Bleeding Royalty (Finished)

By Eurekaa

850K 22.4K 1.8K

His Crazy Mistake Book 2. (Finished) A twist of turned events, when everybody thought he died... but he did... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 2

29.3K 812 56
By Eurekaa


Typo errors are a lot.

Soundtrack for this chapter, "Realize" by Colbie Caillat. Music provided above.

Chapter 2
Isla

"Julia..." Nakaramdam naman si Julia nang may tumabi sa kanya sa kama. Nakadapa kasi siyang nakahiga magmula pa 'nung kagabi. Ni hindi pa nga siya nakapagbihis at 'yung gown pa rin niya ang suot niya hanggang ngayon.

After that state dinner party, when she thought that King Jordan might be Zachary Knight, she cried herself out. Pumunta agad siya sa kwarto niya at doon nilabas lahat ng emosyon niya. Iyak lang siya ng iyak kagabi.

She cried hard. Bumabalik na naman kasi ang sakit magmula 'nung iniwan siya ni Zach... ng asawa niya. Parang kahapon lang nang mangyari ang lahat... parang kahapon lang ay masaya silang namumuhay sa isla na dalawa.

Mahigit isang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay masakit pa rin. Dinudurog pa rin ang puso niya. Kahit sinasabi ng iba na kailangan na niya pakawalan ang asawa niya, that she needs to let go their memories of being together... hindi niya kaya.

She loves her husband too much that even a year had passed, she couldn't let herself to forget him and to move on. Sinusubukan naman niya ang lahat para mamuhay ng normal ulit... but she can't let him go that easily.

Iniisip na lang niya na panaginip lang ang lahat ng iyon... that Zach is just having a vacation... na babalikan pa siya nito.

Even if it will take a decade, hihintayin pa rin niya ito. She trusts him. She trusts him too much.

Why is love killing me?

Napaupo naman siya. It was Hilda. Naiiyak na naman siya, "Ate..." Niyakap niya kaagad ito at umiyak na naman.

"Sshh, tahan na." Anito sa kanya habang hinahaplos ang likod niya.

"A-Akala ko... Akala ko siya si Zach, Ate... Ang sakit..." She sobbed. She thought the King might be her husband... that Zach might be alive but she was so wrong afterall.

"Alam ko, I know the King looked like exactly like him," Bumitaw naman ito mula sa pagkakayakap sa kanya, "But Zach is dead a year ago already, Julia. I know it's hard, but you have to live in the present now. You need to be strong again. Ayokong nakikita kang nagkakaganito na naman." Hilda replied worriedly. Tumahan naman si Julia sa sinabi nito.

"You need to be strong again, kahit mahirap, kailangan mong bumangon ulit."

Tumango na lang siya sa sinabi nito. Ngumiti naman si Hilda sa kanya, "Alam kong masaya ka kapag tumutulong ka sa mga tao, focus on your charity organizations... it can help you," Hilda then squeezed her hands, "Remember the anonymous donor who donated millions of worth of electricity sa isla nina Agnes? Ngayon ang araw na magkakakuryente na ang isla nila. Alam kong gusto mong pumunta doon."

Napangiti naman si Julia sa sinabi niya. Naalala nga niya ang tungkol doon. And it has been months since she visited the island again... maybe she could go back there and stay for awhile.

"Kung gusto mo, magrelax ka muna sa isla ng ilang araw, to release your stress out."

●●●

Nakangiting bumaba naman si Julia mula sa bangka nang makarating na siya sa isla. Preskong-presko kasi ang simoy ng hangin na nandoon. At ilang buwan na rin ang nakalipas magmula 'nung huli niyang bisita rito. She really missed this place.

Gaya kasi ng sinabi sa kanya ni Hilda, sinunod niya ang payo nito at pumunta kaagad sa isla. Namimiss na rin niya kasing kakwentuhan ang mag-asawa. Even though there were a lot of things that happened there, masaya siyang nakilala niya at naging parte ng masayang alaala niya ang mag-asawa.

Natatanaw naman niya ngayon ang munting bahay ng mag-asawa. Mas lalo tuloy siyang napangiti.

Ngunit napahinto naman siya sa mga yapak niya nang lumabas mula doon Nanay Agnes kasa-kasama ang isang pamilyar na lalake. She suddenly caught her breath when the man looked at her direction. Mukhang nagulat din itong makita siya.

Why is King Jordan here?

Bakit nito kinakausap si Nanay Agnes?

Napansin din naman si Julia ni Agnes at kaagad itong kumaway sa kanya, "Julia, anak!" Kaagad naman siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Napangiti na lang si Julia sa ginawa nito.

"Hindi ko alam na pupunta ka ngayon dito," Masiglang sabi nito sa kanya, "Naku, ang tagal na natin hindi nagkita. Halika na." Tinulungan naman siya agad nito sa mga dala niya. Excitement was really visible in the woman.

