay ang bitbit ng kanyang kanang kamay.

Walang iba kundi ang Chain Saw.

Habang nakakalat sa paligid ang ilan.

Si Manang Corazon na nakaupo sa kanyang Wheel Chair.

Si Mang Ador na nakatayo sa Pintuan.

si Aling Delia na nakatayo sa Likod ni Manang Corazon.

At si Hector habang nakasandal sa Pader.

Ibinalik ni Trisha ang mga mata sa Taong nakaitim at unti-unti nitong iniangat ang Chainsaw na iyon.

Nagpailing-iling ang ulo ni Trisha, habang kaagad namuo sa kanyang mga mata ang panibagong Luha.

ilang saglit lang ay idadapo ng taong iyon sa katawan ni Reggie ang nakakatakot na kagametang iyon.

kaagad inilipat ni Trisha ang mga mata kay Hector.

Nakalingon ito sa kanya, habang nakatayo't nakasandal.

bumakas sa mukha ni Trisha ang panunuyo na pigilan ni Hector ang taong iyon.

Ngunit biglang namuo ang Luha sa mga mata ni Hector.

Nagpapahiwatig ito na 'di niya kagustuhan ang mga nangyayari.

Humakbang si Hector at naglakad patungo sa Pintuan at napatingin naman sa kanya ang lahat.

At kitang-kita ni Trisha ang nakatalikod sa kanila na taong nakatim na may suot itong maskara sa mukha.

"Palayain niyo Kame rito!,'' sigaw niya sa kanila.

"Hector!, Hector! Hector," paghahabol nyang tawag sa binata na nagtuloy-tuloy palabas.

"Sinungaling ka Hector! Ba't mo nagawa sa akin ito!"

Ilang sandali lang, ay nakaangat na sa harap ng Tiyan ni Reggie ang bagay na iyon, na tatapos ng kanyang buhay.

"Waaag! Waaag! Waaag!" sigaw ni Trisha,
Hindi niya maimagine ang mararamdaman ng kaibigan 'pag dumiin sa kanya ang matutulis na ngipin ng Lagaring iyon.

Basta, ayaw niyang mamatay ito.

Brrrrngggg...

Tumunog ang CHAINSAW, at mabilis na nagpaikot-ikot ang mga ngipin nito.

"Huhuhu!, 'wag maawa na kayo..." ang lumuluhang si Reggie habang nakatitig sa pangel ng bagay na iyon.

Habang napapahagulgul naman ng malakas si Leslie.

At itinapat ng taong iyon ang bagay na hawak sa Hita ni Reggie.
At idiniin ito.

"Ahhhhhhhhhhh" nagsabay-sabay ang palahaw ni Reggie, Leslie at Trisha, na bumasag sa katahimikan ng gabing iyon sa loob ng kagubatan.

Nangibabaw sa loob ng gubat ang ume echong humihiyaw na taong iyon.

Na naging dahilan upang magising si Mark, na nanlalamig sa loob ng Freezer.

Naputol ng taong iyon ang hita ni Reggie, at isinunud ang kabila.

At muling binalot ng ingay ang kakahuyang iyon sa malakas at kahindik-hindik na sigaw ni Reggie habang tinatanggap nito ang bawat matatalas na pangil ng Lagaring iyon.

Kumalat sa lamesa't baba nito ang maraming dugo ni Reggie.

Nayakap ni Trisha si Leslie at magkaharap ang mukha nilang napayuko,
hindi nila kayang pagmasdan ang kaibigan, tinakpan na rin ni Trisha ang tainga ng kapatid.

muling bumuwelo ang nakaitim tungo sa braso ni Reggie, at magkasunod niyang naputol ang magkabilang brasong iyon.

Bumuga ng bumuga ng dugo ang bunganga ni Reggie na sa mga sandaling ito'y nagdedeleryo na't kukunin na ni Kamatayan.

At itinapat ng taong nakaitim ang bagay na iyon mula sa magkabilang dibdib ni Reggie at idiniin papunta sa baba ng kanyang tiyan.

Biniyak niya ito't dinukot ang lamang loob nito, gamet ang kanyang mga kamay,
At lumapit naman si Aling delia na dala-dala ang maliit na palanggana.

Napagtanto ni Trisha na tuluyan nang naglaho ang buhay ng kaibigan ng tumahimik ang palahaw nito.

Unti-unti niyang nilingon, ang kanroroonan ng kanyang kaibigan.

Nagkagutay-gutay ang katawan nito, at 'di niya kinayang pagmasdan ito.

kaagad ibinalik ang mukha sa katabing si Leslie, at umalingawngaw ang malakas na hagulgul na pinakawalan ni Trisha mula sa kailaliman ng kanyang damdamin.

"Mga wala kayong puso!" ang tanging nabanggit niya habang siya naman ang yakap-yakap ni Leslie.

kasunod nito ang paglabas ng mga taong iyon, at iniwan doon ang katawan ni Reggie, samantalang dinala ang magkabilang hita at Braso.

Ilang saglit pa'y bumukas ang Pintuang iyon. Inilingon ni Trisha ang mga mata roon, Si Hector, unti-unting naglalakad papunta sa kanila.

Habang lumuluha ito.
tumayo sa harap nina Trisha, humawak sa magkabilang bakal, habang nakatitig kay Trisha.

