You're Just My Toy

Oleh FarctateGirl

321K 4.6K 304

[COMPLETED] "Sometimes, your real savior is just there. You're just too blinded by your own version of your P... Lebih Banyak

You're Just My Toy
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine
Fifty
Epilogue
I Wanna Go Back

Forty-five

4.7K 55 1
Oleh FarctateGirl

Forty-five

I woke up in the morning with a big smile on my face. Agad akong naligo at nag-ayos. Nag-suot ako ng panibagong summer dress. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng kolorete sa mukha.

Nang inaayos ko na ang suot kong sandals para bumaba at kumain ay may kumatok sa pinto. Ang nakangiting mukha ni Jayden ang sumalubong sa akin na may hawak na tray. Nakasuot siya ng loose na sando at trunks.

"Good morning! I brought your breakfast. Do you mind if I join you here?"

I smiled and shook my head. Tumabi ako para makapasok siya at sinara ang pinto. Dumiretso siya sa kama at nilapag ang tray doon. Bumalik ako sa salamin para suklayin muli ang buhok kong medyo basa pa. Masyado na akong nagugutom kaya hindi na akong nag-abala pang mag-blow dry.

Tumalon ang puso ko nang pumulupot ang braso ni Jayden sa bewang ko. Nakangiti kong tinignan ang reflection niya sa salamin. He gave me a peck on my cheek and hugged me tighter.

"You're unusually quiet today," bulong niya na halos makiliti ako.

"Hmm," taas-kilay kong sagot.

Ngumuso siya sa nonsense kong sagot dahilan para dumikit ang labi niya sa exposed kong leeg. Naramdaman niya siguro ang paninigas ko kaya siya bahagyang natawa. Pabiro ko siyang siniko at tumawa siya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

Hindi ko matuloy ang pagsusuklay dahil nasa likod ko na siya. Ipinagpahinga ko na lang ang kamay ko sa braso niyang naka-ekis sa tiyan ko. Nakapikit siya at inaamoy ang leeg ko.

"Nope. Gusto ko kasi sabay tayo." Tumango ako. "Ang tahimik mo talaga."

Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya kaya bahagya akong natawa. Hindi lang ako sanay na ganito ulit kami. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon at niyayakap ako ulit. Na isang lingon ko lang ay pwede ko siyang halikan.

Unti-unting lumuwag ang yakap niya sa akin at marahan akong inikot para matignan ang mga mata niya. Nilagay niya ang braso niya sa magkabilang gilid ko at mas nilapit pa ang katawan sa akin. Wala na akong uurungan pa dahil salamin na ang nasa likod ko kung saan nakakadikit ito sa dingding.

"Anong problema?" malambing niyang tanong.

"Huh? Wala."

Napakurap ako nang pinatakan niya ang labi ko ng halik. Tinitigan niya ako na para bang hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ko. Nang hindi ako nag-react ay dalawang beses niya pa akong hinalikan.

Sumimangot siya nang nakatitig pa rin ako sa kanya. Bumagsak ang balikat niya ngunit hinila ko ang sando niya palapit sa akin at hinalikan siya. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako bumitiw. I kissed him tenderly.

Gusto kong maramdaman na totoo ang lahat ng ito at nandito talaga siya sa tabi ko. Na hindi siya mawawala sa akin at akin lang talaga siya. Nabuhay muli ang paru-paro sa tiyan ko at ang kaba sa dibdib ay sumibol ulit.

Tumindig ang balahibo ko nang hawakan niya ang bewang ko at mas lalong nilapit sa katawan niya. Ramdam ko ang init ng dibdib niya sa dibdib ko. He bit my lip that made me gasp and that was when his tongue entered my mouth.

Natulak ko siya sa gulat nang may kumatok. Inayos ko ang strap ng damit ko na hindi ko namalayang naibaba na niya kanina. Narinig ko ang paulit-ulit niyang mura habang papalapit ako sa pinto.

"Hi!" bati ko kay Irish.

"Good morning," ngiti niya. Napalingon siya sa likod ko. "Nakakaistorbo ba ako?"

Lumingon ako sa likuran ko at nakita na dumiretso na si Jayden sa kama, nakasimangot.

"Nope. We're good," kaswal kong sagot.

"Okay," tango niya. "I went here to inform you na nakaalis na iyong iba. Just tell me if you're going home, too, okay?"

"Thank you," kagat-labi kong sagot.

Naiinip na ako at gusto ko nang isara ang pinto. Tinitigan niya ako nang mabuti at hinila ang balikat para bumulong.

"I can see your hickey over here," sabi niya at humalakhak palayo sa akin.

