Her Virgin Brother

Oleh crushyrushy

1.4M 19.7K 1.5K

'Ikaw. Ayoko sayo.' sabi ni EDRIK sa Bestfriend ng kapatid niyang si Colyn. Pero ng dahil sa isang pagkakamal... Lebih Banyak

Her Virgin Brother
HVB 1: The Elevator.. Uhmmm..
HVB 2: The Stripper
HVB 3: Strip na iyan!
HVB: He's LIME
HVB 6 : Past is Past
HVB 7: Two Lines
HVB 8: Panagutan na iyan!
HVB 9: First Step
HVB 10
HVB 11: *Pagkain*
HVB 12: Bulaklak
HVB 13
HVB 14:
HVB 15: I'm Starting to...
HVB 16: DEAD
HVB 18: Manipulative Hawk
HVB 19: FIVE Reasons
Her Virgin Brother: EPILOGUE

HVB 17: Regrets

54.2K 865 80
Oleh crushyrushy

Sorry sa naiwan na BITIn. I Love you. :)

Malapit na ENDING ng HVB :)) Hehehe!

----------

HVB 17: Regrets

<Edrick's POV>

Inilagay ko ang mga puting bulaklak sa puntod na iyon. Alam kong magugustuhan niya ang mga bulaklak na mismong ako ang pumili.

Nakikisama ang panahon sa pagluluksa ko. Makulimlim ang langit, hindi masyado mainit, hindi masyado malamig. Kaunting huni ng ibon ang maririnig mula sa kapaligiran.

Siguro kung nabuhay siya, paniguradong magiging sobrang saya ko.

Sa kaunting panahon na nakasama ko siya sobrang dinagdagan niya ng aliw ang buhay ko.

Pero sa isang iglap, nawala ang lahat.

Again, nawalan nanaman ako ng isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Tandang-tanda ko pa ang sabi ni Doctora.

"Imminent Abortion ang nangyari sa kanya."

"Abortion?" Nagtatakang tanong ko.

"It's not what you think, Mr. Garcia. Hindi hinayaang malaglag ang bata. Kusa ang nangyari at hindi sinasadya."

"Anong ibig sabihin niyo Doc?"

"May dalawang klase ang Abortion. Isa doon ay sapilitang inilabas. Sa case niya, kusa ang pagkamatay ng bata sa loob ng sinapupunan ng bata. Marahil ay dahil sa Stress, Environmental Factors, Hormonal Changes. Base sa interview niya kanina, bago siya nawalan ng malay ay nakaramdam siya ng masakit sa bandang tiyan at likod niya, na isa sa mga sintomas ng abortion. Kaya as soon as posible kailangan nating matanggal ang bata sa sinapupunan bago mainfect si Ms. Colyn."

Tiningnan ko si Colyn sa gilid ko. Maga ang mga mata nito at halatang depress sa mga nangyayari sa kanya.

Tumingin ako sa puntod ng sana ay magiging anak namin.

She was a Girl.

Tama nga ang hula namin, Babae ang panganay namin. Si Baby Ericka.

Pumikit ako. Hindi tamang makita ng anak ko na umiiyak ang Daddy niya.

"Baby.." Hinawakan ni Colyn yung stuff toy na binili namin na may tunog kapag pinipisil. "Sorry Baby. Naging pabaya si Mommy sayo.." Tumulo ang luha nito.

Ngayon ko lang nakita na ganito kalungkot si Colyn. At nasasaktan ako para sa kanya. Inakbayan ko siya habang nakaupo kami.

"Hindi ako kumain ng masustansyang pagkain. Sorry Baby. Nung may nakita na sana akong dugo, pumunta na ako sa OB. Sorry Baby." Yumuko ito. "Sorry Baby kung hindi naging magaling si Mommy. Sorry Baby.. Sorry Baby Ericka."

"Colyn. Tama na.. Makakasama sa iyo ito."

"Baby.. Sayang.. sayang hindi kita nakarga.. Hindi man lang kita nahalikan." Nilapag nito yung laruan sa lapag. "Marami kaming biniling damit at laruan sayo, Baby.. Patawarin mo ako.. Sorry Baby..." Lalo itong umiyak. "Sorry.."

Niyakap ko siya at hinalikan ang noo niya. Iyak lang siya ng iyak. At awang-awa ako habang paulit-ulit siyang nagsosorry sa anak namin.

"Wala kang kasalan, Colyn."

"No! Kasalanan ko ito Edrick!" Sinuntok nito yung balikat ko. "Kasalanan ko kung bakit namatay si Baby Ericka. Hindi nabuo yung pangarap kong pamilya.."

