The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Confession

804 56 24
By SheIsLexa

Walang pagdadalawang-isip na isinuot ni Reymond ang kanyang kayumangging maskara at saka tuluyan nang lumabas ng kotse. Nang makita niyang marami pang estudyante ang nasa parking lot ay agad siyang nagpaputok upang paalisin ang mga ito sa naturang lugar.

Mabilis namang nagsitakbuhan ang mga estudyante ng Woodsen palayo sa parking lot ng paaralan.

Si Jennica naman ay agad na tumakbo sa isang gilid saka sumuka. She just can't take the sight of Reymond's headshot on his Kuya Lence. Damn you siomai. Ugh., naiinis niyang saad sa sarili habang patuloy na sumusuka.

Kahit na nasa mapanganib na sitwasyon ay hindi maiwasang mapailing at matawa ni Reymond habang nakatingin sa sumusukang si Jennica. Muntik pa niyang makalimutan na may kalaban pala sila.

Gaya nang inaasahan ay lumabas nga si Lence mula sa kanilang sasakyan, wala na ang sugat na natamo nito mula kanina.

"P-papaano nangyari 'yon?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Jennica nang mapansin ngang wala ni bahid ng dugo ang ulo ni Lence.

Reymond reloaded the gun before answering, "Programming." At kinalabit na naman niya ang gatilyo.

"Reymond, please huwag!"

Sapul na naman sa ulo ang kawawang si Lence, pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya natumba sa halip ay bumaon lamang sa kanyang ulo ang bala. Maya-maya ay dahan-dahang gumaling na naman ang malalim na sugat nito.

"Z-zombie si Kuya Lence?" hindi makapaniwalang saad ni Jennica habang pinipigilang masuka.

"No. Someone programmed him to be invincible. He can't be killed."

"Then why are you shooting him?!"

"To slow him down, baby. To slow him down," sagot ni Reymond habang pinapuputukan si Lence.

May naramdamang kung ano bigla si Jennica sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay halos mapaupo siya dahil sa biglaang paglambot ng kanyang mga tuhod habang pilit na hinihila ang laylayan ng polo ng binata, "R-reymond... l-look at them."

Agad namang lumingon sa likuran si Reymond at halos bumagsak ang kanyang mga balikat sa nakita, "What the—" Ang kanyang nakita ay ang napakaraming Lence Velmonte na palapit sa kanila. Mga clones ito, nasisiguro siya. "Mali ang hinala ko," kapagkuwa'y saad niya.

"A-anong hinala?" tanong ni Jennica habang pilit na kinakalma ang sarili. Unti-unti nang lumalapit sa kanila ang maraming Lence Velmonte.

"Iisang tao lang kasi ang alam kong kayang magprogram ng ganito, pero sa pagkakaalam ko naman, hindi niya kayang mag-clone." At walang iba iyon kundi si Elizabeth Patriar, ang former Priestess Stone at ina ni Oasis.

"Ha? Sino—" napatigil si Jennica nang may marinig.

"Jennica hanapin mo ako. Hanapin mo ako."

"—k-kuya Lence?"

"What?"

"Hindi mo ba iyon naririnig?" tanong ng dalaga sa binatang si Reymond.

"Magmadali ka Jennica. Wala ng oras. Magmadali ka." narinig niyang sabi ng boses ni Lence.

"Ang alin?"

Hindi na lamang pinansin ng dalaga ang tanong ni Reymond sa halip ay sinagot na lamang niya ang boses ni Lence, "Papaano kuya? Paano kita mahahanap?"

"Jen, sino ang kausap mo?!" Pilit na niyuyog ni Reymond ang balikat ng dalaga sa pag-aakalang nahihibang na ito.

"Si kuya Lence! Naririnig ko siya!" sagot naman ng dalaga sa binata.

"Damit. Sapatos. Pabango. Pagkatao. Kilala mo ako Jennica. Mahahanap mo ako," narinig niyang sagot ng boses ni Lence.

"We have no time for that, Jennica. Nasa bingit tayo ng—damn it! Jennica!" tawag ni Reymond sa dalagang bigla na lamang tumakbo palapit sa napakaraming Lence Velmonte.