"Jordan!" Tinawag naman kaagad ni Agnes ang lalake, "Ito si Julia Marie Silva, anak-anakan ko dito." Pagpapakilala nito sa kanya. Naguguluhan pa rin siya kung bakit ito nandito ngayon. And the King could even understand Tagalog.

King Jordan smiled at her. She also noticed that Agnes didn't know that the guy in front of them right now is the King of United Kingdom. Napapansin din niyang parang wala man lang sinabi si Aling Agnes... that Jordan looked like exactly Zach.

"Nice to meet you, Julia." Jordan casually answered. Was he pretending? Alam nitong nagkakilala na sila kagabi pa mula sa state dinner party. Jordan was just wearing a simple kamasino shirt and brown slacks.

"Naku, alam mo ba hija, siya ang anonymous donor na nagbigay sa 'min ng kuryente dito. Napakabait na bata," Napatingin naman si Julia sa lalake, he was just calm, "O sya, pumasok muna na tayo sa bahay. Tamang-tama at nakapaghanda ako ng mga pagkain."

Nauna naman pumasok sa kanila si Agnes. Susunod na sana si Julia nang bigla na lang kinuha ni Jordan ang mga dala niya.

"Mauna ka na," He suddenly said, "Ako na rito sa mga dala mo." He said out of blue.

"O-Okay..." Nauna na siyang pumasok dito. She could really feel her heart beating faster. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa nangyayari.

"Nay, may dala po akong mga prutas at groceries para po sa inyo ni Tatay Lucio." Panimula ni Julia dito nang makapasok na sila. She needs to calm herself. Hindi siya dapat magpaapekto sa presensya nito. She must not care too why he was here. May sarili itong mundo kaya ganun din dapat siya.

"Naku, nag-abala ka pa. Maraming salamat talaga, hija." Tinulungan naman kaagad ni Julia si Agnes sa paghahanda ng mesa. Ganun din si Jordan ay tinulungan din nito silang dalawa.

Napatigil naman siya. She suddenly remembered Zach. She remembered how both of them would help the couple in the house. They were like a family.

But it's different now. Zachary died.

Naupo naman silang tatlo, "Si Tatay Lucio po?" Ani ni Julia rito. Si Jordan naman ay tahimik lang nakaupo.

"Pumapalaot pa. Mamaya darating din siya. Saka mamaya, gusto niyo bang sumama sa 'min? Pupunta kami sa bario. Alam mo hija, sobrang namimiss ka na ng nga bata doon." Agnes enthusiastically said. Napangiti naman si Julia sa sinabi nito. Naalala niya tuloy ang mga bata na tinuturuan dati ni Zach sa pagkanta. She couldn't help but to smile remembering the happy memories she had with the place.

"Sige po." She agreed.

●●●

"Ate Julia!"

"Kyle!" Kaagad namang niyakap ni Julia ang bata nang dumating siya sa maliit na simbahan ng bario. Kaagad din naman nagsilapitan ang ibang mga bata sa kanya. Niyakap niya kaagad ang lahat ng mga ito. She really missed them so much.

Kaagad din kasi silang pumunta nina Nanay Agnes sa bario. Jordan also went with them as well. Pero sa buong oras na magkasama silang tatlo ay tahimik lang ang lalake. Silang dalawa lang kasi ni Agnes ang nag-uusap. Napansin nga rin niyang wala itong mga kasamang mga royal guards doon. The King was all alone by himself.

But she was really curious.

Bakit alam nito ang tungkol sa isla?

"Ate Julia, ang tagal niyo pong bumalik," Kyle childishly said. Natawa naman si Julia sa sinabi nito. Siya lang kasi ang nandoon sa simbahan habang sina Nanay Agnes at Tatay Lucio naman ay nasa palengke... and the King? She doesn't really know. He was too mysterious and aloof. Bigla na lang itong umalis at sinabihan lang sila na babalik lang ito kaagad.

"Busy lang kasi si Ate eh," She answered softly as she carressed the hair of the little boy, "Di bale, babawi si Ate ngayon."

"Ate, nasaan po ba si Kuya Zach? Gusto ko po sana magpaturo sa kanya sa paggitara eh... Nangako kasi siya sa 'kin noon na tuturuan niya ako pero bigla po kasi kayong umalis..." Dagdag pa nito sabay kamot sa ulo. Hindi naman kaagad nakapagsalita si Julia sa sinabi nito.

She felt she was like crying again. Kahit mismo ang mga bata ay walang alam kung ano talagang totoong nangyari sa kanilang dalawa ni Zach noon. She even remembered that the kids helped Zach when he proposed to her outside the church. It was really a beautiful memory.

"Saka po, nagprapractice po akong kumanta. Gusto ko po sanang ipakita ang pagkanta ko kay Kuya Zach eh."

"Ate Julia, u-umiiyak ka po ba?" Naguguluhang tanong nito sa kanya. It was then when she came back to her senses.

