Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

704K 19.7K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

16

12.3K 348 24
By reina_khaleesi

Deireen

Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa amin matapos ang nangyari. Nakaupo lang ako sa tabi at nakatulala habang si Zed naman ay maya't maya ang sabunot sa buhok.

Naaawa ako sa kanya, lalo at kaibigan ko siya at alam ko ang pakiramdam ng hindi ka minamahal ng taong mahal mo.

Alam na alam ko.

"Zed.." untag ko nang mapuno na ako sa kakaibang katahimikan.

"Don't. Wag ka munang magsasalita. I need a moment... please."

Itinikom ko ang bibig pagkatapos nun at hindi na muli pang nagsalita. My heart is breaking inside of me. Dati iniisip ko na ang pinakamalalang pwedeng mangyayari sa isang tao ay ang habang-buhay kang masasaktan, ngayon hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung alin ang mas malala, ang masaktan ng taong mahal mo, o ang manakit ng taong nagmamahal sayo.

Kasi habang tinititigan ko si Zed, pakiramdam ko ay gumuguho din ang mundo ko. I can't bear to see him in pain, but I can't also make him hope that there is a future between us.

Kasi kung hindi lang naman si Ruzz, mas mabuti na ang wala.

"I have to go Princess. I'll see you in the morning." saad niya sabay tayo. Nakita kong medyo gumiray siya kaya agad akong dumulog para umalalay.

"I don't think you can drive in this condition. Dito ka muna matulog." turan ko.

Umiling siya saka kinalas ang pagkakahawak ko sa kanyang braso.

"I'll be fine. Wag mo na akong ihatid sa labas. Kaya ko ang sarili ko."

"No. Kung ayaw mong matulog dito, hayaan mo akong ihatid kita sa labas. Please Zed. I don't want our friendship to get ruined."

Napatitig siya sa akin and then he grunted but didn't say a word.

I opened the door and waited for him outside. Malamig ang simoy ng hangin at medyo malakas din iyon, na para bang may paparating na bagyo. Madilim ang paligid, maliban na lang sa sensor light na nagbukas ng maramdaman ang presensiya ko, ngunit ang tanging nasasakop lang niyon ay ang lugar sa harap ng aking kwarto.

Tumingin ako sa gawi ni Zed. Ang ulo niya ay nakaluyloy na parang pagod na pagod na sa mundo. At marahil iyon mismo ang nadarama niya ngayon.

Nang tumunghay siya, napasinghap ako ng makita ko ang mga guhit ng palad ko sa kanyang pisngi.

"Zed, hindi pa pala natatanggal, oh my god, I'm so sorry." hinaplos ko ang mukha niya at iniharap sa ilaw. Medyo nawawala na ngunit ang pamumula ay matingkad pa rin, na parang nagngangalit.

"Wala yun ano ka ba. Sanay na ako sa mga kalmot ng kuting." saad niya sabay ngiti.

Kahit may malaking trapal ng kalungkutan na nakatabing sa puso ko, hindi ko pa rin napigilan ang tawa na kumawala. Ngunit agad ding nawala ang tawa at napalitan ng kalungkutan.

Napahawak ako sa damit ko para humugot ng lakas. Hindi na ako pwedeng umiyak, sawang sawa na akong umiyak.

"I don't know how to make things okay. But I know everything will be fine. I'm sorry for causing you pain, but I am not the ---"

Hindi ko natapos ang sasabihin kasi inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko na parang pinapatahimik ako.

Kasabay nito ay ang bigla ring pagbukas ng pinto ng unit na katabi ko kaya nagbukas din ang sensor light sa harap niyon. Naligo ng liwanag ang pasilyo naming dalawa.

Nakita ko ang pagguhit ng pagkabigla sa mga mata ni Zed, mas halata dahil sa liwanag ng paligid.

Agad niyang hinawakan ang beywang ko at umikot upang matakpan ng katawan niya ang paningin ko sa harap. Hindi ko tuloy nakita kung sino ang lumabas, lalo at nakakatawa ang reaksiyon niya ngayon.

Malamang ayaw niyang malaman ko kasi isa yun sa mga babae niya dati. Kilala ko pa naman silang lahat. Baka nag-aalangan siya kasi nagsabi siya ng nararamdaman niya sa akin kanina.

"Ano ka ba Zed, sino ba yang tinatago mo diyan sa likod mo?" natatawa kong saad habang sinusubukan na kumawala sa pagkakahawak niya sa aking beywang.

