All Girls School

lallainellar

383K 4.2K 1.3K

Hindi lang pagbabasa at pagsusulat ang matututunan sa aming paaralan. Sa labas ng magandang reputasyon nito... Еще

Doppelganger blues
The Timecard
The Vanity room
A Sad Fate...
The man at the Auditorium
The Stare in the AVR
The School Dance Night
End of The School Dance Night
The Sinister laugh
The Last run
The missing link
The missing link
Facebook Account
Committed to its Promise
The Silent watcher
The Angry soul
Playful
All Girls School Riddle
The Singing Bee
The teacher who lied

cont. The Singing bee

5.3K 108 19
lallainellar

Ang chapter na ito ay dedicated para sa mga kabataang ipinaglalaban ang gusto nilang makamit sa buhay @reina arenal, napanood ko yung video mo na kumakanta ka...para sa iyo din ang story na ito ;)

Salamat sa lahat ng nagbabasa ng aking likha...

Isang katanungan lang bago tayo magsimula,

Maganda ba ang boses mo?

o katulad ka ng kaibigan ko na kapag kumakanta ay kinatutuwaan dahil akala nila nagpapatawa ka?

Alam mo bang bago pa may sumikat na Anne Curtis ay mayroon na akong kilala na isang Vanessa sa All Girls School...

Kilalanin pa natin ang kaibigan ko at ang istorya nya...

Let the story of  Vanessa begin

Triple V ang initials nya. Nakilala ko sya nung sophomore na ako. Doon ko kasi sya naging kaklase.

Nung una hindi ko sya pinapansin dahil mukha itong masungit ngunit dahil magkatabi kami ay hindi ko maiiwasang mapalingon dito.

Ngumiti siya. Ang ngiting iyon ang naging simula ng aming pagkakaibigan.

Sa simula ay maraming naiinis kay Vanessa sa loob ng classroom. Marami akong naririnig na maarte daw ito, isnabera at feeling maganda.

Kung sa isang tao na hindi sya kilala marahil ay ganyan nga ang magiging impression sa kanya. Malayo kasi ang loob nito sa aming mga kaklase. Hindi ito madaldal kung hindi ka nya masyadong kilala at hindi nakikisali sa umpukan ng iba.

Naisip ko nga noon na baka kaya lang ako nginitian nito ay dahil no choice sya. Kami kasi ang magkatabi sa buong school year.

Araw-araw kami nagkakausap nito. Minsan sabay kaming dalawa maglunch dahil nakita kong mag-isa lang itong kumakain. Sa totoo lang habang tumatagal ay nakikilala ko ito. Aaminin ko na hindi ko masisisi ang iba kung makitaan nila ito ng kapintasan. Madalas nitong ipinagmamalaki ang mga bagay na mayroon siya at wala ang iba. Materialistic ata ang tawag sa katulad niya. Nakikinig ako sa mga ikinikuwento nya at nang lumaon ay mas naging kumportable pa ito na magkuwento sa akin.

Sa isang tao na maikli ang pasensya ay maiintindihan ko kung maiinis sa kanya ngunit may napansin akong mas malalim na dahilan kung bakit ganoon siya magsalita. At ang bagay na iyon ang naging dahilan ng maayos na pakikitungo ko kay Vanessa.

Malungkot sa buhay ang huli. Hindi ko alam kung ano ang problema niya na pilit niyang itinatago ngunit naghihikahos itong tapalan iyon sa pamamagitan ng material na bagay at mariing pagtuon ng pansin sa mga ito.

Ingat na ingat ito sa pagsagot ng minsan ko itong tanungin tungkol sa kanyang pamilya. Maikli ang sagot nito na illegitimate child siya. Mag-isa siyang anak at mag-isa siyang pinalaki ng kanyang ina. Period. Walang labis. Walang kulang.

