Tanging Mahal [BxB/Complete]

By maharettisthename

469K 9.3K 703

Enjoy Reading. xoxo -M More

Tanging Mahal (Prologue)
Tanging Mahal (Chapter 1 : First Impression Lasts)
Tanging Mahal (Chapter 2 : Awkward...)
Tanging Mahal (Chapter 3: Ang Welcome Committee)
Tanging Mahal (Chapter 4: Ang Lihim ng Team)
Tanging Mahal (Chapter 5 : Ang 'Reunion')
Tanging Mahal (Chapter 6 : Round Two)
Tanging Mahal (Chapter 7 : Basa-basa Din Kase 'Pag May Time)
Tanging Mahal (Chapter 8 : Hindi ako OK)
Tanging Mahal (Chapter 9 : T G I F)
Tanging Mahal (Chapter 10 : Ang Imbitasyon)
Tanging Mahal (Chapter 11 : Expect the Unexpected)
Tanging Mahal (Chapter 12 : Kaya pa ba Mike?)
Tanging Mahal (Chapter 13 : Habang Wala Ka, Ako'y...)
Tanging Mahal (Chapter 14 : Watch Me Come, Watch You Go)
Tanging Mahal (Chapter 15 : Sorry, the Number Can (Not) be Reached)
Tanging Mahal (Chapter 16 : I Am Number Four)
Tanging Mahal (Chapter 17 : Too Fast, Too Curious)
Tanging Mahal (Chapter 18 : In-Denial Stage)
Tanging Mahal (Chapter 19 : Missing You)
Tanging Mahal (Chapter 20 : I Know What You Did Last Saturday)
Tanging Mahal (Chapter 21 : With A Smile)
Tanging Mahal (Chapter 22 : It's Not You, It's Me)
Tanging Mahal (Chapter 23 : Break Away From You)
Tanging Mahal : A Not-So-Special Chapter
Tanging Mahal (Chapter 24 : V E R S U S)
Tanging Mahal (Chapter 25 : The Sleepover)
Tanging Mahal (Chapter 26 : 1-on-1)
Tanging Mahal (Chapter 27 : Ang Housemate)
Tanging Mahal (Chapter 28 : One Two Three - Ken Ren and Jerry)
Tanging Mahal (Chapter 29 : Kung Alam Mo Lang...)
Tanging Mahal (Chapter 30 : For Your Eyes Only)
Tanging Mahal (Chapter 31 : This Can't Be)
Tanging Mahal (Chapter 32 : Kiss... and Ken)
Tanging Mahal (Chapter 33 : Ano, Masaya Ka Na?
Tanging Mahal (Chapter 34 : Confused)
Tanging Mahal (Chapter 35 : Di Pa Ba Sapat ?)
Tanging Mahal (Chapter 36 : Can You Keep A Secret?)
Tanging Mahal (Chapter 37 : Reve' et Parapraxis)
Tanging Mahal (Chapter 38 : Who's Your Daddy Now?)
Tanging Mahal (Chapter 39 : Tayo, Sila, Kayong Dalawa)
Tanging Mahal (Chapter 40 : Ano Ba'ng Nakita Mo?)
Tanging Mahal (Chapter 41 : The Kids Are Not Alright )
Tanging Mahal (Chapter 43 : . . . Na Naman?)
Tanging Mahal (Chapter 44 : I Can't Believe You)
Tanging Mahal (Chapter 45 : I Got A Boy)
Tanging Mahal (Chapter 46 : Moments From The Future)
Tanging Mahal (Chapter 47 : Did You Miss Me?)
Tanging Mahal (Chapter 48 : Is It Too Late To Apologize?)
Tanging Mahal (Chapter 49 : First Time)
Tanging Mahal (Chapter 50 : Salamat)
Tanging Mahal (Chapter 51 : Suddenly...)
Tanging Mahal (Chapter 52 : The Two Of Us)
Tanging Mahal (Chapter 53 : Surprise Ng First Love)
Tanging Mahal (Chapter 54 : Dito Ka Sa Tabi Ko)
Tanging Mahal (Chapter 55 : Paano 'To?)
Tanging Mahal (Chapter 56 : ...Matulog Ka Na...)
Tanging Mahal (Chapter 57 : Tuparin Mo)
Tanging Mahal (Chapter 58 : All This Time)
Tanging Mahal (Chapter 59 : ...Someone Who Loves You)
Tanging Mahal (Chapter 60 : Hinding - Hindi)
Tanging Mahal (Chapter 61 : Ang Unang Minahal)
Tanging Mahal (Chapter 62 : Makakaya Ko Ba?)
Tanging Mahal : A Very Special Chapter
Tanging Mahal (Chapter 63 : Ang Regalo)
Tanging Mahal - Chapter 64 : Nandito Na Ako [Pre-Finale]
Tanging Mahal - Chapter 65 : Hindi Na Nag-iisa [Finale]
Tanging Mahal (Epilogue)

