Gotta Be You // KathQuen

By SeventeenthGirl

11.8K 242 63

TMD series, #1 SeventeenthGirl © November 2013 More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Author's Note
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
The Finale
Information for the Book Two

Chapter 21

198 6 2
By SeventeenthGirl

PART II : "CLOSER"

   Ilang araw din ang lumipas simula noong maganap ang pag-video chat nila Margaret at Erich. Sinwerte naman sina Enchong, Jane, Francis, at Michelle noong makita nila na nagvi-video chat ang mga ito ng wala silang kaalam-alam. Kaya, mabuti nalang at nakisali sila sa usapan. At tinanong pa nila ng paulit-ulit si Margaret ng iisang tanong, kung bakit sya umalis ng walang pasabi.

   Kung nagbakasyon sina Margaret at ang kanyang pamilya sa England, nagbakasyon din naman ang iba pang myembro ng MPG at RB. Si Melanie, napagdesisyunan na magbakasyon saglit sa Germany kasama syempre ang kanyang mommy't daddy. Si Javier naman ay sa California muna nagbakasyon. Sa France naman nagbakasyon sina Lauren at Zander kasama ang ilan nilang mga kamag-anak. At si Xavier naman ay sa Spain nagbakasyon kasama ang kanyang pamilya.

   Sabay-sabay silang umuwi ngayon sa Pilipinas. At nagkataon namang sa iisang airport sila bumaba! Hindi nila alam na nagbakasyon din ang isa't-isa sa ibang bansa. Hindi na kasi sila nag-usap simula noong umalis si Margaret papuntang England. Atsaka, mahal din naman kung magi-international call sila.

   Kasalukuyang naglalakad papunta sa arrival area sina Margaret, Melanie, Lauren, Xavier, Javier, at Zander kasama ang kani-kanilang kapamilya. Hindi nila alam na nandito din ang isa't-isa.

   "Zander, sila Melanie ba 'yun? 'Yung naka neon green na tank top, naka white shorts, naka brown flat shoes, atsaka medyo curl 'yung buhok?" tila excited na paninigurado ni Lauren sa kasamang si Zander. Nasa likod lang nila na sumusunod ang kanilang mga kasamang kamag-anak.

   "Sya ba 'yun? Ayt. Oo, sya nga." pagkasagot na pagkasagot ni Zander kay Lauren, ay sumigaw kaagad ito.

   "Melanie!" malakas na sigaw ni Lauren. Sinaway pa nga sya ni Zander na huwag syang sumigaw dahil baka pagtinginan sila. Ngunit, pinabayaan lang sya ni Lauren. Tumingin naman kaagad sakanila ang babaeng kanyang tinawag. 

   "Laureeen!" tumakbo pa si Melanie palapit sakanya. Sinalubong naman nila ang isa't-isa ng isang mahigpit na yakap. "Nandito din pala kayo? Saan kayo nanggaling? Oh.. Hi po!" bati ni Melanie sa mga kasama nila. Kumaway lang ang mga ito sakanya.

   "Galing kaming France. Kasama ko syempre mommy ko, atsaka sina Zander at family nya." ipinakilala naman ni Lauren ang kanyang mga kasama. "Ikaw? Asaan sina mommy at daddy mo?"

   "Ayun, pinauna ko na. Maglilibot-libot muna kasi ako sa mall mamaya. Alam mo na.. bored." sagot naman ni Melanie sa ka-grupo. Nang walang ano-ano ay bigla namang sumigaw si Zander. May tinawag pala ito.

   "Javier, bro!" tawag ni Zander sa nakitang kakilala. Lumapit naman kaagad ito. Sinalubong nila ang isa't-isa ng isang manly hug.

   "Musta na? Nandito din pala kayo?" bati ni Javier sa ka-grupo. 

   "Heto, okay lang. Kakagaling lang namin sa France. Kasama ko 'yung pamilya ko, si Lauren, at 'yung mommy nya." pagpapakilala nya sa mga kasama. "Ikaw, saan kayo nanggaling? Hi po pala sainyo.." pansin ni Zander sa mga kasama ni Javier.

   "Galing kaming California. Oh, hi Lauren. Hi Melanie.." ngumiti pa si Javier sa nililigawang si Melanie.