Pagtatapos ng pagsasalaysay ni Author™

"Sinabi ko naman sa'yo Vanessa mag-aaksaya lang tayo ng pera dyan sa music music na yan! Tingnan mo yung tatay mo wala namang narating sa buhay kagaganyan"

Sinabi ko na nga ba at maririnig ko na naman ang litanya nito. Napagdesisyunan ko na magstart ng voice lesson this 2nd quarter period dito sa All Girls School.

Si Ms. Bagayaua ang magtuturo sa akin. Music teacher namin ito sa All Girls School. Tumatanggap siya ng enrollees for voice lessons. Two hours every Tuesdays and Thursdays after class. Hindi naman issue kay mama ang halaga ng ibabayad. Galit lang talaga ito sa musika.

Naaalala nya kasi si papa na dating musikero. Iniwan na lang kami nito at nawala na parang bula. Hindi nito kinaya ang pang pinansiyal na responsibilidad kay mama.

Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng pakiramdam sa tuwing ako ay kumakanta. Nakakalimutan ko ang problema ko sa buhay. Natatandaan ko pa nang minsang magpunta kami sa mall ng kaklase ko, sinubukan ko yung videoke mic na binebenta nung sales lady sa isang music store na malapit sa supermarket. Napakaraming tao sa mall kaya pinipigilan ako ng kasama ko na kumanta. Nakakahiya daw.

Pwes! Ang paborito kong I will always love you ni Whitney Houston ang aking kinanta at hindi ka maniniwala na pagdilat ng aking mga mata ay napapaligiran na ako ng mga taong naaaliw sa bawat pagbirit na aking ginagawa tuwing ako ay may aabuting mataas na nota.

Sumasali din ako sa mga singing contest ng fiesta sa aming baranggay. Sa tuwing nababalitaan ito ni mama ay talaga namang isang oras ako nitong sesermunan. Paulit-ulit at masakit na masakit sa tenga.

Ang pagkanta para sa akin ay pagiging malaya. Nakakatanggal ng kung ano mang nakabikig sa aking dibdib. Dito ako nakakaramdam ng kasiyahan. Lumalabas yung totoong Vanessa na ako lang din ata ang nakakakilala. Yung Vanessa na hindi maarte... hindi unapproachable... walang yabang at parang isang masayahing bata lang na nagtatampisaw sa ulan... mababaw ang kaligayahan at walang intensiyong makasakit ng sino man.

Alam ko at nararamdaman ko na maraming inis sa akin sa room. Gusto kong sabihing wala akong pakialam pero ang totoo ay nakakailang sa akin na malaman iyon. Wala akong ginagawang masama sa kanila ngunit marami akong naririnig na hindi maganda tungkol sa akin.

Ganun yata talaga pag mataas ang tingin sayo. Hihilahin ka pababa ng iba. Pero hindi ako madaling matinag. Hindi naman kasi ako malungkutin talaga. Kahit palagi akong nag-iisa iniisip ko na lang na pagdating ko ng bahay hindi ko na makikita ang mga pagmumukha nila. Tunay ngang there's no place like home. And there's no place like All Girls School...

Sa unang araw ng aking voice lesson ay na-enjoy ko talaga ang vocal workshop na itinuro sa akin ni Ms. Bagayaua. Siyempre doon kami sa music room kung saan may organ na ginagamit during the session.

Ang music building ay isang bahagi ng All Girls School na malapit sa tinutulugan ng mga madreng nagsisilbi dito. Puro kahoy ang division nito. Isa itong malawak na studio type room na hinati-hati sa maraming kwarto. Bawat kwarto ay may piano. Nandito rin makikita ang naglalakihang larawan ng mga madreng nagsilbi noon sa school. Medyo nakakatakot ang ambiance sa music room kasi malayo na ito sa mga daanan ng estudyante. Pinakadulo na ito ng bahagi ng school. Tahimik at medyo madilim...

♪A-a-a-men ♪A-a-a-men ♪A-a-a-a-a-men ♪A-a-men

♪A-a-men ♪A-a-a-men ♪A-men...