Pinamulahan ako ng mukha. Bago pa ako makapag-react ay tumakbo na siya palayo. Sinara ko na ang pinto at dumiretso sa kama. That's when I remembered that he kissed me on the neck last night. He sucked it to the point it left a mark.

"Princess..." mahina niyang tawag.

Napalingon ako sa hina ng boses niya. Pinaglalaruan niya lang ang tinidor na nasa tray at hindi ako tinitignan.

"Galit ka ba sa akin? Bakit hindi ka nagsasalita?"

Ngumuso siya at napangiti ako. Kinuha ko ang utensils para kainin ang fried rice at ham na nakakain.

"I'm not mad. Let's eat, shall we?"

Tinignan niya ako na para bang hindi siya kuntento sa sagot ko. I kissed his cheek with a smile on my face and offered him the toasted bread. Malawak siyang ngumiti at tumango.

Pauwi na kami nang mag-text sa akin si Gleacer. Pinaasikaso ko sa kanya ang kotse ko at naiuwi na niya ito sa bahay ko. Paminsan-minsan ay hinahawak ni Jayden ang kamay ko habang nagmamaneho siya ngunit unti-unti ay hinihila na ako ng antok.

Nagising ako sa pangangalay ng leeg ko. Ang mahalimuyak na amoy agad ni Jayden ang pumasok sa ilong ko. Pagdilat ko ay agad kong nakita ang matangos niyang ilong. Nakapulupot ang braso niya sa akin at gamit ko ang dibdib niya biglang unan. Lumayo ako nang bahagya para matignan siya nang maayos.

Ang singkit niyang mata na parang isang guhit na lang kapag nangingiti kahit na mahahaba ang pilik-mata niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang mapupula at malalambot. Uminit ang pisngi ko nang maalala kung paano niya ako hinalikan kaninang umaga.

I kissed his cheek swiftly.

Ginala ko ang paningin ko at nakita kong nasa maliit kaming kwarto. May maliit na itim na cabinet sa tabi. Mayroon ring nightstand na may nakapatong na lampshade. May coat rack din doon na may nakasabit na jacket ni Jayden. Natigil ako sa pagtingin sa paligid nang hilahin niya ang ulo ko pabalik sa dibdib niya.

"Jayden, nangangalay ang leeg ko," inda ko.

Tinapik niya ang braso niya. Humiga ako roon kung saan mas mababa kaysa sa dibdib niya kaya naging komportable ako. Dilat ang mga mata ko habang ang kanya ay sarado pa rin. Tumatama sa mukha ko ang mainit niyang hininga. Dinantay niya sa akin ang isa niyang binti at nagreklamo ako kaagad.

"Mabigat!"

Ngumuso lang siya sa akin.

"Kiss mo muna ako."

Natawa ako sa kahibangan niya.

"Jayden!"

Lalo pa siyang ngumuso kaya mas lalo akong natawa. Pinagitna ko sa aming dalawa ang braso ko at pabiro siyang tinutulak ngunit mas lalong humahaba ang nguso niya. Sa huli ay ang noo ko ang hinalikan niya.

"I'll give your neck a massage," aniya. "Masakit iyan, diba?"

"Huh?" Natatakot ko siyang tinignan. "I don't trust you with this."

He chuckled, "I know how to do this!"

"Fine!"

Bumangon ako at tumalikod sa kanya. Plain white shirt and black pants ang suot ko. Tinali ko ang buhok ko para hindi maging sagabal sa pagmamasahe niya sa batok ko.

"Saglit lang 'to, Princess. Masakit sa una pero masarap rin sa pakiramdam kapag natapos."

Tumango na lang ako at napapapikit na nang mag-umpisang gumalaw ang daliri niya sa leeg at balikat ko. Halos mapa-ungol ako nang maramdaman ang sakit at pinaghalong sarap.

"More," bulong ko.

He applied more pressure. Napadaing ako.

"Sorry. Masakit ba?"

Umiling ako.

"Diinan mo pa. Ang sarap," hagikgik ko.

Napatalon ako nang biglaang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang namumulang sina Lorayne at Prince. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa amin. Hindi ako kumilos at ganoon rin si Jayden.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Jayden.

"Hi..." Pekeng ngumiti si Prince sa aming dalawa. "Um, hi."

Tumayo ako at marahan silang tinulak para umupo sa kama. Si Prince ang umupo sa tabi ni Jayden at sumunod si Lorayne.

"So what are you doing here?" taas-kilay kong tanong.

Nakita kong napatingin sa akin si Lorayne ngunit agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin at ilang beses na kumurap.