Tanging Mahal (Chapter 42 : Riot)

5.7K 125 4
By maharettisthename

‘Wala naman akong balak guluhin kayo e...’

‘Sige na, I’m going to bed.’

‘Good night Maha--, good night.’

‘Congrats again, Mike.’

----------------------------------------------------------

Chapter 42 : Riot

 

Woow Woow!

Woow Woow!

This ain't a song for the broken-hearted...

What the---!?

Linggo ng umaga. Nagising bigla si Ren sa malalakas na musika, kalabog at hiyawan mula sa kung saan kaya naman napabalikwas siya sa hinihigaan. Napaupo siya sa kama at pupungas-pungas ng mga mata. Hinanap niya ang cellphone sa side table para alamin ang oras ngunit di niya nakita at naalala niyang nakatulugan niya ang pagta-type ng text message kaya hinagilap niya ito sa ilalim ng kumot at unan at agad naman niya itong nakita.

No silent prayer for the faith-departed
I ain't gonna be just a face in the crowd

Patuloy ang naririnig niyang sigawan at palitan ng di magagandang salita na animoy nag-aamok na mga kalalakihan. Sigurado siyang sa loob ng bahay iyon nagmumula kaya kinabahan si Ren. Minasdan saglit niya ang digital clock sa cellphone.

11:14AM

You're gonna hear my voice when I shout it out loud

At saka nagmadaling lumabas ng silid suot ang boxer shorts at manipis na sando pantulog. Habang pababa sa mga baitang ng hagdan ay tumitindi ang sigawan at palitan ng nakakarinding salita ng mga lalaki. Pag-abot sa sala ay tumambad sa kanya ang di inaasahang eksena.

It's my life, it's now or never

What the--?

I ain't gonna live forever

Ang di makapaniwalang sambit ni Ren sa nakikita.

Delubyo.

Dinaanan ng bagyo.

Kuta ng sindikato.

I just want to live while I'm alive
It's my life
My heart is like the open highway

Ganyang ang paglalarawan sa nakikita ni Ren sa eksena sa sala at kusina ng bahay nila Jerry. Nagkalat ang mga supot ng chichirya, basyo at lata ng softdrinks, mga hugasing plato at baso sa lababo, mga backpack, at mga kable ng laptop na ginagamit ng limang kasapi ng varsity team na kasalukuyang naglalaro ng DOTA habang malakas ang musika mula sa stereo set.

Like Frankie said I did it my way
I just wanna live while I'm alive
It's my life

At sa pagitan ng paglalaro ay ang sigawan at palitan ng mga salitang di maatim ni Ren na sabihin, tila pugad ng gang ang unang palapag ng bahay nila Jerry sa di maintindihang kaguluhan. Kaya napasabunot na lang sa buhok niya si Ren. Hinanap niya kung nasaan ang bestfriend na si Jerry.

‘O, gising ka na pala!’, sigaw sa may bandang kusina.

Napalingon si Ren sa pinagmulan ng boses at nakita si Jerry na tila kakalabas lang sa banyo, umiindak pa at nakangisi sumasabay ng pagkanta sa musika. Irap lang ang tanging tugon ni Ren saka lumakad tungo sa kusina na di naman pinasin ng mga abalang naglalaro. Kumuha siya sa baso.

‘Si Manang!?’, taas-kilay na sigaw ni Ren habang binubuksan ang ref. Hindi kasi sila magkarinigan sa lakas ng tugtugin.

This is for the ones who stood their ground
It's for Tommy and Gina who never backed down

‘Wala bang good morning jan...?!’, pang-aasar na sabi ni Jerry.

‘Huh, good morning ka jan?!’, sabay bato ni Ren ng tingin sa mga lalaki na nasa sala at pabalik sa bestfriend niya. ‘Asan si Yaya?’, muling asik ni Ren.