"No. No. No." Sa bawat suntok nito, niyayakap ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya na ayokong makita siyang malungkot at nasa ganitong kalagayan. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kanya..

"Edrick.." Ang higpit ng yakap nito. "I'm sorry.. Sorry.. Edrick.."

"It's okay. Please.. stop crying."

"Sorry... sorry.. sorry.."

Hinayaan ko na lang siya kung ano man ang sabihin niya. Basta ang alam ko hindi ko siya iiwan sa ganitong panahon. Hindi ko siya iiwan.. Hindi.. Never.

----

<Colyn's POV>

"Uhh..." Minulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang matinding sakit ng ulo. "Ang sakit.." Napahipo ako sa ulo ko. Ano bang nangyayari? Ang alam ko.. nasa sementeryo ako at ... at..

Nanubig nanaman ang mata ko. Baby Ericka..

Kasalanan ko lahat kung bakit namatay ang Baby ko. Pabaya akong ina. Hindi siguro ako karapatdapat magkaroon ng anak kasi napakalandi ko, matigas ang ulo ko, puro ako kalokohan.. Parusa siguro ito.

Ngayon nararamdaman ko na ang ibig sabihin ng MAWALAN. Mahirap. Malungkot at parang gusto mo ng sumunod sa kanya.

"Colyn?"

Napatingin ako nagsalita. Nakasungaw ang ulo ni Edrick sa pintuan. Lumapit ito sa akin at hinipo ang Noo ko. Napapikit naman ako.

"Medyo bumaba na yung lagnat mo." Hindi ako nagsalita at tumingin sa kanya. Nangangalumata siya at medyo wala sa ayos ang buhok. First time kong makita ng ganito si Edrick.

Siguro ng dahil sa anak namin.

Bakit ganoon? Kung kailan malapit na kaming maging masaya saka dumating yung ganito?

Noong nagising ako pagkatapos kong nawalan ng malay sa CR. Parang may nagbago sa akin. Parang may nawala. Parang may kulang..

At noong sinabi sa akin ni Edrick na namatay yung anak namin sa mismong sinapupunan ko. Sobra-sobra akong umiyak. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit namatay siya. Kasalanan ko.. kasalanan ko..

Naramdaman kong may pumahid ng luha sa pisngi ko. Nakapikit ako pero naiimagine ko yung mukha ni Edrick.

"Maghapon ka ng umiiyak.."

"Edrick.."

Minulat ko ang mata ko. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama.

"Pabaya ako...."

"Wala kang kasalanan.." Huminga ito ng malalim. "Masakit.. Oo, lalo na sa akin. Dalawang taong importante sa aking ang nawala.." Tumingin ito sa baba niya. "Ikaw nga ang nagsabi, pagnakita niya tayong malungkot. Mas malulungkot siya. Kaya, tigilan mo na ang pagiyak." Tumingin ulit ito sa akin. "She's an Angel now.. Siguro hindi para sa atin si Baby Ericka.. kaya tumahan ka na diyan."

Ngayon ko nagpatantong mahirap pala magmove-on pag ikaw yung nasa sitwasyon. Ang galing ko magbigay ng Advice pero nung sa akin na nangyari nahihirapan na akong magadjust.

Ang hirap.. Ang hirap pala..

Humiga ito sa tabi ko saka ako niyakap. Pinatong nito yung ulo niya sa balikat ko.

"Don't cry, Colyn. Makakamove on din tayo."

"Thank You, Edrick."

"You're welcome." Hinalikan ako nito sa noo. "Matulog ka na."

Pumikit ako at nagpasalamat sa hindi pagiwan ni Edrick sa akin sa mga ganitong sitwasyon.

Idagdag pa na nadinig ko si Edrick na may sinabing kayang magpatumbling ng puso ko.

"I Love You Colyn."

Haaay.. Napakagandang panaginip..

-----

Nakatayo ako sa gilid ng kama at tinitingnan si Edrick habang natutulog. Napangiti ako. Ilang sandali na lang.. iiwan ko na siya.

Oo, iiwan ko siya. Wala ng dahilan para magstay pa ako sa kanya dahil wala na rin naman akong hawak sa kanya. Wala ng anak namin. Ano pang gagawin ko dito sa Condo niya?

Oo, pinangako ko na hindi ako maggigiveup. Hindi naman talaga ako maggigive up sa kanya.. I need time.. Space.. Sobra-sobrang depression ang nararamdaman ko at ayokong makita ako ni Edrick sa ganitong sitwasyon.

"Edrick.." Hinipo ko ang pisngi niya. "Babalik ako.."

Hinalikan ko siya sa pisngi. Ilang buwan pa lang ako sa kanya parang sanay na sanay na ako sa bahay niya.