"Uh... kasi—ano—dap—"

"Can you straighten your tongue? Kapag diretso na tsaka ka magsalita."

Natahimik siya sa sinabi ko at sinalo siya ni Prince. Tumikhim ito bago magsalita.

"We were gonna invite Jay to go to a bar."

"Kaso naabutan namin kayong umuungol," nakayuko at mahingang sabi ni Lorayne.

Kumiliti sa lalamunan ko ang tawa ngunit humalakhak na si Jayden. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya ako makita dahil tawa siya nang tawa. Sinapak ko ang braso niya pero hindi pa rin siya tumigil habang hinihimas ang braso niyang sinuntok ko.

Binalingan ko sila ulit ng tingin. Hindi ko alam pero parating masamang tingin ang napupukol ko kay Lorayne. Hindi ko mapigilan.

"Hey, 'wag mo namang patayin sa titig si Lorayne," natatawang sabi ni Jayden.

"Hindi ko siya pinapatay kasi nakalibing na siya ngayon."

Umawang ang bibig ni Prince at Lorayne sa sinabi ko at agad kong dinugtungan iyon.

"Joke," walang emosyon kong dagdag.

Nakita at narinig ko ang paghinga ni Lorayne nang malalim. She was fiddling with her fingers. She does that when she's uncomfortable and nervous.

"Jay, may sasabihin sana ako," sabi ni Prince.

Tumingin sa akin si Jayden at tumango ako. Tumayos ilang dalawa para lumabas ng kwarto ngunit agad na umapela si Lorayne.

"Sama ako!"

Sasagot sana si Prince pero inunahan ko na.

"Hindi. Dito ka lang."

Napalingon sila sa akin ngunit hindi ko tinanggal ang tingin ko kay Lorayne. Napalunok siya sa lalim ng titig ko.

"Mag-uusap tayo. Tayong dalawa lang," mariin kong sabi.

Tahimik na lumabas ang dalawa habang si Lorayne ay hindi mapakali sa pag-upo. Bago pa ako makapagsalita ay nauna na siya. Tumaas ang kilay ko at ngumisi.

"Anong pag-uusapan n-natin?"

"Wala ka bang gustong pag-usapan? Marami kasi akong topic, e."

Natahimik siya sa sinabi ko at pinagmasdan ako na para niya akong binabasa. Hindi pa rin mawala ang talim ng tingin ko sa kanya kahit anong gawin ko. Namuo ang luha sa mata niya at kahit kumirot ang puso ko at gusto ko siyang yakapin ay gusto ko muna siyang pigain.

"O, ano? Iiyakan mo na naman ba ako?"

Kumurap-kurap siya at pinunasan ang pisngi niyang basa na ngayon dahil sa luha. Kinagat niya ang labi niyang nanginginig at tumingin muli sa akin. Hindi pa rin tumigil ang luha niya.

"Princess... I'm sorry," bulong niya. Tinakpan niya ang mukha niya at nagpatuloy. "Sorry. Nagsisisi talaga ako na ginawa ko iyon sa'yo . I'm sorry."

Nanuyo ang lalamunan ko at hinampas ko ang kamay niyang nakatabon sa mukha niya. Alam kong malakas at masakit iyon dahil kahit ang palad ko ay namanhid. Natanggal ang kamay niya sa mukha niya dahil sa palo ko. Kumunot ang noo ko.

"Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ako madadala niyang sorry mo?!" sigaw ko. Lalo siyang umiyak. "'Wag mo kong iyakan dahil hindi pa ako patay!"

"Princess, sorry talaga. M-Mahal ko lang talaga noon si Prince kaya ko nagawa iyo—"

"I wasn't mad because you fell in love with him," buga ko. "I was so fucking mad and disappointed because you ruined our friendship over a fucking guy! Sana nag-isip ka, Lorayne! Sana inisip mo iyong pinagsabihan natin. Sana inisip mo ako! Kasi, diba, tangina, trinaydor mo ako e!"

Lahat ng frustrations ko noon ay bumalik sa akin ngunit wala ng sakit. Purong panghihinayang at lungkot na lang. I started phasing in front of her as I face palmed.

"I wasn't even bitter! I was mad!" Nilingon ko siya at nauubusan na ako ng hininga kakasigaw. "Fuck!"

Padarag akong umupo sa kama at sinapo ang ulo. Sinabunutan ko ang sarili ko para doon ilabas ang nararamdaman kong pagkainis. Nagulat ako nang dahan-dahan siyang tumayo para lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang tuhod ko at patuloy na umiyak habang nakatitig sa mata ko.

