Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Twenty Five-

115 5 4
By AnnyMeLoveU143

Minsan lang ako humingi ng favor sa inyo. Please vote and comment and don't forget to support this story and don't forget to share this to your friends.

Thank you. :)

Anny ❤

--

[Try niyong pakinggan ang Sa'yo by Silent Sanctuary habang binabasa niyo to.]

Hindi ko mapigilan ang mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko. Umiiyak ako dahil hindi ko na talaga kayang pigilan tong nararamdaman ko.

Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako. Gusto kong magwala don. Gusto kong hilahin si Ezekiel pababa ng stage.

Siguro nga denial ako dahil hindi ko maamin sa sarili ko na nararamdaman ako para kay Ezekiel. Ayoko ng ganito! I hate this feeling!

Patuloy ako sa pag-iyak at punas ng mga luha ko.

"Shane..."

Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Minadali ko ang pagpunas ng mga luha ko. Ayokong nakikita niya akong ganito. Huminga ako ng malalim tsaka tumingala para kontrolin yung mga luhang nagbabadyang lalabas mula sa mga mata ko.

You can do it, Shane. You can face him. Don't cry. Don't cry!

Dahan-dahan akong lumingon paharap sakanya. Bakas sa mukha niya na nag-aalala siya.

"P-pano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sakanya.

"Your friend told me." He said.

"Ah. Ganun ba?" Pilit akong ngumiti sakanya. "O ngayon alam mo na nandito ako. Pwede ka nang bumalik don sa show. Baka hinahanap ka na ni Rachel. Sige na."

Imbes na umalis siya nanatili pa rin siyang nakatayo sa harap ko at tinitgan lamang ako.

"Ano? Bakit nakatayo ka lang dyan? Umalis ka na. Iwan mo na--"

"Why are you crying?" Putol niya sa sinasabi ko.

Natigilan ako at the same time hindi ako nakasagot sa tanong niya. Expected ko na tatanungin niya ako ng ganyan. Kung bakit ako umiiyak.

"Hindi ako umiiyak." Sabi ko.

"Yes you are. Huwag mo nang subukang magsinungaling, Shane. Alam kong umiiyak ka."

"Gago ka pala eh! Alam mo palang umiiyak ako tapos nagtanong ka pa! Gago!"

"Pwes sabihin mo saken kung bakit ka umiiyak."

Hindi ulit ako nakasagot. Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko dahil pakiramdam ko anumang oras ay sasabog nako.

"Shane..."

"Gusto mong malaman kung bakit ako umiiyak?" Inangat ko ang ulo ko at sinalubong ko ang mga mata niya. "Umiiyak ako dahil nasasaktan ako! Umiiyak ako sayo!" Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. "Ang sakit eh. Ang sakit sakit, Ezekiel. Mahal kita at ayokong nakikita kitang masaya sa iba. Ayokong may kayakap kang iba. Ayokong may hahawak sa kamay mo maliban saken. Gusto ko ako lang. Gusto ko saken lang ang atensyon mo. Gusto ko saken ka lang masaya." Yumuko ako at pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa paglandas mula sa aking mga mata. "Gusto ko ako lang. Selfish na kung selfish. Mahal kita eh."

Hindi ko talaga aakalain na aamin ako sakanya ng ganito. Oo, inaamin ko sa sarili ko. Mahal ko si Ezekiel. Mahal na mahal ko siya.

Nakita ko ang anino niya sa harap ko. "Say it again."

"Na ano?" I asked between my sobs.

"What you've said awhile ago. Say it again."

"Naman eh! Paulit-ulit?! Sabi ko mahal kita! Last na lang at--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya saken.

"I want to hear it again." Bulong niya sa tenga ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Mahal kita. Ezekiel, mahal na mahal kita."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap saken at kinulong ang mukha ko sa mga palad niya. A smile plastered on his lips while looking at me.

"I love you, too. I love you so damn much, Love..."

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya saken. Napapikit ako hanggang sa maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. His soft and sweet lips. Hindi ito ang unang beses na nagkahalikan kami pero bakit pakiramdam ko first kiss pa rin ito? Ang bilis ng tibok ng puso ko na parang sasabog.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at pinulupot yun sa leeg niya. Naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa beywang ko at mas nilapit ang katawan ko sa katawan niya.

We're kissing passionately under the moon. Malamig ang hangin dito sa baybayin pero ang tanging nararamdaman ko lang ay ang mainit niyang halik.

