Aswang Hunter | New Blood

By mananambal

243K 12.3K 1K

"Anak, hanapin mo ang Manunugis at ibigay ito," inabot ng matandang lalaki ang isang maliit na lukbutan kay P... More

Chapter 1 - Aswang Hunter
Chapter 2 - Mother's Day
Sipi mula sa Librong Spirit 101
Chapter 3 - Ang Lukbutan
Chapter 4 - Ang Suspect
Chapter 5 - Ang Kaibigan
Special Chapter - Chapter 0
Chapter 6 - Mahabang Gabi | Part 1
Chapter 7 - Mahabang Gabi | Part 2
Chapter 8 - Mahabang Gabi | Part 3
Chapter 9 - Mga Kasagutan
Chapter 10 - Bagong Sandata
Chapter 11 - Sibat ng Katarungan
Chapter 12 - Philo at Sophia
Chapter 13 - Unang Pagsubok
Chapter 14 - The King
Chapter 15 - Si Adam, Ang Unang Aswang
Chapter 16 - Ang Pangako
Chapter 17 - Command Room
Chapter 18 - Retreat
Chapter 19 - Sino ang Sinungaling?
Chapter 20 - Ang Lalaking Nakabarong
Chapter 21 - Ang Mahiwagang Boses
Chapter 22 - Hawak Kamay
Chapter 23 - Ang Hardin at ang Diwata
Chapter 24 - Madaling Kausap
Chapter 25 - Huli Ka
Chapter 26 - Sapul
Chapter 27 - Book Lover
Chapter 28 - Goodbye
Chapter 29 - Bagong Kalaban?
Chapter 30 - Aswang Army
Chapter 31 - Ang Mangkukulam
Chapter 32 - Sorry
Chapter 33 - Sensitibo
Chapter 34 - Follow me
Chapter 35 - Litanya ng Dilim
Chapter 36 - Bagong Lakbay
Chapter 37 - Bahay ng Ahas
Chapter 38 - Ang Templo
Chapter 40 - Tensyon sa Isla
Chapter 41 - Tubig at Paniki
Chapter 42 - Apoy at Tubig
Chapter 43 - Walang Forever
Chapter 44 - Hardening
Chapter 45 - Vishaya
Chapter 46 - Alien?
Chapter 47 - Usok
Chapter 48 - Reunion
Chapter 49 - Heneral
Chapter 50 - Unexpected
Chapter 51 - New Team
Chapter 52 - True Nature
Chapter 53 - Simula ng Wakas
Chapter 54 - Determinado
Chapter 55 - Preparation
Chapter 56 - Yakap
Chapter 57 - Ang Singsing
(Isa pang) Sipi mula sa Librong Spirit 101
Chapter 58 - The Spy
Chapter 59 - Progress
Chapter 60 - Versus!
Chapter 61 - Surrounded
Chapter 62 - Emergency
Chapter 63 - Locked and Loaded
Chapter 64 - Ang Pagbalik
Chapter 65 - Again
Chapter 66 - Sacrifice
Chapter 67 - Pag-aalay
Chapter 68 - Darkness
Chapter 69 - Darkness II
Chapter 70 - Huling Habilin
Chapter 71 - Hope
Chapter 72 - Trio
Chapter 73 - Engagement
Chapter 74 - Penetration
Chapter 75 - Death!
Chapter 76 - Reinforcements
Chapter 77 - Ang Tore
Chapter 78 - Killing Room
Chapter 79 - Kill Them All
Chapter 80 - Ang Mahabang Pasilyo
Chapter 81 - Sectus
Chapter 82 - An Old Enemy
Chapter 83 - Laban sa Dilim
Chapter 84 - Ang Propesiya
Chapter 85 - I love you too
Chapter 86 - My Fight
Chapter 87 - Ang Dasal ng Hunter
Chapter 88 - Traitor
Chapter 89 - Demonyo
Chapter 90 - Civil War
Chapter 91 - Ako Naman!
Chapter 92 - Sorry Lola
Chapter 93 - Enter
Chapter 94 - The Future
Chapter 95 - Secret Weapon
Chapter 96 - Para sa Katarungan
Chapter 97 - Its Over
Chapter 98 - It's not over yet!
Chapter 99 - Possession
Chapter 100 - Ang Dakilang Manunugis
Chapter 101 - The Fall
Chapter 102 - The Promise
Epilogue
Non-Chapters & Special Chapters
Character Profile: Pepe
Character Profile: Lola Armina

Chapter 39 - Ang Paghahanap

2.4K 161 28
By mananambal



Lumubog na ang araw. Binuksan ni John ang lampara na nakasabit sa bubong ng bangka at bumalik sa unahan. Medyo malaki ang bangka, kasya dito ang sampung tao at mukhang ginagamit ito para sa mga turista. Nakaupo ang dalawa sa magkabilang dulo ng bangka at parehas na nag-iisip.

