Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

710K 19.8K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

17

12.9K 382 33
By reina_khaleesi

Deireen

"I need you Dee.."

Halos mawalan ako ng ulirat sa sinabi niya sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko habang ang bibig ko naman ay bumubuka't nagsasara ngunit wala din naman doong lumalabas na salita.

Anong sabi niya?

Kailangan niya ako? Kailangan na para bang..

"H-ha?" nauutal kong tanong, di maiwasan na umasang muli.

Is this it? May nararamdaman kaya siya sa akin? Posible kaya?

"I need you.." bulong niyang muli sabay tanggal sa kanyang jacket. Kahit ilang beses ko nang nakita ang harapang iyon, parang bata na namamangha pa rin ako sa bawat sandaling nakakaulayaw ko ang pakete niya. Namilog ang mga mata ko dahil sa gulat at pagkasabik.

Anong ginagawa niya at bakit siya naghuhubad? Wait..

Ang ibig sabihin niya ba ay.. need.. as in need? As in, 'I need you like a man needs a woman'? As in, 'I need you under me or I'm gonna die of blueballs'. That kind of need?

Oh my God. Hindi ako mamamatay na virgin. Thank you Lord!

"Um, Ruzz, w-w-what are you--?"

Ngumisi siya sa gawi ko saka ikinawit ang daliri para palapitin ako sa kanya. At ako namang si timang, ang lupet ko kasi, para akong nahipnotismong lumapit sa tao na dapat sana ay sinusubukan ko nang kalimutan at layuan sa mga oras na yun.

"I need you..." saad niya ulit nang hindi tinatanggal ang pagkakahinang ng mga mata namin. "to tend to my bruise.."

Natigil akong bigla sa paglakad na parang natulos sa kinatatayuan ko. Ang mga matang kanina ay kumikinang ng pag-asa ay unti-unting nangunot.

"A-a-ano?"

"Tingnan mo to, may pasa pa ako sa bibig, may namumuo pang blackeye,  tapos yung ribs ko.. ahhh.. Mukhang nabalian yata ako ng ilang buto." patuloy niya sa sinasabi, walang kamuwang-muwang sa reaksiyon na nangyayari sa akin.

Nang pumasok sa isip ko ang ibig niyang sabihin, halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagkasiphayo. Ang mundo na nagsisimula ko nang itayong muli ay nagkaroon ng bitak na unti-unting lumaki hanggang sa tuluyan na ngang gumuho at maglahong parang bula. Kung gaano ko siya kabilis na itinayo, ganun din siya kabilis na nawala.

I need you to tend to me! Yemas na yan! Akala ko kung ano naman.. Tend lang pala. TEND!

"Mahihirapan akong gumalaw pag may bali ako sa dibdib kaya kailangan mo akong gamutin. Total naman ay kasalanan ito ng boyfriend mong.." hindi niya tinuloy ang sasabihin, sa halip ay umismid na lang siya saka ginalaw-galaw ang kanyang panga at tumingin sa gawi ko na parang naghihintay.

Napabuntong hininga ako.

Naghihintay na i-tend ko siya. Bwiset.

Nakakasarkastiko talaga ang lalaki na ito. Kung hindi ko lang siguro to mahal, baka matagal ko na tong binalian ng buto. Ako pa mismo ang kakarate sa gwapo niyang pagmumukha.

"Hey! Wait, saan ka pupunta?" tanong niya nang magsimula akong maglakad patungo sa banyo.

Tumigil ako at binalingan siya gamit ang isang masamang tingin.

"Hahabulin ko ang boyfriend ko!" nanggagalaiti kong sagot pagkatapos ay nagsimula na namang maglakad.

"Hoy! Akala ko ba ako ang type mo!?  Anong kalokohan to? Hoy Deireen!" sigaw siya ng sigaw pero binalibag ko ang pinto kaya natigil din siya.

Pinapakiramdaman niya siguro kung totoo ang sinabi ko ngunit nung wala siyang narinig na pagbukas ng lock sa main door, ay hindi na rin siya ulit magsalita.

Kinuha ko ang first aid kit sa medicine cabinet ngunit hindi pa ako nakakaisang hakbang pabalik nang bigla siyang sumigaw muli mula sa loob.

"So hindi mo talaga itatanggi na boyfriend mo yung... yung... kumag na yun?" patay-malisya ang tanong niya kaya pinagkibit balikat ko na lang iyon na parang walang narinig.

Naglakad ako pabalik at walang imik na naupo sa harapan niya para ayusin ang kanyang mga pasa.

