Bleeding Royalty (Finished)

By Eurekaa

849K 22.4K 1.8K

His Crazy Mistake Book 2. (Finished) A twist of turned events, when everybody thought he died... but he did... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 10

22.1K 647 57
By Eurekaa


Typo errors are a lot.

Chapter 10
Choose

Naramdaman naman ni Jordan ang pagyakap sa kanya ni Julia nang mahigpit. Nasa kama kasi silang dalawa sa bahay nila at natutulog na. Pagkatapos kasi ang nangyari kanina ay umuwi muna sila sa bahay para magpahinga. Ayaw niya muna kasi itong mastress dahil sa mga issues na nangyayari. He tried everything to assure his wife that everything will be okay, na hindi niya ito pababayaan at iiwan.

He even lied so that her wife would stop from crying. Humihina ang loob niya sa tuwing nakikita niya ang mga luha nito.

He sighed as he kissed the top of her head, "I love you, Jul, so much. Remember it always."

Umidlip na siyang muli.

●●●

"Ma..." Hinaplos naman ni Jordan ang buhok ni Julia habang mahimbing pa rin itong natutulog. It was already past nine in the morning. Pinaglutuan na rin niya ito ng breakfast. May pupuntahan kasi silang dalawa ni Idris kaya iiwan muna niya ito sa bahay. They were going to see someone and Julia shouldn't get herself involved with it.

"Hmm..." She mumbled, her voice still sleepy. He really thanked God dahil tumigil na rin ito sa pag-iyak. Ayaw na ayaw niya itong nakikitang nahihirapan at nasasaktan dahil mas lalo lang magiging kumplikado sa kanya na gawin ang tunay na dahilan kung bakit siya bumalik sa Pilipinas.

"I already cooked your breakfast," He said to her gently, "Aalis muna kami ni Idris, may aasikasuhin lang kami, some works that I left in England," He lied, "Babalik naman ako kaagad dito. Just call me if something happens, okay?"

Nanatiling nakaidlip pa rin ito. Ngumiti na lang siya at dinampian ng halik ang noo ng asawa, "No matter what will happen, I love you, Julia. So much." Ilang segundo naman ay tumayo na siya. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa may pinto.

"I love you, my Queen." He whispered as he slowly went out from their room, leaving her.

●●●

"Idris, how's the case?" Tanong ni Jordan kay Idris habang katabi sa front seat. His butler is the one who is currently driving the car. May pupuntahan kasi silang importanteng tao - si Atty. Matthias Molina, the Philippines' current Secretary of Justice.

Atty. Molina is the one who's helping him with the case.

Ilang buwan din nilang pinaghandaan ito ni Idris. When he was still in England, when he just recently ascended his father's throne as the King, kaagad niyang pinaimbestiga kay Idris ang nangyari sa kanya noon. Together with some private intelligence officers he hired exclusively in the UK, he gathered evidences to succeed his long-term plan.

To have revenge.

To destroy the Philippine President, Eduardo Silva, Jr. - the man who killed him.

At ngayon, nagsisimula ng kumilos ang plano niya. And no one will ever dare to try to stop him. Not even his wife.

He'll get his justice and the president will get his own dose of medicine too.

"The case is just starting, your majesty," Idris answered, his eyes on the road, "Our hold is strong, it's going to flow smoothly."

"Good."

Maya-maya'y narinig naman niyang itong bumuntong-hininga, "My King, Ms. Julia... she will be the most affected with this."

Jordan sighed, "I know. And she's going to hate me for this, Idris. But you're right. This was already our plan and I must stick to it."

His wife would definitely hate him if she would learn that he was behind all of his father's issues now. But he was doing this for him, for his old self - the Zachary Knight whom the President destroyed and erased in existence.

His old self whom the President killed.

If only things were different before... maybe right now, he's happily living with Julia together with their children in the island. Living with their family peacefully.

But fate is cruel.

Just like Romeo and Juliet...

Love ruined them.

Dumating na rin sila sa opisina ni Atty. Molina. Bumaba naman kaagad si Jordan mula doon. He was visiting Atty. Molina's office discreetly.

Kaagad namang nagsaludo kay Jordan ang mga guards na nagbabantay sa opisina ng sekretarya. Jordan nodded his head to them in response. Pumasok na silang dalawa ni Idris sa loob ng opisina.

"Your highness." Kaagad namang napatayo si Atty. Molina mula sa swivel chair nito. Alam niyang hindi nito inaasahan ang pagbisita niya doon.

"Makikibalita lang ako kung kamusta na 'yung kaso," He started simply. Alam niyang kaalyado ito ng Presidente - but because he was more powerful, the secretary was forced to help him in the case. He manipulated him and some of his comrades - in supporting with the evidences and witnesses he gathered for the murder case.

