-Ten-

160 5 2
                                    

OKAY, wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Bigla na lang niya akong hinila palabas ng coffee shop at sapilitang pumasok sa kotse niya at sumama sa kanya kahit ayaw ko.

"We're here." sabi niya. Tinanggal niya ang seatbelt niya at nagmadaling lumabas ng kotse. Tinanggal ko rin ang seatbelt ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang maunahan niya ako sa pagbukas nito.

Inilahad niya saken ang kamay niya. "Let's go?"

Tiningnan ko ang kamay niya. Nagdalawang isip ako, hahawakan ko ba?

At the end, hinawakan ko ang kamay niya at lumabas ng kotse. Ang lambot ng kamay niya. Nakita kong ngumiti siya. Hindi ko mapigilang mamula. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sheet, heart! Huminahon ka!

Hinila niya ako papasok sa loob ng mall.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Date." simpleng sagot niya.

"Ha? Date? Uh, Monday ngayon."

"What? Anong Monday?" binalingan niya ako.

"Sabi mo date diba?"

Natawa siya. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "Silly. What I mean is we're dating just like couples do."

Napatanga ako sa sinabi niya. And that's when I realize...

"You mean to say... Date as in date?" tanong ko.

"Yes."

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi naman ako ignorante para hindi alam kung ano yang date na yan. I have a few friends in college at naririnig ko silang pinag-uusapan ang date nila kasama ang mga boyfriends nila.

Pero nang siya ang nagsabi ng date 'to. Akala ko ang tinutukoy niya ay yong date sa kalendaryo. Yon pala hindi.

"Pero hindi naman tayo couples ah! Ni hindi ka nga nanligaw saken eh!"

"That's what I'm doing. Starting today I'm going to court you. Kaya nga nagd-date tayo diba?"

"Pumayag ba ako?"

"I know hindi ka papayag kapag sinabi kong liligawan kita. That's why I'm keeping it as a secret." he wink at me.

Hindi ako nakapagsalita. Oh sheet! We're dating at hindi ko man lang alam! Kaya pala hinila niya ako palabas ng coffee shop kasi gusto niyang makipag-date saken.

"Where do you want to go?" tanong niya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Hindi ko alam." sagot ko. Ano naman ang isasagot ko eh wala akong alam sa mga date-date na yan.

Lumingon-lingon ako. Hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa isang lugar na gustong-gusto kong puntahan noong college ako. Naiinggit ako sa mga taong naglalaro don.

"Do you want to go there?" tanong niya.

"Hindi na. Wala akong dalang pera."

"That's not a problem." hinila niya ang kamay ko at pumasok sa loob ng arcade.

"Ezekiel, sigurado ka ba dito ha? Wala talaga akong dalang pera dito." bulong ko sa kanya.

"Don't worry. This is my treat." sabi niya. Naglabas siya ng 100 pesos at binigay sa babae at pinalitan naman yun ng tokens.

Pansin ko kay girl ang lagkit ng tingin niya kay Ezekiel. Sarap tusukin ng mata eh.

"Here you go, sir. Enjoy." sabi ni girl at sinadya niya pang gawing sweet ang boses niya. Or should I say, ginawang malandi ang boses niya. Tss.

Love You Like CrazyOn viuen les histories. Descobreix ara