Nilibot ng mata ko ang buong kwarto. Mamimiss kong matulog dito. Mamimiss ko yung lambingan namin.. Pero kailangan kong umalis. Kailangan ko muna magpahinga.. Kailangan ko muna lumayo sa kanya..

Kinuha ko yung maleta ko at bagpack saka binuksan ang pintuan ng kwarto. Muli kong tiningnan si Edrick bago lumabas ng Condo niya.

Ilang sandali lang ay nasa labas na ako ng Building upang magantay ng Taxi at dalhin ako kung saan ko gusto ng may humablot sa braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Where do you think you're going?!"

"E-edrick!" Nagulat ako sa kanya. Nakapajama shorts pa ito at Tshirt at halatang tumakbo dahil hinihingal pa siya. "Akala ko tulog ka."

"Kung hindi pa tumawag sa akin yung receptionist para sabihing umalis ka ng dis-oras ng gabi, baka tulog pa rin ako ngayon at hindi na kita inabutan."

Bigla kong naalala kung bakit ako umalis sa Condo niya. Hinablot ko yung braso ko mula sa kanya at nagsimulang magabang ng Taxi.

"Saan ka ba pupunta at dala mo pa lahat ng gamit mo?" Kinuha nito yung maleta ko pera iniwas ko lang mula sa kanya.

"Pabayaan mo muna ako." Hindi ako tumitingin sa kanya. Naghahanap ako ng Taxi.

"Bakit kita pababayaan?" Pilit nitong kinukuha yung maleta ko. Pero pilit ko namang nilalayo. "Bumalik na tayo sa loob, Colyn. Malamig at baka mabinat ka."

"No." Pagmamatigas ko. "Ikaw ang bumalik."

"Hindi ako babalik ng hindi kita kasama."

Tumingin ako sa kanya. Bakit ganyan siya kung makatitig sa akin? Bakit ganyan siya magsalita?

"Umalis ka na Edrick." Naglakad-takbo ako palayo sa kanya. Hinila ko yung maleta ko. Pero sumusunod pa din siya.

"Bakit ka ba aalis? Okay naman tayo ah."

"None of your business."

"Ano bang problema mo?"

Huminto ako. Huminto din siya tyaka ko tinulak yung balikat niya.

"Ikaw, anong problema mo?! Bakit ba hindi mo na lang ako paalisin? Samantalang dati kating-kati ka ng paalisin ako!"

"Dati yun. Hindi ngayon." Kalmado pa rin nitong sabi.

"Ganoon pa rin yon!" Sigaw ko. Naglakad ulit ako palayo sa kanya. "Umuwi ka na! Hindi ka ba nahihiya sa suot mo!"

"Hindi ako uuwi ng hindi ka kasama." Kasunod ko pa rin siya. "Tyaka anong problema sa suot ko?"

Hindi ko siya sinagot. Bakit ba kasi walang Taxi?! Dapat marami ng nandito sa paligid ah!

"Akala ko ba hindi ka maggigiveup sa akin?" Bulong nito. Dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"Tanga mo!" Sinuntok ko siya. "Sinong nagsabi na magigiveup ako sayo?! Hindi kita isusuko no!"

"Eh bakit ka aalis?"

"Gusto ko muna ng Time and Space! Gusto ko muna mawala yung depression sa paligid ko! Gusto ko muna lumayo! Gusto ko mapagisa!"

"Sa Outer Space meron. Sasamahan pa kita." Biro nito.

Bakit ba puro na lang biro ang dating ko sa kanya?! Pwede bang seryosohin niya muna ako?!

Tumalikod ako saka tumakbo at naglakas loob tumawid.

"Sh*t Colyn!" sigaw nito.

Narinig ko yung mga kotse sa paligid kong nagsihintuan at bumusina sa akin.

"Hoy! Kung magpapakamatay ka wag kang mangdamay!"

Rinig na rinig ko yung sigaw at puro preno at busina ng kotse sa paligid.

Samantalang ako, diretso lang ang tingin ko. Nakakainis talaga iyang Edrick na iyan! Kailan niya ako seseryosohin?! Kapag nagkaanak ulit ako?! Kapag namatayan ulit ako?!

Nanubig nanaman yung mga mata ko. Hindi ko makita yung daan.. Hanggang sa may humablot nanaman sa braso ko. Aalma sana ako ng dalhin ako nito sa Center Island ng Hiway.

"Kung may problema kayo ng Girlfriend niyo ayusin niyo!"

"Tangina niyo! Mamatay na kayo pareho!"

Malalakas at sunod-sunod na busina ang sumunod kong narinig. Nakayuko lang ako habang umiiyak.