He parted our lips. Nakapikit ang mga mata niya. Sinandal niya ang noo niya sa noo ko. "Tell me this is not a dream."

Pumikit ako. "No. You're not dreaming, Ezekiel."

Dinilat niya ang mga mata niya at tumingin saken. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. "Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa balat ng lupa. Dahil nalaman ko lang na mahal ako ng babaeng mahal ko."

Hindi ko mapigilang ngumiti. "Masaya din ako." Sobra pa nga eh.

Hinawi niya ang mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa aking mukha. "There is something I wanted you to see."

Nagtaka ako. "Ano?"

"Close your eyes first."

"Bakit? Anong meron?" Kunot-noong tanong ko.

"Basta pumikit ka muna."

I sigh. "Fine." Sinunod ko ang sinabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko.

Nagpunta siya sa likod ko at tinakpan ang mga mata ko. Kinakabahan ako sa kung anuman ang binabalak niya.

"On the count of three. One... two... three." Pagkasabi niya ng three inalis niya ang mga kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko halos hindi ako makagalaw dahil sa aking nakita. Nakatingin lang ako sa harap habang nakangiting pinapanood kami ng pamilya ko. Yung kambal may hawak na banner na may nakalagay na:

SHANE KAZUMI NISHIDA❤

❤WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?❤

Andon sina Lolo, Lola at si Mama. Pati na rin sina Rachel at Fred at yung mga taong andon sa comedy show kanina andito rin. Yung iba kinikilig habang pinapanood kami.

My gosh, nakakahiya to!

Napatakip ako sa bibig ko. Nagpunta sa harap ko si Ezekiel. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay niya pati na rin ang panginginig nito. He's nervous. I can't help it but to laugh.

"Did you plan all of these?" Tanong ko.

Nahihiyang tumango siya. "Yes."

"Kasabwat mo pa talaga ang pamilya ko?" Tinaasan ko siya ng kilay pero nakangiti pa rin ako.

"Yes. Rachel helped me out, too. And also Fred."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinulungan siya ng pinsan ko? Tiningnan ko si Rachel na ngayon ay nakayakap kay Fred.

"Ayaw na ug kasuko nako, pinsan!" She shouted. "Gitabangan ra gani nako si Ezekiel nga paaminon ka sa imong feelings para niya. Sa tinood, na crush man jud ko ana niya. Pero mas love nako si Fred."

Love? Wait, ibig sabihin...

"Uyab mo ni Fred?" Tanong ko sakanya habang palipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.

"Oo noh! Diba baby?" Tanong niya kay Fred.

"Syempre, baby." Hinalikan ni Fred ang pinsan ko sa pisngi.

Napanganga ako sa nakikita ko. Mag-jowa sila? Bakit hindi ko alam?

"Nganung wala man ko nimo niingon nga uyab diay mo ni Fred?"

Nilagay niya ang kamay niya sa beywang niya. "Kung musulti ko nga uyab kami ni Fred edi palpak ang plano ni Ezekiel nga pagselosin ka ug kung dili tungod nako nakaamgo jud ka sa imong feelings para kang Ezekiel. My gosh, Shane!" Inirapan niya ako.

Namaaan! Kasabwat niya pala ang pinsan ko!

"Unya, Shane? Unsa man ang imong tubag sa pangutana ni Ezekiel?" Sigaw ni Fred.

"Sagutin mo na, ate!" Sigaw ni Shai.

"Oo nga! Bilisan mo nangangalay nako dito!" Pahabol naman ni Jai.

Napailing na lamang ako.

Hinarap ko si Ezekiel na hanggang ngayon ang lapad pa rin ng mga ngiti niya.

"So, what will be your answer?" Tanong niya.

Ngitian ko siya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Tapos hinawakan ko siya sa damit niya at hinila yun. Then the next thing I knew my lips touches his lips. The sweetest lips I've ever tasted.

"Just like your lips. My answer will be a sweet yes." I said as we parted our lips.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya. Tapos niyakap niya ako. That's not all, binuhat niya pa ako tapos nagpaikot-ikot kami.

"I LOVE YOU SO DAMN MUCH, SHANE KAZUMI NISHIDA!" Sigaw niya.

Narinig kong nagpalakpakan ang mga taong nanonood samen.

Alam kong masaya silang lahat para samen. Pero mas masaya ako dahil sa gabing ito, I've realized that I've fallen inlove with him. A guy named Shawn Ezekiel Montefalcon.