Tomorrow's getting harder, make no mistake
Luck, it ain't enough, you've got to make your own breaks

‘Ah, umalis, pupunta lang daw saglit sa bahay nila may problema daw, pero babalik naman daw siya mamayang alas cuatro!’, sagot ni Jerry paglapit sa lababo na tatawa-tawa.

‘Lagot ka kay Ninang, isusumbong kita sa mommy mo, sasabihin ko parang delubyo tong bahay nyo ngayon!’, pabirong banta ni Ren sabay inom ng tubig sa sinalinang baso.

‘Ah talaga? Ok lang... nga pala sarap pala yakapin ng teddy bear mo – ang lambot, himbing kaya ng tulog ko kagabi!’, mapanuksong ganti ni Jerry.

It's my life, it's now or never
I ain't gonna live forever

Nanlaki ang mga mata ni Ren at muntik pang maibuga ang iniinom kay Jerry sabay dali-daling tumakbo paakyat ng hagdan pabalik sa kwarto niya. Mabilis niyang binuksan ang aparador kung saan nakatago ang malaking paperbag – ang mismong paperbag na binigay ni Mike sa kanya matapos ang UN contest -hinablot niya iyon ngunit ramdam niya ang gaan niyon at binuksan niya ngunit wala na itong laman.

I just want to live while I'm alive
It's my life

‘Jerry, nakakainis kaaaaaaaaaaaaaaa!’, sigaw ni Ren.

Dali-dali siyang lumabas ng kanyang silid at dumiretso naman sa silid ni Jerry, binuksan niya ang pinto at mabilis na pumasok. Subalit hindi siya handa sa nakita. Tila tinakasan siya ng sariling kaluluwa sa nakita habang naka-nganga pa. Hindi makapaniwala.

‘What the--!

My heart is like the open highway
Like Frankie said I did it my way
I just wanna live while I'm alive
It's my life

Hawak pa rin ang doorknob, nakatayo sa tarangkahan ay natigilan si Ren sa nakikita sa kanyang harapan, sa loob ng kwarto ng bestfriend niya malapit sa kama ay may nakatayo.

Si Mike. Ang kanyang Dada.

Better stand tall when they're calling you out
Don't bend, don't break, baby, don't back down

Si Mike - walang saplot, basa ang buhok at at may butil ng mga tubig sa katawan, gulat na gulat din ang mukha, ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa blue underwear upang pantakip sa maselang bahagi ng katawan niya, mukhang pabihis pa lang ito ngunit di naituloy dahil sa biglang pagpasok ni Ren. Sa sahig ay isang twalya.

It's my life, it's now or never
I ain't gonna live forever
I just want to live while I'm alive

Nang matauhan ay mabilis na lumabas si Ren at napalakas pa ang pagsara ng pinto. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at nanlalaki pa din ang mga mata. Bumalik siya sa kanyang silid at ni-lock ang pinto.

It's my life
My heart is like the open highway
Like Frankie said I did it my way

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ng silid ni Ren kaya nataranta naman ito. Hindi nagbukas si Ren.

I just wanna live while I'm alive
It's my life

Patuloy lang ang pagkatok. Pinagpapawisan si Ren habang nakaupo sa kama.

Muli, mga katok sa pinto niya.

It's now or never
I ain't gonna live forever

‘Oy Ren, kakain na, di ka ba nagugutom?’, boses ni Jerry.

Nang marinig niya iyon ay agad siyang nakaramdam ng pagkalam ng sikmura, magtatanghali na at wala pa siyang agahan dahil tinanghali na siya ng gising. Nagpasya siyang buksan ang pinto bagaman nag-aalala na makita din si Mike sa hiya.

I just want to live while I'm alive
It's my life

‘Ang tatag ng sikmura mo ah, bumaba ka na, kakain na tayo.’, utos ni Jerry.

‘S-sino nagluto?’, tanong ni Ren habang sinisipat ang kwarto sa kabila.

Iyon ang sabi ni Ren na maalalang umalis si Manang Tess kaya naisip niya kung paanong kakain na sila gayung di pa ito bumabalik, walang magluluto at di naman marunong magluto itong si Jerry – di tulad niya na may alam kahit paano pag dating sa kusina. At imposibleng ang mga basketball player sa baba ang nagluto dahil mukhang papatay ang mga ito wag lang maistorbo sa nilalaro.

