Montereal Bastards 3: To Chas...

By reina_khaleesi

704K 19.7K 1.3K

UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan... More

AUTHOR'S NOTE
Copyright
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
13
14
15
16
17
Author's note..
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Epilogue

12

11.8K 370 11
By reina_khaleesi

Deireen

The second time I woke up was a lot better than the first. Una, mas maganda na ang pakiramdam ng katawan ko kumpara ng kahapon at mas malakas na ako ngayon.

A face was hovering over me so I decided to let my eyes adjust dahil may kalabuan pa ang paningin ko mula sa pagtulog. Kumurap-kurap ako ng ilang sandali at nang luminaw sa akin kung kaninong mukha iyon, I almost stumbled in haste.

"Mommy!"

Inilagay niya ang kanyang daliri sa bibig ko, signaling my silence and then continued listening to the doctor.

May katagalan na simula nung huli kaming magkita at nag-aalalang sinipat ko ang kanyang katawan. She's grown a little thinner than before at may mangilan-ngilan nang puti sa kanyang buhok. I've never remembered her looking like this --  a little too old for my liking.

Palaging iniisip ko na hindi tatanda si mommy. Since I was a child till the last time na magkita kami, she has always been the same. Ngayon lang yata siya tumanda sa paningin ko.

Her expression as she was listening can only be described as worry and determination. Nakakunot ang noo niya habang ang kanyang mga labi ay nakalapat sa isang matigas na linya. The doctor must have already told her about my decision.

Still, hindi na siya dapat pang magulat. We've already talked about this.

I am only getting a transplant kapag may pag-asa na ako. Kapag ang hinaharap ay nangangakong magiging mabuti para sa akin.

I am a coward, yes.

Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa naman mabuhay at makitang kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko.

"So Mrs. Masaga, we really have to do something to change her mind or else, tuluyan na siyang magpapaalam sa inyo."

Nakita kong namasa ng luha ang mga mata ng mommy ko dahil sa huling sinabi ng doctor. She looked at me then, and in her eyes, I can see her imploring me to think things through. Bago pa magbukas ang kanyang bibig, alam ko na kung anong sasabihin niya.

"Dee, please baby, let's have a transplant, huh? Narinig mo ba yung sinabi ng doctor? Your next attack could be your last." pagmamakaawa niya sa akin.

Ngumiti ako ng banayad sa gawi niya. I think nobody can ever change my mind now. I'll just have to wait. For me, death is sweeter knowing that you will finally leave the pain behind.

Maybe heaven is where I'll finally move on. Baka andun yung forever ko.

"We've talked about this right?" mahina kong saad. "We have already decided before I came back from the US."

Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko, ang kanyang mahabang kuko ay naramdaman kong bumabaon doon pero hindi ko na rin inalintana ang sakit.

"I want you to live! Deireen.. Dahil lang ba sa isang lalaki kaya ipapariwara mo na lang ang buhay mo?" tumaas ang boses ni mommy.

I know she hated Ruzz. Kahit noon pa man. Inagaw daw ako nito sa kanya. Sinaktan daw nito ang baby niya at kung bibigyan lang siya ng isa pang pagkakataon, gagawin niya daw ang lahat para saktan din ito. She told me once na si Ruzz daw ang malamang na naging dahilan kung bakit may sakit ako sa puso.

Tinawanan ko na lang siya. Whatever I have, I got it since birth. Kaya kung sisisihin niya si Ruzzia sa sakit ko, ibig sabihin ba nun, noon pa man ay sinasaktan na ako nito? Kahit bago pa kami mabuhay sa mundong ito?

Itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang kanyang mukha.

"I'll stay by your side for my last two weeks." saad ko na lang sa kanya. "We will be making our memories para kapag wala na ako, hindi mo ako mamimiss ng sobra kasi may maaalala ka tungkol sa akin."

Pagkasabi ko nun, my mom started her crying lag. Pakiramdam ko tuloy, buhay pa ako pero binabangkayan niya na ako sa klase ng iyak niya. Hindi na siya nagpaawat sa kakaiyak pagkatapos nun, kahit anong sabihin ko.

"Bakit kasi Dee?! I was a mother to you even before he came! Hindi mo man lang ba naisip kami na iiwan mo? How about Skylar and Zed Allistair?" tanong niyang muli.

Napapikit ako sa sinabi niya. Hindi ko sila iniisip, oo. Selfish kasi ako. Hindi ko iniisip yung mga taong nagmamahal sa akin. Ang iniisip ko lang ay iyong tao na kahit kailan ay hindi ako kayang mahalin.