--

"Balik kamo diri sa Camotes ha?" Sabi ni Lola samen. Ngayon na kasi ang araw kung saan babalik na kami ng Maynila.

"Opo, Lola." Sabi ko.

"Osya, mag-ingat kamo didto sa Maynila." Habilin ni Lolo.

"Opo, Itay. Mag-iingat kami don." Sabi naman ni Mama tapos niyakap sina Lolo at Lola. "Ingat pud kamo diri. Okay?"

"Pinsan." Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko sina Rachel at Fred. "Mularga ka na sa Maynila. Dugay pa ka mubalik diri sa Camotes. Mingawon ko nimo!"

Nag-iinarte ang pinsan ko. Haay. "Drama pud nimo uy."

"Drama? Kinsa man natong duga ang mas drama kumpara pag gabie? Hmm?" Tiningnan niya ako na may mapanuksong ngiti sa kanyang labi.

"Paghilom dira." Pinapaalala pa niya eh! Oo na, ako na ang madrama kagabi. Eh malay ko bang plano pala nila yun?

"Happy ko para ninyung duha ni Ezekiel." Nakangiting sabi ng pinsan ko.

"Ako pud. Happy ko para ninyung duha." Sabi naman ni Fred.

Ngumiti ako sakanila.

"Osya, adto na kami. Ingat kamong tanan diri." Niyakap ko silang dalawa.

Sinulyapan ni Rachel si Ezekiel na nakatayo sa may kotse nito. "Ikaw na unta ang bahala ni Shane. Okay?"

"No problem."

"Kung nabalitaan gani nako nga imo siya gipahilak, bantay ka lang nako. Apason jud kita sa Maynila ug magdala ko ug sundang!" Pananakot pa niya.

Hinampas ko siya sa braso. "Rachel!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Ayaw ug kabalaka, Rachel. Kung pahilakon man gani nako si Shane, ako na ang mukulata sa akong kaugalingon." Narinig kong sabi ni Ezekiel.

"Good."

Napailing ako. Haay. Ewan ko sa inyong dalawa.

Pagkatapos naming magpaalam, sumakay na kaming lahat sa kotse ni Ezekiel paputang terminal para makasakay na kami sa private plane niya pabalik ng Maynila.

--

EZEKIEL

Nilapitan ko ang babaeng nakaupo malapit sa may bintana dito sa private plane ko. Mukhang hindi niya yata ako napansin kaya umupo ako sa tabi niya at walang pasabing hinalikan siya sa pisngi.

"Ay halik!" Gulat na sigaw niya tapos napatingin siya saken. "Naman eh! Bigla-biglang nanghahalik!" Asik niya saken. I can see in her face that she's blushing. Damn, so cute.

"What? I can't kiss my girlfriend on her cheek?" Naka-pout kong tanong.

"May sinabi ba akong hindi pwede?" Umayos siya ng pagkakaupo.

Ang mama at mga kapatid niya ay natutulog. Napagid yata sa biyahe. Tsaka matagal pa bago kami makarating sa airport.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko.

"Ito. Tayo." Tumingin siya sa kisame. "This is really new to me. Everything is new to me."

Hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin naman siya saken. "You'll get used to it."

She smiled. Oh how I really loved that smile of hers. "Hindi ko aakalain na ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag nagmahal ka. Para kang nakaapak sa ulap."

"Alam mo bang ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo nung sinagot mo ako?"

"Talaga? Gaano ka naman kasaya?"

Nilapit ko ang mukha ko sakanya at pinagdikit ang mga ilong namin. Ilang pagitan na lang at maghahalikan na kami. "Masayang, masayang, sobrang masaya."

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Then she caressed my cheeks with her soft hand. "Ako din."

I kissed he on her lips with full of love. Man, I really love this woman so damn much. And I promise to myself that I won't make her cry. Because if that happens, ako na mismo ang bubugbog sa sarili kapag pinaiyak ko siya.

--

How sweet of them! Inggit naman ako! Akin ka na lang, Ezekiel!

Insert Ezekiel: sorry, Anny. My heart only belongs to Shane.

Edi aagawin kita mula kay Shane! Muwahahahaha!

Insert Shane: subukan mo lang, Anny. *death glare*

Fine! Hindi na nga!

Anyways, see you sa next chapter! Sorry kung maikli lang ang chapter na to. Hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1K 2K 11
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
171K 4K 49
To be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, st...
1.3M 38.4K 53
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
8.5M 264K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...