-Twenty Five-

115 5 4
                                    

Minsan lang ako humingi ng favor sa inyo. Please vote and comment and don't forget to support this story and don't forget to share this to your friends.

Thank you. :)

Anny ❤

--

[Try niyong pakinggan ang Sa'yo by Silent Sanctuary habang binabasa niyo to.]

Hindi ko mapigilan ang mga luhang lumalabas mula sa mga mata ko. Umiiyak ako dahil hindi ko na talaga kayang pigilan tong nararamdaman ko.

Nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako. Gusto kong magwala don. Gusto kong hilahin si Ezekiel pababa ng stage.

Siguro nga denial ako dahil hindi ko maamin sa sarili ko na nararamdaman ako para kay Ezekiel. Ayoko ng ganito! I hate this feeling!

Patuloy ako sa pag-iyak at punas ng mga luha ko.

"Shane..."

Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Minadali ko ang pagpunas ng mga luha ko. Ayokong nakikita niya akong ganito. Huminga ako ng malalim tsaka tumingala para kontrolin yung mga luhang nagbabadyang lalabas mula sa mga mata ko.

You can do it, Shane. You can face him. Don't cry. Don't cry!

Dahan-dahan akong lumingon paharap sakanya. Bakas sa mukha niya na nag-aalala siya.

"P-pano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sakanya.

"Your friend told me." He said.

"Ah. Ganun ba?" Pilit akong ngumiti sakanya. "O ngayon alam mo na nandito ako. Pwede ka nang bumalik don sa show. Baka hinahanap ka na ni Rachel. Sige na."

Imbes na umalis siya nanatili pa rin siyang nakatayo sa harap ko at tinitgan lamang ako.

"Ano? Bakit nakatayo ka lang dyan? Umalis ka na. Iwan mo na--"

"Why are you crying?" Putol niya sa sinasabi ko.

Natigilan ako at the same time hindi ako nakasagot sa tanong niya. Expected ko na tatanungin niya ako ng ganyan. Kung bakit ako umiiyak.

"Hindi ako umiiyak." Sabi ko.

"Yes you are. Huwag mo nang subukang magsinungaling, Shane. Alam kong umiiyak ka."

"Gago ka pala eh! Alam mo palang umiiyak ako tapos nagtanong ka pa! Gago!"

"Pwes sabihin mo saken kung bakit ka umiiyak."

Hindi ulit ako nakasagot. Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko dahil pakiramdam ko anumang oras ay sasabog nako.

"Shane..."

"Gusto mong malaman kung bakit ako umiiyak?" Inangat ko ang ulo ko at sinalubong ko ang mga mata niya. "Umiiyak ako dahil nasasaktan ako! Umiiyak ako sayo!" Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. "Ang sakit eh. Ang sakit sakit, Ezekiel. Mahal kita at ayokong nakikita kitang masaya sa iba. Ayokong may kayakap kang iba. Ayokong may hahawak sa kamay mo maliban saken. Gusto ko ako lang. Gusto ko saken lang ang atensyon mo. Gusto ko saken ka lang masaya." Yumuko ako at pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa paglandas mula sa aking mga mata. "Gusto ko ako lang. Selfish na kung selfish. Mahal kita eh."

Hindi ko talaga aakalain na aamin ako sakanya ng ganito. Oo, inaamin ko sa sarili ko. Mahal ko si Ezekiel. Mahal na mahal ko siya.

Nakita ko ang anino niya sa harap ko. "Say it again."

"Na ano?" I asked between my sobs.

"What you've said awhile ago. Say it again."

"Naman eh! Paulit-ulit?! Sabi ko mahal kita! Last na lang at--"

Love You Like CrazyWhere stories live. Discover now