Ate(Completed)

Von MissJ_35

344K 12.4K 1.5K

Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bag... Mehr

Prologue
Chapter1: Farewell
Chapter2: A fight
Chapter3: Ella
Chapter4: Her presence
Chapter5: Transferee
Chapter6: Love letter
Chapter7: Sweet revenge
Chapter8: Welcome Home
Chapter9: Tears
Chapter10: Questions
Chapter11: Serina
Chapter12: Ribbon clip
Chapter13: Nightmare
Chapter14: Birthday Gift
Chapter15: The twins
Chapter16: Note
Chapter17: Imprisoned
Chapter18: Save her
Chapter19: Secrets
Chapter20: Justice?
Chapter21: Investigation
Chapter23: Monic
Chapter24:Pain
Chapter25: Ate Serina
Chapter26: Trigger
Chapter27: The Culprit
Chapter28: School Camp
Chapter29: The Promise
Chapter30: His answer
Chapter31: The Answer
Chapter32: Katapusan?
Chapter33: Lights on
Chapter34: Kaba
Chapter35: Hinala
Chapter36: Trap
Chapter37: Dugo
Chapter38: Case
Chapter39: Truth
Chapter 40: Suzy's Help
Chapter41: Scribbles
Chapter42: Se-re-ni-ty.
Chapter43: Wrath
Chapter44: Dirty Truth.
Chapter45: Madness.
Final Chapter: Pangako.
Epilogue

Chapter22: Suspect

6.4K 228 39
Von MissJ_35






Serenity's POV




"Wala po talaga Detective, tumalon na lang bigla yung nasa CCTV."


Kainis! Paanong nangyari iyon?! Paano na ang gagawin ko nito?! Paano ko na malalaman ang mga pala isipan na iniwan sa akin ni Ate?! Wala na! Bakit ba kasi bigla na lang tumalon iyon?! Bwisit!


"Paki tignan nga ulit, baka may ebidensya akong makita kahit maliit lang."


Pagpapatuloy ni Detective Santos. Ilang beses nya nang pinapaulit ulit ang mga record sa CCTV kagabi.


Kasalukuyan kaming nasa guard house, dito kasi nakalagay ang main control sa mga CCTV ng school na WALA DIN NAMANG KWENTA. Bakit ba kasi tumalon na lang bigla?! Hanggang sa pumasok at lumabas lang yung lintik na Principal na yun sa CR! Pagkatapos noon ay bigla na lang tatalon kung saan mag uumaga na! Ano pa kwenta nun?! Wala!


Hindi ko mapigilang di mainis! Sino ba naman ang di maiinis sa ganitong klase ng sitwasyon?!

"Tsk, wala pa rin. Ano kaya problema ng mga CCTV dito? Palagi na lang tumatalon."

Sabi ni Detective habang sinusuklay ng kamay nya ang maikli nyang buhok dahil sa inis.


"Wala na tayong mapapala sa lintik na yan, nag aaksaya lang tayo ng oras."

Naiinis kong sabi.



Bakit kailangan pang mangyari ito? Yung akala mong magbibigay sa iyo ng kasagutan ay nawala na lang bigla. Kasalanan ko rin siguro dahil masyado akong umasa na masasagot na ang lahat. Haist, nakakabobo to.


Plano ko na sanang lumabas at tumakas kay Detective pero tinawag nya ako.


lakas naman ng pandama nya


Sa kabila ng pagkatutok nya sa monitor ay napansin pa rin nya ang balak kong pag alis.


"Get back to that room, were not finished yet."

Maotoridad nyang sabi, tinutukoy nya yung detention room. Wala akong magagawa kung di sundin sya dahil baka mas lalo nya kong paghinalaan. Gusto ko sanang tumakas sa kanya at gumawa ng ibang imbestigasyon.


Hindi naman nya kasi ako pinaniniwalaan.




