Buntong-hiningang umupo itong muli sa swilvel chair, "Naisampa na ang kaso sa Supreme Court. The judges are now examining it. But with your enough evidences... baka mapabilis ang pagbibigay ng warrant of arrest kay President Eduardo," Napahilot naman ito sa noo, "And as what you commanded, nobody will know who filed the case against him, Mr. Knight."

"Si Mr. Tiongzon," He replied as he observed some of the figurines displayed in the huge glass cabinet inside the secretary's office, "He will be the main witness of the case. Nakausap mo na ba siya?"

It was Mr. Tiongzon who saved him. It was him who knew everything about the President's plan of killing him.

Kaya naman ito rin ang magiging susi sa plano niyang ibagsak ang Presidente. Especially now when he's more powerful that the President itself.

The truth will prevail. The fucking truth that ruined him.

"Sinubukan ko lahat para makausap siya, your highness. Pero mahirap itong pinapagawa mo. At hindi rin sigurado na papanig siya sa atin. He has been working for the President since Ms. Julia was born. Malaki ang utang na loob niya sa pamilya ng Presidente if he will oppose him." Sagot naman sa kanya ni Atty. Molina, uncertainty was obvious in his voice.

Huminga naman siya ng malalim, "Ako ang kakausap sa kanya."

He will finish everything that he had planned now.

●●●

"Thank you, manong." Ani ni Julia sa taxi driver matapos siyang magbayad. Bumaba naman siya agad mula sa taxi at nasa harapan na siya ng munting gate ng bahay nina Mr. Tiongzon.

She smiled. Ilang linggo na rin kasi niya hindi nakikita ang pamilya ni Mr. Tiongzon, lalo na ang dalawang mga chikiting nito na sina Clara at Christian. Namimiss na kasi niya ang dalawang inaanak niya.

Nang magising kasi siya kaninang umaga ay hindi na niya nadatnan sa bahay si Jordan. Nag-iwan lang ito note na aalis muna ito kasama si Idris para mag-asikaso ng trabaho. Babalik naman daw ito kaagad sa bahay.

Pero maghahapon na ay hindi pa rin ito bumabalik. Even being alone in their house seemed suffocating kaya naman napag-isipan niyang lumabas muna sa bahay. Kaya naman napag-isipan na lang din niyang puntahan ang dalawang inaanak niya. She just wanted to breathe because of the issues her family were currently facing.

Binuksan na niya ang gate ng bahay nito at tumambad naman kaagad sa paningin niya ang dalawang inaanak niya. Naglalaro lang ang dalawa sa labas ng bahay nito.

"Clara! Christian!" She called them as both of the kids looked back at her.

"Tita Julia!" Sabay na sabi ng dalawa at excited naman itong nilapitan siya. Nagyakapan kaagad silang tatlo.

"Naku! Ang lalaki na ng mga inaanak ko ah! Namiss kayo ni Tita Julia." Kinurot naman niya ang mga ito. The two kids just kept giggling.

"Kami rin po, Tita Julia! Miss ko na po 'yung mga dolls na binibigay niyo sa 'kin," Ani naman sa kanya ni Clara at natawa naman siya sa sinabi nito. Lagi kasi niyang binibilhan ang dalawa ng mga toys noon.

"Nasaan ba ang Mama niyo?"

"Nasa loob po. Nandoon din po si Papa. Halika, Tita Julia!" Hinatak naman kaagad siya ng dalawa. She couldn't help but to giggle with the kid's excitement. Talagang masayang-masaya ang dalawa sa pagbisita niya.

Nakapasok na nga silang tatlo sa loob ng bahay.

"Papa! Mama! Nandito po si Tita Julia!"

Parehas naman silang tatlong napahinto at napansin na nag-uusap sina Mr. Tiongzon at ang asawa nitong si Hilda.

"Hilda, kahit ganun ang nangyari, malaki ang utang na loob kay Sir Eduardo." Her bodyguard's voice sounded problematic.

"Alam ko, Dan, pero... kailangan mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Zach noon."

"Hindi ko alam... Hindi ko mabasa kung ano ba talagang gusto ng Hari. Pero sigurado ako, gusto niyang maghiganti sa Presidente, Hilda."

"Mr. Tiongzon."

Napatigil naman ang dalawa at napalingon kay Julia - kapwa nagulat nang makita siya doon.

"M-Ms. Julia..." Parang hindi naman alam ni Mr. Tiongzon ang sasabihin nito sa kanya.

Higanti?

Si Jordan... May planong maghiganti laban sa ama niya?

She suddenly remembered his plan...

So this was Jordan's plan after all?