   "Hi." maikling tugon ni Melanie sakanya. Ngumiti at kumaway naman si Melanie sa mga kasama ni Javier. Bineso-beso nya pa ito bilang dagdag.

   "Bro, si Xavier ba 'yun?" sabay turo ni Javier sa lalaking naka light blue long sleeved polo, black slacks, naka-itim na running shoes, at nakatabi sa isang gilid ang 'bangs' nito. Tumango lang sakanya si Zander. "Xavier Farrell!" 

   "Oh, Javier, Zander? Nandito din pala kayo? Pati din kayo, Lauren at Melanie nandito din?" bati nito sa kanilang lahat noong makalapit ito sa kanila. Binati din nito ang mga kasama nila. "Ahm, guys, meet my mom, sister, and brother." pagpapakilala ni Xavier sa kanyang mga kasama. "And meet my classmates. Javier, Zander, Melanie, and Lauren with their families."

   "Hi." bati nila sa isa't-isa.

   "Reunion lang ang peg natin ngayon ah.." pansin ni Melanie.

   "Hindi ah. Kulang kaya tayo.. Wala 'yung isa nyong ka-grupo. Si Margaret.." kontra pa ni Zander sakanya. "Hindi ba, Xavier, wala si Margaret?" sinisiko-siko pa ni Zander si Xavier.

   "Pang-aasar mo Zander ah, ang aga-aga pa.." saway ni Xavier sakanya.

   "Don't worry, Xavier. Ayun 'yung family nya oh.." sabay turo pa ni Lauren sa may likuran nila.

   "Ayun naman pala eh.." sabi naman ni Javier sa gilid. Agad naman itong humanap ng tyempo para makatabi si Melanie.

   "Tita Min!" malakas na sigaw nila Melanie at Lauren. Napalingon naman ang mommy ni Margaret sakanila. Ang daddy at ang mga kapatid ni Margaret ay napalingon na rin sakanila. Kumaway-kaway pa sila sa mga ito.

   Noong makalapit na ang pamilya ni Margaret sa kanila, kaagad nila itong binati. "Hi po, hi po.." bati nila sa mga ito. Binati din naman sila pabalik.

   "Hello Lauren, Melanie, Javier, Zander, and.. you must be Xavier, right? Margaret's loveteam partner.." tanong pa ng mommy ni Margaret kay Xavier. Tumango nalang sya rito bilang sagot. "She talks about you all day long. She also mentioned that --" naputol naman bigla ang sasabihin nito nang biglang may tumawag sa kanila.

   "Mommy!" hingal na hingal pang lumapit si Margaret sa kanila. Tumakbo kasi ito. Nakasuot sya ng medyo maikling white dress, floral blue leggings, red high heels, silver bangles, at nakalaylay ang mahabang itim na buhok nito. "Whoo! I made it!" pagchi-cheer pa nya kahit sya'y hingal na hingal.

   "Oh, bunso, anong nangyari sa'yo? Tinakbo mo ba paikot 'tong airport?" tatawa-tawa pang asar ng kanyang Kuya Kevin. 

    "Manahimik ka nga dyan, Kuya! Sino ba kasing kausap nyo --" natigilan naman sya kaagad noong makita nya ng malapitan kung sino ang kausap ng kanyang pamilya. "Lauren? Melanie? Zander? Javier? Xavier? Nandito kayo?" hindi makapaniwalang tanong nya.

   "Uhm, Happy New Year?" tatawa-tawa pa si Melanie.

   "Of course! Akala mo ikaw lang magbabakasyon sa ibang bansa? Syempre, kami rin!" sakay pa ni Javier. Ngunit, hindi nalang sila pinansin ni Margaret.

   Lumapit sya sa mga magulang o sa mga kasama ng mga nakatagpo. Bineso nya ito at kinawayan bilang isa ito sa mannerism nya kapag nagbibigay galang sa iba.

   "Hello po. You must be Xavier's mom, wasn't? I'm Margaret. Xavier's.." natigilan sya saglit.

"Ano nga ba ako ni Xavier? Kaibigan? Hindi pwede, hindi ko nga sya 'friend' eh! Ka-loveteam? Aisst.. Ayoko ngang ipagmalaki na ka-loveteam ko sya! Ahh.. Alam ko na! CLASSMATE. Oo, classmate. Tama!" 

  Ngunit ibubuka pa lang nya ang kanyang bibig nang magsalita si Xavier.

