-Four-

221 8 1
                                    

   ABALA sa pagbabasa ng libro si Shane habang nakasandal ang kanyang likod sa upuan. Wala kasing masyadong tao ang pumupunta dito sa bookstore na pinagtatrabahuan niya. Tsaka nakakangalay kaya ng paa kapag palagi siyang nakatayo.

   Kung sa coffee shop ay tayo siya ng tayo dito naman sa bookstore ay relax na relax siya ay pwede pa siyang magbasa ng libro. Ang trabaho niya kasi ay isan cashier. Actually, dalawa silang cashier kaso umabsent 'yung isa dahil kakapanganak pa lang daw.

   "Miss, bibilhin ko ang librong 'to." Tumigil siya sa pagbabasa nang may customer na lumapit sa kanya. Sinara muna niya ang librong binabasa niya at nilapitan ang customer.

   "Php195.00 po." Sabi niya.

   Kinuha ng lalaki ang pitaka nito at binigyan siya ng Php200 pesos. Sinuklian naman niya ito. Nilagay na niya sa plastik ang libro at binigay sa lalaki.

   Nagmistula namang hokage ang lalaki at pasimple nitong hinawakan ang kamay niya. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay.

   "Thank you, miss." Sabi ng lalaki at kinindatan pa siya nito bagi ito umalis.

   Pagkalabas ng lalaki ay napaikot na lang siya ng kanyang mata. Inaamin niyang gwapo ang lalaki. Pero may pagka-siraulo nga lang.

   Naupo na lang siya ulit at pinagpatuloy ang kanyang pagbabasa. Narinig niya ang bell ng pinto hudyat na may pumasok na customer. Hindi siya nag-abalang tingnan kung sino kasi focus na focus siya sa kanyang binabasa.

   Maya-maya ay may lumapit ulit na customer sa kanya dala ang dalawang libro. "I'd like to buy this." Narinig niya ang isang boses lalaki.

   Sinara niya muna ang kanyang libro at tumayo. Hindi na siya nag-abalang tingnan pa ang lalaki samantalang na titig na titig ito sa kanya at nakangiti pa.

   Isa pa 'tong siraulo, eh. Kung makatitig parang gusto akong tunawin.

   "Php545.00 po." Sabi niya.

   Kinuha naman ng lalaki ang kanyang pitaka at binigyan siya ng Php1000. Sinuklian niya ito. Nilagay na niya ang dalawang libro sa plastik binigay sa lalaki pero nanatili pa rin itong nakatitig sa kanya.

  
   Wala ba siyang balak kunin ang libro? "Sir?"

   "You look very familiar." Sabi ng lalaki habang hinahagod ang baba nito at tinitigan siya sa mukha.

   Familiar? Bakit nagkita na ba sila dati?

   "Aha!" He snap his finger. "Ikaw nga!" Sabay turo sa kanya. "Ikaw 'yung babaeng nakabangga sakin dahil sa pagmamadali mo."

   She blink her eyes several times. Pilit na inaalala kung nagkita na ba talaga sila ng lalaking 'to. Totoo bang siya talaga ang nakabangga sa lalaki? O clone niya lang 'yun?

   "Hindi mo ako natatandaan?"

   "Hindi." Ditetsahang sagot niya.

   "Ouch. Ang sakit naman nun. Natatandaan ko nga ang mukha mo pero hindi mo man lang ako natatandaan?" Sabi ng lalaki habang nakahawak pa ito sa damit niya.

   Nanggigigil siyang sipain ang lalaki palabas ng bookstore. Ano na namang kadramahan 'to?

   "Anyway, gorgeous..." Tinukod ng lalaki ang kanyang kamay sa counter at nilapit ang mukha nito sa kanya.

   Inaamin niya, may itsura naman ang lalaki. Nakakaakit ang ngiti niya. Pero hindi ibig sabihin nun ay magpapadala na siya sa mga matatamis na salita nito.

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now