"I'm sorry. I am willing to do everything basta mapatawad mo lang ako. I've been asking for your forgiveness for five years and I won't stop. I beg you, Princess. Please," hikbi niya.

Umiwas ako ng tingin nang pati ang ulo niya ay iyuko niya. Halos dumikit na ang mukha niya sa sahig dahil sa pagyuko. Nanlamig ang buo kong katawan.

"Tumayo ka diyan," mariin kong sabi.

Gusto kong hablutin siya patayo nang umiling siya.

"Ayoko. H-Hindi ako tatayo hanggang hindi mo ako napapatawad."

Napasigaw siya nang hablutin ko nang buong lakas ang braso niya patayo kasama ko. Ngunit pataas pa lang kami ay dinala niya ulit pababa ang katawan niya. Hindi ko binitawan ang braso niya kaya hindi siya makaabot sa lapag dahil mahigpit ang hawak ko at nakatayo ako.

"Tumayo ka sabi!" sigaw ko.

Napapikit siya sa sobrang lakas ng boses ko. Pilit ko pa rin siyang hinihila patayo pero ayaw niyang magpaawat. Ramdam ko na rin ang pagbaon ng kuko ko sa braso niya. Sa inis ko ay binitawan ko ang braso niya kaya napaupo siya sa lapag at agad ko siyang sinampal. Nangati ang kamay ko sa sobrang lakas nito.

Hinaplos niya ang pisngi niyang sinampal ko at tiningala ako. Umirap ako sa sobrang pagtitimpi na yakapin siya roon sa lapag dahil mukha siyang durog na durog. Nagdesisyon akong iwan na lang siya pero niyakap niya ang binti ko at humagulgol.

"Princess, please. Wala akong pakialam kung mukha akong tanga dito. Gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Patawarin mo na ako, please."

Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya sa sobrang pag-iyak ngunit nagpatuloy pa rin siya. Lumunok ako at kumurap nang ilang beses para mawala ang nagbabadyang luha.

"Sa loob ng limang taon nagdusa ako. Nakipaghiwalay ako kay Prince matapos mong umalis. Iyon rin ang gusto niya. Pinagsisihan ko lahat. Nagsisi ako sa ginawa ko. Dapat pala hindi na lang kita niloko. Dapat pala pinigilan ko ang sarili ko. Princess, kahit na hindi mo na ako ituring na kaibigan basta... basta... patawarin mo ako."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tanging iyak niya lang ang bumabasag sa katahimikan. I took everything she said. Ginalaw ko ang binti niyang yakap ko.

"Bitaw."

Nakita ko siyang tiningala ako ngunit nakatingin lang ako sa maliit na bintana. Hindi pa rin siya bumitaw.

"Lorayne, bitaw," tinignan ko siya at agad siyang bumitaw.

Umupo siya sa sahig at nakatingin pa rin sa akin. Nanlaki ang mata niya nang umupo ako para tapatan siya. Huli na ito.

"Alam mo bang malandi ka?" umpisa ko.

Hindi siya sumagot pero dahil sa luhang lumandas sa pisngi niya ay alam kong nasasaktan siya. Huli na 'to, Lorayne.

"Alam mo bang dahil sa kalandian mo... nasaktan ako?" Napalunok ako. "Alam mo bang dahil sa kalandian mo... inalagaan ako ni Jayden? Alam mo bang dahil diyan sa kalandian mo minahal ko siya pero hindi ko namalayan?"

Napangisi ako at napatingin sa malayo. Umiling ako at tinignan ulit siya nang seryoso.

"Sa kalandian mo nagsimula lahat pero, shit," tawa ko. "Dahil sa'yo baka hindi siya napalapit sa akin at baka hindi ko siya minahal. I was so mad at you. Pero ako pa rin naman 'to, nagpapatawad. Fuck you, but okay. Pinapatawad na kita," ngiti ko at agad siyang niyakap.

Lumakas ang iyak niyang natahimik na kanina. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Naramdaman ko na ang basa sa suot kong shirt ngunit wala akong pakialam. May kung anong mainit na bumalot sa puso ko at ang alam ko lang ay masaya ako.

Natulak ko si Lorayne sa gulat nang biglang bumukas ang pinto. Pagkalingon namin ay nandoon ang dalawang lalaki. Nakangiti si Jayden nang malawak sa akin pero si Prince ay mukhang natataeng ewan.

"Tapos na?" sabi ni Jayden.

Tumayo ako at tinulungang tumayo si Lorayne sa lapag. Pinunasan niya ang luha niya habang hinarap ko si Jayden.

"Anong tapos na?" nagtataka kong tanong.

"Kanina pa kami nakikinig," tawa ni Jayden. "Aray!"

