-Twenty One-

121 5 1
                                    

"E-Ezekiel..." napakurap ako nang makita ko siya.

Ngitian niya ako. Pero agad din itong nawala nang makita niya si Tyler.

"Ate, asan po si Mama?" Tanong ni Jai.

"Andon sa kusina." Sagot ko. Agad namang pinuntahan ng kambal si Mama sa kusina.

Naiwang nakatayo si Ezekiel. Lumapit siya saken at inabot saken ang dala niyang bulaklak. Nahihiyang tinanggap ko ito. "S-salamat..."

"You're welcome..." pinisil niya ang ilong ko. Ngumuso ako dahil sa ginawa niya.

"Luto na ang escabeche. Kakain na." Narinig kong sabi ni Mama. "Oh, Ezekiel. Andito ka pala."

"Magandang araw po." Magalang na bati ni Ezekiel.

"Magandang araw din sayo, iho. Tamang-tama ang dating mo. Luto na yung escabeche. Dito ka na lang kumain ng tanghalian. Ikaw rin, Tyler."

"Ah, hindi na po, Tita. May trabaho pa kasi ako." Tanggi ni Tyler.

"Ganun ba?"

"Opo. Sa susunod na lang po siguro." Tumayo siya bigla. "Sige po, Tita. Alis na po ako. May aasikasuhin lang po ako sa kumpanya."

"Sigurado ka bang ayaw mong kumain muna dito?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako tapos ngumiti siya. "Hindi na. Sa date na lang natin, kakain ako ng marami." Ginulo niya ang buhok ko. "Take care. Okay?"

"Hatid na kita sa labas." Sabi ko.

"Huwag na. Kakain na kayo diba?"

"Ikaw masyado kang pabebe." Tiningnan ko siya nang naka-pokerface.

"Hehe. Ayan ka na naman sa pagiging harsh mo saken. Sige na alis nako."

"Sige. Ingat ka."

Muli niya akong ngitian pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Sana naman magiging okay na si Tyler.

"Osya, ang mabuti pa kumain na lang tayo ng tanghalian. Halina kayo sa kusina." Sabi ni Mama tsaka siya nagpuntang kusina.

"Tara na?" Yaya ko kay Ezekiel.

Habang kumakain kami ng escabeche, kuwento ng kuwento naman ang kambal tungkol sa papalapit na University day sa paaralan nila.

"Alam niyo po ba, Mama? Si Kuya Ezekiel po ang nagsundo samen don sa paaralan." Sabi ni Jai.

Napatingin ako kay Ezekiel na katabi ko lang. "Totoo? Sinundo mo ang kambal?" Tanong ko.

Tumango naman siya sabay subo ng escabeche.

"Grabe, ang daming mga babaeng nakatingin sakanya nung dumating siya. Sobrang gwapo nga talaga ni Kuya." Nakangiting sabi ni Shai. "Kaya ang swerte ni Ate kung magiging boyfriend niya si Kuya Ezekiel."

Bigla akong nabilaukan. Kinuha ko agad ang isang basong tubig at dire-diretsong ininom yun.

"Anak, dahan-dahan sa pagkain." Sabi ni Mama.

Hinagod naman ni Ezekiel ang likod ko. "Okay ka lang?" Tanong niya.

"O-okay lang." Tiningnan ko si Shai at pinanlakihan ng mga mata. Ngumiti siya saken at nagpeace sign. Loko-loko talaga!

"Sa totoo lang boto naman ako kay Ezekiel para sayo, Shane."

For the second time nabilaukan na naman ako. Uminom agad ako ng tubig. "Ma!"

"Bakit? May nasabi ba akong mali?"

Nakakahiyaaa! Andito kaya si Ezekiel!

"Ako din!" Sigaw ni Jai at nagtaas pa siya ng kamay.

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now