Nasa daily routine na kami ni Ms. Bagayaua. Araw iyon ng huwebes. Nagwawarm up ako para sa 1st Friday mass na gaganapin bukas sa All Girls School. Makakasama kasi ako sa Chorale na kakanta sa misa. Kinakabahan pero mas excited ako na magiging part na ako ng school chorale. Sinong mag-aakala ng ang isang tili ng tili na katulad ko ay makakasali sa ganitong grupo.

Nang halos isang oras na kaming nagpapraktis ni Ms. Bagayaua ay nagpaalam ito saglit sa akin na magbabanyo. Binuksan nito ang pinto at lumabas. Ako naman ay naiwan sa loob ng music room at sumusubok na tumipa ng piano. Mahigit isang minuto na ang nakakaraan nang may marinig akong kumanta sa kabilang room.

Bukas ang pinto kaya ngayon ko lamang napakinggan ang boses nito...

♪Mi-hi-hi-hi-yo-ho-ho-ho-o-o-o-o-o ♪Mi-hi-hi-hi-yo-ho-ho-ho-o-o-o-o-o

Napakalamig ng boses ng kung sino man ang kumakantang iyon. Hindi pumipiyok na kagaya ko. Para tuloy akong hinehele sa duyan... Kung ganyan lamang kaganda ang magiging himig ng boses ko ay sasali ako sa iba't- ibang singing contest.

Lalabas na sana ako ng pintuan upang hanapin ang kwartong pinangagalingan nito ngunit napansin kong patay ang ilaw sa hallway kaya isinara ko na lamang ang pinto.

Naisip ko baka makakasama ko rin ito bukas sa chorale kaya saka ko na lamang ito iistorbohin.

Kung may isang bagay lang ako na ayaw sa music room yun ay ang katahimikan nito. Puro antique na kahoy at capiz

na nga ang makikita mo, may naglalakihang kwadro at salamin pa ang paligid. 5:40 ang tapos ng klase namin ni Ms. Bagayaua at sa tuwing lalabas ako ng kwartong iyon ay talaga namang madilim na.

Pero hindi ko iniinda ang lahat ng ito. Wala ng makakapigil sa akin na pagandahin ang boses ko. Wala sinuman kahit ang aking ina. Masakit para sa akin na kumokontra ito sa isang bagay na gusto ko pero kung magiging matagumpay naman ako ay isa rin ito sa makikinabang dito.

Isa pa mayroon akong gustong patunayan sa mga kaklase kong naiinis sa akin. Hindi lang puro yabang si Vanessa na nilalait-lait nila. May kaya din akong patunayan hindi lang sa sarili ko kundi sa ibang tao.

By the end of the school year maisasabit din sa recognition wall ng music room ang pagmumukha ko. Karamihan kasi ng naging choir ng All Girls School na nagpavoice lesson dito ay pinaparangalan ng school. Isa ito sa pinakamimithi ko. I want to be recognized. I want to make a difference in the field of music. Something I love and dreamed of.

Dumating ang araw ng Biyernes, nakapuwesto na kaming lahat at handa ng kumanta.

Tinitingnan ko ang mga kasamahan ko na nasa aking likuran. May ibang pamilyar ang mukha at ang iba naman ay hindi ko mamukhaan.

Makikilala ko rin naman ang mga ito pag nagkaroon ng chorale meeting. Nasa ganoon akong pag-iisip ng magsimula ng tumunog ang piano. Nakita ko pa si Ms. Bagayaua na kumindat sa grupo namin.

Nang magsimula ng kumanta ang lead ng choir ay talaga namang kinilabutan ako sa lamig ng boses nito. Walang duda na ang boses nito ang narinig ko kahapon sa music room.

Gustong-gusto ko nang lumingon sa likod upang hanapin kung sino ito ngunit nagsimula ng kumanta ang iba kaya kailangan ko na rin simulan ang pagkanta.

