BLUE'S POV
"Teh, anong drama ni Chandeng?"
"Hindi ko alam, mamshie"
"Mukhang may problema si ate gurl 'no? Pansin niyo din?"
"I thought ako lang nakakapansin, hindi pala no?"
"Ehem! Chika. Ehem!"
Nabalik ako sa realidad ng pingutin ni Ej ang ilong ko.
"Aray!" Sigaw ko "Ano ba?!" Singhal ko at hinimas ang matangos kong ilong.
"Kanina pa kasi kami nagpaparinig tungkol sayo pero wala kang ibang ginawa kundi paikut-ikutin yung noodles ng ramen mo. Ni-hindi mo nga sinusubo eh! Paano mauubos yan?" tinuro niya yung pagkain ko at umirap "May pinagdadaanan ka, mamshie. Feel na feel namin."
Sasabihin ko ba?
"Hm! Sinasabi ko na nga ba!!" Sabi ni Yen at pumalakpak pa "Lovelife 'yan 'no?"
"Ano mamshie? Si Red ba?" Tanong ni Juls.
Tumungo ako at ibinalik ang tingin ko sa ramen bago tumango ng dahan dahan.
"Anong ginawa sa'yo nun at susuntukin ko siya ng bonggang-bongga!" Singhal ni kiray at itinaas niya pa ang kanang kamao niya.
"May babae siya noh?! third party ba?! Kabet? Mistress? Ano?!—aray naman sis!"
"Ang OA mo kasi Ej! Kabet? Mistress? Eh hindi pa naman sila kasal ni Chandeng!" Sabi ni Yen.
"Sorry naman! hehe pero di nga mamshie, anong problema?" Sincere na sabi ni Ej.
"Nakita ko sila ni Anna kanina. Mukhang okay na sila"
Nakita ko ang pagbabago ng hitsura nila. Mukhang gulong-gulo sila.
Tumawa ako ng mapait, "Ano ba kayo, hindi naman kasi talaga kami"
And I just dropped it like a bomb. Gulat na gulat sila.
"Ha?! Anong hindi kayo? Eh kahapon nga nagdedate kayo eh!"
"Ah so hindi Pa kayo kahapon? Ganern? Date date pa lang? Ganern?"
Mukhang kailangan kong ikwento ng buo.
"Hindi. Ganito kasi yon.."
kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari. Pero hindi sobrang detailed na pati petsa sinabi ko. Yung mga importante at dapat lang.
"So yung nakita mo kanina.. ibig sabihin ba non, okay na sila?" Tanong ni Alora.
"Siguro.. baka.." sagot ko.
Baka.. sila na ulit.
"Paano ka na?" Tanong ni Ej
"Anong paano?"
"Mamshie, alam kong may nararamdaman ka sa kanya. Nararamdaman namin yan baks! At alam ko ring hindi lang yun basta basta. Tapos sinabi mo pa na siya yung batang lalaki na nangako sayo nung mga bata pa kayo, diba?" Litanya ni ej
Huminga siya ng malalim bago hawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa.
"What I mean is, ikaw? paano na ang feelings mo? Paano na yung pangako niya nung bata pa kayo? Paano ka na?" Tanong ulit ni ej.
"H-hindi.. hindi ko alam.." sagot ko.
"Naku!! Humanda talaga sakin 'yang si Red kapag nakita ko siya! Wala akong pake sa kanya kung papi siya. Hindi uubra sakin yon!" Singhal ni Ej.
"Talaga ba Ej? Wala kang maloloko dito hmp!" Komento ni Kiray.
Kasunod naman noon ang tawanan namin.. tawanan nila.
*****
Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ako dahil may nakaparadang itim na sasakyan sa tapat ng gate. Sa pagkakaalam ko ay isa itong BMW.
Pumasok ako at agad na nagulat sa sumalubong sa akin,
"Kamusta ang napakaganda naming prinsesa?"
"Pa!!"
Agad akong lumapit at humalik sa pisngi pagkatapos ay yumakap ng mahigpit.
Na-miss ko si Papa huhu
Hindi siya yung tatay ko. Hindi siya si Dade na tatay ko. Lolo ko siya. 'Papa' lang yung tawag dahil 'yun yung nakasanayan namin nila kuya. Si mama kasi yung tumawag ng 'Papa' sa kanya nung bata kami, yun na din yung tinawag namin sa kanya nila kuys.
"Dalagang dalaga ka na, Chandy."
Tiningala ko si Papa at ngumiti ng matamis. Ang tagal na talaga nung huli naming pagkikita. 14 pa lang yata ako nun. Reunion pa yun ng mga Manuel. Sa New York kasi nakatira sila Papa kasama si Moma, yung lola ko, kaya sa ganoong okasyon lamang sila nakakauwi dito sa Pilipinas.
"Malapit na din ang karawan mo, apo. Sa makalawa na!"
Naging isang linya ang labi ko. Oo nga pala. Nakalimutan ko.
Paano ko ice-celebrate ang birthday ko ngayong ganto ang pakiramdam ko? Yung pakiramdam na kailangan mong ibalik ang hindi naman talaga sa'yo.
Paano ako magiging masaya kung ang totoo naman ay unti-unti nang nauubos ang kaligayahan ko?
"Alam mo naman, apo, na hindi na biro ang edad ko. Konti nalang ang oras ko sa mundong ito, hindi ba?"
Naguluhan man ngunit tumango ako kay papa.
"Gusto ko lang sana hilingin, apo, na sumama ka sa'min sa US"
"Po?! hanggang kailan naman po?"
"Ayaw mo ba, apo?"
Nakita kong lumungkot ang mata ni papa ng tanungin niya sakin 'yon. Nakakaguilty naman.
"Hindi naman po, pa. Kaso paano po ang pag-aaral ko?"
"Chandy, anak." Napalingon naman ako kay mama ng tawagin niya ako.
"Sundin mo nalang ang kagustuhan ng lolo mo, anak. Gusto ka lang naman niyang makasama habang nandidito pa siya." malumanay na sabi ni mama pagkalapit sa akin.
Napakunot naman ang noo ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
Nagkatinginan sila bago bumuntong hininga si Papa at nagsalita, "Chandy, may sakit ako.."
Huminga si Papa ng malalim bago ipagpatuloy, "Nakitaan ako ng butas sa puso, apo. Sabi ng doctor, malaki na pala ang butas ng puso ko at maaaring kaunti na lamang ang oras ko dito"
Nanaig ang sandaling katahimikan sa amin bago ko yakapin si Papa. Wala akong masabi at wala din akong ibang magawa kundi ang yakapin ang pinakamamahal kong Papa, kasabay ng pagtulo ng mga luha na kanina ko pa nararamdaman.
Nang haplusin ni Papa ang buhok ko ay naisip kong mamimiss ko siya at ang mga bagay na madalas niyang gawin sa akin.
Buo na ang desisyon ko. Sasama ako sa amerika. Bahala na ang mga maiiwan dito sa Pinas. Ang mahalaga, nasa tabi ako ni Papa hanggang sa huling hininga niya.
'Yun ang sinabi ko sa sarili ko makalipas ang anim na taon.
____________________________________________