Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

704K 19.7K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
Author's note..
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

21

11.3K 360 14
By reina_khaleesi

Deireen

Tatlong araw matapos ang nangyari, andito ako ngayon sa harap ng telepono, nag-aalangan sa gagawin. Calling Skye seems to be the hardest part of my life. Second to letting Ruzz go.

Sa loob ng tatlong araw na iyon, palagi kong sinasabi sa sarili ko na kinabukasan ko na lang sasabihin sa bestfriend ko ang katotohanan. Pero ngayon, tapos na ang pagpapaliban.

Wala nang oras. 

Last day ko na bukas sa trabaho and last day na din na ibinigay sa akin ni mommy na palugit.

The day after tomorrow, I don't know where I will be. Truth be told, I don't care. At all.

Kahit saang lupalop na ako dalhin ni mommy, it doesn't matter. I will still be waiting for my sweet last breath.

Although I really want to call Zed to support me, I am always reminded of that time when Ruzzia said that I am not to let guys enter my place.

Ewan ko ba, halos palang, sundin ko na lahat ng sinasabi niya sa akin.

Ang buong akala ko, babalik siya sa dati pagkatapos ko siyang sigawan sa suite niya. I thought he would stop his weird antics pero hindi. That same day, dinalhan niya ko ng pagkain sa unit ko. The next day, hindi niya man lang ako binigyan ng trabaho dahil daw da sugat ko sa kamay. The third day, kanina lang, he even went out of the way para bilhan ako ng malaki --- as in life sized --- panda stuff toy. Siya ang nagdala ng kape sa office, siya ang nagbitbit ng bag ko nung pauwi na ako sa condo, at ang nanlibre ng pagkain kasi ayaw niyang umalis ako sa office at makipagkwentuhan kay baby Kier.

Kahit nung pauwi na ako, I know he was trying to stay covered, nakipagpalit pa siya ng kotse kay Rio but I know that he was tailing my car until I was safely home.

Kulang na lang sabihin niya sa akin na manliligaw siya e. Kaya lang, everytime I rounded on him to ask if he loves me, he would just look at me and wouldn't say a word.

So the pattern went on and on.

Hindi na namin na-open ang tungkol sa pag-alis ko. Siguro ang akala niya ay hindi na ako aalis pero I know its already written in the stars. It was destiny that provided the chance for me to stop chasing.

So far, this is where our connection will end. Pag patay na ako, makakahanap si Ruzz ng isang taong magmamahal sa kanya ng lubos, na mamahalin niya din at ako, well... Siguro nakatingin lang ako sa langit at sinusubukang pasayahin ang sarili ko habang tinitingnan ang taong mahal ko na maging masaya din.

How sweet life is.

Napabuga ako ng hangin.

Well, this is it. Once Skye knows what's going on, everything will be set into order.  Makakaalis na ako na malinis ang konsensiya.

Akmang huhugutin ko na ang telepono sa cradle ng biglang mag-ring iyon. Nangunot ang noo ko sa pagtataka kung sino ang tatawag sa ganitong dis-oras ng gabi.

Ang totoo, pinili ko talagang oras ng pagtawag iyong alam kong tulog na si Skye kasi mas onti ang posibilidad na masasagot niya. Tapos sasabihin ko na naman sa sarili ko na, at least I tried, and then I'll try tomorrow.

But whoever's calling is really persistent. As in persistent. In the end, I took the phone and answered it.

"Yes, hello?" nag-aalangan kong tanong.

"Dee.. Come out."

Napasinghap ako ng marinig ang boses na iyon. It was Ruzz but something is different.

Is that a twinge of excitement in his voice? I don't freaking know.

"Ruzz? What---?"

"Just come out please. We are freezing here."

"We?"

"Just come out, you bitch. Alam mo bang malamig dito sa labas at maraming lamok? Sinisira mo ang kutis ko." tugon naman ng boses ng isang babae.

Si Skye?

What the hell?

Isang madramang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ruzzia na narinig ko sa telepono.

"Akala ko ba surprise?" natatawa nitong tanong.

"Hmp. Pag ikaw lang, hindi ka niyan pagbubuksan." tugon naman nung isa.

Nagtatakang tinitigan ko ang telepono but they were still talking so I put it right back next to my ear.

"Skye? Is that Sk-- oh my god!" tili ko.

Hindi ko alam kung natatakot ba ako, naeexcite or nababaliw. Pinaghalo-halong emosyon ang umiiral sa puso ko ngayon knowing that the girl that I would say those sad parting words will be right in my face.

