Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

704K 19.7K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

36

10.8K 303 39
By reina_khaleesi

Ruzz

Narinig ko ang malakas na kalampag bago pa man magising ang diwa ko. Iritadong binuksan ko ang mga mata ko at sinipat ang oras sa maliit na digital clock sa tabi ng bed side table.

6:30 AM.

Napamura ako dahil sa inis. Sino ba ang magalang na gising na sa ganitong oras at nang-iistorbo ng mga tao sa paligid nila? Hindi ba nila alam na tulog pa ang mga normal na tao? Saang lupalop ba ng planeta galing ang mga alien na ito?

Napaungol ako saka muling ibinalik ang panakip sa mata upang matulog ng muli. Malapit na akong bumalik sa mundo ng mga panaginip nang biglang isang malakas na kalabog na naman ang sumira sa aking pagtulog kasabay ng sunod-sunod na mura at kaluskos.

"What the hell is going on here!!?" galit na galit kong sigaw sa kawalan. Sinuntok ko ang dalawa kong kamao sa kama saka padabog na tumayo.

Kung sino man ang gumagawa ng ingay na yan, sisiguraduhin kong maaga ang magiging kamatayan nila!

Kinuha ko ang roba na nakasabit sa poste ng kama, isinuot ang tsinelas ko at mabilisang tinahak ang daan patungo sa pinto.

Nang marating ko iyon, buong lakas kong hinila ang pintuan papasok upang mabuksan iyon at upang makisali na din sa ingay na naririnig ko.

Sabi kasi sa isang kasabihan, 'if you can't beat them, give them a dose of their own medicine.'

Ang katahimikan na sumalubong sa akin matapos kong ibalibag ang pinto ay sadyang kay tamis kaya nanatili akong nakatayo ng ilang segundo upang namnamin iyon.

Nang mawala na ang bisa nito, muling pumasok sa aking isipan ang gagawin kong pagpapadanak ng dugo sa mga salarin. Inilibot kong muli ang paningin sa paligid at sakto nga, may papalabas na dalawang lalaking may dala ng malaking tokador mula sa unit ni Dee.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita iyon. Ngunit hindi pa tapos. Kasunod ng dalawang lalaki ay ang ilan pa na may dalang mga malalaking karton na sa hinuha ko ay mga gamit din ni Dee ang mga iyon.

Tiim bagang na nilapitan ko ang mga lalaki at dinuro.

"H-hoy! What do you think you're doing? At saan niyo dadalhin ang mga gamit na yan?" kunot-noo kong tanong habang itinuturo ang mga gamit.

The movers looked a little bit shocked pero yung isa na mukhang siyang leader ng grupo ang sumagot.

"Pinapa-empake na po ng may-ari, Sir. May bagong mag-uukupa na daw po kasi dito." he said matter of factly.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon. Lalong nagdilim ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Tita Milicent went to America not long after Dee's death. I tried contacting her to buy the unit pero hindi siya macontact ng secretary ko, tapos ngayon sasabihin nila na may bago nang uukupa dito?

This unit is Dee's and no one else! Hindi ako papayag na makuha lang ito ng ibang tao. I won't have Dee's memories desecrated just like that. No fucking way!

"Give me the number of the owner that you are taking orders from. Ako ang kakausap sa kanya. I will buy this unit kahit magkano pa." iritado kong saad.

Inilahad ko ang kamay ko, knowing that they will give me what I want. They always do.

The leader looked a little bit uneasy. "Uh, Sir, hindi ko po sigurado. We are not allowed to give away personal information."

"Hindi. Kilala ko itong si Tita Milicent, see? Kilala ko ang may-ari ng unit na ito. Pag-aari to ng namayapa kong girlfriend." paliwanag ko sa kanila.

The team leader has the nerve to look a little incredulous, na para bang nasisiraan na ako ng bait.

Umusok ang ilong ko dahil sa inis.

