-Twenty Four-

126 3 2
                                    

"Unya musta man ang imong pagpuyo diri, dong? Ok ra ka?" Tanong ni Lolo habang kumakain kami ng hapunan.

Tumango si Ezekiel. "Okay naman po. Daghan kaayung salamat sa pagpuyo ninyo kanako diri sa inyong balay."

"Ay, walay problema." Sagot ni Lola.

"Shane, nganung hilom man kaayu ka dira? Okay ra ka?" Tanong ni Mama saken nang mapansin niyang tahimik lang ako.

"Po? Um..." pansin kong lahat sila ay nakatingin saken. Lalo na si Ezekiel na katabi ko lang. "O-okay lang ko, Ma." Ngumiti ako sakanila at sumubo na lang ng pechay. Hindi ko na lang pinansin ang pagtitig saken ni Ezekiel.

"Maayung gabie!" Natigil silang lahat sa pagkain at tumingin sa pinto namg biglang pumasok si Rachel. Hindi ako lumingon at nagpatuloy ako sa pagkain.

"Oh, Rachel. Mangaon kita." Narinig kong sabi ni Mama kay Rachel.

"Salamat, Tita. Bag-o pa man ko nahuman ug kaon. Nianhi ko kay naa koy tuyo ni Ezekiel." Huminto ako sa pagkain at tiningnan si Rachel. Ang mga mata niya nakatingin kay Ezekiel. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang suot ni Rachel. Nakasuot siya ng spaghetti strap on top tapos short shorts. Talagang nagsuot pa siya ng ganyan para magpakita kay Ezekiel.

Minsan gusto kong hilahin palabas tong pinsan ko at ipatapon sa pinakailalim na parte ng dagat. Maharot!

"Ezekiel, naay comedy show ugma sa gabie. Adto kita?" Tapos hinawakan niya ang braso ni Ezekiel. Not to mention nakasando lang tong si Ezekiel kaya nahawakan ni Rachel ang biceps nito. Hokage din tong pinsan ko eh noh?

"Uh..." lumingon saken si Ezekiel.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh bakit?"

"Payag ka ba?" Tanong niya.

"Ha? Bakit ka humihingi ng permiso saken? Ano ako nanay mo? Tss." Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Baka kasi magselos ka."

Mabilis ko siyang nilingon. "Bakit naman ako magseselos?"

"Bakit nga ba?" Kibit-balikat niyang tanong.

"Bahala ka nga dyan. Kung gusto mong sumama, sumama ka. Hindi kita pipigilan." Tumayo ako dala ang plato at nagpuntang kusina.

Nilagay ko sa lababo ang plato tapos naghugas ako ng kamay. Nakakainis! Badtrip!

"Shane." Natigil ako sa paghugas ng aking kamay at nilingon ang pinsan ko na nakatayo sa may pinto.

"Nganu man?"

"Kuyog ka namo." Sabi niya.

Bumuntong-hininga ako. Pinatay ko ang grip at nagpunas ng kamay. "Dili ko. Kamo na lang ni Ezekiel."

"Sige na, Shane. Please?" Lumapit siya saken at hinawakan ang kamay ko with matching paawa ng mukha.

"Nganung pakuyugon pa man ko ninyo?" Kunot-noong tanong ko sakanya.

"Wala lang. Gusto lang nako nga pakuyugon ka. You know, bonding."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Bonding? Gusto niyang makipag-bonding saken? O gusto niya lang sumama si Ezekiel?

"Sure ka?" Tanong ko.

Tumango siya. "Oo. Kuyog ha? Arun mukuyog pud si Ezekiel. Niingon man gud siya nga dili daw siya mukuyog kung dili daw ka mukuyog pud."

Sabi ko na nga ba eh.

"Please, Shane. Pretty please? Imo pa ba balibaran ang imong gwapa nga pinsan?" Nakapout niyang sabi.

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now