Love You Like Crazy

By AnnyMeLoveU143

6K 182 43

Unang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa da... More

-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-

-Nineteen-

117 4 0
By AnnyMeLoveU143

Andito kami sa isang simbahan. Hindi ko alam kung bakit dito niya ako dinala.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Magpapakasal na tayo." Sagot niya na ikinagulat ko.

"Ha?!"

"Joke lang. Haha. I'm just kidding, love..." lumabas siya ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Hinawakan niya muli ang kamay ko. Lumapit kami sa simbahan at pumasok sa loob.

"Seriously, Ezekiel. Anong gagawin natin dito?" Tanong  ko.

Bago makasagot si Ezekiel may narinig kaming sigaw mula sa malayo.

"WAAAAA!!! NANDITO SI KUYA ZEKE!!!"

Paglingon ko isang batang babae, maybe she's around five to ten years old. Nagulat ako nang magsilabasan ang napakaraming bata na hindi ko alam kung saan sila nanggaling. Tumakbo sila palapit samen at dinamba ng yakap si Ezekiel. Pati ako ay niyakap din nila. S-sinong mga batang to?

"Easy lang, kids." Natatawang sabi ni Ezekiel.

"Kuya Zeke, may dala ka po bang pasalubong?" Tanong ng batang lalaki.

"Of course may mga pasalubong ako sa inyo." Lumuhod si Ezekiel pero hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Mukhang napapansin yata ng mga bata na nandito ako kaya lahat sila napapatingin saken.

"Sino po ikaw?" Tanong nung batang babaeng sumigaw kinana. "Kuya Zeke, sino po siya?"

"Oh, her name is Shane." Tumayo siya at inakbayan ako. "Girlfriend ko. Ganda niya noh?"

Tumango ang mga bata sa sinabi ni Ezekiel. Hindi ko mapigilang mamula. Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napa-aray siya. "Loko-loko ka. Anong girlfriend? Huwag kang magsinungaling sa harap ng mga bata."

"Bakit? Ayaw mo bang maging girlfriend ko?" Nakapout na tanong ni Ezekiel. Anak ng pusa, nagpapa-cute ba ang lalaking to? Kasi sa totoo lang, ang cute niya! "Kids, bagay ba kami?" Tanong niya sa mga bata.

"OPO!!!" Sigaw ng mga bata.

"See? Bagay daw tayo. Ang mga bata na mismo ang nagsabi."

"Ewan ko sayo." Inirapan ko siya.

"Zeke, iho?"

"Sister Teresa." Lumapit si Ezekiel sa madre at niyakap ito.

"Napadalaw ka, iho?"

"Na-miss ko po kasi ang mga bata. Syanga po pala, Sister." Binalingan niya ako. "Si Shane nga po pala." Hinawakan niya ang kamay ko. "Shane, si Sister Teresa. Siya ang namamahala at nag-aalaga sa mga batang nandito."

"Nice to meet you po." Ngitian ko si Sister Teresa.

"Shane ba kamo ang pangalan mo? Aba'y totoo nga ang kwento ni Zeke, maganda ka nga."

"H-hindi naman po." Nahihiyang sabi ko.

Nakarinig kami ng busina mula sa labas. "They're here." Nilingon ko si Ezekiel.

"Huh? Sino?" Takang tanong ko. Sino ang dumating?

--

Paglabas namin ng simbahan, bumungad samen ang apat na itim na kotse.

"Boss, heto na po ang mga pinamili niyo." Sabi ng bodyguard niya. Meron pang dalawang bodyguards na lumabas mula sa itim na kotse at may bitbit silang tigda-dalawang plastik. Meron pang isa na may dalang kulay pula na box.

"Salamat sa inyo. Sige ilagay niyo na yan sa loob." Utos ni Ezekiel sakanila at agad naman nilang sinunod yon.

"Ano yon?" Tanong ko.

"Mga regalo para sakanila." Hinila niya ako papasok ng simbahan.

"Wow! Ang daming mga toys!!" Tuwang-tuwa ang mga bata dahil sa regalo ni Ezekiel para sakanila.

"Sinong gustong kumain ng cake?" Tanong ni Ezekiel sa mga bata.

"AKOOO!!!" Sigaw ng mga bata at nagtaas pa sila ng mga kamay. Napangiti ako. Ang energetic nila masyado.