My heart is like the open highway
Like Frankie said I did it my way

‘Nagluto na kanina si Yaya ng agahan pati lunch bago siya umalis, ininit ko na lang, baba na!’, muling wika ni Jerry saka tumalikod ngunit narinig niya itong bahagyang tumawa.

I just wanna live while I'm alive
It's my life

‘Sige na, bababa na po!’, sumunod na si Ren kay Jerry, di na niya matiis ang gutom.

----- ----- ----- -----

‘How are you feeling Kuya?’, paglalambing ni Nikki - ang nakababatang kapatid ni Ken.

‘I’m feeling... good now.’, nakangiwing sagot ni Ken matapos di sadyang maigalaw ang kanang paa.

‘Nikki, don’t stress your Kuya, okay?’, sita ni Miranda, ina nina Nikki at Kenneth.

‘But I’m not Mom...’, katwiran ng bata.

‘Here, you should eat your lunch now, I’ll just go see the doctor. Nikki come with me.’, utos ng ina bago lumabas ng hospital room kasama ang nakakabatang kapatid ni Ken.

Owkeeeyyy..., walang ganang bulong ni Kenneth bago simulan ang pagkain na dala ng ina.

Habang kumakain ay naisipan niyang i-text ang kabarkadang sina Mac at Ruby. Una niyang nakapalitan ng mensahe ang teammate na si Mac.

K: zup?

M: Uy tol msta? Dumaan kmi jan lst nyt...

K: weh?

M: Oo nga seryoso.. tss

K: Nu nanyare?

M: Tol, Champion tayo, awoooo!!

K: sayang...

M: wag mo nga icpin un, effort naten lht yun

K: salamt tol

M: O, kaw msta jan?

K: ok, na-operahan na, bka isemento after...

M: tsk! Kya mo yan tol dto lng kme

K: drama mo boy, pero salamt dn

M: ungas, ikw mdrama

K: anu na plano?

M: sbi ni coach un celbrtion pag ok kn dw

K: ganun b...cge..

M: my bcta kna jn?

K: wla nga e

M: sge daan kme nila Gab at Ole buks o mkalwa, lkas p ulan e

K: ge tol slamt, congrts satin

M: oo cngrats sa tin lhat

Matapos ng usapan ay sunod na nagpadala naman ng group message si Kenneth kina Ruby, Tim, Icko at Rose pati kay Ren.

‘Uzta? Buhay pa kayo?, sabi ni Ken sa text nito.

Ilang minuto lang ay sumagot na ang mga ito.

R: Hey, musta ang injury? OK knb? Masakit ba? Bibisita kami jan wait mo lang, malakas ulan pa din eh...

T: Tol, musta? Ano sabi Doctor, kaya pa maglaro?

I: Uy pare, musta kna? Na-operahan ka ba? Nasaan ka - ospital o bahay na?

R: Hello Ken, dalaw ako jan...

Nagpatuloy lang ang palitan ng mensahe ng magkakaibigan ng tanghali na iyon. Ngunit si Ren lamang ang di nagre-reply sa palitan ng mesaages.

----- ----- ----- -----

Mahina lang ang musika na maririnig mula sa speaker ngayon – awitin ng Maroon 5. Sa mesa, magkakasamang kumakain ng tanghalian, magkakasalo sina Jerry at Ren pati si Mike at ang apat pang kasapi ng varsity na sina Paul, James, Chestre at Phillip. Tinolang manok, corned beef at paksiw na isda ang ulam.

Awkward.

Di makatingin ng diretso si Ren kay Mike, katapat niya kasi ito sa mesa, habang sa tabi niya ay sina Jerry at Chestre. Sa magkabilang side naman ni Mike ay sina Paul at James. Naaalala ni Ren ang nakakahiyang eksena nila ni Mike ng maabutan niya itong pabihis pa lang kanina.

Subalit sa kabila noon ay bahagyang nangingiti si Ren habang sinusulyapan ang plato ni Mike. Sa gilid kasi nito ay may tatlong piraso ng okra mula sa pinaksiw na isda na hindi nagalaw, isinantabi lang. Tila walang balak ang binata na kainin ito.

Ayaw mo sa okra Da? Weird..., si Ren sa isipan niya.

Nagpatuloy lang sa pagkain ang lahat.

Ilang minuto lang.

Asar.