-----------------------

"Explain "

Pag pasok pa lang nya ay iyon na agad ang binungad sa akin ni Detective Santos dito sa Detention room.


"Explain what? "

Bagot kong sabi sa kanya, bigla akong nanghina dahil sa lintik na pagtalon ng CCTV na yon!

"Tinignan ko lahat ng record ng mga CCTV mula sa bahay nyo hanggang dito sa school o sa madaling salita lahat ng maaari mong madaanan na mayroong CCTV ay tinignan ko ang mga record, at lahat ng mga iyon ay bigla na lang tumalon DIN nung mga oras bago mamatay at mamatay ang Principal."

Mahaba nitong paliwanag, naghahabol sya ng hangin dahil sa haba at bilis ng pinagsasabi nya. Kaya pala inabot sya ng dalawang oras at halos mamatay na ako dito kakahintay.


"Are you suspecting me? "

Sabi ko habang nakaturo sa aking sarili.

"To be honest....Yes"

Nakakatawa, ako pa ang lumabas na mamamatay tao ngayon? Nakakainis kapag sinisisi ka sa isang bagay na hindi mo naman talaga ginawa.

"Paniwalaan nyo kung ano ang gusto nyong paniwalaan Detective Santos at paniniwalaan ko din ang gusto ko. "

Naiinis kong sagot sa kanya.

"Balita ko, galit ka sa mga kaaway ng Ate mo at sinisisi mo sila kung bakit ito namatay. Nabasa ko rin ang mga nakaraang kaso ng school nyo at ayon sa mga nakalap kong impormasyon ay may mga kinalaman ito sa Ate mo."

Tumingin ako kay Detective Santos ng diretso tingin na nagbibigay paliwanag na inosente ako at walang kahit na ano mang ginawa. Sa mga mata bang ito ay may makikita kang krimen na maaari kong gawin? WALA.

"Hindi ko kayo masisisi kung ako man ang sisihin nyo dahil pwedeng pwede na ako iyon. Sa totoo lang wala naman akong pake kahit marumihan ang pangalan ko, ang gusto ko lang ay hustisya para sa Ate ko. Hustisya ang gusto ko, pero sa isang malinis na paraan."


Bumunot muli ako ng hininga bago magpatuloy, alam kong nakikinig sya sa akin.



"Aaminin ko na mahirap paniwalaan ang mga sinabi ko, pero iyon talaga ang katotohanan. Hindi ako ang pumapaty kung di ang Ate ko Detective Santos. Multo ang kalaban nyo dito. "


Seryoso kong saad sa kanya.

Ganoon na lamang ang pagkainis ko ng bigla na lang syang humagikhik.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga ganyang klase ng Alibi? I think you are crazy! Isa akong Detective at naniniwala lang ako sa mga bagay na mayroon talagang katotohanan. Puro nonsense lang ang sinasabi mo."

Sa pagkakataong ito nararamdaman kong naiinis na sya sa akin. Bakit ba ang hirap kong paniwalaan? Totoo naman ang mga sinasabi ko? Dahil ba hindi pa sya nakakaranas ng ganoon? Paano kung sabihin ko ito kila mama? Kay Suzy? Paniniwalaan din kaya nila ako?

Si J-Jake kaya. Paniniwalaan ako? Sinabi ko sa kanya ang totoo pero hindi ko alam kung pinaniwalaan nya ako.

Siguro nga na kahit na sino ang pag sabihan ko nito ay pagkakamalan akong baliw.


"Kung sa tingin nyo na baliw ako, sige paniwalaan nyo. Basta ang alam ko ay nagsasabi lang ako ng totoo."

Naiinis kong sabi sa kanya.

"Sinasabi mo bang mag Paronormal investigate na ako? Ha! Ridiculous! "

Hindi ko na kinyanan ang pag kaiinis ko sa kanya kaya agad akong tumayo at nag lakad papunta sa pinto.

"As i said earlier, were not finished yet."