But he assured her that her father wasn't involved with his death.

Kaagad namang tumalikod si Julia at lumabas mula sa bahay ng mga ito. This is too much.

"Ms. Julia!" Hindi na niya pinakinggan ang mga ito at mabilis na pumara ng taxi sa labas.

Gulung-gulo na siya.

●●●

"Ma." Napatayo naman si Jordan mula sa couch ng living room nang dumating na si Julia sa bahay nila. Kakauwi lang din kasi niya sa bahay bago lang. Nabasa rin naman niya ang iniwan nitong note na pupunta muna ito sa bahay nina Mr. Tiongzon para makita ang inaanak nito.

Hindi naman siya nito pinansin at umakyat ito kaagad sa kwarto nila.

Kumunot naman ang noo ni Jordan sa inasal nito. Julia looked mad. His wife is acting differently. Nagsimula naman siyang kabahan.

Sumunod naman siya rito sa kwarto nila. Napansin naman niyang iniempake nito ang mga damit at mga gamit nito sa maleta.

"Julia, anong nangyayari?" Hinawakan naman niya ang kamay nito para pigilan ito. Napatingin naman ito sa kanya - but her eyes were glaring at him.

"Bitawan mo 'ko, Jordan." She gritted her teeth. Mas lalo namang kumunot ang noo ni Jordan sa sinabi nito. Binitawan naman niya ang kamay nito.

"Why are you acting like this, Julia?" He asked, trying to be gentle ngunit nagpapatuloy pa rin ito sa pag-eempake.

"You lied to me," She accused, without even taking a glance at him, "You're behind the murder case against my father, Jordan. I've heard it from Mr. Tiongzon. Kasi gusto mo maghiganti. "

Nagulat naman si Jordan sa sinabi nito. Hindi naman siya nakapagsalita.

Maya-maya'y napatigil naman ito sa pag-eempake, "I know... I know kung paano ka pinahirapan ni Daddy noon, Zach. But he wouldn't do such things like plotting to kill you," Napansin naman niya ang mga luha tumulo mula rito ngunit kaagad naman nitong pinahid ang mga luha nito.

"Ma..." Guilt was eating him again. Umiiyak na naman ito.

Julia immediately zippered the bag. Tumingin naman ito sa kanya, mga matang puno ng hinanakit na nakatingin sa kanya, "Mahal ko kayo pareho at ayokong mamili sa inyong dalawa, Zach."

Dala-dala ang maleta ay nagsimula na itong naglakad at nilagpasan na siya.

"Julia." Nahawakan naman niya kaagad ang braso nito.

"Bitaw, Jordan," Malamig na sabi nito, "Ayoko munang magpakita sa inyo."

"Julia, listen to me--"

"Ano ba!" Nilingon naman niya ito at sinigawan, "Gulung-gulo na ako sa inyo! Hindi ko na kayo maintindihan!" She cried again, "You told me to trust you, Jordan. But how can I trust you if you keep too many secrets?"

"Don't make me hate you." Tinabig naman niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Tinalikuran niya itong muli.

"Sige! Diyan ka naman magaling, Julia." Napahinto naman si Julia sa mga yapak niya. She slowly looked back and saw Jordan - looking fiercely at her. His eyes, full of anger... vengeance.

"You keep running away from things. You're afraid of risking. Duwag ka." Sumbat nito sa kanya.

"Did you even fight for me? Sinubukan mo bang alamin ang totoong dahilan kung bakit ako namatay? Kung sino pumatay sa 'kin noon? You fucking didn't! You didn't do anything, Julia! You left me!" He hissed. Ramdam na ramdam na niya ang galit mula rito.

"And yes, I'm behind all of these issues. Ako ang nasa likod ng pagsampa ng kaso laban sa ama mo. Kasi gusto kong maghiganti. Gusto ko siyang ipabagsak."

"Your father is the one who kidnapped you on that island - it was his men who attacked us in the island before, Julia. I saw it in my two eyes. He was in front of me when his men shot me a lot of times."

"He ruined me, Julia. Your father killed me!"



//
DISCLAIMER:
The process of the murder case against the president is just fictionalized. Hindi ito ang tamang proseso kung gusto niyong magsampa ng kaso (against the president). I just made it up and again, it is now fictionalized (not true). Baka kasi may magreact o magcomment na naman na mali 'yung flow o babagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa ginawa ni Zach. Don't worry, hindi po babagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dito sa story.

Comment if you like. ;)

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
165K 5.9K 67
She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who never takes bullshits from anyone and ig...
160K 3K 52
All Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.
2M 58.2K 45
(Finished) How can an accidental pregnancy change the lives of two teenage parents, Connor and Maddison?