"Sinasaktan ka ng Ruzzia Montereal na iyon pero Dee, that's exactly what you are doing to me. Pinapatay mo din ang pag-asa ko! I already lost your father Deireen Luz, I can't afford to lose you too!" she cried.

"Mom!" sigaw ko para matigil siya. "I want to leave this world peacefuly. Tinanggap ko na ang lahat, so please let me go."

I am saying exactly what Ruzzia have said to me last time. I am asking my mother to let me go. And I am doing it to lessen the guilt. Ruzzia's feelings have never been this clear to me. Ngayon ko lang napatunayan at naintindihan ang nararamdaman niya nung mga sandaling sobrang bait niya sa akin.

Yes, it was to lessen the guilt.

At mabuti na lang pala na hindi na ako nun nagpumilit sa kanya. Coz with the way mom is crying all over me, pakiramdam ko ay isang kalabit niya na lang at bibigay na ako.

Maybe, that was also the reason why he sent me home and why he kept on calling me.

A little sliver of pain made itself known in my chest kaya kinalma ko ang sarili. This time, I have to be extra careful. Hindi pwedeng masobrahan ako sa sakit. Hindi na kakayanin ng puso ko gaya ng dati.

"Pag mawala ka sa akin, susunod ako agad sa inyo ng papa mo." bulyaw niya na ikinangiti ko.

"You're bluffing."

Hindi siya umimik kaya tinitigan ko siya.

"You're bluffing right?" tanong ko ngayon. Medyo nag-aalala na.

Nakita kong umiling siya kaya napaupo ako ng wala sa oras.

"Mommy! Wag mong sabihing mag-susuicide ka?" hindi ako makapaniwala sa tinatakbo ng usapan namin.

"Wala naman akong gagawin pa sa mundong ito diba? Wala na ang mga taong mahalaga sa akin."

"Ang drama mo naman 'my.. So you are basically teaching me na kapag mamatay ang taong mahal ko, dapat ay susunod na din ako, is that it?"

"No!" sigaw niya dahilan para matawa ako. "Stop twisting my words you brat!"

"Iisa ang pusod natin 'my. Tanggapin mo na ang katotohanan na pareho tayo ng ugali."

Bumuntong hininga siya. I know my mom. Kung makulit ako, mas makulit siya. Kung persistent ako, mas persistent siya.

"Pwede ka na daw umuwi sabi ng doctor. You're going home with me." saad niya.

"Mom, just one week please. One week na lang, I promise I will take care of myself. Aayusin ko lang ang mga iiwan ko." pakiusap ko sa kanya.

Kakausapin ko muna si Skye, magbobonding kami ni Zed at sasabihin ko kay Ruzz sa huling pagkakataon na mahal ko siya.

One last time.

She looks exasperated. Kung halos pa lang ay tanggalin niya na ako sa lugar na ito kaso hindi niya ako matiis. My mom spoiled my like crazy.

"One week Deireen. Pagkatapos niyan, sinasabi ko sayo, wala ka nang magagawa kahit magmakaawa ka pa." matigas niyang saad.

I smiled and kissed her. "Thank you mommy."

We went home after that. Dinala niya ako sa condo ko and was loathe to leave me alone pero sinabi ko na hanggang sa labas na lang siya ng building. Ayokong pumasok siya sa unit kasi mas mahihirapan siyang iwanan ako dun.

When we were traveling back, naitanong ko kung paano niya ako nahanap. She just looked at me curiously and told me something that goes like, 'you think I'll leave you alone without an eye around?'

I took what she said as a sign that she has people following me around. Kaya siguro medyo malakas din ang loob niyang iwanan ako at hayaan sa mga gusto ko. May mga tauhan siya sa paligid na nagbabantay sa akin. In a way, it made me feel infinitely safer.

"Bye mommy, take care of yourself." bulong ko sa kanya nang makalabas ako ng kotse.

She smiled bitterly and kissed my cheek before letting me go from a very tight embrace.

"You take care of yourself Deireen. Please come back to me after one week. Maghihintay ako."

Ginantihan ko ang kanyang ngiti at tumango. I send them away with a wave of a hand all the time never letting the smile fade.

Nung wala na sila sa paningin ko, saka ko lang hinawakan ang puso ko ng mahigpit. Mas madalas ang pagdating ng sakit. I am now starting to doubt na aabot pa ako ng two weeks sa kalagayan ko ngayon.

Feeling ko, any minute now is my last.

Dahan-dahan kong tinahak ang lugar na patungo sa condo unit ko. Even my steps are measured so as not to tax my heart. Pumasok ako sa elevator at naghintay sa makarating ako sa tamang floor hanggang sa tumunog iyon, hudyat ng pagdating ko sa aking destinasyon.