Lalabas na sana ako pero bigla akong pinahinto ng maotoridad nyang boses.


"Aalis ako para mag PARANORMAL INVESTIGATE Detective. "

Sagot ko sa kanya.


"Wala ka ng iba pang magagawa dahil ikaw lang ang SUSPECT namin, kaya asahan mo nang nakatutok lang ang mga mata namin sa iyo."



Humigpit ang hawak ko sa bag ko dahil sa pang gigigil, oo alam ko na hindi naman talaga ako pero ang hirap talagang masisi!

Huminga ako ng malalim at tuluyang nilisan ang Detention room na iyon.


Suspect ako? Ha! Nakakatawa! Mag papagod lang sila sa wala.
















--------------------

Naka upo ngayon ako sa ilalim ng puno sa likod ng mga room. Sa tambayan ko. Nag iisip kung saan mag sisimula.

Nabobo na ata ako, Haist....

"Serenity? "

Napalingon ako sa gawing kanan kung saan ko narinig ang pangalan ko.

Isang di inaasahang panauhin ang nakita ko.



"Bakit? "

Walang buhay kong tanong sa kanya. Pero imbis na sumagot sya ay lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.



Nakaka irita...



"Yung mga mata mo.... Wala ng buhay. Di tulad ng dati."

Sabi ni Jake habang nakatingin sa mga mata ko. Wala eh, patay na ang taong mahalaga sa akin, parang patay na rin ako.


"Patay na si Ate, Si Ate na laging nagbibigay buhay sa akin kaya nung nawala sya, wala na rin ang dating Serenity na nakilala ng iba."

Nalulumo kong tugon sa kanya.

Bigla syang nagbuga ng hangin at tumingin sa kawalan.

"I need to ask you something, Serenity. Its all about what you had said to me this past few days."


Biglang kumunot ang noo ko sa mga sinabi nya. Alin? Mukhang nahalata nya na nagtataka ako.



"Tungkol sa sinasabi mong buhay pa ang Ate mo."

Sabi nya, hindi ko alam kung ano ba ang magiging reaksyon ko kung matutuwa ba ako dahil pinaniwalaan nya ako o maiinis dahil alam naman nyang isa sya sa may mga kasalanan sa Ate ko.



"Sya ang pumapatay Jake, maniwala ka man o hindi. "

Sagot ko sa kanya habang nakatingin rin sa kawalan.

"Then, how? Can a ghost could kill anyone?"

Nagtataka nyang tanong, naramdaman kong napatingin sya sa akin dahil sa pagtataka, pero hindi ko iyon pinansin at tumingin pa rin sa kawalan.


"Ewan. Ang alam ko lang sya ang lahat ng may pakana ng mga pagpatay dito, dahil gusto nyang makapaghiganti."

Walang buhay kong saad sa kanya.

"Hindi malayong pagbintangan ka ng mga pulis."

Sabi nya na may pag aalala sa tono ng boses nya.


"Kahit na anong gawin nila, wala silang mapapala sa akin."

Tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko sabay kuha sa bag ko.


"Mag iingat ka sana Jake, hindi natin alam ang mga pinaplano ni Ate."

Sabi ko bago sya lisanin.



Mas lalong gumulo ang sitwasyon at nadagdagan pa ang
mga problema ko. Alam kong mas tututukan ako ng mga pulis na yun.


Nalintikan na.......









Itutuloy......
















Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
92.5K 3K 21
SYNOPSIS: Dahil tapos narin naman ang klase nila Belle ay napagpasyahan nilang magbakasyon sa isang lugar. Ngunit habang nakasakay sila sa Van ay may...
521K 11.5K 42
Naniniwala ka ba sa kulam?
7.1K 323 27
[COMPLETED] Eyah, isang pangalan na naging usapin sa buong lungsod ng Emerral. Pangalan na inalipusta ng karamihan. Pangalan na kinamuhian. At pangal...