Ang nararamdaman din ni Ren habang kumakain, maliban pa doon ay nakakaramdam siya ng inis dahil kanina pa panay ang hagik-gikan ng mga kasama niya sa mesa ngunit di niya mawari ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang anim na lalaking kasama – wari’y titingin sa kaniya saglit si Jerry at ang iba pa tapos ngignisi ng kakaiba tapos tatawa na parang nagpipigil sabay balik sa pagkain.

Sige lang pagkaisahan nyo ko, leche kayo!, pikang bulong ni Ren sa sarili.

Mabulunan sana kayo!, pahabol pa niya.

Tuloy pa din sa pagkain ang lahat. Halatang gutom na gutom sa ginawang sigawan at laro. Ubos ang laman ng dalawang saing na kanin sa rice cooker.

Ngunit nang matapos kumain ay nagulat si Ren sa di inaasahang kaganapan - nagkanya-kanya sa paglilinis ang anim na lalaking kasama - sina Jerry, Mike, Paul, James, Chestre at Phillip.

Himala!, sa isip ni Ren habang pinapanood ang kaganapan sa kusina at sala.

May nagpupunas at nag-ayos ng mesa. May nagwawalis sa kusina hanggang sala. May nagpupulot ng mga kalat. May naghuhugas ng plato at iba pang pinagkainan. May nag-aayos ng bote ng softdrinks. Dinampot ang mga pillow cases sa sahig pabalik sa sofa. May nag-aayos sa nagkalat na wires ng mga laptop. Lahat parang alam na ang gagawin kaya nagulat talaga si Ren sa namalas na eksena.

Anyare?, ang sa utak ni Ren.

‘O, ayan po, wag mo na po kami isusumbong po kay Mama po ah!’, sarkastikong sabi ni Jerry bigla.

‘H-huh..o-oo...’, sagot ni Ren habang nakatayo lang sa gilid ng sala.

‘Nga pala, nakakita ka na ba ng busog na mangkukulam na bagong gising?’, seryosong tanong ni Jerry para ibahin ang usapan.

‘Huh? Anong pinagsasa-sabi mo, gutom ka pa ba?’, ganti naman ni Ren na nakataas-kilay pa.

‘Hahaha, iba din trip mo ngayon ah, swan!’, huling saad ni Jerry habang pumapalakpak pa bago lumakad papunta sa sala at iwan siya.

Hindi na inintindi pa ni Ren ang sinabi ng kaibigan bagkus ay umakyat na lamang siya sa silid upang mag-ayos ng gamit at para magpalipas ng oras. Habang paakyat ng hagdan ay napansin niyang malakas ang buhos ng ulan sa labas.

Pagkapasok sa silid ay dumiretso siya sa banyo upang magsipilyo ngunit pagkasara pa lang ng pinto at pagkaharap sa bathroom mirror ay doon lang niya napagtanto ang lahat.

I . HATE . YOU . JERRYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!

Ang malakas na sigaw ni Ren sa loob ng maliit na banyo.

Kitang –kita sa repleksyon ang kanyang nakakahiyang anyo.

Nakatayo at gulo-gulong buhok.

Bakas ng tila tuyong laway sa kaliwang pisngi.

Mga muta sa gilid ng mata.

Gusot na sando na tila isang pulubi.

Nakalimutan niyang maghilamos dahil sa pagkabigla kaninang umaga pagkagising dahil sa ingay; nalimutan niyang maghilamos dahil sa gulat ng maabutan si Mike na nagbibihis; at nakalimutan niyang mag-ayos ng sarili dahil sa sobrang gutom. Ganun ang hitsura niya sa harap ng anim kanina pa.

Ito pala ang dahilan ng hagik-gikan ng mga loko-lokong lalaki kanina sa mesa habang kumakain, at si Jerry ay wala man lang ginawa para pagsabihan siya, sa halip ay inasar pa siya nito na isang busog na mangkukulam na bagong gising.

Kaya naman sinimulan na niyang maligo na sa halip na maghilamos lang total lampas tanghali na. Pagkalabas ng banyo ay narinig ni Ren muli ang malakas na sigawan at tugtugin sa ibaba ng bahay na mukhang balik sa paglalaro ng Dota ang anim kaya naisipan niyang bumalik sa kwarto ni Jerry upang kunin na ang kanyang teddy bear – ang regalo ni Mike sa kanya noon na di pa niya nabubuksan ngunit inilabas na pala ni Jerry ng di niya alam.

