-Thirty Six-

214 5 2
                                    

Pilit kong pinapakalma ang puso ko. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Ramdam ko pa rin ang labi niya na gumagapang pababa sa leeg ko. His hot kiss...

Napailing ako. Leche, ano ba tong iniisip ko?

God, that was the first time I've ever felt that kind of feeling. Pakiramdam ko ibang ako yung kahalikan niya kanina.

Narinig ko ang pagbukas ng banyo. Nakita ko siyang nakasuot ng puting sando at kulay grey na sweat pants. Shyet, biglang nag-init ang katawan ko!

Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Biglang uminit ang pisngi ko.

Shit. Bakit ganun? Kahit simpleng damit lang ang suotin niya lumilitaw pa rin ang kaguwapuhan niya? Why so gwapo, Shawn Ezekiel Montefalcon?

Naramdaman kong umupo siya sa kama katabi ko. Walang nagsasalita saming dalawa. Ang awkward!

"Hey..." hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang init ng kamay niya. "I'm sorry. Hindi dapat mangyari yun. I should have stopped myself." Puno ng sinseridad ang boses niya.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"Are you mad at me?"

Umiling ako.

"Then look at me..."

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya. Hinawakan niya ang baba ko pagkatapos ay hinaplos niya ang pisngi ko. "I won't let that happen again. I'll try my best to control myself from claiming you. From wanting you. Damn, God knows how much I want you, Love. Pero malaki ang respeto ko sayo at sa pamilya mo. Kaya hihintayin ko munang makasal tayo." Hinalikan niya ang noo ko.

"I'm sorry din. Nadala kasi ako sa... halik mo." Nahihiyang sabi ko na ikinatawa niya.

"Me too, Love. Damn, I was so addicted by your kisses. It makes me go crazy."

Pabiro ko siyang tinampal sa balikat pero tinawanan niya lang ako. Tingnan mo ang lalaking 'to. May sakit na nga siya, maloko pa din.

"Huwag na natin pag-usapan yan." Hinawakan ko ang noo niya. "Ang init mo, Ezekiel. Kailangan mong magpahinga. Humiga ka na."

Hindi siya tumutol at nahiga sa kama niya. "You're going to take care of me today?" Tanong niya.

"Yup. Kawawa naman ang boyfriend ko. May sakit siya." Bahagya akong yumuko at hinaplos ko ang buhok niya.

"Why so sweet, My Love?" Nakangiting sabi niya at hinaplos din niya ang pisngi ko.

"I can be sweeter than you ever think, mahal ko..."

Natigilan siya bigla. "Is that some kind of an endearment, love?"

Ngumisi lang ako at mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi. "You need to rest. Naaapektuhan tuloy ang pandinig mo dahil sa lagnat mo." Tumayo ako ng tuwid. "Kumain ka na ba?"

Umiling siya.

"Bababa lang ako para ipagluto ka ng pagkain." Lumabas ako ng kwarto niya at nagpuntang kusina.

"Mam, ako na po dyan." Nilapitan ako ng kusinera nila upang tulungan ako.

"Hindi na po. Ako na lang po. Kaya ko naman po ito." Ngumiti ako sa kanilang kusinera.

Wala naman siyang magawa kundi pabayaan na lang ako. Ang bata pa ng kusinera nila. Siguro magkasing-edad lang kaming dalawa.

Pagkatapos ko siyang ipagluto ng pagkain at ihanda ang gamot niya ay nagpunta na ako sa kwarto niya.

Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ng kwarto. Nilagay ko ang dala kong tray sa maliit na mesa na nasa tabi lang ng kama niya.

"Mahal.." yumuko ako at marahan ko siyang niyugyog sa balikat. "Mahal, gising na.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now