"So, kilala niyo na naman po pala. Tawagan niyo na lang." impertenente niyang tugon.

Muntik ko na ngang makutusan kung hindi lang ako nakapagtimpi.

"Look here. Nasira ang phone ko kaya kailangan kong magpalit. Now, give me the damned phone number and let's settle this once and for all."

"Pero Sir kasi, hindi talaga pwede e." matigas niyang sagot.

Naisabunot ko ang dalawa kong kamay sa buhok ko dahil sa galit at desperasyon. They can't fucking take these things, they are Dee's and it goes without saying that they are mine now. Ito na lang ang lugar na nagdadala sa akin ng kapayapaan.

"Okay. Let me go with you then. Ako na lang ang personal na kakausap kay Tita Milicent."

Lalong namula ang lalaki dahil sa sinabi ko.

"What now?" halos singhalan ko na siya sa mukha.

"K-kasi po sir, sabi po ni Ma'am, kahit itapon na po namin or kahit iuwi namin sa bahay namin yung mga mapapakinabangan pa. Maliban dun wala na po kaming contact sa kanya."

"Ano!?" this time, hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

Of all the most insane words to say. How could Tita Miliceby do this? Kahit siya ba ganun na din kadaling nakapag-move on? Paano niya nagagawang ipatapon ang gamit ng namayapa niyang anak, as if basura na ang mga ito? Paano? Damn it.

"Sorry Sir. Iyon po ang sinabi niya. Basta daw po, mamaya, dapat maayos na dahil lilipat na daw ang bagong may-ari." paliwanag niya naman.

"Fucking hell!" sinipa ko ang balustre para kahit papano ay maibsan ang galit ko.

The rattle made little satisfaction to ease my frayed nerves. Lalo lang nitong pinasakit ang ibang parte ng katawan ko, specifically my foot. Nakatsinelas lang kasi ako.

Nakita kong may isang tenant na lumabas sa unit niya para makapag-usyoso kaso binalingan ko siya gamit ang nanlilisik na mga mata kaya agad din naman siyang tumalilis pabalik sa loob.

"I'll buy all this." saad ko na lang habang iwinawagayway ang kamay para masakop ang lahat ng gamit. "Doon niyo ipasok sa unit ko." ma-otoridad kong turan. I can't have the leader defying me on this one. Kapag ginawa niya pa iyon ay baka makapatay na ako dito mismo sa harap ng unit ni Dee.

"Narinig niyo boys, sa unit ni Sir."

And then, they made a great show of bringing the things over at my place, bumping things here, crashing things there. Sa huli, mas marami yata ang gamit na nasira kaysa sa idinagdag. Which is cool with me kasi mas mabuti na lang at hindi ko na kailangan pang mamili kung alin ang itatapon sa mga gamit ko, as long as I have Dee's things safe inside my unit.

I gave them the money at wala pang isang minuto ay wala na sila sa bahay.

Tinitigan ko ang mga gamit niya na nagkalat na ngayon sa unit saka nagpasyang tawagan si Ichiro.

"What do you mean so won't be here?" walang emosyong tanong niya.

"Just what I said dude. Hindi ako makakapunta sa meeting. Just keep me posted, kay?"

"Ano ba kasing importanteng gagawin iyan? Hindi ba yan pwedeng ipagpaliban?"

Inilibot ko ang paningin sa paligid. The sooner I start arranging her things, the sooner I will be available for work. And yes, hindi ito pwedeng ipagpaliban.

"Aayusin ko ang mga gamit ni Dee sa bahay ko."

Nang wala akong narinig na sagot sa kabilang linya, ipinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag. "You know her worth to me brother. Let me do this one last time."
"She's gone Ruzz. Arranging her things in your place would only make it harder for you to move on." malungkot na turan niya.

Alam kong naaawa sa akin si Ichiro. Kahit hindi niya ipakita iyon, nararamdaman ko ang awa niya. For him,me letting myself loose my mind on a woman is definitely pitiful. Hindi niya pa kasi nasusubukan.