Hinanda ni Sister Teresa ang cake sa mesa. Tumulong din ako sa paghahanda at binigyan ko ng plastic plate at tsaka fork ang mga bata. Pagkatapos naming magdasal ay hiniwa na ni Sister Teresa ang cake at binigyan ang mga bata. Tuwang-tuwa naman ang mga bata habang kumakain sila ng cake. Makikita mo talaga sa mga mukha nila ang kasiyahan.

Nakaupo lang ako at nakangiting pinagmamasdan ko ang mga bata.

"Here. Have some." Lumapit saken si Ezekiel at binigay saken ang dala niyang slice of cake.

"Salamat." Inabot ko ang binigay niyang cake.

"Punta muna ako don. Bibigyan ko pa ng mga laruan ang mga bata. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako."

Tumango ako tsaka siya lumapit sa mga bata. Sinimulan ko nang kainin ang cake na binigay niya.

Naramdaman kong may tumabi saken. Paglingon ko si Sister Teresa pala.

"Alam mo bang lagi kang kinukwento saken ni Zeke sa tuwing dumadalaw siya dito sa simbahan?" Tanong ni Sister Teresa.

"Talaga po?"

"Oo." Nakangiting sagot niya habang nakatingin sa harap. "Nakakatuwa nga dahil hindi ko pa siya nakitang ganun kasaya habang kinukwento ka niya saken. Mahal na mahal ka talaga niya. Napakaswerte mo sakanya, iha."

Yumuko ako at pinagmasdan ang cake. "Sister Teresa, gaano na po katagal ginagawa ni Ezekiel ang bagay na to?"

"Matagal na rin. Sa tuwing dumadalaw siya dito ay palagi siyang may dalang mga laruan at pagkain para sa mga bata. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit malapit sakanya ang mga bata. May plano nga siyang magpatayo ng skwelahan para sa kanila. Talagang napakabait na bata yang si Zeke."

Hindi ako sumagot. Tumingin ako sa harap at pinanood si Ezekiel na ngayon ay nakikipaglaro sa mga bata. Napangiti ako habang pinagmasdan siya. Lumingon siya sa gawi ko at ngitian ako. Biglang nag-init ang pisngi ko.

"Sali ka ate!" May isang batang babae ang lumapit saken at hinila ang kamay ko. Nilagay ko ang cake sa upuan. Hinila ng batang babae ang kamay palapit kay... Ezekiel?

Tinulak ako ng mga bata palapit kay Ezekiel. Nahawakan niya agad ako nang itulak nila ako kaya napahawak ako sa dibdib niya.

"A-anong lalaruin nila?" Tanong ko kay Ezekiel.

"I have no idea." Nagkibit-balikat siya.

Magkahawak ng kamay ang mga bata habang umiikot sila pabilog. Tapos umikot sila ng umikot habang kumakanta. Unti-unti silang lumalapit samen kaya halos magkadikit  ang mga katawan namin ni Ezekiel. Hinawakan naman niya ako sa beywang para hindi ako matumba. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila. Narinig kong tumawa si Ezekiel habang pinapanood ang mga bata. Napatingin ako sakanya.

Hindi ito ang unang beses na magkalapit ang mga mukha namin. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga sa gwapo niyang mukha. Kahit sa malapitan o sa malayo man hindi maipagkakailang gwapo nga siya.

Napangiti na lang ako. Sinasabayan ko siya sa pagtawa.

"Ayiiieee!" Tukso ng mga bata samen.

Nagkatinginan kami ni Ezekiel. Tapos sabay kaming tumawa. Ang saya ko ngayon. Sobrang saya ko.

Sunod namang nilaro ng mga bata ay apple eating contest with a twist since may binili namang apple si Ezekiel. Tinalian na lang namin ang apple at kaming dalawa ni Ezekiel ang humawak ng tali habang ang mga bata naman ang naglalaro. Pabilisan sa pagkain ng apple.

Pagkatapos nilang maglaro kaming dalawa naman ni Ezekiel ang sumunod. At dahil pareho kaming malalaki kaya pinaupo nila kami sa maliit na silya. May pumatong na isang babae sa upuan at siya daw ang maghawak ng tali. Tukso ng tukso samen ang mga bata. Kesyo daw bagay kaming dalawa ni Ezekiel. Napailing ako na may ngiti sa aking labi.

"Bawal po hawakan ang apple." Sabi ng batang babaeng may hawak ng nakataling apple. "Tapos dapat po holding hands po kayo." Dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Holding hands?

Tiningnan ko si Ezekiel. Ngitian niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay. He intertwined both of our hands.

"Ready... go!"

Nilapit niya ang mukha niya sa apple kaya medyo lumayo ako ng kaunti.

"Ate, huwag ka pong lalayo kundi hindi makakakagat si Kuya Ezekiel sa apple." Sabi ng isang batang lalaki.

Pano ako hindi lalayo eh lumalapit yung mukha niya eh!

"Kumagat ka rin ng apple, Ate Ganda!"

Ate Ganda? Saan nila nakuha ang pangalan na iyan?

Huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa apple at kinagat ko yon. Pinisil ko ang kamay ni Ezekiel nang maramdaman kong kinagat din niya yung kabila. Nakangiti saken si Ezekiel habang ngumunguya. Nang malunok ko na ang nginunguya kong apple kumagat ulit ako. Kagat lang kami ng kagat ni Ezekiel. Nag-eenjoy naman ako kahit papano.

Kaunti na lang ang apple. Tinagilid ko ang mukha ko para sana kagatin ang side ng apple nang biglang hinila pataas nung batang babae ang tali ng apple kaya ang nangyari...

"Ayyyiiiieee!!!" Sigaw ng mga bata.

Nanlaki ang mga mata ko. Pati si Ezekiel natigilan din.

O-oh my gosh! D-did we just... kissed?

Nagulat ako, at the same time siya din. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Tumayo ako at tumakbo palabas ng simbahan.

Oh gosh! Oh my gosh! We kissed! But it was an accident! Hindi naman namin yun sinasadya eh! I mean, bigla kasing hinila ning bata ang tali kaya... kaya... aaaaahhh!

Tumigil ako sa pagtakbo dahil pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin. Sumandal muna ako habang habol ang hininga ko. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. I can still feel it. His lips... kahit saglit lang yon pero ramdam ko pa rin ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Pakiramdam ko ang pula-pula ko na! At ang bilis din ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog na yata ito.

Ganun pala ang pakiramdam kapag nahalikan ka...

I was back to my senses when my phone suddenly ring. Kinuha ko yon mula sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.

EdnaBeki calling...

Pinindot ko ang answer. "Hello, Ed? Napatawag ka?"

"Bakla, may problema tayo!"

Bigla akong kinabahan. "Ha? Bakit? Anong nangyari?"

"Bakla, kailangan mo na daw magbayad ng bill dito sa ospital kundi hindi nila itutuloy ang operasyon ng Mama mo." Narinig ko ang paghikbi niya.

Bigla akong nanghina. No... hindi pwede to...

"Bakla, a-anong gagawin natin?"

Kinagat ko ang labi ko. "A-asan si Mama? A-alam ba niya ito?"

"Oo. Actually, umiyak nga siya kanina eh. Sinubukan kong kumbinsihin ang doktor na bigyan muna tayo ng isang pang buwan kaso hind siya pumayag. Mas lalo lang daw madadagdagan ang bill natin dito sa ospital nila. I oh so hate that doctor! Ang gwapo pa naman sana niya kaso ang suplado at ang kuripot! Hmp!"

Hindi ako sumagot. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko sa mga mata ko. Hindi ako papayag na hindi maoperahan si Mama.

"Bakla, andyan ka pa ba?"

"Pupunta ako dyan. Hintayin mo ako. Kakausapin ko ang kuripot na doktor na yan." Tinapos ko ang tawag.

Kakausapin ko ang lecheng doktor na yan! Kung hindi siya madadaan sa santong usapan, dadaanin ko na lang siya sa suntukan! Bwiset!

Aalis na sana ako nang bigla kong makasalubong si Ezekiel. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari.

"Shane..."

Bigla akong nakaramdam ng pamumula. Aish! This is not the time about that!

"Ezekiel, pwede mo ba akong samahan sa ospital?"

"Uh... s-sure. Magpapaalam muna ako kina Sister Teresa at sa mga bata." Sabi niya.

