-Eighteen-

116 4 0
                                    

"BAKIT ang tamlay mo ngayon?" Tanong ni Hazel saken. Binigay niya sa counter ang tray kasabay yung order sa table no. 10. "May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling ako. "Okay lang ako." Ngumiti ako sakanya.

"Okay mo mukha mo. Ako ba niloloko mo, Shane? Baka nakakalimutan mo 1 year na tayong magkaibigan at kilalang-kilala na kita kung kelan ka magiging okay at kelan ka magiging hindi okay. Now, talk. What is your problem?"

Napanguso ako. Okay, kilalang-kilala na nga niya ako.

Napabuntong hininga ako. "D-diba may... ano, boyfriend ka na?"

Tumango siya. "Oo. Bakit?" Kunot-noong tanong niya.

Huminga ako ng malalim. Wala pa namang umorder kaya hinila ko siya papuntang staff room at pumasok kaming dalawa don. Sinara ko ang pinto at sabay lock.

"U-uy. A-anong binabalak mo, Shane?" Kinakabahang tanong ni Hazel.

"Sshh. Huwag kang maingay baka marinig nila tayo." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Hazel--"

"Oh my. S-Shane, don't tell me... hindi." Sabay iling ng ulo niya. "Ayoko, Shane. Ayoko."

Kumunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo dyan?"

"Hindi ko kayang ipagpalit ang boyfriend ko, Shane. Mahal na mahal ko yun kahit na ubod ng pasaway yon."

"Anong ipagpapalit? Hazel--"

"Oh hindi! Hindi ko talaga kaya, Shane. Alam kong maganda ka pero... sayang naman kung magiging tibo ka diba?" Tapos hinawakan niya ang kaliwang balikat ko. "Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. Hindi ko ito ipagkakalat. Your secret is safe with me."

Napanganga ako. "Anong tibo?! Hoy hindi ako tomboy!"

"Hindi nga ba?" Tapos napabuga siya ng hangin. "Phew. Mabuti na lang. Pero, sandali. Ano nga pala ang kailangan mo saken?"

"May gusto lang sana akong itanong sayo."

"Ows? Ano naman yun?"

"Anong mararamdaman mo kung sakaling may nililihim ang boyfriend mo sayo?"

Hindi agad siya nakasagot. Tinitigan niya lang ako. "Like he's cheating behind my back, ganun ba?"

"Hindi sa ganun. Yung... uh..." pano ko ba to ipapaliwanag sakanya?

"Na ano?"

"Halimbawa, marami siyang naging ka-relasyon noon bago naging kayo. Pero hindi man lang niya sinabi sayo. A-anong mararamdaman mo?"

"Hmm.. ang hirap naman ng tanong mo. Pang Miss Universe lang ang peg." Huminga siya ng malalim. "Syempre..."

"Magagalit ka?"

"Hindi."

Napatanga ako. "H-hindi?"

"Eh normal lang naman yung mga ex's na yan eh. Ako din naman ah, may mga naging past relationship din ako kaya quits lang kami."

"H-ha?" Napakamot ako ng ulo. "So okay lang sayo na magkaroon ng ibang girlfriend ang boyfriend mo?"

"Of course hindi! Kapag nambababae siya baka putulan ko siya ng talong!" Gigil na sabi niya.

"Talong?"

"Oo, talong! Huwag mo nang alamin kung anong meaning non." Kumunot ang noo niya. "Sandali nga muna, bakit ganyan ang mga tanong mo? Parang ma something eh."

"A-anong something?"

Bigla niyang nilapit ang mukha niya saken. "Is this about Ezekiel? Hmm?"

Napaiwas ako. Narinig ko siyang napasinghap.

Love You Like CrazyKde žijí příběhy. Začni objevovat