"Kung ako ang magtatago, siyempre doon sa hindi obvious," isip ni Pepe habang isa-isang tinitignan ang mga isla sa mapa. "Alin ba dito ang obvious? Eh di yung mga maliliit at hindi tourist spot," sagot niya sa kanyang tanong.

"Pero parang andali naman noon. Lahat siguro nang mga naghahanap ay uunahin yung hindi obvious na lugar. Ibig sabihin, mas okay na magtago sa maraming tao. Kung baga, nasa harap mo na pero hindi mo pa makita. Tama! Mas okay siguro na unahin namin yung mga tourist spot." isip ni Pepe.

"Ito na," sabi ni John matapos itaas ng kanang kamay malapit sa tenga, "sabi sa isang blog na nasearch ko sa Giggle ay yung Century Island daw ang maraming ahas. Doon tayo magsimula," dagdag niya sabay tago ng kanyang smartphone.

"Okay. sige," sabi ni Pepe sabay kuha ng sagwan sa gilid ng bangka.

"Oh? May motor naman oh," sabi ni John kay Pepe. "Hindi ako marunong magpagana niyan," sabi ni Pepe. Tumayo si John at lumapit sa motor ng bangka sa likod ni Pepe. "Marunong ka magoperate nito?" tanong ni Pepe.

"Oo," sagot ni John habang tinitignan ang makina. "Di nga?" sagot ni Pepe. "Hay nako," sabi ni John sabay hila sa isang tali mula sa makina. Tumunog ang motor subalit namatay agad. Hinila ulit ni John ang tali at tuluyan nang umandar ang motor.

"Ayos! Biruin mo?" sabi ni Pepe. "Ano?" sigaw ni John dahil sa ingay ng makina. Inulit ni Pepe ang sinabi at ngumiti naman si John. Binuksan niya ulit ang kanyang smartphone upang tignan ang direksyon na kanilang tatahakin.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na marunong ka magoperate nito! Astig ka!" sabi ni Pepe nang makita niya kung paano imaneobra ni John ang bangka. "Ako pa ang astig ha? Hindi ba dapat ako nagsasabi niyan?" sabi ni John. "Ha?" sagot ni Pepe. Napangiti si John habang nakatingin kay Pepe, "Pansin kong kanina ka pa umiiwas sa ilang mga tanong ko. Pero okay lang naman. Kung hindi ka pa handa sabihin sakin ang ibang bagay tungkol sayo eh, irerespeto ko iyon."

Napangiti din naman si Pepe, "Maraming salamat," sagot niya.

"Doon tayo!" sabi ni John habang tinuturo ang isang malaking isla sa harap nila. "Buti na lang hindi malayo. Six thirty na e," sabi ni Pepe. "15 minutes siguro nandoon na tayo," sabi ni John.

"Paano ka pala natuto mag-operate ng ganito?" tanong ni Pepe. "Ahh, mangigisda ang lolo ko sa Quezon province. Noong bata pa ako at mababa pa ang posisyon ni daddy ay sumasama kami kay Lolo mangisda sa gabi pag bakasyon ko. Doon din ako nag elementary," kwento ni John.

"Parehas pala tayo. Ako din sa probinsiya nag-elementary," sabi ni Pepe.

"Kaya siguro magkasundo tayo," sabi ni John.

Dumating ang dalawa sa Century Island at agad na tinignan ni Pepe ang paligid, "Kaunti lang ang tao, okay ito." isip niya. Tinanggal niya ang kanyang sapatos at bumaba ng bangka, "huuu, lamig!" sabi niya nang maramdaman ang tubig ng dagat na yumayakap sa pampang.

"Saan ka pupunta?" tanong ni John.

"Maghahanap ng ahas," bulong ni Pepe. "Anong gagawin mo pagnakahanap ka?" tanong ulit ni John. Nagsalubong ang kilay ni Pepe dahil hindi pa niya ito napagisipan. Si John naman ay napahawak sa sariling baba upang mag-isip din. Lumapit si Pepe kay John mula sa unahan ng bangka, "Ang inaasahan ko kasi ay baka makakita ulit tayo ng templo na kagaya noong kanina at baka doon natin sila makikita or malapit lang doon."