Kaagad ipinasok ni Trisha ang kamay sa gitna ng mga bakal na iyon, at sunod-sunod na malalakas na sampal ang dumapo sa mgkakabilang pisngi ni Hector.

habang sumisigaw si Trishat galit na galit,
Pinabayaan naman siya ng Lumuluhang si Hector.

hanggang kusang napagod si Trisha at napaupo na lang.

"Bakit mo nagawa sa akin ito" nanginginig pa siya.

Hector: "Patawarin mo ako!, pero 'di ko ginusto ang lahat."

Trisha: "Patawad!, maibabalik ba ng patawad mo ang buhay ni Reggie at Shane!," saglit na natahimik ang paligid dahil 'di nakasagot si Hector at napaupo narin ito sa sahig.

Trisha: "Hector! Akala ko ba mahal mo ako, pero bakit mo nagawa sa amin ito," mahina niyang wika habang sinasabayan ng iyak ang tunog ng kanyang boses.

Hector: "Mahal kita Trisha."

Trisha: "Pero bakit mo nga ginawa sa amin itooo!!," pasigaw niya kay Hector.

Hector: "sunod sunoran lang ako, dahil mahal ko rin si Ate at si Lola,'' malumanay niyang wika.

Trisha: "Bakit! Ano ba ang kasalanan namin sa inyo! Bakit kame pa!"

Hector: "Malaki ang kasalanan mo kay Ate," malumanay niyang wika.

Trisha: "Wala akong kasalanan sa Demonyong iyan! Kung sino man 'yan!,"

Hector: "Nagmahal noon si Ate, at dahil doon, umurong siya kay Lola na tanggapin ang alok nito, na ipasa sa kanya ang sumpa ng pamilya namin."

Sa bawat Henerasyon ng lahi namin, may isa sa amin na nagtataglay ng kakaibang lakas, na wari sinasapihan ng demonyo, at dahil doon ay walang awa siyang pumapatay ng tao.

At ilan naman saamin, ay humihikab ang sikmura, wari uhaw at gutom na gutom kameng kumain ng tao.

Ngunit pinigilan ko ang sarili ko, magmula pa noong magkasama tayo Trisha, dahil nais ko'y mawala sa akin ang pagiging ganito, upang kaya na kitang harapin.

At ganoon din si Ate, nagmahal siya ng lubos, ngunit niloko lang siya ng taong iyon,
Kaya't iyon ang nagtulak sa kanya upang tanggapin ang sumpa, upang ilipat sa kanya ang pagiging mamamatay tao.

At ang lalaking naging dahilan ng paghihigante sa iyo ni Ate, ay si Mark."

Trisha: "S-s-si Mark! Pero hindi ko naman inagaw sa kanya si Mark ah," maluhaluha niyang wika.

Hector: "Alam ko Trisha..
Ngunit lahat ng nagiging babae ni Mark ang pinapatay ni Ate, kaya natigil ang patayan sa lugar na ito."

sa usapan nilang dalawa ay biglang sumingit si Leslie.

Leslie: "Kuya Hector, Maawa ka naman sa amin, tulungan mo kaming maka-alis rito," pasusumamo nya kay Hector.

Hector: "Ilang ulit ko nang pinagsabihan si Ate, pero hindi niya ako pinapakinggan
nang mahulog ka Trisha sa Hagdan.

inagaw lang kita kay Ate, si Ate din ang tumakip sa bibig mo ng makita mo ang katawan ng Pinsan mo, at inagaw pa din kita sa kanya.

Ngunit hindi na nila ako pinagbigyan, pati si Lola'y galit na galit na sa akin, hindi ka na nila pakakawalan dahil nalaman mo na ang sekreto namin.

Trisha.. alam mo bang simula pa noong mga bata pa tayo, ay nais ka ng paslangin ni Lola, kasama ng mga kaibigan mo at Pamilya, ngunit paulit-ulit akong umiyak sa harapan niya, na 'wag gawin sa'yo 'yun...

Mahal kita noon pa man, at kaya 'di na kita nagawang sundan ng umalis kayo sa sandiego, dahil alam kong 'di mo din matatanggap ang pagkatao ko, tulad ngayon," mahaba niyang salaysay.

At natahimik na lang sila ng bumukas ulit ang Pintuan at iniluwa nito ang babaeng nakaitim na wala ng maskara sa Mukha.

Nagimbal si Trisha at 'di makapaniwala sa nasaksihan.

Paulit-ulit nyang ikinurap ang mga mata, upang masigurado kung totoo ba ang nakikita nya..

ITUTULOY

Seguir leyendo

También te gustarán

Creepy Facts Por sasa

Misterio / Suspenso

47.5K 655 65
Katatakutan ba ang inyong hanap? Lika na't simulang magbasa neto *** So yun, I've just decided to stop updating since tumigil na din ako sa paggamit...
618K 1.9K 7
Tunghayan ang istorya ni Kriza Dimaguiba ang tinaguriang Binibining Undas ng kanilang lugar. at ang barumbadong siga na si Teejay Lopez.
58.4K 1.6K 25
|| Book 2 Completed || Akala nila tapos na. Akala nila matatahimik na sila. Pero bumalik sya. Bumalik sila! Para muling guluhin ang barkada. (Book 2...
1.1K 68 6
Isang maikling kwento na kung saan ang isang babae ang umibig sa isang multo? (COMPLETED) Credits to the book cover (Canva)