"I didn't say that I want to move on, Ichi. There is no moving on for me."

Narinig kong nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. A single chuckle escaped my pursed lips.

To hear Ichiro doing those things is like a balm to my soul. Ang iceman ay bumuntong hininga. Parang equivanlent na din iyon ng pagpalitan ng orbit ng neptune at pluto. Minsan lang mangyari.

"Yeah man," pagpapatuloy ko. "I know it's hopeless. Tanggap ko na." tumawa ako ng pagak. "Dapat inanakan ko na yung babaeng yun e. Biruin mo, nine months, dapat nasa ospital siya ngayon at nanganganak, hindi iyong nasa ilalim ng lupa, nagpapaka-chill." maktol ko sa telepono na sinundan naman ng malagum na tawa ni Ichi.

"So next time, you know what to do." makahulugang tugon niya.

Napasimangot ako. "I won't be entertaining girls anymore Ichi. Wala ng next time." paliwanag ko sa kanya.

He just chuckled. "Malay mo kapatid. Life has a way of surprising us with moments we don't expect. By the way, I have to go. Kailangan mo ba ng katulong sa pagliligpit niyan?"

"Nope. Ayokong hinahawakan ng kahit na sino ang gamit ni Dee."

"Okay. I'll see you when I see you."

Ibinaba ko ang tawag at muling bumuntong hininga.

I looked at the first box and saw that it contains her dresses and clothes. Ang ikalawang karton ay may mga sapatos, ang ikatlo naman ay puro gamit niya sa mukha at ganun na din ang mga pabango niya. And so on and so forth.

And then I started arranging her things. Yung mga damit niya ay inilagay ko sa walk in closet sa tabi ng sa akin. Her shoes went next to mine too. Her toiletries to the bathroom. Pagkatapos iyong mga pictures ko din na ginawa niyang collection, isinabit ko silang lahat sa pader samantalang iyong pinakamalaki ay inilagay ko sa kwarto.

In the end, when I surveyed the room again, I felt an intense satisfaction of seeing her things next to mine. Pakiramdam ko ay kasama ko siya dito sa bahay. Like husband and wife. Pakiramdam ko ay buhay pa rin siya.

Malapit ng magtanghalian ng matapos ako sa pagliligpit ng mga gamit ni Dee kaya nagpasya akong sa labas na lang din kumain.

Matapos maligo at magpalit ng damit, kinuha ko ang susi ng kotse saka dumire-diretso palabas ng unit.

Nakakailang hakbang pa lang ako sa paglalakad ng biglang may marinig na naman akong ingay. Tumunghay ako mula sa pagkakayuko at laking gulat ko ng makita ang mga muebles na buhat-buhat ng parehong mga kalalakihan na nakita ko kanina.

Nagtama ang tingin namin ng leader na agad namang umiwas at dumire-diretso na parang hindi ako nakita.

Tumigil ako sa paglalakad hanggang sa umabot sila sa tabi ko.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Hmm.. Wala kayong contact huh?" may halong pang-iinsulto ang tinig ko sa pagkakasabi niyon.

"S-sir.. Nagkataon lang po na kami din yung kinuha nung babae na lilipat." kandautal na paliwanag nung leader.

Kusang tumaas ang kilay ko at gumuhit ang nanunudyong ngiti sa aking labi.

"Nagkataon? Talaga?" sinadya kong bagalan ang pagkakasabi nun para mas madama niya ang galit ko.

"P-promise p-po. Nagkataon lang."

"Ahh.. Asan na ang bagong tenant?"

"Nasa baba po, inaayos pa yung ibang gamit niya."

Napahawak ako sa baba ko na parang nag-iisip ng mabuti. Pagkatapos ay inilipat ko muli ang tingin ko sa kanila.

"Okay. Maghihintay na lang ako dito." saad ko saka sandal ng likod sa pader malapit sa kinaroroonan ng pinto.