"Sige, okay. Ingat!" sabi ni John. "Hindi ka sasama?" tanong ni Pepe at umiling naman si John. "K!" sabi ni Pepe.

Tumakbo agad siya at nilibot ang gilid ng isla. Pumunta din siya sa magubat na parte subalit wala siyang nakita na ahas. "Akala ko ba maraming ahas dito? Bakit wala?" isip niya. Patuloy pa siyang nag-ikot pero wala siyang nakita.

"Walang ahas John," sabi ni Pepe pagbalik sa kanilang bangka.

"Ang alam ko, active ang mga ahas sa gabi. Sa gabi kasi sila kumakain," sabi ni John, "Marunong ka ba maghanap ng ahas?"

"Hindi, pero di ba sa mga sulok-sulok lang naman nagtatago yung mga iyon." sabi ni Pepe.

"Oo, pero hindi ako sigurado sa lahat ng uri ng ahas," sabi ni John.

"Tsk! Paano na kaya ito?" Isip ni Pepe, "Anong oras na?" tanong niya. "7:00 PM na," sagot ni John. "Naku magtetext muna ako kay Inay!" sabi ni Pepe. Nagpaalam siya na mag-oovernight kina John at sumagot naman agad ang kanyang nanay at pinayagan siya.

"Bait ng nanay mo ah!" sabi ni John. "Lagi kasi ako nagpapaalam atska masunurin ako. So, ginagalang din ako ni Inay." sabi ni Pepe.

"Saan tayong isla sunod na maghahanap?" tanong ni john. "Itong Monkey Island kaya? Malapit lang," sabi ni Pepe. "Sige," sabi ni John. Pumunta ang dalawa sa Monkey Island at katulad ng ginawa ni Pepe kanina ay umikot din siya sa isla subalit walang ahas na nakita.

"Bakit ganun?" isip niya habang nasa gitna ng gubat, "Imposible naman yata na wlang ahas. Paano ko kaya masisiguro na walang ahas dito?"

"Ano bang dala ko sa Ubelt ko?" tanong niya.

Pagkasabi niya nito ay isang itim na parang cardbard ang sumulpot sa kanyang harapan. Sampung dikit dikit na parisukat ang makikita dito at sa ilang parisukat ay makikita ang maliliit na bersyon na kanyang backpack, dalawang libro at isang kumpol ng itim na buhangin. "Ah? Parang Item Screen ito ah!" sabi ni Pepe. "Ito, Dignum Dust siguro ito pero hindi naman ako naglagay nito ah."

"Pwede ko kayang utusan itong Dignum Dust maghanap ng ahas?" isip ni Pepe. "Ubelt, Dignum Dust," sabi niya.

Lumabas ang Dignum Dust at nalaglag sa lupa. Umupo si Pepe malapit dito, "Maghanap kayo ng ahas at ituro ito sa akin!" sabi ni Pepe subalit walang nangyari. Sinubukan niya ang ilan pang utos subalit nanatili lamang sa lupa ito. "Tsk!" dinikit ni Pepe ang daliri sa Dignum Dust, "Dignum Dust, Ubelt," sabi niya.

"Ano pa kaya ang pwede kong gawin? Ubelt patingin ng laman mo," sabi ni Pepe at lumabas ulit ang itim na board sa kanyang harapan. Habang tinitignan ang laman ng kanyang bag ay nakita niya ang Spirit 101 na libro. Inilabas niya ito at binuklat.

"Ang bawat nilalang ay may espiritu..."

"Okay. Alam ko na yan," isip ni Pepe habang tinitignan ang mga pahina.

"Sa pamamagitan ng pagsasanay sa mata at mata ng isip ay maaring makita ng tao ang espiritwal na enerhiya na bumabalot sa sariling katawan pati ang espiritwal na enerhiya ng bawat nilalang sa paligid..."

"Ito ang kailangain ko!" sabi ni Pepe.

Ang pagsasanay sa mata at mata ng isip.

1. Pumunta sa isang tahimik at hindi magulo na lugar.

2. Ipikit ang mata at huminga ng maayos gamit ang ilong.

3. Linisin ang isipan. Alisin ang mga magugulong bagay na gumugulo sa sarili.

4. Ituon ang pag-iisip sa sariling espiritwal na enerhiya na bumabalot sa sariling katawan.

**Magisisimula itong makita bilang manipis na linya ng ilaw na bumabalot sa katawan at lalawak hanggang ilang pulgada depende sa tao.