Nang matapos kami ay hindi ko mai-alis sa aking isipan ang boses nito. Ngayon pa lang ay hinahangaan ko na sya. Sinipat ko isa-isa ang mga babae sa choir. Naghahanap ako ng mukha na maaaring bagayan ng mala-anghel na tinig pero mahirap manghula.

Nang muli kaming pinakanta habang nagpupunta ang mga estudyante sa altar upang magcommunion ay hinahanap ng pandinig ko ang boses nito ngunit nabigo ako.

Natapos ang misa na hindi ko ito nakilala.

Ilang meeting din ng choir ang lumipas ngunit hindi ko na narinig ang boses nito.

Isang matamlay na hapon. Wala pa si Ms. Bagayaua pagdating ko ng music room. Kapag nauuna akong dumating sa kanya ay tumutugtog muna ako ng piano habang kumakanta.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtugtog ng mamalayan kong dahan-dahang bumukas ang pinto. Mula sa pagkakaupo ay lumingon ako paharap sa aking likod. Nagulat pa ito at napayuko habang dahan-dahang lumakad papunta sa gilid ng piano.

"May kukunin lang po" ang sabi ng magandang estudyante habang kinukuha ang music sheet sa lamesa ni Ms. Bagayaua. Agad itong lumabas. Ilang sandali pa ay narinig ko nang sumara ang pinto.

Marahil ay na-intimidate ito sa akin ng hindi ko siya nginitian. Hindi ko ibinibigay ang ngiti ko kung kani-kanino lang. Nasa ganito akong pag-iisip ng mayamaya pa ay may maulinigan akong pamilyar na boses na unti-unting nakapukaw sa aking pandinig. Ang tinig na hinahangaan ko ay nangagaling sa magandang estudyanteng iyon.

Nang sumunod na chorale meeting ay nakita ko itong muli. Gusto ko sanang kausapin ngunit ng mapalingon siya sa kinaroroonan ko ay agad na lumabas ito ng meeting room.

Nalulungkot ako na parang paulit-ulit ang nangyayari sa akin. Lahat ng tao sa paligid ko ay hindi ako masyadong pinapansin. Marahil hindi rin nila ako masyadong gusto sa chorale.

Bigla ay na-miss ko ang mama ko. Ilang araw ko na itong hindi nakikita. Dadating ako ng bahay na walang tao at kapag papasok na ako sa school ay nakaalis na ito.

Hindi ko pa rin nakakausap ang boyfriend ko. Matindi ang naging pagtatalo namin may isang linggo na ang nakakaraan. Sa totoo lang masaya ako na hindi muna kami magkita nito. Nasasakal na rin ako sa pagkontrol nito sa akin.

Iwinaksi ng isip ko ang mga negatibong bagay na nagsisimulang umusbong dahil iniisa-isa ko. Magfofocus na lamang akong muli sa pagkanta. Ito na lang ang nagpapangiti sa akin sa mga panahong ito.

Dumating ang araw ng Miyerkules. Gaya ng aking inaasahan ay nauna muli ako ng dating kay Ms. Bagayaua. Naalala ko na hindi pala ito nagpakita sa akin nung nakaraang schedule namin. Magsisimula na sana akong tumugtog ng mapansin kong may sulat na nakalagay sa ibabaw ng malaking piano.

Napakunot ang aking noo ng makita ang pangalan kong nakasulat dito. Out of curiosity ay agad ko itong binasa. Ang nakasulat dito ay isang bagay na hindi gugustuhing malaman ng sino man...

