-Thirty Two-

99 3 0
                                    

Minsan lang mag-request si Author kaya pagbigyan niyo na. Please support my story. I know may iba sa inyo na hindi gusto ang flow ng story ko kasi medyo OA na eh. Sorry okay? NBSB kasi ako tbh lang. So, yeah. That's why hindi ako magaling magsulat ng romance genre na story. Wala kasi akong experience sa mga ganyan kaya ayun pagtyagaan niyo na lang ang story ko. Hehe.

Anyways, here's an update. Enjoy reading! :)

--

Gulat pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Why is he here?

Niyukom niya ang mga kamao niya at naglakad palapit samen. Hinila niya ang braso ko palayo kay Tyler.

"We have to go. Now." Sabi ni Ezekiel. Pakiramdam ko tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang lamig kasi ng boses niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila yon nang pigilan ako ni Tyler. Hinawakan din niya ang isa kong kamay.

"Shane, wait--" hindi natuloy si Tyler sa pagsasalita nang bigla siyang suntukin ni Ezekiel kaya natumba siya at napaupo sa lupa.

"Fuck off!" Singhal ni Ezekiel kay Tyler. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Tyler!" Nilapitan ko si Tyler. Nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya. "Okay ka lang?"

Pinahid niya ang dugo sa gilid ng labi niya. Tumayo siya at walang anu-ano'y sinuntok din si Ezekiel.

"Gago ka, Montefalcon! Ano bang problema mo ha?!" Sigaw ni Tyler kay Ezekiel.

"Ikaw ang gago! Tangina mo!"

"Ano ba!" Pumagitna ako sa kanilang dalawa upang pigilan sila. "Magsitigil na nga kayo!"

Nagkatitigan sila ng masama. Tapos biglang hinawakan ni Ezekiel ang kamay ko at hinila yun. Hindi ko na nakuhang lingunin si Tyler.

"E-Ezekiel..." ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. "Ezekiel, nasasaktan ako..."

Hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siya sa paghila saken. Malalaki ang mga hakbang niya kaya kailangan ko pang magmadali sa paglalakad. Sumasakit na din ang paa ko dahil sa suot kong dollshoes.

"Ezekiel..." hindi pa rin niya ako sinagot. Sa inis ko ay hinila ko pabalik ang braso ko kaya napatigil siya sa paglalakad. Nilingon niya ako at magkasalubong ang mga kilay  niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga tingin niya saken. Napalunok ako.

"Ihahatid na kita sa inyo." Sabi niya tsaka naglakad palapit sa kotse niyang nakapark pala malapit lang sa kinatatayuan namin.

Sumunod ako sa kaniya at pumasok din sa loob ng kotse niya. Pinaandar na niya ito at tsaka kami umalis.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Walang kibuan. Sinulyapan ko siya at nakatuon lang ang mga mata niya sa tinatahak naming daan.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay namin. Hininto niya ang kotse niya sa tapat ng bahay namin, pero hindi pa ako lumabas.

Mag-sorry ka na kasi, Shane!

Lumunok ako ng ilang beses. "E-Ezekiel... I-I'm--"

"Magpahinga ka na. Bukas na lang tayo mag-usap. Sigurado akong pagod ka." Sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at lumabas. Yumuko ako habang nakabukas pa ang pinto. "G-good night."

"Yeah. Good night." Walang ganang sabi niya.

Medyo nasaktan ako dahil sa inasta niya pero anong magagawa ko? Kasalanan ko din naman kasi!

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay namin. Lumapit ako sa sofa at pabagsak na naupo don.

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now