Hinayaan ko na ang telepono na bumagsak saka ko tinakbo ang nalalabing lugar sa pagitan ng pinto at ng sala.

They were truly in front of my door. The man I love and the woman I cherish. Ang dalawa sa mga taong mahalaga sa buhay ko ay magkasama ngayon at kahit hindi ko alam ang sadya nila, I am still thankful to God for this mercy.

Mukhang bawing bawi naman ako sa kabila ng nangyari sa akin.

At least ngayon, sunod-sunod na kaligayahan ang nararamdaman ko all week.

This week is like the best I've ever had. Bittersweet kasi. Because here, I found my greatest joy and my greatest sorrow wrapped in one package.

Skye giggled as she looked at me, at alam ko kung bakit. Suot ko pa kasi yung tshirt ni Ruzz na ninakaw ko one time. One of my favorite sleeping clothes. Fortunately, wala siyang komento tungkol doon. Baka nga limot niya na ang tshirt na to e.

"Hi.. Come on in." saad ko ng makabawi sa pagkabigla.

Naunang pumasok si Ruzzia habang kami naman ni Skye ay nanatiling nakatitig lang sa isa't isa. And then, with one accord, we started hugging and laughing and then crying on each others shoulders.

Nauna akong umiyak kaya sumunod naman siya.

Pagkatapos nun ay sumunod na din naman kami sa loob.

"What are you guys doing here?" tanong ko matapos makapagdala ng refreshment sa center table.

Pinatay ko muna ang TV na kausap ko sa bahay kapag masyadong tahimik saka humarap sa kanila.

Ngumiti si Ruzz sabay tingin kay Skye at ganun din ang ginawa ng isa.

Biglang may gumuhit na kakaibang damdamin sa puso ko.

They look like a fucking couple with those loaded looks na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila that for a moment, a monstrous cloud of jealousy overshadowed my joy.

Parang dinaganan ang puso ko dahil sa naramdaman kaya pinilit kong kumalma.

He can't be having a relationship with my bestfriend, can he? I mean, he just kissed me three days ago for Christ's sake. Hindi niya naman siguro ugali na mamangka sa dalawang ilog Dee!

But then, I realized that he's a playboy for a reason.

Nakakunot ang noo ko habang tumitingin sa kanilang dalawa..

"Just what is the meaning of this?" nag-aalala kong turan.

And if they are here to tell you that they are asking for your blessing for them to be happy, what will you do?

Yeah, what will I do? Kaya ko ba? Lulubusin ko na ba ang pagkamartyr ko? As in, sasabihin ko ba na maging masaya sana kayo?

But damn it, Ruzzi can have the girl that he wants pero sana naman kapag malamig na ang bangkay ko ano. Yung tipong hindi na ako masasaktan!

"Dee.." panimula ni Skye sabay hawak sa kamay ko.

Lalo akong kinabahan. Hindi siya ganito, hindi siya nagpapaligoy-ligoy. Skye is straight forward and knowing that she is hesitating is enough to rise my scruples.

I looked at Ruzz and saw that he too was looking at me. Nakikita niya siguro ang pagkabalisa at ang kaguluhan sa aking mga mata.

"Come on Ky, pinapakaba mo si Dee. Just say it." saad niya pagdaka ng mabali ang tinginan namin.

"Deireen, I am pregnant!" she suddenly blurted out at halos tumalon siya sa sobrang excitement sa sinabi.

Ruzz laughed out loud too but I am still in the air.

As in, hindi ako natutuwa. I was processing the news and deep inside, I know I have to be happy. But I just can't.

How could they?

Itinuro ko si Ruzzia gamit ang nanginginig na mga kamay and fairly accused him. "You... How could you!" singhal ko.

Natigil sila sa katuwaan at saka lang nila napansin na ang pagkabigla ko ay hindi dahil sa excitement para sa bestfriend ko. I am throughly fucking jealous.

To the core.

"Dee.. Oy makinig ka nga! Hindi siya ang ama, yuck lang!" biglang singit ni Skye sa labanan namin ng tingin ni Ruzz.

Dimly, I was aware that what she said was true. Hanggang sa dumating yung point na narecognize ng utak ko kung anong ibig sabihin ng kaibigan ko.

"H-hindi s-siya ang ama?" bulong ko sa kawalan.

"Hindi, ano ka ba! Mag-isip ka nga!" naasar na saad ni Skye. "Paano magiging ama yan e, andito yan sa Manila. Isa pa, hindi ako mang-aagaw. Isa pa, ayoko ko sa pakipot na bopols na manhid."