Pagpasok pa lang sa kwarto ng bestfriend ay kita agad ni Ren ang hinahanap, nasa kama ito katabi ng mga unan – kulay beige na malaking stuffed toy. Kinuha niya ito at mabilis na lumabas sa pinto.

‘Nagtatampo ako say---‘

‘Ay anak ng--!’

Bulalas na gulat ni Ren sa biglang pagsasalita ni Mike pagkalabas niya ng silid.

----- ----- ----- -----

‘Ito pala kwarto mo?’, si Mike habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

‘Pinapagamit lang sa ‘kin to...’, nahihiyang sagot ni Ren.

Sa loob ng silid ni Ren. Unang pagkakataon na magkasama sina Ren at Mike sa silid nito bagaman hindi iyon ang tunay na silid ni Ren, iyon lamang ang pinapagamit sa kanya habang nakatira siya sa bahay nila Jerry ayon na rin sa bilin ng mga magulang nito.

‘Baka hinahanap ka na dun sa baba, sige ka...’, paalala ni Ren.

‘Bakit nasa kwarto ni Jerry yan...?’, tampong tanong ni Mike sabay nguso sa  stuffed toy na akap ni Ren.

‘A-ah, k-kasi, di siya nagpaalam, di ko alam bigla niyang kinuha e.’, utal na sagot ni Ren, malakas ang kabog sa dibdib niya.

‘Ah ganun ba? Sa susunod wag mo ipapahiram yan...’, wika ni Mike sabay tayo.

‘Opo Da...’, nahihiyang tugon naman ni Ren na nakayuko.

Akala niya ay tumayo si Mike upang lumabas na ng silid ngunit nagkamali siya. Lumapit pa ito sa kanya at umupo sa tabi niya sa kama ngayon. Bumulong ito.

‘Ikaw ah, bastos ka Baby ko...’, si Mike.

Sa pagkakataong iyon ay napipi si Ren, kinakabahan siya at alam niya kung ano ang tinitukoy ng binata – ang eksena kanina sa kwarto nang bigla siyang pumasok habang nagbibihis ito na wala pang saplot. Bumalik tuloy ang mabilis na kabog sa dibdib niya.

‘An-anong bastos...?’, sagot ni Ren ngunit di makatingin na tuwid.

‘Wushuu, tanggi mo pa...’, sa mapang-akit na boses ng captain ball.

Biglang tinulak ni Ren ang dibdib ni Mike upang mapalayo ito sa kanya.

‘Dun ka nga, ikaw nga ‘tong manyak dyan...’, kontra ni Ren.

‘Anong manyak dun? Nagbibihis kaya ako nun, tas bigla ka na lang pumasok!’, katwiran ni Mike.

‘E bakit kasi andun ka? Wala ba kayong banyo sa inyo at dito ka nakikiligo?’, usisa ni Ren.

‘Malakas kasi ulan kanina pa, di ko dinala motor ko delikado, kaya nag-commute ako papunta dito tapos nabasa ako kaya ayun nakiligo na ako tapos hiniram ko yung damit ni Jerry.’, mahinahong paliwanag ni Mike.

‘Eh sana nagla-lock ka ng pinto di ba?’, sermon uli ni Ren.

‘Tsk, boso ka nga dyan e...sinamantala mo itong macho kong katawan.’, saad ni Mike na taas-baba ang kilay at ngiting nakakaloko sabay haplos sa dibdib nito na parang nang-aakit pa.

‘Woah! Boso? Grabe lang, ikaw na!’, pikon na sabi ni Ren.

‘Hahahahahaha joke lang yun, masyado kang seryoso oh.’, tawang dugtong naman ni Mike.

‘Kasi dapat ba daanin lahat sa ganun? Tsaka wag ka nga nagpapaulan, mamya magkasakit ka pa..’, paggalit na alalang wika ni Ren.

‘Heheh, hindi na po, sige na baba na ako.’, sabay tayo na ni Mike.

Hindi naman na kumibo si Ren bagkus ay pinagmasdan lang niya ito na huminto sa paglalakd malapit sa pinto.

Baby ko...?’, si Mike sabay lingon.

‘Hm?’, si Ren , nagkasalubong ang mga mata nila.

‘Di ba love mo po ako at nag-champion kami...nasaan kiss ko?’, malambing na sambit ni Mike na nakapikit at nakanguso.

Huminga ng malalim bago tumayo si Ren mula sa pagkakaupo sa kama at marahang lumapit sa naghihintay na nakapikit na si Mike.