Hinampas ko siya sa braso na hinimas niya kaagad.

"Chismoso ka talaga!" Bigla niyang hinatak si Lorayne. "Huy, saan mo dadalhin si Lorayne?"

"Basta. Diyan ka lang," ngiti niya at tuluyan nang hinila si Lorayne palabas ng kwarto.

Tinulak niya si Prince na muntikan nang masubsob sa sahig bago isara ang pinto. Binalingan ko si Prince na hanggang ngayon ay nakatitig sa sahig at wala yatang balak kausapin at tignan ako.

"Ano, tatayo ka lang diyan?" sabi ko.

"Uhm. Kasi, an—"

I sighed. "Alam mo kung mag-so-sorry ka sa akin, diretsuhin mo na."

Inangat niya ang tingin niya sa akin at mataman akong tinignan. Mapungay ang mata niya. Matagal ko nang napatawad si Prince. Matagal na simula noong tinanggap ko na hindi talaga kami para sa isa't isa at simula noon ay nag-umpisa na akong patawarin siya.

"I'm sorry... for everything I've done," umpisa niya. "Alam kong marami akong nagawang kasalanan sa'yo pero sana mapatawad mo pa rin ako."

Tamad akong tumango sa kanya. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko. I chuckled as I shook my head. Lumapit ako sa kanya with open arms and gave him a hug. Nagulat yata siya sa ginawa ko kaya hindi siya nakakilos at nakapagsalita kaagad.

"Forgiven, Prince," bulong ko. "Now, if you won't hug me back I might take back what I just said."

Agad kong naramdaman ang braso niyang bumalot sa braso ko at mahigpit akong niyakap. I closed my eyes.

"Thank you," mahina niyang sabi.

Natahimik kaming dalawa habang yakap ko siya at yakap niya ako. Napadilat ako nang padabog na bumukas ang pinto at naramdaman kong may humihila na sa akin palayo kay Prince pero mas lalong hinigpitan ni Prince ang yakap sa akin.

"Enough with the hug, Princess!" maktol ni Jayden.

Inikot ako ni Prince para mailayo kay Jayden. Sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Jayden habang hinahabol ako paikot na pilit nilalayo ni Prince. Rinig ko ang hagikhik ni Prince sa tenga ko at kita ko ang pigil na tawa ni Lorayne sa pintuan.

"Prince, sasapakin kita!" banta ni Jayden at lalong ngumuso. "Isa!"

Binitawan ako ng Prince at tinaas ang dalawa niyang kamay. Unti-unti siyang naglakad palabas kasama si Lorayne. Nakangiti ko silang tinignan hanggang sa isara nila ang pinto. Nilipat ko ang tingin ko sa nakasimangot na mukha ni Jayden.

"Selos ang bebe?" asar ko.

Kinagat ko ang dila ko para mapigilan ang pagtawa. Umirap siya at iniwasan ako ng tingin. Ngumiti ako at naglakad palapit sa kanya. Pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya at pinagpahinga ang mukha sa dibdib niya. Hindi niya pa rin ako niyayakap.

"Tampururot ang bebe ko," sabi ko.

Tiningala ko siya at tinignan niya ako. Hindi man lang siya ngumingiti kahir na gustung-gusto ko nang tumawa sa sobrang kakornihan ng tawag ko sa kanya.

"Talk to me," nguso ko.

Hinalikan ko ang baba niya pero iniwas niya ang mukha niya. I swayed us a little. Tumalon ang puso ko nang mamahinga na sa likod ko ang isa niyang braso. Pinagmasdan ko ang matangos niyang ilang mula rito.

"May kulangot ka oh," biro ko.

Nilingon niya ako at tinitigan nang masama. Bago pa ako makapagsalita ulit ay inangkin na niya ang labi ko. Napapikit ako kaagad sa marahas niyang paghalik at may kung anong nabuhay muli sa tiyan ko lalo na nang hilahin niya ako nang mas malapit.

Ang isang kamay niya ay hinahaplos ang bewang ko habang ang isa ay nasa mukha ko at mas nilaliman niya pa ang halik. Napadaing ako nang kagatin niya ang labi ko at nakipaglaro ang dila niya sa akin. Para akong kakapusin ng hininga.

He gave me a peck on my lips, then to my cheek, and down to my neck. Hinabol niya ang hininga niya habang tumatama ang malambot niyang labi sa tenga ko. Hindi ko kayang dumilat sa nararamdaman. Tumindig ang balahibo ko nang huminga siya ng malalim at para akong kinikiliti.

"I love you," bulong niya.

Napangiti ako.

"Same."