5. Kapag lumitaw na ang sariling spiritwal na enerhiya ay isa-isa nang susulpot sa paligid ang bawat nilalang na may espiritwal na enerhiya. Sa puntong ito ay maari nang imulat ang mga mata.

Tinago agad ni Pepe ang libro at sinunod ang nakasulat. "Tagumpay!" isip niya dahil nakita niya ang kanyang sariling espiritwal na enerhiya at ang espiritwal na enerhiya ng insekto, ibon at iba pang hayop sa paligid. Nilibot ulit niya ang isla gamit ang natutunan na kakayahan. "Pero wala pa ding ahas!" isip niya.

"Hoy! Tagal mo ah! Kulang-kulang isang oras ka nawala!" sabi ni John na mukhang nag-alala. "Ganoon ako katagal? Kala ko 15 minutes lang eh," sabi ni Pepe, "Balik tayo sa Century Island, John. May kailangan lang akong gawin." Pinaandar ni John ang makina, "Anong nangyari? Bakit antagal mo?" tanong niya. Napangiti naman si Pepe, "May pinag-aralan lang ako," sabi niya.

Pagdating nila sa Century Island ay tumalon si Pepe sa pampang at tumakbo. Nilibot muli niya ang isla at pagbalik niya ay parang may nabubuo na siyang teorya. "Parang may mali, John. Walang ahas!" sabi ni Pepe habang nakatingin kay John. "Sigurado ka?" Tanong ni John. "Oo," sagot naman ni Pepe.

"Ano kayang dahilan sa tingin mo?" sabi ni John.

"Parang may nag-aalaga ng mga ahas dito. Diba ang dami ng ahas sa bahay nila?" sabi ni Pepe.

Napangiti si John at nanlaki ang mata. Tinuro niya ang isang daliri kay Pepe, "NAG-AALAGA, yan ang keyword diba? So ibig sabihin maaring may tumatawag sa kanila ngayon kaya walang ahas?" Tumaas ang dalawang kilay ni Pepe, "Yan din ang naiisip ko," sabi niya.

"Pero parehas pa din ang problema natin. Hindi pa din natin alam kung saan sila nagtatago," sabi ni John. "Bumalik kaya tayo sa templo?" sabi ni Pepe.

"Ayoko! Pwede bang subukan muna natin magtanong? Sabi naman nong driver may nakakita daw sa lolo ni Pia," sabi ni John at pumayag naman si Pepe. Wala ng tao sa Century Island kaya lumipat ang dalawa sa Children's Island kung saan mayroon ding mga nabibili na pagkain.

"Ayun matanda," bulong ni John kay Pepe habang kumakain sila ng kanin at ulam. Nakaupo ang matanda sa isang upuan sa labas ng kanilang kinakainan at nakaharap sa dagat. Tulala ito at parang may malalim na iniisip.

Nagmadali kumaen ang dalawa at lumapit sa matanda, "Lola, magandang gabi po," sabi ni John. Tumango naman ang matanda sa kanila subalit tumingin ulit ito sa dagat.

"Lola, excuse po. May itatanong lang po sana ako," sabi ni John. Tumango lang ulit ang matanda. Nagkatinginan naman ang dalawang binata bago nagtanong ulit si John, "May kilala po ba kayong Ricardo Reyes?"

Lumaki ang mata ng matanda, "Kilala ko iyan! Masamang tao yan! Mangkukulam! Miyembro ng kulto!" sabi ng matanda. "Kahapon meron din naghahanap sa kanila na isang lalaki at babae at kanina bangka na lang nila ang nakita," dagdag ng matanda.

"Saan pong Island sila huling nakita?" tanong ni John.

"Sa Bat Islands!" sagot ng matanda.

"Salamat po Lola!" sabi ni John at Pepe.

"Saan kayo pupunta? Wag nyo silang hanapin! Baka mawala din kayo!" sabi ng matanda.

***********************************************************************************************

Any reactions? Please comment and vote! Maraming salamat!




Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
343K 10.5K 40
Instead of partying and enjoying the luxurious life in the city, mas gusto pa nilang mag barkada ang nature tripping and adventure. They visited diff...
65.6K 2.7K 84
"Why do I feel like I've known you?" - Grei "Tss! Rubbish." - Axelle "Pero ngayon lang kita nakita." - Grei A forgotten memory, friendship and love...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017