Pumikit din si Ren, ngunit sa halip na humalik at niyakap niya lang si Mike na marahan. Ramdam ni Ren na nabigla ang binata sa kanyang ginawa ngunit pagdaka’y gumanti din ito ng yakap. Saka siya bumulong.

‘Congrats po... hmpf, di ka lang korni, isip-bata mo pa, Dada.’

‘Pero love mo naman.’

----- ----- ----- -----

Nakaramdam siya ng pagkabagot kaya naisip ni Ren manood ng noontime show sa tv kaya bumaba siya ngunit kita niyang abala pa sina Jerry at limang kasama nito sa sala, kahit manood siya ay di naman siya makakapag-concentrate sa ingay nilang maglaro, partida malakas pa ang musika mula sa stereo.

‘Nagkakarinigan pa ba tong mga lalaking ito?, sabi ni Ren sa isip niya.

‘Ren, sali ka sa’min!’, pasigaw na aya ni Phillip, sumulyap ito saglit at bumalik ng focus sa screen ng laptop niya.

‘Oo nga tara, dude – 4 v 3, kaya yan!’, gatong ni James pero hindi tumingin.

‘Di yan pwede sa SF, gusto nyo bang sumuka yan dito...’, pagsingit ng boses ni Jerry pero hindi inaalis ng binata ang mga mata sa screen habang pumipindot pa sa keyboard.

What the-- ano bang nangyayari sa mga taong ‘to, sumigaw ba? at sana lang tumitingin sila sa kausap nila pag nagsasalita di ba?, iritang sabi ni Ren sa utak niya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa anim na lalaki.

‘Sumuka--? Bakit--?’, si Mike naman ang sumigaw pero di rin ito natitinag sa pwesto niya tuloy lang sa paglalaro sa harap ng laptop niya.

Wow ah, wow lang!, dismayang bulong na lang ni Ren dahil sa nakikita.

‘Nahihilo siya sa graphics—tol sa likod—bulag, bwiset!’, paputol-putol na saad ni Jerry.

‘Wooo! Wala, laos kayo hahahaha!’, sabay naman na hiyawan ng iba na kinagulat ni Ren.

Hindi na maka-relate si Ren sa nangyayari at hindi niya gusto kung saan papunta ang usapan na iyon kaya tumungo siya sa kusina kumuha ng meryenda kahit mag-aalas dos pa lang na hapon. Natanto niyang imposible na makapanood siya sa tv sa gayung sitwasyon.

Bago humakbang sa unang baitang ng hagdan pabalik ng silid ay nagsalita muna si Ren.

‘Ah, di ba kayo dadalaw sa ospital, kay Kenneth?’, tanong ni Ren sa lahat.

Ngunit walang pumansin sa kanya. Dedma.

Mga adik talaga!, pag-uyam ni Ren sa isipan sabay sulyap sa mga abalang naglalaro sa sala bago tuluyang umakyat ng hagdan, ngunit di niya maiwasang daanan ng tingin si Mike.

 Haaaaay pogi talaga ni Dada ko, kinikilig na wika ni Ren.

Mag-isa na ngayon si Ren sa kanyang silid habang nagpatuloy na sa paglalaro ang mga kasama sa ibaba. Hawak niya ngayon ang kanyang cellphone habang mabilis na tinatapik ng taas-baba ang screen.

Mahigit sa 30 mensahe ang di niya nabasa mula pa kanina dahil sa naging abala siya – ang group message mula sa kanyang barkadang sina Ruby, Tim, Icko, Rose at si Ken.

Ibang klase talaga, operado na nga, may gana pang mag-GM ‘tong ugok na to..., natatawa na lang na sabi ni Ren sa sarili nang makitang kasama si Kenneth sa GM ng barkada.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng mga naging usapan na may pumasok na bagong mensahe – hindi ito kasama sa group message – isang private message.

Nabigla pa si Ren sa nakita kaya binasa niya muli ang mensahe.

1:54PM

Uy bakit di ka na-reply?
Kelan mo ko bibisitahin?
Di mo ata ako love eh...

-Kenneth Espinas

 

 

Itutuloy...

 

Author’s Note:
I just love BON JOVI  \m/
Check the OMV ------------>

P.S.
Jerry on the side too ------>

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 153K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
38.1K 2.6K 8
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
172K 9.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.