Napatili ako nang kagatin niya ang tenga ko at pareho na lang kaming natawa. I gave him a peck on his lips and held his face. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang nakapulupot ang braso sa bewang ko.

"I love you, too."

Nagkayayaan na maglaro kami sa playground. Sakto na may mga bata roon at nakipag-habulan kaming apat. Nang mapagod ay pinagdiskitahan namin ang swing habang nagpapahinga. Matapos iyon ay nagkayayaan na magpunta sa malapit na mall para kumain at maglibot.

Kumain kami sa isang fastfood restaurant bago naglibot. Nang makita ko ang store na nagtitinda ng musical instruments ay pumasok ako. Napalingon ako kay Jayden nang hawakan niya ang kamay ko. Nginitian ko siya at naglakad muli. Namataan ko ang isang acoustic guitar na matagal ko nang gustong bilhin.

"Marunong ka bang tumugtog ng gitara?" tanong niya.

"K-Konti," sagot ko. "Tara, alis na tayo."

Naglakad ako paalis pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya at hinigpitan pa lalo ang hawak sa kamay ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin siya roon sa gitara na titignan ko kanina. Nilingon niya ako.

"Bakit hindi mo kunin? Ayaw mo ba?"

"Gusto. Hindi ko dala ang wallet ko, nandon ang credit card." Hinila ko ang kamay niya. "Tara na."

"Sige, una ka na. Saglit lang," sabi niya at binitawan ang kamay ko.

Dumiretso ako kila Lorayne na papunta sa isang clothing store na katapat lang ng tindahan ng mga instruments kaya sumama ako. Natagalan rin ang dalawa sa pagbili at saktong paglabas namin ay paglabas ni Jayden na may sukbit na na case ng gitara.

Nanlaki ang mata ko nang sinalubong niya ako na malawak ang ngiti.

"Anong binili mo?" tanong ko.

"Iyong gitara na tinititigan mo. Ako muna ang magdadala. Ihahatid kita sa inyo."

Nalukot ang mukha ko at napahawak sa dibdib kong sumasakit sa paglaki. Natawa siya sa reaksyon ko at hinalikan ang noo ko. I kissed his cheek and held his hand.

"Thank you."

"No problem," ngiti niya.

Gamit namin ang kotse ni Prince papunta rito kaya sa pag-uwi ay sakay niya kaming tatlo. Kaming dalawa ni Jayden ang nasa back seat habang sa passenger seat si Lorayne. Alas otso na ng gabi.

Nasa byahe kami nang may nakaagaw ng atensyon ko.

"What's that?" turo ko.

Nilingon ako ni Lorayne at sinundan ang tinuturo ko. Tinapik ko ang balikat ni Prince para ipahinto ang sasakyan sa tabi. Tinuro ko ulit.

"There."

"Ahh. Restobar! Balita ko nga magaganda raw boses ng kumakanta diyan, e," sagot ni Lorayne. "Kilala iyan dahil sa mga singer sa loob."

"Mga sikat na singer?"

Umiling siya. "Hindi. Pero magagaling."

"Punta tayo, please!"

Una kong nilingon si Jayden na kanina pa pala ako pinagmamasdan. Sa nakangiti niyang mukha ay alam kong payag na siya. Nilingon ko si Lorayne na tumango at si Prince na nakalabas na ng kotse.

Parang biglaang naglaho iyong saya na naramdaman ko buong araw dahil pagpasok namin ay wala ang naka-schedule na kakanta para sa gabing ito. Nagpaalam ako sa kanila at iniwan muna sila sa table para kausapin ang manager.

Pagbalik ko ay para akong nabuhayan ng loob kaya hindi ko mapigilan ang pagngiti na kahit sila ay nawirduhan na sa akin. Lumilipad ang isip ko sa byahe habang nakasandal sa balikat ni Jayden.

"Princess," tawag ni Lorayne.

"Hmm?"

Nilingon niya ako at tumingin rin kay Jayden na nasa tabi ko at saka biglang ngumiti nang nakakaloko.

"Did you do it already?"

Narinig ko ang halakhak ni Prince. Humigpit ang hawak ni Jayden sa kamay ko at napangisi na lang ako. Sinabayan ni Lorayne ang tawa ni Prince.

"Ayan kasi, o," turo niya sa bandang may leeg ko. "May kumagat yata sa'yo kagabi. Grabe naman makasipsip."

Humagalpak siya ng tawa at nakipag-high five kay Prince na umaalingawngaw rin ang tawa. Hinawakan ko ang leeg ko at hindi napigilan ang pagtawa. Si Jayden ang napikon kaya binato niya ng unan si Lorayne at binatukan si Prince.