Pilit namang hinahanap ni Jennica ang kanyang kuya Lence. Iba-iba man ang mga damit ng mga Lence na sumugod sa kanila ay alam niya na iisa lang ang style ng kanyang totoong kuya Lence.

Pinagsusuntok na lamang ni Reymond ang mga nakakasalubong na Lence, kasalukuyan niyang hinahabol ang pasaway na si Jennica na sumuong sa napakaraming cloned Lence Velmonte, Mabuti na lang at hindi aggresive ang mga ito. Passive sila, maliban na lang sa nauna. Tsk. Saan ba pupunta ang babaeng 'yon?

Habang si Jennica naman ay umiwas-iwas lang sa mga nakakasulubong na cloned Lence, pilit niya pa ring hinahanap ang totoong Lence, ang simpleng kuya Lence niya. Napatigil siya nang masilayan sa isang sulok ang nakatayong Lence. Suot ang simpleng puting t-shirt at maong na sinamahan ng simpleng rubber shoes, "K-kuya Lence," tawag niya rito.

Matagal ng nakatayo sa sulok na iyon si Lence. Matagal na siyang naghihintay na dumating ang pinakamamahal na si Jennica, "J-jen..."

Mabilis na tumakbo si Jennica palapit sa binata. Niyakap niya agad ito ng sobrang higpit. Miss na miss na niya ito. Naamoy niya rin ang pabangong palaging gamit ng kanyang kuya Lence. Siya nga, siya nga si Lence Velmonte, "Kuya Lence! Saan ka ba galing? Ha?"

Ngumiti ang binata saka sinabing, "Kailangan mo akong patayin."

Napabitaw si Jennica sa pagkakayakap kay Lence, "Ano bang pinagsasabi mo?"

"Papatayin mo ako o sasabog ang mga clone ko."

"W-what?"

"May limang minuto ka na lang, Jennica."

"Kuya naman eh! Pwede tayong umalis!"

Umiling ang binatang si Lence, "Susunod at susunod sila sa akin."

"S-sino ang gumawa nito sa 'yo, kuya?"

"Sasabog sila kapag sinabi ko. Hindi ko hahayaang mapahamak ka. Patayin mo na lang ako."

Puno ng hinanakit ang mga mata ni Jennica at tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata, "Hindi ko kaya. Hindi ko—"

Sinakop ng mga labi ni Lence ang mapupulang labi ng dalagang si Jennica. Maaari na nga akong mamatay., mapait na saad ni Lence sa sarili habang dinadama ang matamis na halik mula sa iniibig.

Nasa ganoong eksena sina Lence at Jennica nang maabutan sila ni Reymond, Damn. Ano ba sa tingin niya ang pinaggagagawa niya? Ikinasa ng binata ang dalang baril at itinutok kay Lence. Agad namang naghiwalay ang labi ng dalawa at napalingon sa kanyang gawi, "Let her go o pupulutin mo sa sahig ang utak mo," banta ni Reymond sa binatang si Lence.

"Kung 'yan ang kondisyon mo para mapatay ako, hinding hindi ko siya bibitawan," nakangiting saad ni Lence.

"Kuya Lence!"

"Jen..." Lumingon ulit si Lence sa dalaga at hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Ilang taon tayong nagkasama, sa loob ng mga taong iyon minahal kita bilang kapatid, bilang matalik na kaibigan, at kalaunan ay bilang babae."

Jennica gasped, "Y-you're kidding."

"Mahal na mahal kita pero sa estado natin..." Natawa siya nang mapait at nagpatuloy, "Hindi ako kasing yaman mo, hindi ako kasing yaman ng karibal kong 'yan," pagpapatungkol niya kay Reymond. "Hindi ako naglakas ng loob na magtapat sa iyo. Napakababaw, 'di ba? Kaya ipinangako ko sa sarili ko na mag-aaral ako nang mabuti para maabot kita, na kapag nakapagtrabaho na ako ay ang una kong pag-iipunan ay ang kasal natin."

Naibaba ni Reymond ang kanyang baril. He really is Lence Velmonte., iyon lamang ang tangi niyang naisambit sa isipan. 

"Kuya..."