"Kamay.." walang emosyong turan ko saka inilahad ang palad ko para ibigay niya ang kamay niya sa akin.

He tentatively moved his hands until it was safely nestled near mine saka ko ginamot ang sugat niya doon. Naglalagay na ako ng bandage ng bigla na naman siyang magsalita.

"So..." untag niya.

Ayokong tumunghay lalo at gahibla ng buhok ang layo namin, kaya nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko na parang walang naririnig.

"...he's really your boyfried?" pagtatapos niya sa tanong.

"What is it to you?" iritadong tanong ko. Kasi diba, pinapaasa niya na naman ako sa mga walang-kwenta niyang tanong e. Mabuti kung hindi ko siya gusto, kahit lokohin niya pa akong papakasalan niya ako, wala lang sa akin yun. Pero dahil may gusto ako sa kanya, kahit simpleng tanong na ganun, parang may meaning na yun sa akin!

"Nothing!" agaran niyang sagot.

Wala pala e! Bakit ka pa nagtatanong, punyemas ka!

Hindi na ako nag-abala pang magsalita kundi ay nagpatuloy na lang. Kinuha ko ang betadine at naglagay sa bulak pagkatapos ay inilagay iyon sa mga dumugong bahagi ng kanyang katawan. Maya-maya lang ay mapapaigtad siya sa sakit ngunit hindi na rin nagreklamo pa.

Nasa parteng mukha na ako ng magsalita siyang muli. Inaayos ko ang pumutok niyang kilay at kailangan ko ng malapitang inspeksyon para maayos iyon.

"Soooo..."

Napabuga ako ng hangin, kasabay ng buntong hininga niya.

Hala wait..

Di ako nagsepilyo.

Nag-inuman kami ni Zed tapos amoy alak pa ako.

Yuck lang. Kanina ko pa hinihingahan ang mukha niya. Buti na lang at hindi pa siya nawawalan ng malay sa lagay na to.

"Damn."

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang mahinang mura na kumawala sa kanya.

Ang mga mata ko na nakatutok sa kanyang pasa ay nalipat ang tingin sa mga mata niya na napansin kong nakatitig din sa bibig ko.

Di kaya hindi niya na kaya? Napapamura na siya dahil sa sama ng amoy? Pininid ko ang bibig ko pero maya-maya ay napilitan din akong magsalita.

"Masakit ba?" nag-aalalang tanong ko. Ginagawa ko ang lahat para pagaanin ang kamay ko at nang hindi siya masyadong masaktan.

Umiling siya.

Takte, sinasabi ko na nga ba e. Nababahuan na siguro ang loko, di niya lang masabi.

"Step a little farther away." saad niya pagdaka. Hindi niya tinatanggal ang pagkakatitig siya sa bibig ko habang nagsasalita siya kaya lalong tumibay ang ebidensiya na nasusulasok na siya sa amoy ng alak.

Pinalalayo niya pa ako!

Kung hindi pa sapat na ebidensiya yun Deireen. Ikaw na talagang babae ka!

Tinikom ko ang bibig at hindi na nagsalita. Nakakahiya talaga.

Ilang minuto kaming nanatiling ganun hanggang sa binasag niyang muli ang katahimikan.

"What's your paste?"

My eyes snapped back to his face.

"H-huh?"

"Toothpaste?" tanong niya ulit.

Napaatras ako sa kahihiyan. Ang pisngi na kanina ay nanlalamig dahil sa aircon ay biglang uminit na parang puputok na bulkan. Hindi ko mapigilan ang otomatikong paglaki ng mga mata ko sa sobrang panggigilalas.

"Toothpaste?" parang zombie na panggagaya ko sa sinasabi niya.

"Yeah. You're breath smells like cinamon and wine and something really..."

"Really.." 

Naghintay ako sa sunod niyang sasabihin.

Something really mabaho?

Something really nakakasulasok?

"Nice.." mahina niyang turan.

Sabog.

Ang.

Puso.

Ilang minuto ding pinroseso ng utak ko ang sinabi niya. At pagkatapos nun ay parang gusto kong gumiling-giling tapos mag-split tapos mag break-dance. Gusto kong tumalon sa San Juanico Bridge at mag bungee jump. Gusto kong sumigaw ng sobrang malakas at tumawa ng walang humpay.

Lumapit siya sa akin kaya medyo lumayo ako ng bahagya.

"W-what are you doing?" I breathed.

Tinitigan niya ang bibig ko habang pakiramdam ko naman ay nanunuyo na ang lalamunan ko sa sobrang bilis ng pintig ng aking puso. Binasa ko ang mga labi ko at sinundan niya naman ng tingin iyon.