"Magpapakamatay ka ba!" Sigaw ni Edrick. Hinawakan ako nito sa balikat. "Hindi mo ba nakita! Malalaking Truck ang nasa daan!"

Sinuntok ko siya. "Puro biro ka na lang! Nakakaasar ka! Kailan mo ba seseryosohin ang sinasabi ko?!"

"Seryoso naman ako ah!"

"Eh di pumunta ka ng Outer Space magisa!"

"Isasama kita!" sigaw nito.

"Magisa ka!" Naktitig lang siya sa kin. Naasar ako. "Ang pangit mo!"

"Ang daldal mo!"

"Ang laki ng pwet mo!"

"Ang tigas ng ulo mo!"

"Ugh!!" Tatalikod sana ako ng bigla ako nitong hinarap mula sa kanya. "Ano?!"

"Mahal kita!"

"Mahal din kita!"

"Good! Ngayon pwede na kitang halikan!"

Bigla nitong hinawakan nitong ang bewang ko pinunta palapit sa kanya saka niya ako hinalikan. Sa sobrang gulat ko naibagsak ko yung maleta ko at dilat na dilat ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

Kitang kita kong ngumiti habang hinahalikan ako. Ilang sandali lang ay lumayo ito sa akin at mas lalong lumaki ang ngiti.

Tulalang hinawakan ko yung labi ko at tinuro siya.

"What?" Mayabang na sabi nito.

"A-anong s-sabi mo?"

"Ang tigas ng ulo m--"

"Hindi! Yung pagkatapos non!"

"Ahh.." Ngumiti ulit ito sa akin. "Mahal kita."

Kitang kita kong nagningning ang mga mata nito.

Mahal ako ni Edrick? Teka, mahal na ako ni Edrick?!

"Weh?" Wala sa sariling nasabi ko. "Di nga? Joke ba iyan?"

Kitang kita kong nagbago ang itsura ng mukha nito. Halos matawa ako sa ginawa niya.

"Dati, kating-kati kang marinig na mahal kita, ngayong sinabi ko hindi ka naniniwala. Ano ba talaga?"

Napangiti ako. Sa lahat ng magandang nangyari.. Isa ito sa magandang isulat sa kwento ng buhay ko..

Meaning.. nagtagumpay ako?

"Mahal kita, Colyn." Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Huwag ka ng umalis sa akin. Huwag ka ng magsolo.." Lumayo ito pinantay yung mata niya sa mata ko. "Kasi kung nasaan ka, susunod ako. Please? Dito ka na lang sa akin."

"Kulang ang convincing power mo." Nagpout ako. "Halikan mo kaya ako?"

Dinampian nito yung labi ko. "Satisfied?"

Humindi ako. "Kulang pa dagda---"

Pinutol nito yung sasabihin ko at mas malalim na halik ang binigay niya sa akin. Kagaya ng dati, sinagot ko iyon at kumapit sa leeg niya bago ako lumayo.

"Salamat sa pangugulo sa buhay ko.."

"Ako nga ang Rainbow mo diba?"

"At si Baby Ericka ang angel natin." Niyakap ako nito ng mahigpit. "Kung nasaan man siya masaya siya para sa atin. Kasi kung meron mang magandang naidulot yung pagkawala niya. Yun yung nalaman ko sa sarili kong mahal kita."

Tumango ako. Ang sarap sa feeling. Parang kanina, depress na depress ako tapos ngayon ang saya-saya ko na!

Lihim akong napangiti.

Lime, Thank You.. alagaan mo si Baby Ericka diyan ha?

"Oh kung gusto mo?" Nagtatakang tiningnan ko siya. "Sundan na natin agad si Baby Ericka." Nagwink pa ito.

Kinurot ko siya. Napa-Aw siya bigla. Malanding bata ito. "Ang sabi ni Dra. Huwag muna ngayon.." Naggrinned ako. "Bukas pwede." Tinaas taas ko pa yung kilay ko.

Sinabayan ako nito ng ngisi at inakbayan. "Halika na. Para makarami tayo."

Kung lagi ba namang ganito, panigurado walang paglalagyan ang anak namin sa bahay. Natawa ako sa naisip ko.

Lime.. Thank You ulit. Lord, Salamat po ah!

----

Malapit na siya matapos.. 2Chapters and EPILOGUE :) Yahoo! Masisimulan ko na ang TVW Book2 and Khristel's Story :) Maiba naman :)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

923K 56.6K 93
Hello Duology, Book #1 || Just when I thought I got over from the ghost of the past, another person started haunting me.
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
95.5K 8.1K 40
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
615K 18K 70
This story is the story of Luke Evan's parents. Saan nga ba nagmula ang lahi ng Palermo na malalandi?