"Hoy hindi naman.." pagsisimula ko.

And yes, I was about to defend him. It was our habit. Skye criticizing Ruzz and then me, trying to defend him.

Nahihiyang binalingan ko siya ng tingin.

"I'm... I'm so sorry." hinging paumanhin ko sa kanya.

Ni hindi ko makuha na tumingin sa mga mata niya dahil sa nangyari kaya hindi ko rin alam kung anong nasa isip niya or kung ano ang reaksyon niya sa ginawa ko.

"Tss.. Hanggang ngayon selosa. Para namang merong sila." pang-aalaska pa nung bruha kong kaibigan. Pagkasabi ay bumunghalit siya ng tawa.

Naiiling na nilakasan ko ang loob at tiningnan si Ruzz at laking gulat ko nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi niya tinatanggal ang pagkakatitig niya kaya namumula ang mukhang ibinaba ko ang tingin sa aking magkadaop na mga palad.

"Hay naku, kung hindi pa ako nagpunta dito, wala pa akong makukuhang balita mula sayo. Ilang linggo ka nang tahimik ah? May problema ka ba?" kausap sa akin ni Skye. 

That should have been my cue.

Dapat pagkasabi niya nun magsasalita na ako kaso andito sa harap namin si Ruzz. I can't blurt out my dilemma.

"W-wala no.. Masaya nga e." saad ko.

Biglang tumunghay si Skye mula sa paghahalungkat ng bag niya pagkatapos ay mataman akong tiningnan. Nang hindi pa siya nakontento ay binalingan din si Ruzz.

"Something is going on here. I feel it. Ikaw, ano na namang ginawa mo sa kaibigan ko?" bunton niya sa kasama namin.

Hindi na naman umimik si Ruzzia kaya ako ang sumalo sa pagpapaliwanag.

"Hoy, wala siyang ginawa---" pagsisimula ko.

"Ah. Kaya pala mukha kang malungkot. Hanggang ngayon, wala pa ring progress?"

Mapait na tawa ang pinakawalan ko. Saka umiling.

"Okay lang. Tanggap ko na."

"Will you please stop talking about me like I'm not here?" iyon ang unang pagkakataon na nagsalita si Ruzz matapos ang pang-aakusa ko kanina.

For some reason, hearing him talk is like a balm to my soul. Hindi ko alam na na-guilty pala ako, maliban sa napahiya.

"We are not talking about you.." mataray na saad ni Skye. "We are talking about her feelings. Meron kasi kaming pustahan na bago matapos ang buwang ito, wala na siyang feelings sayo." tumaas ang kilay ni Skye nang bumuka ang bibig ko para sabihin na hindi iyon totoo.

I promptly closed my mouth and waited for the reply.

It was instantaneous.

"Ano?" tiim-bagang na tanong ni Ruzz. Bumaling siya sa akin gamit ang nag-aapoy na mga mata. "Was that the reason why you are resigning? Kasi wala ka nang feelings?"

Ang malagom na boses niya na umalingawngaw sa apat na sulok ng unit ay parang kulog dahil habang nagtatapos ang kanyang pagsasalita ay lalong lumalakas iyon.

"Huh!? Magreresign ka Dee? Di mo man lang sinabi?" this time, it was Skye's turn to look confused.

Lumipat ang tingin ko mula kay Ruzz patungo sa kaibigan ko.

"Ahhh.. Uhmm. Skye, come with me." saad ko habang hinihila siya patayo.

"Bakit? Anong problema." tanong niya nung papunta na kami sa kwarto.

Hindi ko siya sinagot, sa halip at tumigil ako saka binalingan si Ruzzia na noon ay sinusundan kami ng tingin.

"Ruzz, you can go..."

Iyon lang at iniwan na namin siyang mag-isa habang ang puso ko ay lalong bumibilis ang tibok dahil sa gagawing komprontasyon namin ni Skye.

----

A/N: nasanay ako na maraming comment na binabasa. Hahaha.

Anyway, salamat pa rin po sa lahat. 😍😍😍

Continue Reading

You'll Also Like

41.7K 665 48
RATED SPG / R18+ Finn Crio D. Elarde, the badass vocalist of his band and smartass investor among the Executive group on the top of the Boards of Loh...
745K 19.8K 44
FOR ADULT READERS ONLY. (Gabriel Montero's Story) "I needed fixing, only I wasn't prepared of my own fix..." --Sofia Fernandez I do not own the pho...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
969K 28.3K 52
Liliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarshi...