The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

The Riddle

839 57 24
By SheIsLexa

Habang palabas na sila ng Profiles Unit ay nakasalubong nila bigla sina Code Charmer at Code Priestess.

Awtomatikong napatitig si Reymond sa magkahawak na kamay nina Martin at Daisy.

Napatingin si Jennica kay Reymond dahil bigla itong natigilan. There is something about his eyes na hindi niya mawari. Napailing na lamang siya saka binati ang dalawang taong nakamaskara, "Hi!" Kung tama ang pagkakaalala niya ay ang babaeng may suot na itim na maskara ay si Code Priestess at ang may suot naman ng gold mask ay si Code Charmer.

Daisy smiled at the sight of her twin sister. She let go of Martin's hand at lumapit kay Jennica. "Hi Jennica!" magaang bati niya rito.

Tinanggal ni Reymond ang pagkakaakbay kay Jennica at mapait na sinabi sa sarili, Mabuti ka pa, Jen. Napapansin niya.

"H-hello!" awkward na sagot ng dalaga. Goodness! She's the Priestess Stone for pete's sake!, nahihiyang pahayag sa utak.

Mas lalong napangiti si Priestess Stone, hindi siya makapaniwalang nag-uusap sila ngayon ng kanyang kambal. "Ako si Daisy, ang Code Priestess. Maari ko bang mahiram saglit si Code Ideal?"

Nagulat si Reymond sa saad ng dalaga.

Agad namang tumango si Jennica at tuluyan namang hinila paalis ni Daisy si Reymond which leaves her with Martin.

"Jennica, how was the training?" biglang tanong ni Martin sa dalaga.

"It's, err, okay? I guess?" nakayukong sambit ni Jennica.

"Sa tingin ko matatagalan pa sila. Can I treat you for lunch?"

"A, e." napatingin si Jennica sa direksyon na pinuntahan nina Daisy at Reymond, "Okay."



***



Pumasok sina Daisy at Reymond sa fire exit. Nakasunod lamang ang binata sa dalaga habang iniisip kung anong kailangan sa kanya ng Code Priestess.

Tumigil sa paglalakad si Daisy, hinintay niyang tumigil din ang binata at nang huminto nga si Reymond ay mabilis siyang humarap dito at binigyan ang binata ng isang malakas na suntok, "Hindi mo man lang ako kinonsulta sa desisyon mong gawin siyang PS Code Technique IV?" nanggagalaiting sigaw ni Daisy. Kahapon pa niya gustong gawin ang bagay na iyon kay Reymond.

"She needs it," tanging saad ni Reymond habang hinihimas ang panga. Hindi naman siya natumba matapos siyang suntukin dalaga.

"We can protect her!"

"Look, Daisy. Why are you so paranoid about her being an agent?"

"Don't call me paranoid. I just... I just want to protect her."

"I understand Daisy. Yes, we can protect her but she also needs to protect her family. The Perez'."

Nag-iwas nang tingin ang dalaga. Right. Hindi ang mga Montes ang tinuturing na pamilya ng kanyang kambal, ni hindi nga sila kilala nito. Still, hindi siya payag sa pagpasok ng kambal sa kanilang agency. Nakamamatay ang mga training nila at mahal na mahal niya ito para hayaang sumuong sa ganitong klase ng paghihirap, "Breach the application, Reymond," mariin niyang saad.

"No, Daisy."

"Sinusuway mo na ba ako, Reymond?"

Bumuntong-hininga ang binata at sinabing, "No. Pero sana maisip mo na hindi ko ito ginagawa para sa 'yo." Saglit siyang tumigil at mas lalong nilaliman ang titig sa dalaga, "Ginagawa ko ito para sa kambal mo." He looked at her for the last time at pumihit paalis.

Bumagsak ang balikat ni Daisy, "I just want to protect you both from your God damn emotions, idiot," saad niya saka malakas na sinipa ang pader. Chances are, they might fall in love with each other. Paano kung hindi makapasa si Jennica sa last stage ng pagiging agent? Tsk. Hindi ko kakayaning makita ang kambal kong binibiktima ng 'The Risk'., then she kicked the wall again leaving a little crack on it.



***



"So, how was the steak?" tanong ni Martin kay Jennica.