"Tatlong minuto, tatlong minuto na lang." He sweetly smiled at dahan-dahang niyakap si Jennica. "Naaalala mo pa ba noong bata pa tayo? Lampa ka pa nga noon. Palagi na lang ako ang tagapagtanggol mo. 'Di ba nga ako si Superman mo at ikaw ang Lois Lane ko?"

"O-oo naaalala ko pa. Tapos palagi kang nanghihingi ng reward kapag naipagtatanggol mo ako." Iyak nang iyak si Jennica habang hinihigpitan ang pagyakap sa kanyang kuya Lence.

Tiningnan ni Lence si Reymond at sinenyasan na lumapit.

Sumunod naman ang binatang si Reymond at may inabot na isang kapiraso ng papel si Lence sa kanya. Binuklat niya ito at binasa. 'Maangas, huwag kang masyadong masiyahan dahil hindi mo pa siya masosolo. Nasa utak ko ang detonator. Kailangan ko itong wasakin. Kaya lang, kailangang nasa malapit si Jennica, 'yon ang utos sa akin upang hindi sumbog ang mga clone. Huwag kang mag-aalala. Hindi ako mamamatay. Asa ka pa.' Napatingin siya kay Lence na naka-smirk ng nakakaloko. Napailing na lamang siya sa kalokohan nito saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. 'Kailangan mo lang dalhin ang katawan ko sa address na nakasulat sa ibaba para marevive nila ako. Gets mo? Dalhin mo ako doon kung hindi mumultuhin talaga kita.'

Inilahad ni Lence ang kanyang mga kamay sa harap ni Reymond then he mouthed, Baril.

Ibinigay naman agad ito ni Reymond then he also mouthed, Good luck. Siguraduhin mo lang na ang detonator ang matatamaan mo. Natatawa pa siya habang pumupunta sa harap ni Jennica saka kinuha ang mga kamay ng dalaga. Nakayakap pa rin ang dalaga kay Lence at ang utos ni Lence ay dapat nasa malapit lang si Jennica kaya ang ginawa niya ay inilagay niya sa kanyang pisngi ang mga kamay ni Jennica para hindi ito makawala sa pagkakayakap sa binatang si Lence.

Pilit na binabasa ni Jennica ang mga mata ni Reymond, "A-anong nangyayari, Reymond?"

Itinutok na ni Lence ang baril sa kanyang ulo.

Then they heard a loud bang.

Halos gumuho ang mundo ni Jennica nang unti-unting kumakalas sa pagkakayakap si Lence sa kanya, N-no. No, no, no.

Isa-isa na ring natumba ang mga clones ni Lence.

"Come on, Jen. Everything will be fine."

"Everything will be fine?! Are you kidding?!" singhal nang lumuluhang si Jennica habang niyayakap ang walang buhay na katawan ni Lence.

"O, para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo." Inabot ni Reymond ang papel kay Jennica na siya namang mabilis na binasa ng huli.

"Ugh! Damn you, kuya Lence! Pinakaba mo ako!" natatawang naluluhang saad ni Jennica sa kanyang kuya Lence.

"Halika na. Baka hindi na mabuhay ang gago mong kuya. Kailangan na natin siyang iparevive."

"Reymond..."

"Hmm?"

"S-salamat."

Ngumiti ang binata at ginulo ang buhok ng dalaga, "Anything for you, my ultimate crush. Akin na nga 'yan. " At saka niya kinuha ang katawan ni Lence mula sa pagkakayakap kay Jennica.

Nanlaki naman ang mga mata ni Jennica.

"O? Wag ka masyadong kiligin diyan. Sakay na."

Napailing lamang ang dalaga at saka pumasok na sa kotse. Medyo inis pa rin siya sa kanyang kuya Lence dahil pinakaba siya nito ng bonggang-bongga at sa siomai na kasama niya ngayon na wagas kung makapang-asar. Ultimate crush? I doubt if that phrase exists.



—-



If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

Continue Reading

You'll Also Like

Lost Stars By Eros

Teen Fiction

11.7K 6.8K 50
[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older broth...
54.7K 1.5K 42
Meet the unbeatable campus bitch- Majarotte Siah.
598K 21.6K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.3K 111 23
Abilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of training and raising expert agents who will...