Vanessa,
Marahil ay hindi mo ako kilala. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ako. Nagkita na tayo nang minsan akong utusan ng music coach ko na kumuha ng music sheet mula mismo dito sa kwartong ito. Nakaupo ka pa noon sa harap ng piano. Ikinalulungkot ko ang nangyari. Walang kapatawaran ang ginawa sa iyo ng boyfriend mo. Nakikiisa ang lahat sa mama mo sa paghahanap ng hustisya. Ipinagdadasal kita na sana ay mahanap mo ang katarungan na para sa iyo. Hinuhusayan ko ang pagkanta dahil nagsisilbi kang inspirasyon. Naikwento ni Ms. Bagayaua ang hilig mo sa pagkanta. Nakakalungkot na hindi mo na maipagpapatuloy ang pangarap mo. Wag kang mag-alala, ang grupo ng chorale ang magsisilbing karugtong ng iyong pangarap. Nakikiusap ako Vanessa, wag ka na sanang magpapakita sa akin. Ang kakayahan kong ito ay isang bagay siguro na hindi hihilingin ng iba. Aaminin ko na natatakot ako sa iyo. Huli na sana nating pagkikita iyong sa meeting room. God bless you. I sincerely hope you soon find your way back to God our Creator.

Always Praying for you,
The lead choir

Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa aking nabasa. Nagpapatakan ang mga luha ko na unti-unting nagpalabo sa sulat na iyon at bigla ay nagbalik sa aking ala-ala ang gabing kailanman ay hindi makakalimutan maging ng aking kaluluwa...

Author's endpoint:

Ang primary suspect sa pagkamatay ni Vanessa ay ang huling kasama nito mahigit isang linggo na ang nakakalipas bago ito pumanaw, ang kanyang kasintahan. Marami ang nagulat at nakiramay sa pagkawala ni Vanessa.

The story of Vanessa was once shown in Tony Calvento's TV program: The Calvento Files

Pinatay ito sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg gamit ang isang makapal na tela o lubid.

Marami sa mga kamag-aral namin ang nag-iiyakan habang ikinukwento ng ina nito sa libing kung gaano kasarap magkaroon ng anak na gaya ni Vanessa. Matigas daw ang ulo nito ngunit mahilig maglambing.

Ang iba ay nanghihinayang dahil hindi na nito natupad ang pangarap na kumanta sa mga bar at magkaroon ng sariling banda. Naikwento sa amin ng lead choir ang ginawa nya at marahil daw ay nakita na ni Vanessa ang daan patungo sa katahimikan.

Hindi na ito nagpapakita sa kanya ngunit paminsan-minsan daw ay naririnig niya ang boses nito na kumakanta sa Music room.

Sa pagkakakilala ko kay Vanessa, alam kong maging ang kaluluwa nito ay determinadong makamtan ang kung anumang gusto nito. Isa siyang kaibigan na nakapagpapangiti sa akin sa tuwing mababalikan ito ng aking ala-ala.

Mahilig ka rin bang kumanta?

Sana katulad ka ni Vanessa na sa maikling panahon ay nakapagdesisyong piliin ang isang bagay na makakapagpasaya sa kanya. Natapos man ng maaga ang misyon nito sa mundo ay nanatili naman ang kanyang tinig sa puso ng mga taong nakakakilala sa kanya ng lubos. Natitiyak kong batid pa rin nito ang kumanta. Sana habang may panahon pa ay maging determinado ka rin na abutin lahat ng gusto mo sa buhay sapagkat hindi lahat ay nabibigyan ng sapat na oras upang buuin ang kani-kanilang mga pangarap... Kung anuman ang ibinigay sayo ay matuto kang makuntento. Dahil may ilang tahimik na kaluluwa ang hindi na nabigyan ng pagkakataong mabuhay sa mundo.

Paalam Vanessa.

Hanggang sa muli nating pagkikita sa loob ng music room...

Fin

Продолжить чтение

Вам также понравится

K-High (Korosu High) Under Revision Juneau

Детектив / Триллер

7.6M 261K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
Class 3-C Has A Secret | completed hiiiii

Детектив / Триллер

17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
EMPIRE HIGH sai

Детектив / Триллер

5.8M 177K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)