Nagpaalam muna kami kina Sister Teresa at sa mga bata bago kami nagpunta sa ospital. Habang nasa biyahe hindi ko mapigilang hindi mapakali. Nag-aalala ako kay Mama. Pano nga kung hindi siya maoperahan? Kulang pa ang naipon kong pera para bayarin ang hospital bill namin tapos kailangan ko pang bumili ng gamot at ang pambayad ng tuition ng kambal.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang litong-lito nako.

Naramdaman kong hinawakan ni Ezekiel ang kamay kong nakapatong sa lap ko. Nilingon ko siya. "Everything will be fine. Andito lang ako. Hindi kita iiwan." Sabi niya sabay halik ng kamay ko.

"Sana nga..." I whispered.

--

Mabilis akong lumabas ng kotse niya at pinuntahan ang room number ni Mama. Hindi nako gumamit ng elevator kasi matatagalan lang ako kaya dumaan na lang ako sa hagdan. Malapit nako sa kwarto ni Mama. Dinig na dinig ko ang boses ni Ed mula sa labas. Binuksan ko ang pinto.

"Doc, please naman. Maawa naman kayo samen." Pagmamakaawa ni Ed sa doktor na kaharap niya. Nakita ko si Mama na tahimik na nakauo lang sa kanyang kama. Pero alam ko, nakikinig siya.

"I'm sorry. But you really need to pay your hospital bill or else we will not proceed to the patients operation." Sabi ng doktor.

"Doktor..." sabat ko sa usapan nila. Lumapit ako sakanila at ako na mismo ang humarap sa doktor. "N-nakikiusap po ako. B-bigyan niyo po muna kami ng panahon. Babayaran naman namin kayo. Hindi namin kayo iindianin."

"But 3 months is enough. Patong-patong na nga ang utang niyo dito sa ospital namin." Nagsimula nang magalit ang doktor.

"Pero babayaran ka naman namin. Hindi nga lang fully paid pero paunti-unti ay babayaran ka namin."

"No. You have to pay right now or the operation will be cancelled."

Niyukom ko ang kamao ko. Trying to control my anger. "Doc, please. Kahit konting panahon lang. Pagbigyan mo naman kami. Kulang pa po ang naipon kong pera para mabayaran ang gastusin namin dito sa ospital."

"Eh di sana don na lang kayo sa ibang ospital tumuloy kung wala din naman kayong perang pambayad dito."

Putangina to ah!

"Oo nga noh? Sana nga don na lang kami sa ibang ospital tumuloy. Hindi dito na pera lang ang habol, wala namang kasiguraduhan kung gagaling ba talaga ang pasyente."

"Shane..." hinawakan ni Ed ang braso ko.

Nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya. "You don't have the rights to talk like that. You're just a customer here so you better respect me if you don't want and your mother to be tranferred in a cheap hospital."

"Kayo kaya ang nasa posisyon ko, Doktor? Sa tingin mo anong gagawin mo? Diba magmamakaawa din kayo?"

"I don't care. Magkaiba tayo ng estado ng buhay kaya wala akong pakialam. Basta bayarin niyo lang ang gastusin niyo dito sa ospital."

Bwiset! Ayaw niya talagang makuha sa pakiusap!

Damn... ano nang gagawin ko?

Biglang bumukas ang pinto at nagulat ako nang pumasok si Ezekiel. Pati ang doktor nagulat din sa biglaang pagpasok ni Ezekiel.

"M-Mr. Montefalcon." Sabi ng doktor. Pansin ko ang panginginig ng katawan niya.

"Is this how you treat your patients, Dr. Gregorio?" Seryosong tanong ni Ezekiel habang nakatitig ito sa doktor.

"S-sir..."

"Do you want me to cut off our partnerships?"

"N-no... please, Mr. Monteflacon. My hospital really needs your partnership and it really helps me and my hospital a lot."

"Then, do your job well. Act as a professional doctor."

Hindi ako nakaimik. Tahimik lang akong nanood sakanya. He's acting... differently.

"Yes. I'm sorry."

"Hindi ka dapat saken humihingi ng tawad. Sa kanya."

Lumapit saken ang doktor. "I-I'm so sorry for my rudeness earlier..."

"Um... o-okay lang..."

"Don't worry. We already have an eye donor for your mother. We will start the operation as soon as possible." Sabi ng doktor.

Tumango ako. "Naintindihan ko. Salamat."

Mabilis na lumabas ang doktor sa kwarto.

Tiningnan ako ni Ezekiel tapos ngumiti siya saken.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.5M 98.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
173K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...