"Mga gago!"

Mas lalo kaming natawa.

Hinatid nila ako sa bahay pero bumaba rin si Jayden sa kotse. Nagpaalam ako sa kanila at lumabas ng kotse. Tinignan ko si Jayden na pinagbuksan ako ng pinto.

"Can I sleep here?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Okay... nevermind."

Hinawakan ko ang braso niya at ngumiti. Unti-unting lumawak ang ngiti niya at binuksan ang pinto ng kotse para magpaalam na rito siya matutulog sa bahay.

Pagpasok namin ng bahay at paakyat na ng hagdanan ay nakasalubong namin si John at Jack. Kinabahan ako sa seryoso nilang expression.

"Jayden?" sabay nilang sabi.

"Magandang gab—"

Napatili ako nang bigla siyang sinuntok ni Jack kaya't napaatras si Jayden. Pinigilan ni John si Jack pero alam kong nagtitimpi lang din siya sa pagsuntok kay Jayden. Agad akong lumapit kay Jayden.

"Shit!" sabi ko at sinuri ang mukha niya sa kung ano mang sugat.

"Ang kapal ng mukha mong magpunta rito, Jayden!" sigaw ni Jack. "Matapos mong saktan si Princess, ha?!"

Tumayo ako para hawakan ang magkabilang braso ni Jack. Galit na galit siya at ang ugat niya sa braso ay buhay na buhay. Namumula siya sa galit at ang mga mata niya ay nanlilisik.

"Jack, look at me," sabi ko dahil kay Jayden pa rin siya nakatingin.

Tinignan niya ako at unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.

"Tama na. Ayos na kami. Please," sabi ko.

Unti-unti ring binitawan ni John si Jack. Huminga nang malalim si Jack at hinagod ang buhok. Hindi niya ako matignan.

"Sorry, pre," sabi ni John. "Nangako kasi kami ni Jack na kapag may nanakit kay Princess ay bubugbugin namin." Tinignan ako ni John. "Alam mo namang para ka na naming kapatid, Princess."

Tinulungan nilang tumayo si Jayden. Tinapik nila ang balikat nito at may binulong bago umalis papuntang kusina. Lumapit siya sa akin habang minamasahe ang panga. Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami papasok sa kwarto niya noon—sa guest room.

"Ang sakit ng panga ko," inda niya.

"Kasalanan mo 'yan. Sinaktan mo ko eh," ngisi ko. Hinintay ko siyang makaupo sa kama bago ko binuksan ang lampshade. "Doon na ako sa kwarto ko—AHH!"

Hinila niya ang bewang ko pabagsak sa kama. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at kinulong sa binti at braso niya. Kumikiliti sa batok ko ang hininga niya.

"Tulog na tayo, mahal ko," bulong niya.

Nilingon ko ang orasan sa dingding at alas nueve na ng gabi. Kailangan ko pang umalis mamaya. Pumikit ako ng ilang minuto nang marinig ko na ang mahina niyang paghilik. Nilingon ko siya at hinalikan pero hindi siya gumalaw.

Tulog na.

Dahan-dahan kong tinanggal ang binti at braso niyang nakapulupot sa akin at umalis ng kwarto. Tinakpan ko ng band aid ang hickey sa leeg ko na hindi ko napansin kanina noong umalis kami ng resort.

Tulog na ang lahat at patay na ang ilaw nang lumabas ako ng bahay. Pumara ako ng taxi. Habang nasa byahe ako ang dumadagundong ang dibdib ko sa kaba at excitement.

Alas onse na nang makabalik ako ng bahay. Walang nagising sa pagpasok ko ng gate at ng bahay. Nang paakyat na ako ng hagdan ay muntikan na akong malaglag sa gulat nang may magsalita.

"Saan ka galing, babae?"

Binuksan niya ang ilaw sa taas banda kaya't nakita ko ang itsura niyang seryoso ang tingin sa akin kahit mukhang kagigising lang niya. Nasa dulo siya sa taas ng hagdanan at mukhang pababa. Napalunok ako at hindi makasagot.

"Anong oras na?"

"E-Eleven o'clock."

Sumimangot siya lalo. "Uwi ba 'yan ng matinong babae."

I cocked my head, "Never said I was a good one."

Hindi siya kumibo sa sinabi ko at napapikit ako nang mariin nang mapagtantong mali ang sinabi ko. I was so used to talk back. Ganito ako dati kapag pinagsasabihan ako ni Mama. Parati akong may dahilan, parati akong may sagot.

"Saan ka ba galing?" may bahid ng pag-aalala niyang tanong.