"Stop looking Dee. Hindi siya importante kung sino man siya."

"Then why are you acting so weird? Babae mo no! Asus, patingin ako!" pangungulit ko pa. I tried looking over at his shoulders pero dahil nakapaa lang ako ngayon, abot ko lang ang kanyang dibdib.

Kapag tumitingin naman ako sa kanan, lumilipat ang katawan niya dun, at kapag sa kaliwa, ganun din naman ang ginagawa niya. Sa huli, nairita na ako at hinampas ko ng malakas ang kanyang braso.

"Pwede ba Zed! Titingnan ko lang naman, what's wrong with you!" mahinang singhal ko para kaming dalawa lang ang makarinig. Hindi ko alam kung asan na yung tao kasi hindi naman dumaan sa gawi namin gayong doon naman talaga ang daanan palabas ng building.

"Deireen.. May problema ba dito?" tanong bigla ng ibang boses.

Lalaki.

Pamilyar.

Punyeta.

Parang nakuryenteng itinulak ko si Zed paalis sa pagkakatakip sa katawan ko para lang tumambad sa akin ang nakakunot noong mukha ni Ruzzia. Wala siyang suot sa taas maliban na lang sa isang bukas na jacket at kulay grey na sweat pants. Abot hanggang sa may puson lang ang pagkakatakip ng sweat pants na iyon kaya nakahantad sa buong mundo ang kaluwalhatian ng kanyang buong pagkatao. I mean, ang kanyang abs.

Kumurap-kurap ako ng ilang beses, tumitingin sa gawi ng pinto na nilabasan niya at sa kanya ng paulit-ulit saka lulunok muli.

"A-a-anong--"

"Tara na. Pumasok ka na sa loob." biglang hinatak ni Zed ang braso ko ng mahigpit kaya napangiwi ako sa sakit na dinulot niyon.

Pero agad din naman siyang natigil ng hawakan din siya ni Ruzz sa balikat.

"Let her go." matigas na saad nito.

Naglaban ng tingin ang dalawa na parang mababangis na hayop na maya-maya lang ay magbubunguan na ng sungay. Kulang na lang ay may lumabas na usok sa mga ilong nila at magladlad ako ng pulang tela para magsimula na ang laban.

"Leave us alone. Hindi ka kasama sa usapang ito." ganting saad din ni Zed.

Nakita kong nagtiim bagang si Ruzz bago pinakawalan ang kaibigan ko na agad naman akong binalingan.

"Inside. Now." saad niya ngayon sa akin.

This time, it's my turn to bristle. Really Zed, sa buong buhay na magkasama tayo, hindi mo pa ako kilala? I don't react well to orders, dude.

"Hindi--"

"You are going inside now!" parang kulog na dumagundong ang boses na pinakawalan ni Zed habang itinuturo ang unit ko.

Napaatras ako hindi sa takot kundi sa pagkabigla and just then, all hell break loose.

And sunod ko na lang na alam ay ibinalibag na ni Ruzz si Zed sa pinto ng unit ko saka inipit ang leeg nito gamit ang kanyang braso.

"You don't get to shout at her you motherfucker!" singhal din sa kanya ni Ruzz.

Naningkit ang mga mata ni Zed at mula ka kawalan ay bigla nalang dumapo ang kamao nito sa panga ni Ruzzia dahilan para sumuray ito sa kawalan.

"Ruzzi! Oh my God! Tumigil kayo!" sigaw ko ngunit nawala din iyon ng magsimula na naman silang magbugbugan.

Nang makabawi ay agad din naman sumugod si Ruzzia hanggang sa matumba sila pareho at magpagulong-gulong sa sahig.

Mas nag-aalala ako ngayon kay Ruzz kasi ang alam ko, black belter sa taekwondo itong kaibigan ko at hindi pa siya natatalo ng kahit na sinong nakakabangga niya. If he would release his full force, baka bukas nasa ospital na si Ruzzia.

Sinubukan kong umawat ngunit muntik na akong maisahan ng mga mahiwagang suntok ni Zed kaya nagkasya na lang ako sa pagsisigaw sa tabi na tumigil ang dalawa.

I heard a grunt as Zed started pummeling Ruzz in the stomach pero hindi rin nagpahuli ang isa, ikinawit niya ang dalawang paa sa may ulo ni Zed at pinatihaya ito, pagkatapos ay siya naman ang gumawa ng ginawa ni Zed kanina.