Ipinasok ng mga lalaki iyong mga kagamitan sa loob, saka bumabang muli. Akala ko noong ikalawang pagbalik nila, kasama na nila iyong bagong magmamay-ari ng unit ni Dee, kaso sila lang ulit ang magkakasama.

"Asan na siya?" medyo naiirita niyang tanong.

"Sa baba pa po sir."

"Ano pa bang ginagawa niya doon at hindi pa siya dito pumanhik? I need to talk to her."

"Yun po ang hindi ko alam. Excuse po. Medyo mabigat ang vase."

Tinapunan ko siya ng malamyang tingin bago nagpasyang puntahan na mismo ang babae sa lobby. Kung maghihintay pa ako dito ay baka abutin ako ng pagputi ng uwak at ugatin na lang ang paa ko sa sahig. Isa pa, kanina pang kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom.

Baka magkamali pa ako at siya ang kainin ko dahil sa pagkairita.

Malalaki ang hakbang na tinahak ko ang landas patungo sa elevator. At dahil kani-kanila lang ay may gumamit ng isa sa kanan, pinili ko na lang na pindutin iyong nasa kaliwa saka naghintay upang bumukas iyon.

Tatlong bagay ang nangyari pagtunog nung hudyat sa elevator. Saktong sa pagpasok ko doon, ay ang paglabas din ng isang tao mula sa kabilang elevator at ang pagtawag din ng leader ng mga nagbubuhat ng gamit.

"Sir! Andito na po si Ma'am!"

Agad akong tumalima sa boses ng lalaki at inilipat ang tingin sa babaeng itinuturo niya na ngayon ay naglalakad patungo sa condo unit. Nakasuot ito ng skin-tone na damit na kadalasang isinusuot ng mga babae ngayon, iyong isang piece lang at shorts ang pang-ibaba na humahakab sa kanyang maliit na likuran. May hawak din siyang isang clutch bag na kulay itim at dahil sa kanyang mahabang takong kaya't parang ang habang tingnan ng kanyang mapuputing biyas.

Napasimangot ako.

Mukha namang alam nung bagong nagmamay-ari ng unit ni Dee na siya ang tinutukoy ng lalaki dahil lumingon siya sa gawi ko.

At muntik na akong manghina dahil sa nangyari. Sakto naman kasing pagtingin ng babae ay ang pagsara ng pinto ng elevator at kahit anong pindot ang gawin ko ay hindi na ito bumukas pa.

Ni hindi ko man lang namukhaan. Takte. Kung kailan mabibili ko na ang unit ni Dee saka naman nangialam ang elevator na ito! Sarap tadyakan.

Kaya iyon nga ang ginawa ko.

Tinadyakan ko ang elevator hanggang sa makarating ako sa lobby. Pagkatapos ay  inayos ko ang sarili ko saka walang pakialam na lumabas ng building.

Hay naku. Mamaya ko na nga lang kakausapin ang epal na babaeng yun. Lulunurin ko siya ng pera para makuha ko na ang unit at wala nang gumambala sa ala-ala ni Dee.

"God! Just why the hell did I even look at those legs? It's not as if I'm fucking interested."

Umiling-iling ako saka pumasok sa sasakyan at paharurot na nilayasan ang problema sa condo.

A man's got to eat, you know.

---

A/N: tell me what you think ladies.. Comment away.

Nga pala, wala akong wifi bukas dahil aalis ako sa dampa namin, so kung hindi po ako makapag-UD, sorry na lang. 😂😂

TNT babies. Lavyas..

Continue Reading

You'll Also Like

115K 4.3K 47
"In the hallowed institution of marriage, where love should bloom eternally, Denima Cris finds herself ensnared in a heart-wrenching tale. A forced u...
8K 105 21
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS Against All Odds Wife Series (Collaboration) (Novella) Sabrina Alonzo-Fortalejo is enjoying her peaceful...
324K 17.2K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
405K 11.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.