Tinaas ko ang bitbit kong tub ng ice cream.

"Bumili nito."

"Bumili ka lang niyan kailangan nakapang-alis pa?" nagtataka niyang tanong.

"Anong ba dapat?"

Umiling siya at tinalikuran ako. Agad akong kinain ako ng gulit. Ugh! Iyong pagka-bitch ko ay lumalabas. Huminga ako nang malalim at nagsalita.

"Look, I'm sorry. I was craving for ice cream. Dumaan rin ako sa plaza at tumambay muna kasi hindi ako makatulog," sabi ko sa kanya.

Huminto siya para pakinggan ako pero tinuloy niya ang paglalakad papunta sa kwarto niya. Pagkasara niya ng pinto bigla na lang akong naasar.

"UGH!"

Padabog akong pumutna ng kusina at hinagis ang tub ng ice cream sa counter top. I kept on murmuring naiinis ako. Nakatingin lang ako ng masama sa dingding ng kusina habang nilalantakan ang ice cream.

Maya-maya ay na-realized ko ang ginagawa ko. Nanlalaki ang mata kong tinignan ang isang galon ng ice cream na nakalahati ko na. Hindi ko napansin na nakalahati ko na siya sa sobrang inis ko at sa sobrang dami ng iniisip ko. Kinakabahan akong tumayo ay binitiwan ang kutsara. Tumakbo ako papunta sa ref at uminom ng maraming maraming tubig.

Natatakot akong magsalita. Ayokong marinig ang boses ko. Umubo ako.

"H-hi," sabi ko.

Namuo ang luha ko nang marinig ko ang sarili kong boses. Shit! Paos na ako! Wala akong boses. Naluluha akong tumakbo paakyat sa kwarto ko. Nakita ko si Jayden na pababa ng hagdan pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Padarag akong humiga sa kama ko at nagtalukbong.

Wala akong boses. Wala na. Tumulo ang luha ko.

Nagulat ako nang nay naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod.

"Uy, sorry na. Bati na tayo. 'Wag ka nang umiyak," sabi niya.

Hindi ako kumibo. Ayokong magsalita dahil ayokong marinig ang boses kong nawawala na. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin.

"Ikaw lang ba kumain noong ice cream sa baba? Bakit ang dami mong kinain? Paano kapag sumakit iyang lalamunan mo?"

Napasinghot ako sa sinabi niya. Nataranta siya kaya bigla siyang lumayo sa akin at tinanggal ang kumot sa mukha ko. Hinawakan niya ang dalawang braso ko para hinarap ako sa kanya.

"Sorry na, please. Bati na tayo. Nag-alala lang naman kasi ako sa'yo eh. Natakot lang ako."

Niyakap niya ako pero hindi pa rin ako nagsasalita.

"Magsalita ka naman oh."

Umubo ako bago magsalita.

"Ayos lang ako," napangiwi ako sa boses ko. "Uhm. Bati... bati na tayo. Matulog ka na."

Muling namuo ang luha ko nang marinig ko ang sarili kong boses. Paos talaga ako. Nagulat ako nang pinunasan ni Jayden ang luha ko.

"Okay ba 'yan? Umiiyak ka eh. Bakit?"

Umiwas ako ng tingin.

"I need my voice and I lost it," naluluha kong sabi.

Tumalikod ako sa kanya at pumikit na para matulog. Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ulit ako sa kanya. Naramdaman ko nalang ang mainit niyang yakap. Dumilat ako at nakita kong nakasubsob ako sa dibdib niya. Pumikit ako ulit at naramdaman kong sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"Good night, Princess. 'Wag ka nang umiyak. Natakot lang ako kanina dahil baka may mangyaring masama sa'yo at hindi ko 'yun matatanggap." Huminga siya nang malalim. "Good night, mahal."

"Good night. Love you," bulong ko.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. Hinding-hindi ako mabibingi. Hindi ako magsasawa na pakinggan ang tibok ng puso niya na alam kong para sa akin lang.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

218K 4.6K 67
Maaari ba natin diktahan ang puso natin kung sino ang dapat natin mahalin? Paano kung sa maling tao ito tumibok? Ipaglalaban mo ba ang nararamdaman m...
53.4K 779 59
He chase her. He wants her, He chase the fire, and when he got her, He left. ©Girlgotseven.
358K 7.3K 46
"Dont fall for me Eliana. Coz i cant love you back."- THEO ALEXIS FEREZ
366K 5.7K 29
"For him, I can take every pain. Even if it hurts me to death." ~~Evangeline Penelope Marquez-Adams "I'm sorry for hurting her that much. I'm willing...