Nanginginig ang mga kamay na tinakbo ko ang loob ng apartment ko hanggang sa marating ko ang telepono. Halos hindi na ako makapagsalita nung sinagot ng security ang tawag.

"Security Department, how may I help you."

"Eight floor, please. There's a commotion."

"What kind of commotion miss?"

"May nagsusuntukan po, please. Hindi ko sila maawat."

"We'll be right over."

Ibinaba ko ang tawag at muling lumabas.

"Zed Allistair!" hinatakot na sigaw ko nang makitang sinusubukan niyang ihulog si Ruzzia sa railing mula sa ikawalong palapag.

Parang may malaking kamay na pumiga sa puso ko dahilan para mawalan ako ng hininga at manikip iyon.

"Zed!" sigaw ko pa rin, at nagsimulang maglakad patungo sa kanila.

My knees were buckling so hard I can't walk straight. From here, I can see Ruzzia's eyes blazing with anger and challenge. Ang gago, siya na nga ang dehado, nagawa pang galitin ang kaibigan ko. E pano kung mamatay siya diyan!?

Mula sa likod ko ay narinig ko ang pagsidatingan ng security, may ilan na may hawak pang baril kung sakaling magmatigas ang mga nag-aaway. Pinalibutan nila ang dalawa at sinimulang kausapin.

Zed was now shaking when he realized what he was about to do. Mukhang natauhan na siya mula sa kanyang galit ngunit si Ruzz, he wants blood. Sukat ng pakawalan siya ni Zed ay sumugod na naman siya at dinagukan ito dahilan para matumbang muli ang kaibigan ko.

Agad namang umaksyon ang mga bodyguards at hinawakan ang magkabilang braso ni Ruzzia, habang si Zed naman ay nagtaas na lang ng kamay na parang sumusuko na.

"Come on, you fucker! Takot ka sa security, come on? Akala mo hindi ko halata ang ginagawa mo huh!?" nanggagalaiti si Ruzz habang hawak-hawak siya ng security, nagpapadyak pa siya para makawala samantalang si Zed naman ay nakatingin lang sa kanya at nasa mukha nakabalatay ang galit.

"Dalhin niyo na po yan, nanggugulo siya dito." matigas na saad ni Zed sa mga dumating, his hands clench into a white knuckled grip, na parang pinipigilan niya lang ang sarili.

"Siya ang nanggugulo dito, he's not even a resident here!" sigaw ni Ruzz.

Nag-akmang lalapit na naman si Zed pero pinigilan siya ng security.

"Sir? Hindi po kayo resident? Would you mind if we escort you out?" saad ng isa sa mga dumating.

"Damn it!" singhal niya. Pero agad din namang tumalima nang bumangis ang tingin ng sekyu. They honor client's wishes here at kung magmamatigas si Zed ay baka i-ban siya sa building. Ganun pa man nilapitan niya na muna ako.

"Are you okay?" bulong niya sa akin.

Tumango ako bilang pagsang-ayon saka itinulak na din siya palabas. Inihatid ko muna siya sa tapat ng elevator saka hinalikan sa pisngi.

"Take care." saad ko. "And don't do anything stupid."

May mga namumuo nang pasa sa paligid ng kanyang mata at cheekbone at kahit gusto kong gamutin iyon, mas gusto kong balikan si Ruzzia at tingnan kung ayos lang siya.

Ngumiti si Zed ng mapait saka binalingan ng tingin si Ruzz na kinakausap naman ng head security personnel. Nagtiim-bagang siya bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Dee. Wag nang magpakatanga please lang. Pumasok ka na sa kwarto mo, lock your door and don't ever come out."

Sinikap kong pagaanin ang boses para matanggal ang pangamba niya para sa akin. "Oo na po. Now stop obsessing. I'll see you tomorrow after I got back from work. Kakausapin ko si Skye and I need you there."

Tumango siya hanggang sa tuluyan na ngang magsarado ang elevator at mawala sila ng iba pang security sa aking paningin.

Bumuntong hininga ako saka nagsimulang bumalik sa harap ng unit kung saan nakatayo pa rin si Ruzz. He must have seen my pale face kasi nangunot na naman ang mukha niya at nagsimulang maglakad patungo sa akin. The head security was no where in sight now at dahil halos mag-uumaga na din kaya wala talagang katao-tao sa paligid.