Napasinghap ako sa gulat ng maramdaman ko ang pagdampi ng malapad niyang palad sa aking likuran kasabay ng mahinang paghigit niya sa akin palapit.

Ngumisi siya at nagsabi, "I think I really wanna.. I have to---"

My lips started parting automatically on their own as if sensing something that my mind is trying to catch up yet.

"What?" bulong ko naman.

"I need to ****"

Huh!?

Hindi ko narinig ang sinabi niya kasi biglang napuno ng nakakatulig na tunog ng nagriring na telepono ang buong unit. Napunta ang atensyon namin sa telepono na nasa hindi kalayuan.

Ibinalik ko ang atensyon sa kanya, "Ano nga ulit yun?" tanong ko.

He shook his head as of clearing it from cobwebs and previous insane ideas. Nanlumo ako sa sunod niyang sinabi.

"Mm.. Nothing."

Agad akong nagkumahog na makatayo ng maayos, halos mag-apoy na ang pisngi ko sa kahihiyan kasi aminin ko man sa hindi, halata na iisa lang ang nais kong mangyari ng mga sandaling iyon.

Walang lingon-lingong tinungo ko ang lugar na kinalalagyan ng nag-eeskandalong telepono. Sigurado ako na si Zed iyon at malamang ay nangungumusta na siya sa akin.

"Princess.." bungad niya sa akin. Medyo namamalat ang boses niya kaya nag-alala ako agad.

"Are you okay? What's wrong with your voice?" tanong ko.

"Nothing.." sumigok siya. Naglapat ang mga kilay ko.

"Are you crying?"

"No.. No, malamig ang hangin at medyo namamaos ako." paliwanag niya na hindi ko naman pinaniwalaan.

"Baby Zed..."

"Asan ka na? Nasa loob ka na? Did you lock your door? How are you feeling?"
Napangiti ako sa kawalan. This man is so perfect, I don't know what he saw in me.

"I'm fine. Ang dami mong tanong." natatawa kong turan. "Yes, I'm inside, yes I locked the door. Umuwi ka na at matulog ka na, okay?"

Narinig ko ulit ang mahinang sigok and this time, sigurado na ako na umiiyak siya.

"I love you Princess.."

"I..." naalala ko na hindi na pala i love you ng kaibigan ang sinasabi niya kaya natigil ako.

"Please say it, kahit bilang kaibigan lang Dee.." nagmamakaawa siya. Ang kaibigan ko na mahal na mahal ko bilang isang kaibigan ay nagmakaawa na mahalin ko siya.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko sa sinabi niya. What I would give to love him as he loves me-- if I would just be given a chance to choose whom I'll love next time, I would choose him. I would choose not to hurt him.

"I love you too." saad ko.

Dahan-dahan kong ibinalik ang telepono sa cradle saka naglakad papunta sa kanya. Pinahid ko ang luha ko at suminghot.

"I'll apply the cream and then you can go."  matigas kong saad ng hindi tinitingnan ang kanyang mga mata.

Kinuha ko ang soothing cream saka binuksan iyon. Akmang ilalagay ko na iyon sa pasa niya ng biglang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Why are you suddenly so cold?" tanong niya din gamit ang matigas na boses.

"I'm not. But I'm tired so.."

"Hindi." kunot-noo niyang saad. "Kanina lang, kulang na ipagsigawan mo na gusto mong halikan kita, tapos nakausap mo lang yung hilaw na yun, para ka nang matigas na bakal. Anong problema mo?"

"Wala.."

"Tell me, damn it!" singhal niya.

Napatitig ako sa galit niyang mukha. Galit siya pero kahit konti ay hindi nabawasan ang angkin niyang kagwapuhan. Mukhang mas naging kaakit-akit pa nga siya sa paningin ko.
At teka nga, bakit ba siya nagagalit?

"What do you want to hear!?" ganting sigaw ko din. Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya at naiirita ako. Kasi hindi ko mabasa kung anong gusto niyang mangyari.

"Mahal mo ba siya Deireen?"

"Oo!" simple kong saad.

Hindi niya na kailangan pang malaman na mahal ko si Zed bilang kaibigan lang at hindi na hihigit pa doon. Kahit kailan.

A storm passed his face but he controlled it until all I can see is the former nonchalance. Yung wala na namang pakialam na reaksyon.

"Mahal mo siya?" pag-uulit niya na parang nangungumpirma.

Sinubukan kong iwaksi ang pagkakahawak niya pero mahigpit iyon at alam kong makakaalis lang ako kapag ginusto niya.