"G-Ganun ba? Sige nga, kumanta ka. Ako muna ang makikinig sayo." Kinindatan pa niya ito. The kid's face suddenly lit up when she said it. Mukhang naging excited kaagad ito.

"Sige po!"

Nakangiting umupo naman si Julia sa bakanteng bench na nakita niya. Then the kid started to sing in front of her. It was a religious song.

Hindi tuloy maiwasan ni Julia na mapangiti habang nakikinig sa pagkanta nito. Todo-bigay talaga kasi ang bata habang kumakanta.

Nang matapos ito ay kaagad naman siyang pumalakpak. Sumunod ding pumalakpak ang ibang mga bata na nakikinig ngayon kay Kyle.

"Aba, ang sobrang galing natin ah." Puri niya rito. Natutuwa talaga siya sa mga bata ngayon.

"Salamat po!" Masayang sabi naman ni Kyle, "Pwede na po ba akong sumali sa Pilipinas Got Talent?"

Natawa naman siya sa sinabi nito, "Oo naman--"

"Kuya Zach!" Napatigil naman siya nang biglang sumigaw ang isang bata. Sa may 'di kalayuan ay nakikita naman niya si Jordan na parang kanina pa silang pinagmamasdan... even the kids thought he was Zachary.

Kaagad namang lumapit ang mga bata kay Jordan. Napabuntong-hininga na lang siya. Bakit ba kasi nandoon din ito? The King was supposed to be in the other place, not on that island.

Napatayo na lang siya.

"Oh my god!" Nagulat naman ang lahat nang mapasigaw siya, "Aray..." Aniya sabay hawak sa paa niya nang mapaupo siya sa lupa. It was freaking embarrassing. Bigla na lang kasi siyang nadulas.

Narinig naman niya ang pagtawa ng mga bata. Malamang nakita ng mga ito. Namula na lang tuloy siya. Nakakahiya. Pilit naman niyang tumayo pero agad siyang napaaray nang maramdaman ang kirot sa paa niya.

"Julia." Napaangat naman ang ulo niya at nakita si Jordan na parang inaalok siya nitong sumakay sa likod nito, "Sakay. Malamang nasprain 'yang paa mo."

"S-Salamat." Aniya rito at sumakay kaagad sa likod nito. Namumula pa rin talaga siya dahil sa kahihiyang nangyari sa kanya kanina.

"Babalik na lang tayo sa bahay, lalagyan natin ng yelo ang paa mo." He suddenly said as she just nodded hesitantly.

She couldn't help but sniff his smell from the back. Why does he smell like Zach?

She just sighed. Zach already died. Imposibleng maging asawa niya ang Hari ngayon ng UK. She saw how her husband died... Jordan and Zach just looked the same but they're different person.

Dumating na rin silang dalawa sa bahay nina Nanay Agnes. Pinaupo naman kaagad siya ni Jordan sa silya. Maya-maya'y kumuha ito ng yelo. Napalunok naman siya nang bigla nitong tinanggal ang suot nitong kamasino shirt. Jordan then wrapped his shirt around the ice. He was now half-naked. Lumapit naman kaagad ito sa kanya at hinawakan ang paa niya.

"Aray." She muttered when she felt the pain when he held his foot. Sinimulan na nito ang paglagay ng yelo sa paa niya. He was doing it slowly.

"Be careful next time, Julia." He suddenly said. Napakagat-labi na lang siya sa sinabi nito. Talagang nakakahiya 'yung nangyari sa kanya kanina.

Nakatitig lang siya habang ginagamot nito ang paa niya. King Jordan looked really serious while treating her sprained ankle. Napatingin naman siya sa tattoo nito. The King has a tattoo just below on the left side of his chest. It was a Z and J letters. (ZJ)

She suddenly remembered the necklace that Zach gave her on her birthday before. The necklace has their initials. ZJ. Zach & Julia.

Natapos na rin ito sa paggamot sa kanya. Tumayo naman ito at tumalikod. Tears started to flow on her eyes again. Umiiyak na naman siya.

"Your tattoo..." Naiiyak na sabi niya, "You're Zach... my Zach, right?"

Jordan's body then froze.




//

Thank you sa mga comments niyo guys! ♥♥

***What do you think of this chapter? The same procedure with the dedication, I'll dedicate it to the comment who I'll like the most. ;)

Continue Reading

You'll Also Like

161K 4.7K 62
Girl and boy hates each other. Typical. Cliche even. But who knows, they might just be the perfect match for each other.
132K 594 3
Si Ashton Frederico na isang genius at whiz kid ay lumaking iisa ang layunin sa buhay: ang maging doktor at neurosurgeon. Pero nang makilala niya ang...
47.6K 592 46
When you love someone being their friend is not just enough, loving your bestfriend is hard because one step further will either make you fall harder...
1.3M 25.9K 43
The Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in...