"What's wrong?" diretsong tanong niya ng makalapit at mahawakan ang braso ko.

Sinubukan ko iyong palisin ngunit mas malakas siya at isa pa, nanghihina na din ako dahil sa pagbaba ng adrenaline sa dugo ko.

"I'm fine, napagod lang ako at at medyo nag-alala." mahina kong saad habang binabagtas ang daan pabalik sa unit ko. Paniguradong tatawag si Zed para siguraduhin kung nagawa ko ang sinabi niya at patay ako dun kapag hindi ko nasagot. It would only mean na kasama ko ang lalaking karibal niya and as much as posible, I don't want him feeling pained because of me.

Binuksan ko ang pinto at akmang isasara ko na iyon ng nilagpasan niya ako at nagtuloy-tuloy papasok ng condo unit ko as if he owns the place--that jerk, that gorgeous, mouth-watering hunk of a jerk.

"Hey--" singhal ko sa kawalan lalo at wala na din naman siya sa aking paningin.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang mga larawan niya na idinikit ko sa pader nung kadarating ko lang dito. Instead of putting up sayings or paintings or family pictures, tinadtad ko ang pader ng mga litrato na kuha ni Ruzzia mula nung high school hanggang sa kasalukuyan. Itsurang museo ng mukha ni Ruzzia ang kabuuan ng condo ko.

Wag lang siyang papasok sa kwarto kasi andun ang pinakanakakahiyang bagay na pwede niyang makita at paniguradong ikamamatay ko kapag nakita niya iyon. Mamamatay ako sa kahihiyan.

"Ahh, so this is how it looks like." saad niya habang inililibot ang paningin sa paligid.

Naramdaman ko ang paggapang ng dugo sa aking pisngi hanggang sa pakiramdam ko ay nangangamatis na ako sa sobrang pagkapahiya. Nakangiti kasi siya na parang pinagtatawanan ang ginawa ko sa kanyang mukha. He even has his lower lip bitten na parang pinipigil ang kumakawalang tawa.

"Anong ginagawa mo dito? Or better yet, anong ginagawa mo dito sa building na to?" nilakasan ko ang boses ko para hindi niya mapansin ang totoong nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

"I live here actually." nakataas ang kilay niya ng sinabi niya iyon as if daring me to contradict.

Live here? Kaya pala alam niya kung saan ako dadalhin nung nakaraan.

"Kelan pa? Bakit di ko man lang alam?" naguguluhan kong tanong.

"Two months ago. And I thought you knew that I'm here kaya ka sumunod sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko. Two months ago! Damn it. Sayang at hindi ko alam! God, mga nasayang na sandali!

"Kung alam ko, edi sana.." natigil ko ang sasabihin.

"Edi sana?" natatawa niyang saad.

Imbyerna! Bakit ba niya ako pinagtatawanan? Dati kung makaiwas siya sa akin para akong may sakit tapos ngayon, kung hindi ko lang siya kilala, baka isipin ko na nakikipaglandian siya sa akin.

"Edi sana... Ano bang ginagawa mo at sumunod ka sa loob? Balik na sa unit mo!" kunyari ay pagalit kong saad para iwala siya sa usapan.

From looking at his own pictures, he whirled and focus those intense eyes in my way. Ang natitirang hininga na pinipilit kong pagkasyahin sa baga ko ay naglaho nang tuluyan at hindi ko na nahabol pa. Parang natigil ang oras ng magtama ang mga mata namin, para akong nasa ibang dimesyon na tanging kami lang ang nakakaalam. Nanatili kaming ganun hanggang sa siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

Ngumisi siya bago naupo sa sofa tapos nagsabi.

"I need you Dee.."

---

A/N: bwahaha. Emeged..😁😁 i need you too ruzzi. Tahaha. 😍😍😍😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

744K 23K 45
Heartless Society: They are branded as Heartless because of their reputation in business world and even their relationship with women. They dont car...
299K 8.8K 52
Elites Book 4 Isang probinsyanang gustong sumubok ng kapalaran. Iniwan ni Mutya ang probinsya nila upang mahanap ang kapalaran sa Maynila. Sa kabila...
115K 4.3K 47
"In the hallowed institution of marriage, where love should bloom eternally, Denima Cris finds herself ensnared in a heart-wrenching tale. A forced u...
333K 17.5K 41
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...