   "I'm her loveteam partner." sabi ni Xavier sa kanyang mommy.

   Napansin naman ni Margaret na nag-uusap ang kuya ni Xavier at ang kanyang Kuya Kevin. Mukhang close na close pa ito kung mag-usap. Imbis na makisawsaw, pinabayaan nalang sila ni Margaret.

   "Uhm, guys, una na kami, huh? Tito, Titas, mauna na po kami.." paalam nila Lauren, Melanie, Zander, at Javier.

   "Osya, sige. Advance Happy New Year nalang.." at sa huling pagkakataon, nagbeso-beso ulit sila.

   Noong makaalis na sina Lauren, Zander, Melanie, Javier, at kasama na ang kani-kanilang mga kasama ay napagdesisyunan muna ng mga magulang ni Margaret at ang mommy ni Xavier na mag-lunch muna sa isang restaurant. Hindi naman nakapalag pa si Margaret dahil nahihiya sya sa mommy ng kanyang ka-loveteam. At baka asarin na naman sya ng kanyang kuya.

   Tila na-OP o na out of place si Margaret noong papunta na sila sa parking lot ng airport. Kanya-kanya kasing mga 'ka-partners' o mga kasama ang kanyang mga kapamilya. At lalo naman syang na-OP noong magsi-sakayan na ang mga ito sa kani-kanilang sasakyan. Mabuti nalang talaga ay nandyan si Xavier. Kanina pa sya nito pinagmamasdan at hindi lang sya ang nag-iisang walang kapareha na naglalakad papuntang parking lot. Hindi nya kasi napansin ang 'presence' ni Xavier sa kanyang likod na naglalakad din mag-isa.

   "Gusto mo, dyan nalang ako sasakay sa kotse mo.. If you want.." volunteer ni Margaret noong makarating sila ng parking lot. Natigilan at napatingin si Xavier rito. Doon nya napansin na hindi pala dala ni Margaret ang kanyang sasakyan at silang dalawa na lamang ang natitira. Umalis na kasi ang iba nilang mga kasama. "Sige, magco-commute nalang ako.." aalis na sana si Margaret noong magsalita sya.

   "Hindi. Dito ka nalang.." sabay bukas pa ni Xavier ng pinto sa passenger side ng kanyang kotse. Napatingin si Margaret sa kanya pabalik. "Oh, bakit? Ayaw mo? Sakay na.." pilit pa nya sa ka-loveteam.

   "Salamat." sabi ni Margaret noong makasakay na sila sa kanyang kotse. Nginitian nalang nya ito bilang sagot. Ni-start nya muna ang kotse bago ipaharurot palayo.

~~

  "Margaret, saan nga pala tayo kakain? Nakalimutan ko na kung saan eh.." tanong bigla ni Xavier kay Margaret noong nasa kalsada na sila.

   "Huh? Hindi ko alam eii.. Wala naman silang sinabi saakin." sagot ni Margaret habang nakatingin sa kanya.

   "Tsk. Pano 'yan? Ahh.. Ganito nalang.. Dala mo ba cell phone mo? Pwede mo bang tawagan 'yung parents mo tapos itanong mo kung saan tayo kakain.." pakiusap nya rito. Tumingin naman sya saglit sa kasama, nakita nya ito na nakatingin na sa bintana.

   "Aww, wala akong load eh.. Ikaw na lang kaya ang tumawag sa mommy mo?" pakiusap ni Margaret pabalik.

   "Geez.. Lowbat naman 'tong saakin!" sagot nya sa kausap.

   "Whuut?! Gosh, paano tayo nyan? Saan tayo pupunta? Uuwi nalang tayo?" medyo nagpapanic na reaksyon ni Margaret.

   "Calm down, Margaret. Calm down. Sige, ganito nalang, sa iba nalang tayo kakain." plano pa nya.

   "Tayong dalawa lang?" kinakabahang tanong ni Margaret.

   "Oo. Tutal, hindi naman natin matatawagan o di kaya ay mate-text mga kasama natin. So, why not?" ngingiti-ngiti pa si Xavier habang nagda-drive.

   "Okay. Saan naman tayo pupunta para kumain?" curious na tanong ni Margaret sakanya.

   "Secret.." 

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.6K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
12K 693 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
38.6K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"