"Bakit ba kasi Ruzz? Bakit?"

"Do I need a reason? Tinatanong ko lang naman--"

"Hindi nga kasi!" sigaw ko muli. "Hindi mo ako pwedeng tanungin kung boyfriend ko siya o mahal ko siya kasi may meaning sa akin yun! Naiintindihan mo!? May meaning sa akin lahat ng sinasabi mo kaya please lang! Maawa ka sa akin at wag mong guguluhin ang utak ko."

"I'm not--"

"I know, okay? You don't mean anything. So don't move and let me finish with this."

Ginagawa ko talaga ang lahat para hindi pumatak ang luha ko pero may sariling utak yung mga bruha, nagsitakas sila at umagos sa pisngi ko.

Hindi ko na nga lang pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang gawain ko.

"Dee.."

Umiling ako para sabihin na wag na siyang magsasalita.

"Go." pananaboy ko nang matapos ang gamutan at habang inaayos ang mga gamit pabalik sa kit.

Tumayo ako pero naalala ko yung resignation letter.

"And Sir.." my voice went all formal. "I already put my second resignation on your table." malamig kong saad.

"Akala ko ba napag-usapan na natin to Deireen? No more resignation unless you really--"

"But I want to." maagap kong saad.  "I want to resign.. in five days."

Hinatak niya ako pabalik nang magsimula na akong maglakad patungo sa CR.

"You said you love me!?" namumula ang mukha niya ngunit hindi ko alam kung anong emosyon ang namamayani sa puso niya ngayon. Kung inis, iritasyon, pagkabigla o guilt? Hindi ko rin alam ang koneksyon ng pagmamahal ko sa kanya at sa resignation ko.

Ang katunayan ay wala na akong pakialam. Tanggap ko na. Tanggap ko na na kung ano man ang mga reaksyon niyang iyon ay wala naman iyong kinalaman sa pagmamahal. Kasi hinidi niya nga ako mahal!

"Pwede ba Ruzzia! Tama na! Oo mahal kita, kailangan bang ulit-ulitin yun? Oo na.. mahal na mahal na mahal kita pero iba ang mahal mo tanggap ko din iyon. Pero wag mo naman akong pinapaasa ng ganito, please lang! Kasi nakakapagod na din na araw-araw na lang akong nasasaktan!" sa lakas ng boses ko, mas nakakabingi ang katahimikan na bumalot sa amin matapos iyon.

Lumamlam ang mga mata niya. "So you love me anyway."

Nalaglag ang panga ko.

Narinig niya ba ako? Nakikinig ba siya sa akin? Sa hinaba-haba ng sinabi ko, yun lang ang importante sa kanya?

"You love me.." patuloy niya pa rin na parang walang ibang narinig.

"So?" naiinis kong saad. Ano naman ngayon?

"You love me...so don't go around calling people 'baby' because that's mine." nagtama ang mga mata namin at lalong kumabog ang dibdib ko. "And you don't just pop 'I love you' to every person you talk to, because that mine too."

"W-what?" naguguluhan kong tanong.
"You love me so you don't go around bringing guys to your place unless it's me."

"Are you out of your mind?" hinihingal kong saad.

"You love me so you don't get out of my life unless I tell you to."

Iyon ang huling sinabi niya bago siya tuluyang nag-walk out palabas ng apartment ko.

Samantalang ako, nakatayo.

Nagpoproseso.

Hindi makagalaw sa sobrang pagkabigla.

Nababaliw na ako.

Kinurot ko ang braso para magising sa kung ano mang klase ng panaginip ang namamayani sa akin.

Nag-iinuman kami ni Zed at baka nakatulog lang ako. Mas posible pang mangyari iyon. Mas posibleng nananaginip ako kaysa isipin na totoo ang mga binitawan niyang salita.

Kaso masakit yung kurot. Masakit din yung sampal.

Masakit din ang puso ko sa sobrang saya.

----

A/N: tenenenen.. Hahaha. Pashnea. Gikilig ako.

Salamat sa support bebeloves.

Continue Reading

You'll Also Like

43M 907K 54
After being dumped by her boyfriend because 'she's too much of a prude,' straight-A student Dana Ferrer enlists the kissing tutorial services of the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
92.4K 1.5K 54
a girl who wanted to know her real identity, personality who really she was, and her first everything of her life, childhood friend, brother and firs...
58.1K 1.5K 61
hindi alam ni girl na ang boss niya ay ang kaniyang ex nagulat ang boy na bumalik ang ex niya ulit then nainlove sila ulit happy ending aldub alden r...