"Kung maka-how-was-the-steak ka naman. Jollibee burger steak lang naman 'to," tawang tawang sagot ng dalaga. Kumakain sila ngayon sa Jollibee ng burger steak.

"Bawal bang malaman ang opinyon mo?" This time hindi na nakamaskara si Martin.

"Hindi naman," natatawang sagot ng dalaga, "Pero naloka talaga ako sa mga customer na nakapila kanina. Grabe! Hinawi talaga ang pila para mapauna ka lang?"

"Well, that's the perks of being a Charmer Stone."

"Oo nga. Nakaka-amaze!"

Tumawa na lamang ang binata. He keeps on staring Jennica's laughing face, iniisip niyang si Daisy ang kausap niya, That's so rude of you, Martin., pinagalitan niya ang sariling utak saka nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos na sila ay agad naman silang lumabas ng nasabing fast-food chain. Maya-maya ay may lumapit na lamang bigla kay Jennica, isang batang kalye, may dala itong gusot-gusot na papel, "Ate, pinapabigay no'ng mama."

Nagtataka man pero tinanggap naman ito ng dalaga. 

Nakatiim ang bagang ni Martin, may hinala na siya kung ano ang laman ng nasabing papel.

Nang buksan ni Jennica ang papel ay halos manlambot ang kanyang tuhod.

Nakasaad sa papel ang mga katagang ito: Gusto mo pa bang makita ang pamilya mo? Puntahan mo ang lugar kung saan ka unang nakatanggap ng death threat. Oo Jennica, sa parkeng 'yon.

"Martin..."

"Yes. Pupuntahan natin." Agad silang pumasok ng kotse at pinaharurot ito ni Martin. "Commanding back-up for Code Charmer. Track us using the GPS."



***



Ilang minuto lang ay nakarating na nga sila sa parke. Himalang walang taong napapadpad ngayon dito.

"Where the hell have you been Jennica?" natatarantang tanong ni Reymond saka hinawakan ang mukha ni Jennica.

Nang mapansin ni Martin na hindi sumagot ang dalaga dahil nakatulala lamang ito ay siya na mismo ang sumagot, "I treated her for lunch." 

Sina Nigel Santos at Reymond lamang ang tumugon sa tinawag na back-up ni Martin. Sila lang din kasi ang nasa malapit ang vicinity at kasalukuyang walang ginagawang misyon.

"Look," sambit ni Nigel habang nakatingin sa unahan.

Then there they are. Dr. Perez, Mrs. Perez, and baby Jennifer in different cages. The three of them are sleeping or dead, no one knows because their eyes are all closed.

"The cages are wired," pahayag ni Code Charmer, "Nakakakuryente kapag hinawakan," obserbasyon niya.

"No. They aren't dead," pagkukumpirma naman ni Nigel nang makitang tumataas-baba pa naman ang dibdib ng mga ito, sinyales na humihinga pa rin sila.

"What are these? Sticky notes?" tanong ni Charmer nang makitang may nakadikit na mga papel sa naturang cage. Tiningnan niya ang kandadong ginamit, "I can open this, but I must not."

"Bakit?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Reymond sa kaibigan.

"May nakasulat sa mga notes."

Lumapit si Jennica sa cage at nagulantang siya sa nabasa.

Now I will a rhyme construct

by chosen words the young instruct 

cun it and remember ever

cunningly devised endeavour 

widths in circles here you see 

sketched out in strange obscurity.

Key in your answer in the number pad and they are free.

Warning: Every wrong answer results to electrocution of the hostages and every time you ask for help Jennica, results also to electrocution of the hostages.

You got 3 hours to unlock them and after that. Goodbye family Perez. Only one problem Jennica. One puzzle to save them.

"H-how am I supposed to answer that?" pahayag ng dalagang si Jennica. She bit her lower lips and said, "I-i'll try. I'll try."



—-



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

Continue Reading

You'll Also Like

5.7K 1.7K 75
Cién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa pa...
524 54 25
"You're my greatest cure." Her home is only the safest place for her. She developed this unusual kind of fear when she reached age 25, it's Agorapho...
86.6K 2K 68
❝ Damn, finding a man who loves you more than himself is hard nowadays. ❞ Isa? Dalawa? Maraming beses na naging sawi ang puso ng isang Athena Minerva...
3.1K 229 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...