Bumuntong hininga ako bago lumabas, the thoughts on how to tell my friends about my condition momentarily blinding me from my surroundings.

I continued my trudge towards my door ngunit natigil ako ng may gumalaw sa gilid ng mata ko. Tumunghay ako at nakita ko ang nakayukong mukha ni Ruzzia.

He was standing at my door, with his hands hidden in his pockets while his other leg was bent, his soles pointing towards my door. He's not yet alerted with my presence so I used the moment to study him.

Hindi ako gumalaw. Sa halip ay pinakatitigan ko siya ng mabuti. I am committing to memory this one moment. Gusto kong may aalalahanin ako at iiimagine sa mga huling araw ng buhay ko. I could say a thousand words with the way he was standing there and I can feel them swirling in my head. Together with a thousand more questions.

Bakit siya andito? Anong kailangan niya? Why does he look like shit and why is he not in his office?

What does this mean?

Nagsimula na namang bumuo ng mga haka-haka ang utak ko ngunit sa huli, kinastigo ko rin ang sarili.

Ako lang naman kasi ang nagpapahirap sa sarili ko diba? Hindi niya naman ako pinilit na mahalin siya. Ni hindi niya nga ako pinasakay kahit minsan sa buong buhay namin. Ako lang talaga si miss assumera. Pinipilit ang ibang tao na mahalin ako.

"Ruzzia.." sukat pagkasabi ko ng pangalan niya, agad siyang napatayo ng tuwid at tumingin sa gawi ko.

I saw how his eyes shone with something I couldn't read, something I did not bother to read anyway.

"Dee.."

Napangiti ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Like a caress. Sayang lang at hindi totoo.

"I'm sorry, hindi ako nakapasok kahapon at ngayon pala. It's already somewhere late in the afternoon so.."

"That's fine. It's fine. You weren't answering your calls so I thought I'd drop by."

Tumingin ako sa nakapinid kong pintuan.
"Matagal ka na dito?" tanong ko na lang.

"Uh, no. Just... Actually, kadarating ko lang." ngumiti siya sa akin pero hindi ako gumanti, dahilan para mawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Do you need anything?" tanong ko ulit. I didn't mean to sound harsh but that's exactly what went out of my mouth.

Umiling siya. "Nothing. Uh, are you..." natigil siya sa pagsasalita at nailagay ang kamay sa batok. Hindi niya matapos-tapos ang gusto niyang sabihin kaya tinulungan ko na lang.

"Okay? Yes, I'm fine. No worries." simpleng tugon ko.

Isang nakabibinging katahimikan ang naganap pagkatapos nun. It was kinda awkward not knowing what to do. Dati kasi kapag ganitong magkasama kami, I would have started flirting him or doing my moves to make him mine. But not this time.

Not today.

"Okay.. Well, do you need anything?"

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Aside from I want from him, I don't need anything kaya umiling ako.

I just need some peace and quiet today. Tomorrow, inaasahan ko na babalik na ang dati kong ugali. Jovial and enthusiastic, if only a little forced. But at least, not like this. Gusto kong mamatay na nakangiti. Gusto kong iyon ang mukhang dadalhin sa ala-ala ng mga kaibigan ko. And even him.

"I don't need anything from you. But thank you."

I saw how his eyes momentarily widen because of my words. Kahit ako ay napangiwi. Hindi ko lubos maisip kung saan nagmumula ang masasakit na salita.

Nakita kong yumuko siya at umalis sa harap ng pinto.

"Thanks for being okay. I'll be going then." saad niya.

Hindi na ako nag-atubili pang sundan siya ng tingin. The tears that I've held back started rushing out of my eyes.

Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto, bumigay ang mga paa ko at humandusay ako sa sahig. My heart is beating like crazy.

I know I have to stop.

But I don't know how.

---

A/N: ruzz, what are you doing dyan dear? Ano ba talaga is your purpose? Penny for your thoughts?

Tenkei sa votes and comments if there be.

Continue Reading

You'll Also Like

305K 7K 50
Thalia Marie Victorio & Lucas Hernandez's Story "Alam kong mahirap na mapatawad mo ako dahil sa lahat ng kasalanan ko sa'yo, but I'll respect you and...
937K 23.4K 29
[FINISHED] Jango Dela Merced was Vivi's set of first. First crush. First suitor. First kiss. First love. Kahit ang virginity niya ay nakuha rin ni Ja...
8K 105 21
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS Against All Odds Wife Series (Collaboration) (Novella) Sabrina Alonzo-Fortalejo is enjoying her peaceful...
115K 4.3K 47
"In the hallowed institution of marriage, where love should bloom eternally, Denima Cris finds herself ensnared in a heart-wrenching tale. A forced u...