-Nine-

151 5 0
                                    

KAHIT anong pilit kong ipikit ang mga mata ko hindi pa din ako makakatulog. Bumangon ako ay hinilamos ang mga kamay ko sa mukha ko. Arrgh! Ano ba! Shawn Ezekiel Montefalcon kasalanan mo 'to! Bwiseeet ka!

Humiga ulit ako sa sofa. Tinitigan ko ang kisame ng bahay namin. Oo namin. Remember nung sinabi ni Aling Lucilla na sa amin na 'tong bahay nila na nirentahan namin. Ang kailangan ko lang gawin ay irenovate 'to. Kailangan ng make-over ng bahay na 'to.

Habang nakatitig ako sa kisame, naalala ko tuloy ang pag-uusap naming dalawa ni Ezekiel don sa bookstore.

"I like you, Shane. No, scratch that. I love you, Shane. And I want you to be called my girlfriend." Seryosong sabi niya.

NGANGA. Yan ang reaction ko nang sabihin niya yun.

"Nagpapatawa ka ba?"

"I'm not joking here. I'm serious. Dead serious."

Diba? Isang napakalaking IMPOSIBLE kaya yun! Imagine, isang gwapo, mayaman, macho at lapitin ng mga babae dahil malakas ang sex appeal, magkakagusto sa isang tulad ko? Isang mahirap na tulad ko? Sa dinami-dami ng babae dito sa mundo bakit ako pa? I mean, hindi naman ako mayaman, wala akong mga magagarang mga damit tukad nung Cassie na yun. I'm not thay sophisticated.

Pero BAKIT AKO??? UNBELIEVABLE!

Maniniwala ba ako? No! Hindi pwede. Baka pinatitripan niya lang ako. Baka gusto niya lang akong gawing isa sa mga babae niya. Men like him, madami ng naging girlfriend yun. Pareho sila ni Jerick. Itong tukmol na Jerick na 'to alam kong hindi din siya seryoso sa oanlilihaw saken eh kaya hindi ko siya pinapatulan.

Pinagtitripan nila akong dalawa. Huh. Akala nila magpapadala ako sa kanila?

--

Hindi ko mapigilang humikab dahil sa antok. Antok na antok ako.

"Puyat ka ah?" Tanong ni Hazel.

Kinusot ko ang mata ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya ulit.

Tumango ako. Antok na antok ako. Napatingin ako sa glass door ng bumukas ito. Nawala ang antok ko ng makita ko siyang pumasok. He's wearing a polo with a white v neck shirt in it tapos pantalon at nike shoes. Tapos may dala pa siyang bulaklak. Halos lahat ng mga tao dito sa coffee shop, especially mga kababaihan, napapatingin sa kanya. Pano ba naman kasi, he looks so...gwapo this morning. Although gwapo naman talaga siya.

What the?! Ano ba 'tong iniisip ko?!

"Hazel, punta muna ako sa cr ah?" Sabi ko kay Hazel. Patayo na sana ako ng makita niya ako. He smiled at me and walk towards me. Potek na.

Paalis na sana ako ng hawakan ni Hazel at Mandy ang braso ko. Anong ginagawa ng dalawang 'to?! Bakit nila ako pinipigilan?!

"Ano ba! Bitawan niyo nga ako! Magsi-cr ako--"

"Good morning, Shane."

I close my eyes. Nakatalikod ako sa kanya habang hawak ng dalawang baliw na 'to ang mga kamay ko.

"Shane, good morning daw oh." Tiningnan ko ng masama si Hazel saka ko kinuha ang dalawa kong kamay mula sa pagkakahawak nila.

Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya.

"Here. For you." Sabay abot saken ng bulaklak. Narinig kong tumili ang dalawa sa likod ko pero mahina lang. Tiningnan ko sila ng masama tsaka naman sila tumigil sa pagtili.

"Anong ginagawa mo dito? Wala kang trabaho?" Tanong ko sa kanya.

"Nah. I'm taking a day-off. Actually, nandito ako because I want you to come with me." Nilagay niya ang magkabilang elbow niya sa counter.

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now